logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

RHOD

RHOD
MATAAS na ang sikat ng araw habang inaayos namin ang iilang mga bangka upang makadaong sa isla ng Karupokan. Hindi naman kalayuan iyon at siguradong hindi magtatagal ang aming biyahe patungo roon. Nasasabik na ako sa aming matutuluyang mansyon dahil ayon sa mga sabi-sabi sa bayan ay isa iyong kahanga-hangang lugar na dating pinapasyalan ng mga turista. Kataka-taka lang dahil tumigil na ang mga manlalayag na dumadaong doon, isa na ring rason ay ang pagiging pribadong pagmamay-ari ito.
Nagdesisyon kaming magkakaibigan na pumunta roon upang makita ang mansyon, gusto namin malaman kung totoo nga bang ang istilo nito’y tulad ng mga sa pangdayuhang bansa. Nagdala na rin kami ng iilang mga pares ng damit dahil mananatili kami roon ng dalawang araw at saka maglalaro ng takutan sa dilim; isa iyong laro na gagawin ng isang pares. Papasok kayo sa madilim na kagubatan sa gabi at dapat matapos niyo ang isang ikot na hindi sumisigaw.
Marami ang nagsasabi na napapalibutan iyon ng kakaibang elemento o ispirito o kaya’y may nakitaan daw ang mga dating mangingisda na napadaan doon na may nanatili roon na isang babae pero wala naman talagang eksaktong ebidensiya ukol doon. Sanay na kami sa ganoong mga kwento dahil kasama iyon sa mga kinalakihan namin. Uso talaga sa mga matatanda ang maniwala sa kung ano-anong mga supernatural. Sabi pa nga ng isa ay kaya medyo raw dumadami ang mga nakukunang mga buntis ay dahil sa mga manananggal pero hindi naman ako naniniwala roon.
Dahang gumalaw ang bangka ng bawat isa papunta sa isla pero sa bawat paghaplos ng katubigan sa aking balsa ay tila bang hinahadlangan nito ang aming planong pumunta roon. Nararamdaman din namin ang unting paglakas ng hangin at ang may pagkalakas ng kidlat sa nandidilim na kalangitan. Nang nakita naming nagsisimula ng lumakas ang mga alon ay doon naming mas binilisan ang pagsagwan hanggang sa makarating kami sa isla.
Isa lang ang aking masasabi, nakakahanga. Talagang nakakahanga ang tangking ganda ng isla ng Karupokan. Hindi nagsisinungaling ang mga matatanda sa hitsura nito; ang mala-puting buhangin, mga nakakalat na shells at ang sikat na mansyong makikita mo sa itaas na bahagi ng kabundokan ng isla. Pero kahit ano mang ganda ang taglay ng isla ay parang may gumugulo sa aking isipan o parang iba ang ihip ng hangin dito kaysa sa bayan; isama mo pa roon ang kakaibang awrang bumabalot sa buong isla.
“Rhod, partner tayo mamaya.”
Nawala ang aking atensyon sa isla sa biglang pagsalita nito. Ngumiti ako ng matamis at mahigpit na pinagsiklop ang aming mga kamay. Siya si Camilla, ang aking kasintahan. Ilang taon na rin kaming magkarelasyon at mamaya, hihingin ko na ang kamay niya para sa kasal. Malakas ang loob ko dahil pinayagan na ako ng kanyang mga magulang. Bata pa lang kami, iniibig ko na siya at hindi na ako makapaghintay na gumising bawat araw at siya ang aking kapiling.
Nagbago ang buong paligid ko, nakikita ko ang mga madidilim at matatangkad ng mga puno na unti unting pumapalibot sa amin. Tila ba’y mga mananayaw ang mga ito sa bawat paggiling nila sa hangin. Ang buwan ay parang isang kandila sa dilim dahil ito lamang ang nagsisilbing liwanag namin. Hinawakan ko ang kamay ni Camilla na nakayakap sa aking braso subalit laking gulat ko na lamang na tanging braso lang iyon at napagtanto kong napupuno na ako ng pulang likido, maraming pulang likido… Nais ko mang takpan ang aking mga tenga sa sunod-sunurang mga sigaw at iyak ng aking mga kaibigan subalit nanatili lamang ako roon at hindi makagalaw.
Nagbago muli ang aking nasasaksihan, naroon ako sa gitnang bahagi ng mansyon, ang malaking aranya na nakasabit sa kisame ay napapalibutan ng pulang likido--dugo, gumigiwang ito hanggang sa aking nakita ang mala-sugat na katawan ni Camilla na nakalambitin ito roon. Kinakain ng takot ang aking kalooban habang tinitignan ako ng kanyang mga walang buhay na mga mata. Nais kong sumigaw ng malakas at humingi ng tulong subalit tila ba’y may humahadlang sa aking paghinga. Naroon ang isang babaeng nakasuot ng itim at tila ba’y nandidilim ang kanyang mata sa matinding poot na nakatingin sa akin. Bakit?
Hindi ko ito kilala pero parang nakadarama ako ng awa at lungkot sa kanya kasama na ang isang ginang na naroon sa itaas na palapag, na may hawak na sanggol sa bisig nito. Galit man ang kanilang pinapakita pero nangingibabaw din ng kaunting kalungkutan.
“Panahon na upang ika’y mamaalam…”
Bago nandilim ang aking paningin, nakaramdam ako ng matinding kirot sa aking likuran at tuluyan na akong nahulog sa sahig habang ang nakahihindik na tawa ang aking huling narinig.
NAPABALIKWAS ako sa aking paggising habang paunting nagsibalikan ang aking mga alaala ilang taong nakararaan. Huling sulyap ko noon bago ako nawalan ng malay ay ang mga walang buhay ng aking mga kaibigan; na nakahandusay sa sahig ng mansyon. Tila ba’y bangungot ang lahat upang aking maalala ang mga naging karumal-dumal na pangyayari sa kanila.
“Gising ka na pala. Magpahinga ka muna, huwag mong pilitin ang sarili mo.”
Dahang inabot sa akin ng isang binibini ang baso na naglalaman ng tubig at aking ininom iyon. Nais ko mang hanapin ang aking mga kasama subalit ang buong katawan ko tila ba’y paralisado at hindi makagalaw. Ang hapdi na aking nadarama ay nanggagaling halos sa aking likuran.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
Nagbalik muli sa aking tabi ang binibining nagbigay sa akin ng tubig. Mayroon siyang mahabang buhok at nakasuot ng salamin. Hindi naging pamilyar ang kanyang mukha kaya maari bang nasa ibang lugar kami, siguro nga ganoon. Nakaligtas ba kami sa nangyari? Alam kaya ng binibining ito? Patuloy ko lamang siyang tinignan habang binabalatan ang iilang prutas.
“..S-sino..ka?”
Parang mabato ang loob ng aking lalamunan dahil nahihirapan akong magbigkas ng kahit anumang salita. Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala at lumabas ng silid ng walang pasabi.
Doon ko mas nabigyan ng pansin kung nasaan ako, isa lang ang sigurado at iyon ay nasa loob pa rin ako ng mansyon. Ang pulang pader at ang mga antigong plorera na nakalagay sa bawat lamesa ng kwarto, walang pagaalinlangang ito ang Esposa Mansyon subalit hindi ko natatandaan na narito ang babae kanina. Imposible namang masamang tao siya dahil binigyan niya pa ako ng maiinom.
“Parang may something kay kuya Rhod.”
Lumipat ang aking paningin sa bagong paparating, mukhang hindi nalalayo ang aming mga edad. Nakasuot sila ng mga hindi pangkaraniwang pananamit, di-tulad sa aming bayan na puro mahahabang saya para sa mga kababaihan at barong sa kalalakihan.
“Kuya Rhod, maayos na ba ang pakiramdam mo?”
Lumapit sa aking tabi ang isang lalaki, matinding pag-aalala ang makikita sa kanyang mukha subalit hindi ko siya kilala gayong alam niya ang aking pangalan.
“Bakit niyo alam ang aking ‘ngalan?”
Nanatili silang nakatingin sa akin at tila ba’y naguguluhan sa aking tanong.
“Kami ito, Kuya Rhod. Mga kaklase ni Alice.”
“Alice? Wala akong kilalang ganoong pangalan. Nasaan sila Camilla at ang iba naming mga kasama?” Uminit ang dugo ko nang wala silang naibigay na sagot kung hindi ang magsitinginan lamang sa isa’t isa. Nagsimula akong tumayo at lumabas ng silid, nakita ko pa roon ang maraming hindi pamilyar na pagmumukha.
“Kuya Rhod, bakit ka kaagad tumayo? Magpahinga ka muna.”
Nang nagtangkang lumapit sa akin ang isang babae ay kaagad akong dumiretso sa kusina upang kumuha ng makikitang patalim. May tao rin doon subalit hindi nila napansin ang aking presensiya. Bumalik ako sa pinakasentro ng mansyon at nakita ko ang babaeng umasikaso sa akin kanina kausap ng masinsinan ang ibang naroon kaya hindi nila napansin ang aking pagdating.
Dahan dahan akong lumapit sa bulto ng isang babae, hindi kalayuan kung nasaan ako. Pinadama ko ng kaunti ang talim ng kutsilyo sa kanyang tagiliran. “’Wag kang gagawa ng kung anong aksyon kung hindi masasaksak ka.” Nanigas sa kinatatayuan ang babaeng hawak ko at hinila ko siya sa harapan ng kanyang mga kasama; bakas ang gulat at takot sa mga mukha nila.
“Nasaan ang mga kaibigan ko? Sumagot kayo!”
“K-kumalma ka lang. Kuya Rhod, ibaba mo ang kutsilyo at magusap tayo ng maayos,” saad ng lalaking malapit sa amin.
“Bakit mo ba ito ginaga--” Mas lalo kong diniin ang pagkakayakap sa leeg ng babae kaya naputol ang kanyang sasabihin.
“Ibalik niyo ang mga kaibigan ko! Kung sino man kayo, hindi ako matatakot kahit ilan pa kayong narito.”
Bago pa ako makakilos ay nakaramdam ako ng malakas na pagapak sa aking paa at siko sa aking mukha kaya napahiwalay ako sa aking biktima at napaatras hanggang sa nahulog sa sahig. Nahagip ng aking mga mata ang mga telang nakapatong sa sahig kaya hinugot ko iyon; doon ko napagtanto ang walang buhay na babaeng na nakalatay doon.
“Anong… n-nangyari?..”
...
SHAMEL
HINAWAKAN ko ang kamay ni Julia nang bigla na lang lumabas sa kung saan si kuya Rhod at may hawak siyang patalim. Kulang na lang mawalan ako ng hininga sa sobrang kaba nang ginawa niyang biktima si Andris, hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin pero parang iba ‘yong hitsura ni kuya Rhod; parang bumata?
“Ibalik niyo ang mga kaibigan ko! Kung sino man kayo, hindi ako natatakot kahit ilan pa kayong narito.”
Kumunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Mga kaibigan? Sa pagkakaalala ko ay kami lang narito sa mansyon na ito. O kami lang ba talaga? Bumalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang pagkamatay ni Charlene. Posible bang may iba pa kaming kasama rito sa mansyon?
“Kuya Rhod, ako ‘to si Alice. Inaanak niyo.” Lumapit ng may pagaalinlangan si Alice pero nakikita mo pa rin ang takot sa kanyang mga mata. “Ibaba mo ang kutsilyo at magusap tayo ng maayos, ‘kay?”
Sumunod naman ito na parang mabuting bata at isinuko ang patalim.
“Kung hindi mo kami kilala, sino ka?” tanong ni Luigi.
“Nagtatanong ka pero alam mo ang pangalan ko.” Nagkrus ang kanyang mga braso at palipat-lipat ang tingin nito mula kay Luigi at sa katawan ni Charlene, malalim ang pagiisip nito.
“Ako nga pala si Luigi, at ikaw?” Inilahad nito ang kanyang kamay at tinanggap iyon ni kuya Rhod; hinila ito patayo,
“Rhod Villanueva.”
Nang kumalma na ang lahat ay nagdesisyon kaming magkumpol sa salang bahagi ng mansyon upang pagusapan ang naging akto ni kuya Rhod subalit hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga narinig. Ang hitsura noong unang nagkita kami sa daungan; mala-puting buhok at puno ng wrinkles, ay ngayong hitsura ng isang labing-pitong taong binata.
“Nakapunta ka na pala dito sa mansyon?” Maayos na simula sa usapan ni Nel habang inaabutan ito ng iilang pagkain.
“Oo, sa katunayan kasama ko ang aking mga kaibigan. Pero nagtataka lang ako kung nasaan sila gayong sabay kaming nakarating dito. Hindi ata alam nila Eliza na may unang tao na pala dito. Saang bayan ba kayo nanggaling?”
Nagtinginan kaming lahat sa mga itinanong niya.
“Kuya Rhod, alam mo ba kung anong taon tayo ngayon?”
Nagtaka ang lahat sa tanong ni Nel habang kinakagat ang bagong balat na mansanas. Hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya, tila ba’y mas maalam ito kaysa sa ipinapakita niyang hitsura; minsan may pagkabaliw ito pero sa ganitong mga senaryo ay makikita mong seryoso siya.
“1957 ngayon ‘diba? Naalala ko pa lang noong isang linggo, magkasama kami ni Camilla na pumunta sa isang taguang lugar malapit sa daungan. Doon ko nga balak kunin ang kamay niya para sa kasal." Hinawakan nito ang batok nito at tuwang tuwa habang nakatingin sa amin subalit… iisa lang nasa isip ng lahat, sigurado ako roon. Taong 2020 na…
“Kuya Rhod, nagpapatawa ka ba? Anong 1957 pinagsasabi mo? Galing mo ah,” tugon ni Ronaldo habang kunwari’y natatawa pero halatang mukhang naggambala ito sa sagot ni kuya Rhod.
“Totoo nga! Bakit ako magpapatawa sa taon natin?”
“Kuya Rhod, taong 2020 na.”
Nanahimik ang lahat nang sinabi iyon ni Nel. Tumigil ang tawa ni Kuya Rhod at napatingin sa kanya.
“Anong ibig sabihin nito, Shamel?”
Pinisil ko ang kanyang mga kamay pero kahit ako ay naguguluhan sa nangyayari.
“Kung totoo nga ang sinasabi mo, ibig sabihin totoo ang nangyari noon…” Bawat salita niya’y humihina pero ang dala niyon ay pangamba at takot. Anong nangayri noon? Sino siya at ano ba ang mayroon sa mansyong ito?

JOSEFA ROSALIA / AUTHOR
SA MGA katanungan na ginugulo ang bawat isipan ng mga estudyanteng naroon, unti unting bumubukas ang pintuan ng nakaraan kung saan ang trahedya noon ay muling mauulit; ni isa sa kanila ang makapipigil niyon.
Sa kabilang banda, nagsimula na ang orasan ng kahapon at siya, na hawak ang patalim na puno ng dugo; malawak ang kanyang ngiti na tila ba’y isang laro ang mga buhay ng mga estudyanteng nasa loob ng mansyon. Parang laro sa chess kung saan siya ang nangunguna at siya ang paniguradong mananalo sa huli dahil ang galit ng mansyon ay hindi dapat isiping madalian lang.
Nagsimulang manginig ang mansyon habang napapalibutan iyon ng nakahihindik na tawa ng isang babae. Nais man nilang tumakbo at lumayo sa lugar na iyon subalit ang lahat ng pwedeng malalabasa’y nakasarado mula sa loob at ang tanging paraan lamang upang ika’y makaligtas ay kung makakayanan mo ang laro ng mansyon. Kung kaya mo…
KATAPUSAN NG IKA APAT NA KABANATA

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    ManlapasReynz

    gooooooooooooooooooo9ooooooooooooooooooo9odkdjdjdndidjddjdjfnfidjfjfnfjfnjdjddjjdjdjffjjfjfjdu

    23h

      0
  • avatar
    Gs Abucay Samocino

    its relly good

    28/01

      0
  • avatar
    Disalan E Lloyd

    nkakatakot na nkakainis tong kwentong to maganda sya

    09/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด