logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Three

Vesta
Nang marating ko ang kanilang bahay, ay namangha ako dahil wala ni isang nagbago sa bahay ni Ninang Estella, tulad pa rin noong una ang pintura at ang gate ay ganoon pa rin. Marami ang mga halamang bulaklam sa harap ng dalawang palapag na bahay. How I miss this place so much. Palagi kami pumupunta dito ni Xyrell at nakikipaglaro kay Ashley at iilan sa aming mga kaibigan. Pumasok kami sa loob ng premises hanggang marating ang garahe. Pagkababa sa shutgun seat ay nakita ko ang aking Ninang Stella na papalapit sa amin. A big smile set in her beautiful face. I miss her so much.
Mabilis ang galaw ko papunta kay Ninang Stella at niyakap ito ng mahigpit na binigyan rin ako ng isang mainit na yakap. She didn't change that much maliban sa ilang hibla ng buhok na namumuti na. If ny parents still alive, they will have those white hairs too.
"Ikaw na ito Vesta? Ang laki muna at lalo kang gumanda," tuwang sabi ni Ninang Stella habang sinuri ang boung mukha ko.
"Opo tita, kayo nga po eh, nagbago na. Diba ang payat niyo noon? Payat parin kayo hanggang ngayon." Pabiro ko na ikinatawa ng huli.
"Ikaw naman, salamat. Nagdadiet kasi ako," bulong niya sa akin.
Napatawa ako sa sinagot ni Ninang.
Naalala ko ang noon, nasa sala silang dalawa ng aking ina, masayang nag-uusap at gumagawa ng cookies para sa amin. Then there was my dad and Ashley Dad, talking about fishing and their childhood in the sala.
"O, bakit lumungkot ang mukha mo? Baka gutom kana, tara sa loob. Hinanda kita ng paborito mong cookies." Akay ni Ninang Stella sa akin.
Kanina pa pumasok sa loob ng bahay si Ashley dala ang aking gamit. Ilang buwan lang ang agwat ng edad ko at ng aking pinsan. Vesta turned 20 last two months while Ashley will be turning 20 next month. Nasa 2nd year college pa ito dahil last year hindi ito nagaral dahil nagbakasyon ito sa brazil kasama ang ama na si Ninong Miguel.
Minsan sa isang buwan lang umuuwi ang ama nito sa pilipinas. Nasa brazil ang Trabaho nito.
Nagkwekwentohan kami ng ni Ninang Stella tungkol sa lugar hanggang dumako kay ninong at napadpad kay Ashley. Tawang-tawa ako sa mga kinwento ng aking ninang kay Ashley lalo na ang tungkol sa js prom ng pinsan.
"Naiiyak nga siya no'ng biglang kumanta si Sean sa stage. Sobrang gulat na gulat ang anak ko hindi niya akalaing kakanta si Sean. Alam mo naman iyong dalawa away bati pero totoong gusto pala ang isa't isa..." kinikilig na sabing tingin ni Ninang Stella kay Ashley na nakaupo sa solo couch.
Nakapatong ang dalawang paa ni Ashley sa kinauupuan. Busy sa phone nito. Katext yata ang nobyo.
"Mama naman eh, pati ba iyon ay ekwekwento mo kay Vesta?" sabi ni Ashley na naka-pout.
"Tapos yung papanaog si Sean sa stage, sigawan lahat papunta sa kinauupuan ng anak ko. Sobrang pula ng mukha at hindi makatingin ng deritso kay Sean," patuloy ni Ninang Stella.
"Mama, ako na lang magkwekwento kay Vesta. Nakakahiya." Biglang namula ang mukha ng aking pinsan. Tawang-tawa ako sa reaksiyon niya.
"Nang papalapit si Sean biglang napautot si nak ang lakas kaya nga napahinto sa paglapit si Sean lahat ng tao sa gym napadako ang tingin kay nak." At tumawa ng malakas ang aking ninang pati siya ako ay natawa.
Totoo? Umutot si Ashley?
Si Sean Dayle Dizon ang long time boyfriend ni Ashley. I never thought that they will be together knowing how the two hated each other in their childhood days Palaging aso't pusa ang dalawa kung mag-away. Kaibigan ni Ninang Stella ang mama ni Sean si Aunt Rose na kaibigan ng mama ko. At kaibigan naman ni Xyller si Sean palaging kasama nito saan man magpunta ang dalawa noong mga bata pa kami. Nag-aaral si Sean sa city kaya minsan lang ito nakaka-uwi.
"Si mama eh! I hate you na," simangot na ani ni Ashley na sobrang pula ng mukha.
"I love you nak, kahit ganoon mahal ka parin ni Sean." Malaking ngiti nito sa anak.
"Grabe, Ashley? Umutot ka ng malakas?" iniinis na sabi ko dito.
"Hindi ahh..." deny ni Ashley.
"Hindi ko naman iyon sinadya eh bigla na lang." Nahihiya amin nito. Lalong sumimangot ang mukha nito nang marinig ang tawa ng kanyang ina.
"Si mama naman eh! Binalikbalikan pa ang nakakahiyang ala-alang iyon. Argh! Nakakahiya kay pinsan, iyon talaga kinuwento mo," hiyang-hiya na sabi ni pinsan at namumula na ang mukha.
Nagbabasa si ako ng libro ni Conan Arthur Doyle, adventure of sherlock holmes, gabi na at nasa sala ako mag-isa na naka-upo sa couch. Kanina pa natulog ang aking Ninang Estella samantalang busy sa pagsasayaw si Ashley ng sayaw na hindi ko alam kung ano. Para itong bulate sa ginagawa. Mabuti at nakahead seat ito habang ginagawa iyon, at hindi ito naiistorbo sa ginagawa ko.
Officially enrolled na ako salamat sa hulog langit na pinsan. Mabuti at naintindihan nito ang nais ko hindi tulad ng kanyang Tita ellena. Masama pa rin ang loob ko sa kanya.
Why they don't understand? Why? Why they're so afraid?
Ano ba ang dahilan at ayaw sabihin ni Tita Ellena? I don't want to think bad things at her. I love her even though she acted that way, and I understand her.
Lumipat ako sa ibang pahina at nagpatuloy sa binabasa.
*******
Nilapitan ko si Ashley, nandito lang pala siya. Kanina ko pa ito hinahanap.
Sino kaya tinatawag niya?
"Ashley! Bakit mo ako iniwan sa Comfort room?" kaagad na tanong ko. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit nandito siya.
"Sayang umalis na siya." Dinig ko sa sinabi ni Ashley. Sinong siya?
"Sinong umalis?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Iyong gwapong guy, bago. Hindi nakuha name niya at phone number. Gosh, insan. Ang gwapo niya." Para siyang bulate na kinikilig. Iyong mata parang pomorma ng heart shape. Kapag gwapo talaga, itong pinsan ko talaga. Kaya sila nag-aaway ni Sean eh.
"Ash, nakalimutan mo ba, may boyfriend ka na. Siguro iniwan mo ako dahil sa lalaking iyon ano?" Tiningnan ko ito ng matalim na tingin.
"Grabe insan, hindi. Tumawag si Sean sa akin, tas," biglang lumungkot ang mukha ni Ashley, "nag-away kami. Kasalanan ko ba? Feeling ko kasi hindi na niya ako mahal. Feeling ko may iba na–"
Hinila ko si Ashley at paalis sa gitna ng hallway. Sa may gilid. Papadaan kasi ang isang grupo ng student.
"Dahil sayo bakit kayo nag-away, why you always put negative thought to Sean, Ash. You know him, he won't do things to hurt you. So, trust me. Ikaw ang makipagbati sa kanya," advice ko.
Ashley sighed deeply as if she can't breath an air. Binigyan ako niya ng mahinang iling. Para saan iyon?
"Ash?"
"Ok, ok. Makikipagbati na ako. Happy?" sarkastiko ani niya na ikinainis ko. Hindi ko talaga maintindihan siya minsan.
Hinayaan ko na lamang siya. Ayaw ko ng away ngayon. May mas importanteng bagay pa akong gagawin. Tiningnan ko ang hawak na schedule habang katawag ni Ashley ang kanyang nobyo. Mamaya pang 8 ang unang subject namin ngayong araw. Its past 7.
Umupo muna ako sa bench at nilibot ang paningin sa paligid. Malaki at malawak ang paaralan. Dalawang matayog at mataas na building na makaharap sa isa't isa. Nasa second floor ng bawat building nakakonekta ang isang bridge, ewan ano ang tawag niyon. Sa tantiya ko, nasa labing dalawang metro ang haba ng mismong bridge. Parehong may pitong palapag ang mga iyon. Sa west side ang gym at covered court.
Farex University waa one of the well known school in this place. Its not private and not a public. I think middle lang ito. Hindi ko masasabi na private or public. Maraming nagaaral na taga ibang lugar at bansa sa university, because of the standard of school. Parang UP o UST ang level dito.
Huminto ang tingin ko sa isang lalaki na nakatingin sa akin. Tingin na hindi ko mabasa. He had this pleasable look, tall, fair skin and a dark clean cut hair. Nasa second floor ito sa kaliwang building. Sa akin ba nakatingin ang lalaki o sa iba? Tumingin ako sa paligid at baka nagkamali lamang ako na hindi pala ako ang tinitingnan nito. But, I can't see a possible person he's staring at.
Binalik ko ang tingin ngunit wala na ang lalaki. That's weird. Sino kaya ang lalaking iyon?
"Bati na kami ni Sean," malaking ngiti ni Ashley sa akin nang lumapit siya, hawak sa kamay nito ang phone na nasa dibdib.
"Good!" Thumbs up ni ko sa kanya kasama ng isang ngiti. "So, ano ang pinag-usapan niyo?"
Kinuwento ko kanina kay Ashley ang lalaki sa second floor at sinabi niya sa kanya na si Draze Ionnikov iyon, isa sa mga staff sa University habang papunta kami sa room namin.
"Sino kaya ang prof natin sa 1st subject. Sana gwapo," sabi ni Ashley na ikinaangat ng isang kilay ko.
Ang utak talaga ng pinsan ko na ito, puro gwapo. Ang dali makagusto.
Pumasok sina kami sa room 304, nasa annex building ang room ng 1st subject namin. Umupo ako sa bakanteng upuan sa likod. Marami ng kaklase nimin ang nasa loob na, mukhang kanina pa yata naghihintay sa room ang mga iba sa kanila.
At ilang minutong dumaan ay dumating na ang proffesor na si Mr. Ellero Javier. Psychology ang subject nito. Binati namin ang propesor bago nagsimula sa lecture nito.
Hindi ko maiwasan na pansinin ang mga matang nakatingin sa akin habang naglelecture ang propesor sa harap.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Napahinto ang propesor sa pagsasalita nang mapansin ang lalaking papalapit dito.
Mahinang nag-usap ang dalawa at hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil malayo ako sa harapan.
Lahat napatingin sa bagong dating na lalaki at nagsimulang magbulungan ang mga babae.
"Ang gwapo niya..." sabi ng babaeng katabi ni Ashley.
"Oh my ghads! Of all Ghads! Vesta!" Siko-siko ni Ashley sa akin na ikinabigla ko.
Kapag gwapo talaga eh. Buhay na buhay ang dugo ng pinsan ko.
"Ano?" tanong ni Vesta sa kanyang pinsan.
"Ang gwapo niya! My ghads! Siya iyong lalaking nabangga ko kanina sa second floor, insan. Ano kaya ang pangalan niya. I can't believe, magiging kaklase natin siya sa subject na ito. Is this fate?" Puno ng mangha ang boses ni Ashley. Hindi ko tuloy mapigilang pumaikot ang mata.
Kahit may boyfriend siya ay kahit sino-sino na lamang ang nagiging crush nito pero alam ko na hanggang crush lang siya. Kaya lagi nagseselos ang nobyo si Sean kasi pati ito ay sinasabihan ng pinsan ko na maloka kung sino-sino ang crush niya.
Sino hindi maiinis na iyong girlfriend mo kinukwento sino yung crush niya? It really annoys me.
"Tigilan mo nga iyan. Ako naiirita sa iyo. Remember, may boyfriend ka, kaya behave," I said in a warning tone.
"Katakot mo insan. Ok, I'll behave, happy?" she said while flattering here eyes to me.
Inirapan ko siya na ikinatawa naman ng huli. Nang-iinis talaga siya. Bahala nga ito.
Pansin ni ko talaga ang bulungan sa loob tungkol sa lalaki. Pati si Ashley bukang bibig ang lalaki kausap niya ang katabing babae, at ang dalawa ay parang bulateng kinikilig.
Halos matunaw na ang mga ito sa kakaisip. Tulad pa rin noon ang itong pinsan ko, eleven years old kami noon ng magkagusto ito sa kaklaseng nilang si Randall, at parang hibang na babae. Well, it's the past and it seems my cousin changed a slightly litte bit.
Napailing nalang ako sa ala-alang iyon.
Lumabas ang propessor kasama ang bagong dating na lalaki, at treyenta minuto ang lumipas ng pumasok ito kasama ang alaki. Biglang tumili ang ilang babae, at ayan na naman ang bulongan tungkol sa lalaki, kung may girlfriend na ba ito, kung gaano ito ka gwapo at ano pa.
"Keep quite class, Mr. Emerson please take your sit," sabi ni Javier. Pansin ko na mukhang magkakilala ang dalawa.
Umupo ang lalaki sa isang bakantang upuan katabi sa isang lalaki kung saan katabi ang babaeng kausap ni Ashley. Iyon lamang ang natirang bakanteng mauupuan.
"Lets go back to our discussion." At nagpatuloy na sa pag lecture ang propessor.
"Gwapo niya talaga," hindi makahingang utas ng babaeng katabi ni Ashley.
Napatingin ako sa babaeng katabi ko sa kaliwa na busy sa phone nito. The woman had a long silky black hair, maganda ang mukha ngunit simple ang dating. Napansin nito na tiningnan ko siya kaya napaangat ang ulo nito sa kanyang gawi. Nagtatanong ang mga mukha nito sa akin, 'What's the probem?'.
Nginitian ko ang babae at nginitian naman niya ako pabalik at bumalik uli sa ginagawa. Binalik ko ang atensiyon sa sinasabi ng professor. Hindi ako makapag-focus.
"Hi! New ka, nerd?" biglang tanong ng katabi ko, bahagyang nasaktan ako, when she said nerd to me. Ganoon ba ang aking itsura? Naka-eyeglasses lang, nerd na? Where's the justice? Isa pa, hindi ako matalino at bookish? At I am not a definition of it.
I tried to understand her, human look at the appearances than knowing if it's true or not.
"Oo," ang sagot ko lamang sa kanya. Sinabihan akong nerd kaya I'll act like I'm one of them when the truth it's not.
"Jillian Rose Salvez nga pala, nursing," sabi ni Jillian na nilahad ang kamay sa akin.
"Ahh,Vesta Fades, BSBA major in Finance." Sabay shake hands ko dito.
"Same to you, new din ako," simpleng sabi ni Jillian at bumalik sa ginagawa sa phone.
"Great, sana maging magkaibigan tayo," mahinang sabi ko sa sarili.
Hindi na ito nagsalita pa at ang atensiyon ay nasa phone na nito nalipat.
Napalingon ako sa likuran, feel ko may nakatitig sa akin. Nakasalubong ang tingin namin no'ng bagong kaklaseng lalaki. Iniwas ko kaagad ang tingin.
Napasulyap ako sa labas ng bintana. Kunot noong tiningnan ang isang uwak na nasa sanga ng isang puno nakapatong at bigla na lamang akong kinalibutan sa hindi ko mawaring dahilan. The black eyes of it stare at ms sharply, at iniwas ko ang tingin dahil parang hindi ko gusto ang tingin ng ibon. I shook my head then sighed.
Tumingin na ulit ako sa propesor na busy sa paliwanag sa topic tungkol sa importante ng subject. Boring!
Hindi ko tipo ang mag-aral o sadyang tinatamad lang ako ngayon. Isa pa ay hindi iyon ang focused ko at may dahilan ako kung bakit ako narito.
The class ended, at naglabasan na ang mga estudyante. Hindi konamalayan na wala na sa tabi ko si Ashley nang lumabas ako sa classroom.
"Asan kaya siya?" Luminga ako sa paligid, hinahanap ang aking pinsan nang mapadako ang tingin ko sa dalawang taong nag-uusap ilang metro ang layo sa aking kinatatayuan.
"Si Ashley talaga..." Napailing nalang ako.
Kausap ni Ashley ang bagong lalaki. Ano kaya ang pinagkwekwento ng pinsan ko sa lalaki? Sinulyapan ko ang blue buluva watch na suot.
"10:30 na pala, at may klase pa ako. Ang tagal naman kasi ni Ashley," naibulalas ko.
Lumapit na ako sa dalawa. Hindi na ako makapahihintay pa na hintayin ang pinsan ko. At matagal pa ang aking vacant hour. This was seems a wrong plan to be one of the student because I couldn't get anything in this way.
"Oh? Sa UP ka pala nag-aaral. Bakit ka naman nagtransfer dito?" Si Ashley na titig na titig sa lalaki. Halos matunaw na ang lalaki sa titig niya.
"Sorry sa istorbo. Ashley mauna na'ko." Napatingin ang dalawa sa akin nang magsalita ako. Wala sa dictionary ko na mag-interrup sa usapan pero need ko na talaga na mauna na.
"Ay! Si Vesta Fades pinsan ko nga pala." Pagpapakilala kaagad ni Ashley sa akin sa lalaki.
Ngumiti ang lalaki sa akin, showing his even white teeth. Ngayon konlang napansin na maputi na maputla ang kulay ng balat nito. Sobrang pula ng mga labi, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha nito pati ang kurba ng makapal na kilay.
And he had this perfect jawline. Mas nakuha ng atensiyon ko ang mga mata ng lalaki, it's grayish eyes like a dawn, waiting for the sun to come out of it's hiding place.
"Im Keyran Emerson. Nice meeting you." Inilahad nito ang kanang palad sa akin.
Nagdadalawang isip ako na tanggapin iyon. The hesitant side of me when meeting and making friends to new people. Tinanggap ko iyon sa huli at naramdaman ng palad ko ang malambot nitong mga kamay.
Napakunot ang noo ni kondahil sa naramdaman ko nang magkadaop ang palad namin. Bakit kaya nakaramdam ako ng kakaiba nang magkahawak mga kamay namin? It felt me weird. Those hands seems familiar to me.
"Nice meeting you too. Gotta go, may klase pa kasi. Ashley, kita tayo sa library mamaya. Bye." Taas ng kanang kamay ko at kumaway ng paalam sa dalawa.
"Okay! Insan. Kita tayo, asahan ko 'yan sa library," masayang sabi ni Ashley, at umalis na ako.
Panaog na ako sa 2nd floor ng mapatingin ako sa lalaking pumasok sa isang room. Kilala ko ito. Don't tell...
Dali dali ko siyang sinundan na pumasok sa isang room. Huminto ako sa harap ng room na pinasukan nito. Hinawakan oonang pinto at inawang iyon, upang sumilip sa loob.
Hindi oo kasi akalain na isa itong propessor ng university, at isa pa, lawyer ang kinuha nito. At bakit ganoon?
"Excuse me, miss? Papasok ka?"
"Ay! Cheeze!" Nagulat ako sa babaeng nagsalita sa aking likuran.
Isang estudyante na may band aid sa kanang pisngi ang nakaharap sa akin. Nagtataka ang mukha, siguro dahil bakit ako nandito na hindi man lang pumasok sa loob.
Umiling kaagad ako. "Sorry, pasok ka na," sabi ni ko at dali-daling umalis.
Hindi ko iyon inaasahan na makikita siya dito sa unang pasok mismo sa paaralan ang lalaki. Is this fate leading me to what I wanted? Bukas na bukas ay kakausapin ko ito at marami akong itatanong sa lalaki.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (107)

  • avatar
    Sandy Gangoso

    may book 2 na po ba?

    01/11

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰

    17/09/2023

      0
  • avatar
    Asnor DM

    niceeee

    22/04/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด