logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 3 THE FAMOUS SECTIONS

MAYA's POV
Nakauwi akong nagiisip at inaalala ang nangyari nung time ng exam.. guni guni ko nga lang kaya yun?? para kasi talagang totoo, ang kinang ng mata nya
"Ate Al!" may biglang dire diretsong pumasok sa kwarto ko, yung kapatid kong walang modo pero mukang may kailangan dahil tinawag akong ATE AL tatawagin nya lang akong ganyan pag may kailangan sya
"hehehe ate kamusta exam mo sa cidium?" ngingiting ngiti nyang tanong sakin, tingnan ko pa lang sya halatang may kailangan at ayoko ng ganyang pagmumukha nya
"Hoy Yari! tigil tigilan mo ko sa ganyang ngiti mo na yan alam ko na yan at AYOKO kaya pwede ka ng lumabas ng kwarto ko shoo!" pagtataboy ko sa kanya, umayaw na agad ako kahit di nya pa sinasabi tsk bahala sya
" ehh! ate dali na samahan mo ko magswimming kasama sila raizen di ako papayagan ni mama kung di ka daw sasama para magbantay ee, tsk ginagawa akong bata ni mama" pagpapaliwanag nya, ganyan yan sya sa tuwing may lakad sila ng mga kaibigan nya ay kukulitin nya ko sumama sa kanila dahil di sya pinapayagan ni mama na wala daw nagbabantay sa kanya dahil maloko ang batang yan
si Raizen ay pinsan ni Luna spoiled ang batang yun kaya okay lang sakanila na maglalakwtsa, si mama kasi medyo may pagkastrict since maagang nawala ang daddy namin naging tatay na rin sya samin
"dali na ate kasama naman si Noona kaya di ka mabobored" ang tinutukoy nyang noona ay si luna buti pa yun ang sweet nya dun jusko palibhasa magkasundo sila sa pangaasar sakin pati na rin ang paguugali nila ay magkavibes sila
"pagiisipan ko shoo! umalis ka na ng kwarto ko" pagtataboy ko sa kanya at bumusangot syang umalis ng kwarto ko, maya maya ay may biglang nag dire diretso nanamang pumasok sa kwarto ko
ang napakasipag kumain na alaga kong pusa, agad syang tumalon sa kama ko at pumwesto sa kumot ko at natulog, kung hindi kain ang ginagawa nyan ay pagtulog, kulay itim syang pusa na may pag kabrown, his name is HUSKY yez husky dahil ang meow nya ay kala mo nagconcert dahil di mo na marinig ang meow nya sa sobrang hina at ani moy paos na paos
pumunta ako sa desktop ko at nagresearch about sa cidium, ayun sa mga article na nababasa ko ang cidium ay napakasikat talagang eskwelahan, di lang dito sa pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa, dahil dito nagmumula ang isa sa mga successful ngayon na mga tao sa industry.
iyan din ang dahilan kung bakit gusto ko makapasok dito dahil lahat ng mga estudyante nila dito ay nagiging successful talaga, napakadaming opportunities ang makukuha mo pag nalaman ng mga kumpanya na mula ka sa paaralang ito, lalo na kung nasa sikat kang section nila
speaking of sections ang sikat na section na meron sila ay ang MAHALIA, HAMARI, VENYARD, ATHERIAN, AT HIRAYA jusko kahit anong section lang jan basta makapasok ako sa limang yan laking pasalamat ko na, pero sana sa HAMARI ako mapunta, ang ganda lang pakinggan hahaha nagbasa pa ko ng ilang info dito at nakita kong may description ang bawat section sinasabi dito na ang bawat section ay iba iba ang characteristic na naayon at kinukuhang estudyante
sa MAHALIA nakapaloob dito ang mga estudyanteng magaling sa ibat ibang uri ng arts, mapamusika, pag guhit at iba pa.. nandito rin ang mga estudyante na sinasabing popular o kilalang tao, maging ang mga kilalang napakababait daw na estudyante ng cidium ay naandito...
paano naman kaya nila malalaman kung mabait talaga mga studyante na naandun hahahaha lahat naman ng tao may sama ng ugaling naitatago, sadyang alam lang nila paano ilalabas at kokontrolin iyon
sa HAMARI naman ay mga taong knowledgeable about sa nature, they are most likely the students na nangangalaga sa nature, meron silang goal project na inaachieve every year na pinagmamalaki ng school.. meron silang sariling lugar na pinagtataniman ng mga puno at mga halaman, lahat ng makikita mo sa garden ay gawa nila
once kong nasilip ang garden nila dahil matatanaw ito mula sa dinaanan namin noong papunta sa examination room, at masasabi kong napaka ganda talaga.. kung pupuntahan mo sya ng malapitan para kang nasa isang bentahan ng bulak sa dami ng halaman na sari sari.. sinabi rin dito na meron silang mini forest, di ko pa ito nakikita pero mukang maganda na, ngayon ko lang nalaman na ganun ang mga nasa HAMARI kaya mas lalo akong naeexcite na malaman kung nakapasok ako lalo na kung sa hamari ako mapupunta
next ay ang VENYARD nakakaintriga yung name, base sa nakalagay dito ang mga nasa venyard ay ang mga students na magaling sa ibat ibang uri ng science at math, sila ang mga studyanteng nangunguna pagdating sa mga subject na ito dahil dito nagmumula ang mga studyanteng talented at nabiyayaan ng galing at talino pagdating sa science at math..
hmm di na masama ang venyard pero parang ang boring dun dahil puro science at math lang, I like adventures at challenges kaya mas gusto ko yung mga bagong activities para sakin
ATHERIAN, kakaiba ang name ng section na to, sa dating pa lang ng section na to parang napaka competitive na at mataas sa ibang section.. sabi dito ang mga nasa atherian daw ay ang mga estudyante na may talent pagdating sa codes and ciphers, mysteries, and logic.. sila yung mga students na mahilig magdecode at magproduce ng secret communications
jusko di kaya masakit sa utak yun? pero sabagay mahilig din ako sa mga ganun dahil nakakachallenge makuha ang sagot sa isang bagay, minsan nakakastress lang talaga lalo na kung di mo mahanap yung tamang sagot,
and ang last section ay ang HIRAYA grabe ang sarap pakinggan hahaha.. sabi dito ay sila ang mga estudyante na nagpapanatili ng katahimikan sa school, may karapatan silang pagsabihan at sawayin ang mga students na nalabag sa rules ng school pati na ang mga nagsisimula ng gulo dito, ang mga estudyante na nasa HIRAYA ay kadalasang mga may posisyon sa student council.. sila rin ay ang mga taong may talento sa pag alam ng ibat ibang uri ng gamot, maging ang mga herbal medicines na magagamit, madalas ay kasama nila ang section ng HAMARI dahil sila ang may hawak ng mga halaman sa paaralan kasama na ang mga halamang gamot..
sa nababasa ko pa lang dito sa article na to naaamaze na ko paano pa kaya kapag naging isa ko sa isa sa mga section na yan... haynako sana makasurvive ako pero laking tuwa at pasasalamat ko na kung mangyari iyon..
nagbasa pa ko ng ilan pang info about sa cidium at nung nakaramdam na ko ng antok ay pinatay ko na ang desktop at humiga na upang matulog dahil inabot na ko ng alas dyes ng gabi sa kababasa...
next week malalaman na namin ang resulta kung nakapasa kami kaya sana talaga...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (12)

  • avatar
    DimaanoJazzmine Marie

    I like it 😊

    18/07

      0
  • avatar
    Chariza Caduhada

    next pls

    24/07/2023

      0
  • avatar
    China Coquilla

    new update sana?

    22/05/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด