MAYA's POV Ngayon na ang araw na ilalabas ang resulta ng exam namin, kinakabahan ako sa resulta, makakapasa kaya ako? kung makapasa man ako, kasali kaya ako sa mga nasa special sections nila? haynako sana naman "MAYAAAAAA! TARA NA! ANO KA BA ANG BAGAL MO!" sigaw ng babaeng nakalunok ng speaker sa labas ng kwarto ko, kahit kelan talaga ang bunganga nito ni luna di magawang tumahimik man lang kahit isang araw lang.. "oo na ito na wag ka na magwala jan, baka biglang gumuho yung bahay namin sa lakas ng boses mo ee" sagot ko habang palabas ng kwarto para makaalis na rin kami papunta ng cidium, itong babae naman to excited na excited parang di kinakabahan sa resulta ng exam tsk... " naeexcite na ko, alam mo ba gusto ko uli makita yung lalaking gwapo na nakasabay ko magexam ahahaha" dire diretso niyang kwento habang pababa kami, kaya naman pala atat na atat samantalang napakaaga pa... "ang landi mo rin ee noh?" agad kong pambabasag sa kwento nya, kaya't agad nya akong tinapunan ng masamang tingin.. hahahaha ang harot kasi "MAMAA! AALIS NA PO KAMI!" sigaw ko kay mama dahil mukang may ginagawa sa kusina, tapos na rin naman ako kumilos kanina pa, kinuha ko lang gamit ko sa taas at inayos nung dumating si Luna, sya lang talaga tong atat na atat para lang makita yung gwapong lalaki kuno nung makarating kami ng CIDIUM ACADEMY marami ng student na naglalabas pasok, kaya't pumasok na rin kami para malaman ang resulta, sobrang lakas ng kabog ng dibdob ko sa sobrang kaba... sana talaga makapasok ako nagantay pa kami ng ilang minuto para masilip ang bulletin board dahil sa dami ng students na naghahanap ng pangalan nila, nung nasa harap na kami ay biglang tumili ang katabi ko at tuwang tuwang kumapit sa braso ko... "waaahhh! nakapasa ko AL!" sobrang tuwa nga sya dahil natawag nya kong AL, buti pa sya nakita nya agad pangalan nya.... "kaso hindi nga lang ako kasama sa kahit isang sikat na section nila, pero hayaan mo na atleast nakapasa ko, kaya dapat ikaw din, tara tulungan kita maghanap" mabilis nyang sabi sakin na akala mo di nauubusan ng hininga sa pagsasalita ng dire diretso at walang preno naghanap kami sa sampung nakapaskil na papel pero nakakailang ulit na kami at hindi pa rin namin mahanap ang pangalan ko, hindi ba ko nakapasa? T_T sigurado naman ako sa mga sagot ko ee pero bakit ganun "amm.. maya? wag ka mag alala hanap pa tayo ibang school, basta kung nasaan ka dun din ako, sasamahan kita" pagcocomfort nya sakin, pero itong cidium ang pangarap kong school ee, pano na yan waaahhh!! umiyak iyak pa ko ng ilang minuto nung biglang nag announce ang isang lalaking nakasalamin sa bandang bulletin... may iilan pang mga student dito para tumingin ng result at yung iba ay nakakunot na ang mga noo at nagiisip ng malalim na ani mo'y may mali... " I have another list to post, ang list na to ay ang mga student na kasama sa special sections ng cidium.. congratulations for those students who made it" after niyang sabihin yun ay umalis na sya at karamihan samin ay nagdadalawang isip tingnan ang list na pinaskil ng lalaki titingnan ko pa ba? ayokong umsa na kasama ako doon, pero wala naman sigurong masama tingnan hindi ba? wala namang mawawala sakin... napansin kong may lumapit na lalaki sa list, naaalala ko sya, sya yung lalaking nakasama ko sa room nung exam na tinitigan din ng kakaiba nung babaeng prof nang halos matapos na nya basahin ang list ay napahinto sya sa isang papel at gulat na nakatingin dito, ilang minuto lang ay napangisi sya at umalis ng bulletin board ... nakapasok kaya sya?? gusto ko rin makita, tama wala namang mawawala sakin agad akong tumayo at pumunta sa harap ng lists na bagong paskil lang, habang nakasunod saakin si Luna at mukang pati sya hinahanap ang pangalan ko, habang tumatagal nawawalan ako ng pag asa sa tuwing matatapos kong basahin ang list ng bawat section nalagpasan ko na ang MAHALIA, HAMARI at VENYARD, tatlong section na pero wala pa rin ang pangalan ko.. pero may dalawa pa kaya may pag asa pa... pinagpatuloy ko ang pagbabasa at ATHERIAN na ang list na binabasa ko, kung di ako nagkakamali ang section na to ay ang mga student na kinakitaan ng talento pagdating sa codes and ciphers, mystery solving, and logic, di naman masama kung naandito ako kaya sana lang makita ko na ang pangalan ko... maya maya pa bago matapos ang list ay nakita ko.... nakita ko ang pangalan ko sa listahan ng ATHERIAN, halos matuwa ako sa nakita ko, natupad na ang pangarap ko di lang makapasok ng cidium ngunit isa pa sa sikat na section nila "MAYA ALKINA FERNANDEZ" basa ko pang muli sa pangalan ko, humarap ako kay luna at nagtatatalon kami sa tuwa, di ko mapigilan yung sayang nararamdaman ko, nilingon ko muli ang listahan at napadako ang tingin ko sa ibabang parte nito... may nakasulat na note... Note: please proceed to the gymnasium if your name is on the list, thank you -SC President ayan ang nakasulat sa note, mukang may dapat pang pagusapan tungkol dito, at doon din siguro pumunta yung lalaki kanina na naunang tumingin sa listahan, hindi nagtagal ay sunod sunod na ang tumingin sa list, at tulad ko ay maraming natuwa at dumiretso na sa gymnasium ng school... nagpaalam muna ako kay luna na pupunta ng gymnasium kaya't naghintay na lamang sya sa isa sa mga benches ng school, at pagkatapos ay pumunta na ako ng gymnasium... nung marating ko ito ay marami rami na rin ang mga student na nasa loob, nakapila sila ng hiwa hiwalay, may biglang lumapit sa akin na lalaking matangkad.. "miss, what section are you in?" tanong nya sakin, mukang kailangan namin pumila according sa section na nakapasok kami.. "sa ATHERIAN" sagot ko sa kanya, agad nya kong sinamahan papunta sa pila ng section ng ATHERIAN marami na rin kami sa pila, mukang mas lamang ang section ng venyard sa lahat ng section dito.... "Hi! dito ka rin?? sa wakas may kasama na akong girl sa section na ito!" biglang sabi ng babaeng nasa harap ko, nagtaka ko sa sinabi nya at tinanaw ang pila namin, at tama sya kaming dalawa pa lang ang babae sa section na ito.. tinanaw ko pa ang ibang section at nasa HAMARI at MAHALIA halos ang ibang babae "ahm, hello I'm Maya Alkina Fernandez, nice to meet you hehe" naiilang kong pakilala sa kanya, agad nya itong inabot at ngiting ngiti syang nagpakilala rin saakin... " I'm Yra Lucifera Gomez, but call me Yra na lang ayoko ng second name ko ee di bagay sa muka ko hahahaha" tuwang tuwa nyang pagpapakilala sa akin, ang jolly nya grabe, magkakasundo rin sila ni luna pag nagkataon "you can call me maya or AL if u want" agad ko ring sagot sa kanya "oww, I like the AL maikli lang tas ang cute" komento nya sa sinabi ko, ano namang cute sa word na AL? agree ako sa maikli sya oo, 2 letters lang eh, pero cute? nagdaldal pa sya nung kung ano ano, like pangarap nya raw pumasok dito, kahit naman ako pangarap ko talaga, gusto nya sa section ng Mahalia pero tulad ko dito sya napunta, nagtanong sya sa akin kung may idea ko sa section namin kaya sinabi ko lahat ng alam ko sa bawat section, habang sya ay parang batang naaamaze "eh? bakit naandito ako? di ko naman specialty itong section natin" agad nyang sagot, nakakapagtaka nga naman iyon... ang daldal nya sa totoo lang di sya nauubusan ng sasabihin, para talaga syang si Luna ilang saglit pa ay mukang kompleto na ang lahat at may umakyat sa taas ng stage, kaya't nanahimik na ang lahat.... yung babaeng pumasok nung exam room namin at yung lalaking nakasalamin kanina na nagpaskil ng list sa bulletin board biglang nagsalita yung lalaking nakasalamin " Good morning everyone, I'm the SC President of CIDIUM ACADEMY, lahat kayo na naandito ngayon ay parte na ng special section na meron ang cidium, at mukang may idea naman na kayo sa section na naroon kayo?? kung hindi pa ay ipapaliwanag ko" paguumpisa nya, marinig mo pa lang ang boses nya alam mo nang may position sya sa school na ito "ang MAHALIA ay kilala sa kanilang innocence and popularity, maging ang galing nila pagdating sa ibat ibang uri ng arts" pagpapaliwanag nya pa " ang HAMARI ay ang mga taong nangangalaga at pumoprotekta sa kapaligiran natin, they are the one that are knowledgeable in nature" dagdag nya pa " VENYARD and ATHERIAN are most likely similar but venyard is more on sciences and math, while the atherians are solving mysteries, problems, codes and ciphers, and logic"sabi nya habang nakatingin saamin " and lastly the HIRAYA you are the one incharge in peace of the school like us in SC, kayo ang tutulong samin na maiwasan ang gulo dito, ganun na rin sa medicines, marami kayong aaralin na tungkol sa mga gamot na magagamit at matutuklasan pa, kasama nyo rito ay ang HAMARI dahil sila ang may hawak sa mga halamang mayroon tayo" after nya magpaliwanag ay lumingon sya sa babaeng prof at tumango, agad naglakad sa gitna ang babae at nagsalita ito, hanggang ngayon nakakaintimidate pa rin sya kung titingnan mo " everyone! you are the chosen ones of each sections, kaya wag ninyo kaming bibiguin, posible kayong mapatalsik sa section na meron kayo o mailipat kung kinakailangan" paguumpisa nya, kung ganun pwede pa rin kami mailipat sa iba pang section "malilipat lamang kayo kung ang abilidad na meron kayo ay di tugma sa section na kinaroroonan ninyo, at matatanggal kayo sa oras na may nilabag kayo rules ng school at maging ang rules na meron ang bawat special section" pagpapaliwanag nya pa sa amin, di ko nabasa ang mga ito sa article kaya kailangan ko makinig ng mabuti kung ayaw kong mapatalsik " una, lahat ng matututunan ninyo ay sa inyo lang at di pwedeng lumabas pa sa ibang tao, lahat ng malalaman ninyo sa mga section nyo ay dapat sa inyo lang" ang pagkakasabi nya ng rule na yan ay nakakatakot, parang sa oras na labagin namin di na kami uli makakapasok pa dito " pangalawa, lahat kayo ay required na magdorm dito, libre ang dorms ninyo maging ang uniform at badge, kaya malaki ang expectation ng school sa inyo" woah dorm at libre pa, mukang masaya yun " pangatlo at huling rule, ang abilidad na mayroon kayo ay di nyo pwedeng gamitin sa masamang bagay o gawain dahil oras na malaman namin iyon ay mapapatalsik kayo agad agad, di lang sa section na naroon kayo ngunit pati na rin sa eskwelahan na ito" pananakot nya pa, oo pananakot dahil nakakatakot talaga sya kung magsalita after ng iba pang explanation ay pinapirma kami, isa itong kasulatan na isa kami sa section namin at umagree kami sa lahat ng mga paliwanag, maging ang pagstay sa school... libre na ang uniform namin dahil merong nakalaan na budget ang school para sa section namin, may kasama rin daw itong badge, ang badge na meron kami ay ang logo ng section namin.. nagpaalam na ko kay yra dahil nagaantay na sakin si luna, kawawa naman yun nagantay ng matagal at paniguradong gutom na.. "Mayaaaa! ang tagal mo tara na gutom na ko kumain na tayo, ano sinabi sa inyo doon" diretso nyang tanong nanaman, kahit kailan talaga itong babaeng to walang preno ang bunganga inexplain ko sa kanya ang ang sinabi doon, kaunting impormasyon lang at yung di lalabag sa rule, mahirap na di pa ko nakakapasok baka tanggal na ko, sinabi ko lang sa kanya yung info sa kada section, yung sa dorm, uniform at badge, pati na yung posible na malilipat kami or matatanggal sa section. kumain na kami at umuwi ng bahay, ganun din ang eksena sa bahay, nagtanong sila ng nagtanong, para kong iniinterview ng mga paparazzi, wala namang kaso kay mama ang dorm, support lang daw sya sa pangarap ko kaya ayos lang sa kanya... agad akong umakyat sa kwarto ko at natulog, naabutan ko pa ang pusa kong tulog sa higaan ko, kaya't tinabihan ko sya at nagpahinga na, napakahaba ng araw ko kaya namiss ko ang kama.... naeexcite na ko pumasok CIDIUM ACADEMY See you soon...
I like it 😊
18/07
0next pls
24/07/2023
0new update sana?
22/05/2023
0ดูทั้งหมด