logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Three

Don't forget to vote and comment down your thoughts. I love reading it and learning from them.
Thank you Meows!
Chapter 3
Curiosity
   Isang malakas na kalabog sa main door ng aking bahay ang nagpagising sa aking mahimbing na tulog.
"Jusmiyo! Ano ba't parang balak atang sirain ang pintuan ko!" Naalimpungatan reklamo ko at sinubukang umupo sa aking hinihigaan.
Medyo masakit sa katawan ang matigas aking higaan. Nagulat ako nang mapagtanto kong, nakatulog pala ako sa sahig ng aking silid na ipinagtataka ko.
"Ano ba yan! Ba't ako natulog dito? Ganon na ba ako ulyanin?" Tanong ko sa sarili habang hinihimas ang aking nanakit na baywang at medyo namamanhid pa. Nang mapadpad ang kanyang mga mata ko sa alarm clock na nakapatong sa aking night stand sa tabi ng aking kama.
' Hala ala una na pala ng hapon! Jusmiyo, ba't ngayon lang ako nagising?'
Habang patuloy pa rin ang pagkalabog ng pinto sa ibaba ng aking bahay. Hindi ko lubos maiisip kung sino ang mga nambubulabog sa aking tahimik na pamumuhay.
" Jusme! Sira na iyang aking pintuan! Wala akong perang pampagawa!"
Dali-dali naman akong bumaba at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang galit na mukha ng apo kong si Julia at may mga kasama itong dalawang tanod. Hindi ko alam kung ano ang sadya nila dito at bakit parang nagmamadali ang mga ito.
"Oh ija? Mga ijo? Ano ang ginagawa ninyo dito at bakit  maaga-aga'y binubulabog niyo itong bahay ko?" Nagtatakang tanong ko sa mga ito. Habang ang dalawa naman ay hindi mawari ang reaksyon na parang amaze na amaze sila sa kanilang nasasaksihan. Napakunot na lamang ako ng noo, habang kinilatis ang mga mukha nilang hindi ko mawari ang ekspresyon.
"Hoy babae! Hindi mo to bahay! Bahay to ng lola Sandra ko! Nasaan siya ha? Lumayas ka nga dito mamaya kung anong nang ginawa mo sa lola ko!" Galit na galit na sermon ng aking apo na si Julia na lubos kong ikinagulat."Kahapon ka pa nandito ah?"
Habang ako naman ay bahagyang naguluhan sa pinagsasabi ng aking apo, napatitig nalamang ako't hindi na nakapagsalita.
Anong pinagsasasabi ng batang ito? Bakit niya ako hinahanap, eh nasa harap lang naman niya ako?
Isip-isip ko, habang naguguluhan parin sa mga pangyayari.
"Naku kang bata ka! Ano bang pinagsasabi mo diyan ija?" Sagot ko naman at bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang napagtanto kong parang may mali.
Base sa boses sa aking narinig ilang segundo lang ang lumipas ay hindi ito ang boses ko. Mula kasi nang magkaedad ako ay nagbago na rin timbre ng aking boses at parang naging garalgal ito kumpara sa boses ko nuong aking kabataan.
"Hoy babae! Sino ka ba? Bat ka nandito sa bahay ng lola ko? Asan siya?" Galit na tanong ng aking apong si Julia na aking ikinagulat, ano bang ang nangyayari sa batang ito? At bakit hindi man lang ako ginagalang kahit biglang nakakatanda man lang. Nakakadismaya talaga ang mga kabataan ngayon makabagong henerasyon.
Habang napatulala na lamang at hindi parin makapaniwala sa aking mga natutunghayan na mga kakaibang pangyayari.  Nang dumako ang aking mga mata sa aking mga kamay na halos mapasigaw sa aking pagkagulat.
"Diyos na mahabagin! Paano ito nangyari!" Sigaw ko habang naglalakihan ang aking mga mata habang tinitingnan ang sariling mga kamay. Nang mapatingin naman ako sa tatlo na ngayon ay nakatayo sa aking harapan na para bang nakakakita ang mga ito ng isang baliw sa paraan nila ng pagtitig sa'kin.
"Sayang, ang ganda pa nama  kaso baliw." Rinig kong bulong ng isang tanod sa kanyang kasamahan habang nakatingin sakanya at isa ay umi-iling iling pa. Ang mga kabataan talaga ngayon kung ano-ano talaga ang mga naiisip at ang gumaling sa mga nakakatanda ay hindi na magawa.
"Hoy ateng baliw! Pwede ba? Lumayas ka na sa pamamahay ng lola ko bago pa kita kasuhan at ipakulong." Mataray pagtataboy ni Julia sa akin na lalong ikinainit ng aking ulo, mabuti nalang at wala akong altapresyon tulad ng ibang mga matatandang kaedad ko.
Aba! Kung makapag banta itong batang ito! Kung makapag taray ang sarap kurutin sa singit!
At bumaling naman ito sa dalawang tanod na nasa kanyang gilid. " Kayong dalawa, kaladkarin niyo na yang babaeng yan palabas!" Mataray na utos ni Julia sa dalawa na dali-dali namang kumilos upang sundin ang inuutos dito. Habang ako naman ay gulong-gulo ang isipan at hindi parin makapaniwala sa mga nangyaring hindi kapanipaniwalang pagbabago sa aking panglabas na anyo.
Ano ba talaga ang nangyari? Ni hindi na nga naproproseso ng maigi ng aking utak ang mga pangyayari hindi ko lubos maisip kung bakit ito nangyayari.
Habang hinihila ako palabas ng aking pamamahay ng dalawang tanod ay wala akong nagawa kundi ang napatulala na lamang sa gulat at naguguluhan sa mga nangyayari, ni hindi ko nga magawang makapag salita para magpaliwanag man lang dahil kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kanila ang pangyayaring kung tutuusin ay kathang isip lamang, ngunit heto ako ngayon sa unang araw ng aking ika walong pu't isang taon ay magbabago ang lahat sa aking malungkot na kwento.
Kwento ng isang matandang babae na mapaglipasan na ng panahon at nag-iisa sa buhay, huli na ang lahat para baguhin ang tadhanang nakalaan para sa akin. Huli na nga ba?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (249)

  • avatar
    Karine31

    keep writing po 💜 highly recommend ☺️

    19/04/2022

      0
  • avatar
    NavarroJayvhimae

    Highly recommended!!!

    17/04/2022

      0
  • avatar
    OralloMarley

    Marley

    26/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด