logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

MANSYON

KAREEN
PINIKIT ko ang aking mga mata at matatag na kumapit na lamang sa bangkang sinasakyan namin. Hindi tulad kanina ay hindi na ganoon kalakas ang mga alon kaya nabawasan ang epekto nito sa amin. Ang tanging bagay na dapat naming alalahanin ay ang nagkalayo-layong mga bangka na sinasakyan ng iba naming mga kaklase.
Nakahinga ako nang maluwag ng makita kong nakasakay na ng ligtas sila Samantha. Kinusot ko ang aking mga mata ng bigla itong kumirot at nangati. Biglang nagbalik ang isang senaryo sa aking isipan, kanina noong nakatagilid na ang barko, baka dahil sa gutom kaya ko nakita iyon pero isang katawan pa ang naroon bukod pa sa nakalambiting bulto ni Samantha ay may isa pa roon na nakahawak sa paanan nito. Madilim noong nangayari iyon dahil sa bagyong dumaan kaya inisip ko na baka mali lang ang nakita ko pero tumingin ito sa amin ng may nakakalokong ngisi sa kanyang labi na tila ba’y patibong ang lahat.
Bago pa lamang kami sumakay sa barko, alam kong may mali na. Ayoko lang magsalita kasi baka anong sabihin ng mga kaklase ko pero kanina pa ako ginugulo ng nakita ko. Hindi normal iyon!
"Medyo malayo pa ang isla," turan ni Thadeus na mukhang nababahala pa rin.
Natahimik ang lahat nang makarinig kami ng mga boses sa loob ng bangka. Natuon ang aking atensyon doon at nakita ko ang iilang marka ng siper na isang senyales lang iyon. May kompartment sa loob!
Hindi na ako naghintay ng kung anong sasabihin ng iba kong kaklase at ako na mismo ang kumilos para makalkal ang parteng iyon.
Hindi nagtagal ay nakakita ako ng mga maliliit na supot na naglalaman ng telepono na kanina pa nag-iingay, hindi lang iyon may iilang mga first aid at mga de-latang pagkain.
"Naririnig niyo ba ako, over?"
Nagliwanag ang ibang mga ekspresyon ng mga iba kong kaklase nang marinig namin ang pamilyar na boses nila Luigi.
"Nandito kami, over."
"Nagkahiwalay tayong lahat pero siguradong malapit pa rin tayo sa isla. Gumamit kayo ng balsa na makikita diyan sa emergency compartment ng bangka at maglayag papunta sa isla. Doon tayo magkikita sa mansyon, over. Magingat kayo."
Nagkatinginan kaming lima at nagtanguan bilang pagtugon. Walang oras ang dapat na masayang. Kailangan naming sumilong sa madaling panahon.
Hinalungkat ko ang parteng iyon at tama ngang nakapaloob roon ang isang pares ng balsa. Ibinigay ko iyon kila Thadeus at Carter na nagboluntaryong gumamit niyon at hindi nagtagal ay patungo na kami sa isla.
Kaunti na lamang siguro ang distansya nang nagsimula ang unting paglubog ng sinasakyan naming bangka at doon namin napansin na nagkaroon ng malaking butas sa bandang gilid. Kahit ano mang gawin naming pagtakip doon ay mas lalo lang ito lumala na wala na kaming pagpipilian kung hindi ang lumangoy na lamang patungo sa isla.
“Oh no! ‘Yong mga canned goods,” saad ni Sueden na tangkain nitong sumisid sa tubig upang makuha ang iilang mga de-latang pagkain na lumulutang medyo may kalayuan na sa amin. Bago pa lamang siya makatapak sa tubig ay napigilan na siya ni Thadeus.
“Hayaan mo na iyon. Makakakain naman tayo kapag nakarating tayo kaagad sa mansyon. Mapapahamak ka pa sa binabalak mo,” babala nito at hinawakan niya ito sa braso.
Nagdalawang-isip si Sueden at napabuntong hininga na lamang. Sabagay sayang din naman iyong mga iyon na pwede na rin sana naming baunin. Tumango ito at sumabay na lamang sa paghila sa kanya ni Thadeus. Hindi tulad ng pagkawala ng aming iilang mga pagkain ay naalala kong itago ko ang isang pirasong plaslayt sa aking suot na lifevest. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa loob ng kagubatan.

GEORGE
PINUNASAN ko ang tumutulong pawis sa aking noo nang unti kong nasulyapan ang malaking mansyon. Pagkatapos ng ilang oras na byahe galing sa daungan ay nakarating na rin kami sa aming pagtutuluyan.
Maluma na ang mansyon pero may tangking kagandahan pa rin ito. Mayroong mga halaman sa gilid pero ng tignan ko ang kabuonang hitsura nito ay para bang nakakita ako ng isang babae sa itaas na bintana pero kaagad din itong naglaho. Guni-guni ko lang siguro ito dahil ayon kay Charlene, mamaya pa makakapunta ang kasambahay nila na makakasama nila sa mansyon ng isang linggo at kung mali man ang nakita ko, hindi pwedeng magkatotoo ang mga pinaniniwalaan ng mga matatanda tungkol sa mga multo o mga nilalang na kakaiba. Lumamig ang simoy ng hangin at nagkaroon ng mga uwak na lumilipad sa itaas.
“Paano ang iba niyong mga kaklase?” mahinang tanong ni kuya Rhod na mas nilalamigan kaysa sa akin. Hindi ako sigurado sa nakikita ko pero pakiramdam ko ay namumula ang sugat niya na nasa bandang likuran na sumisilip ng kaunti sa itaas ng kanyang pantaas na damit.
“Tulong! Si Sueden.”
Nabaling ang lahat ng tingin sa paparating na bulto nila Thadeus dala-dala ang walang malay na si Sueden sa kanyang mga bisig. Inilapag nila ito sa lupa na napapalibutan ng iilang mga halaman, hinihingal si Sueden at tila ba’y umuungol sa sakit.
“Natapakan niya siguro ang ahas sa pagpunta namin dito kaya nakagat siya sa paanan,” kwento ni Kareen habang nakasuporta ang mga kamay sa bandang balikat ni Sueden. Lahat kami ay natahimik at wala ni isa ang nagkalakas ng loob para matulungan siya.
“Anong nangyari?”
Nakita kong kaagad na lumapit sa kinalulugar namin si Nel, magusot at butas-butas ang kanyang suot na damit. Tinignan nito ang kagat sa bandang paanan at may inilabas na notbuk sa kanyang dinalang bag.
“Kailangan nating makapasok sa loob ng mansyon,” saad niya at lumapit ang ibang lalaki upang mabuhat si Sueden.
Nagsimula na kaming pumasok sa loob pero bago iyon ay kumatok muna kami, nagbabaka-sakali na may taong sasalubong sa amin pero wala. Mayroong simbolo roon ng isang liyon na may dugo sa kanyang pangil.
“Ang weird naman non, parang may nakita akong babae kanina sa ikalawang palapag,” mahinang banggit ni Teresa. Mukhang hindi lang ako nakakita non, baka napaaga lang ang dating ng kasamahay nila Charlene.
Kung maganda ang hitsura ng mansyon sa labas ay hindi naman maikukumpara ang nasa loob. Isang malaking aranya ang nakasabit sa itaas ng kisame at kumikinang pa ang mga dyamante nito kahit sa ilang taong napabayaan ito. Kwento kasi ni Charlene ay minsan lang may magpunta rito para maglinis pero naitigil na iyon ng mawala na parang bula ang naatasang maglinis pero sabi niya, lagi naman daw puno ang mga stocks nila ng pagkain dito kaya wala namang problema.
Binaba namin ang aming mga gamit sa sala at inalalayan ng iba si Sueden sa sofa upang makapagpahinga ito habang si Nel ay kaagad na dumeretso sa kusina upang kumuha ng balde ng tubig. Pagkatapos ay kinuha niya ang sabon at panyo sa loob ulit ng bag niya at lumapit kay Sueden. Tinaggal niya ang suot nitong sapatos at itinaas ng kaunti ang pangitaas na bahagi ng katawan. Doon niya hinugasan ang kagat ng tubig at sabon. Ibinenda niya ito ng gaza pagkatapos lagyan ng Vaseline. Napahanga ang iba sa kanyang ginawa kaya hinayaan na muna namin makapagpahinga si Sueden habang ang ibang mga babae ay magluluto na.
Sa bandang kaliwang bahagi ng mansyon ay nakakita pa ako ng silid kung saan maraming litrato ang nakadikit sa pader. Nakakamangha itong titigan dahil sa tagal na mula ng naiguhit ang mga iyon. Iilan din ang mga ginoong nakasuot ng barong tagalog habang ang ibang mga binibini ay nakasuot ng saya.
“George!”
Bumaling ako sa tumawag sa akin na si Eronn, isa sa mga matatalik kong kaibigan, lumapit siya kasama ang iba pa naming tropang lalaki.
“Hindi ko inaakalang ang laki pala ng mansyon nila Charlene.” Tinampal ako sa balikat ni Ronaldo.
“Kaya nga mansyon e! Asahan mo ng malaki,” saad ni Eronn.
Sa dulong bahagi ng silid ay nakapwesto si Marvin, nakahalumbaba na para bang nagiisip, nakakunot ang noo nito at mas pinagpapawisan kaysa kanina.
“O’ Napano ka dyan?”
Tinignan niya ako pero isang beses lang iyon at bumalik na kaagad ang tingin niya sa litrato. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang pinagkakaabalahan niya, isang litrato iyon na kamukha ang kasama namin. Kinusot ko ang aking mga mata, na baka namamalik mata lamang ako pero nanatili iyon. Mahaba ang buhok nito roon at masasabi mong habulan ito ng mga babae ‘nong kapanahunan nila sa taglay nitong kakisigan habang nakangiti. Nakasuot ito ng puting mahabang manggas at kayumanggi na maong. May hawak itong kutsilyo at sumasama ang ekspresyon ng mukha. Kuya Rhod!
Nanginig ang buong mansyon at lahat ng mga bintang kani-kanina lang ay nakabukas ay biglang malakas na nasara. Mayroong mga kandilang nagsindian at isang sigaw ang nangibabaw sa buong kabahayan.
Tumakbo kami pabalik sa sala kung saan nakita namin si kuya Rhod na hawak ang kanyang ulo habang sumisigaw. Napaluhod ito sa sakit at kami ay walang magawa kung hindi ang tignan lamang siya. Nagbalik ang atensyon ko sa mga litrato kanina subalit sumalubong lang sa amin ay ang kulay krema na pader. Bumagsak sa sahig si kuya Rhod na ngayo’y wala ng malay. Napatigil ang lahat nang makarinig kami ng nakakatakot na tawa at doon namatay ang lahat ng kandila.

JOSEFA ROSALIA / AUTHOR
NABAHALA ang lahat sa mga nangyari. Isa-isa nilang kinuha ang kanilang mga gamit na nakalapag sa sahig at dineretso ang pintuan subalit ang sumalubong sa kanila ay ang pintuang walang busol. Kahit ano mang subok nilang sirain ito ay tila bang hindi naapektuhan ng tagal ng panahon ang mansyong ito at nanatiling matibay. Sinubukan ng ibang lalaki na itapon sa mga bintana ang mga upuan pero walang nangyaring pagbabago. Nataranta ang iba subalit wala silang pagpipilian kung hindi ang manatili sa lugar na ito.
“Charlene! ‘Nasan siya?” tanong ni Luigi.
Mayroong dalawang palapag ang mansyon. Ang ilalim na bahagi ay naroon ang kusina, sala at iba pang mga silid habang ang nasa ikalawang palapag naman ay naroon ang iilang mga kwartong dapat nilang pagtutuluyan. Mapapansin mo rin doon sa bandang hagdanan ay makakita ka ng malaking litrato ng isang ginang at nakasuot ito ng puting saya na katulad sa mga naisusuot kapag ikaw ay ikakasal na. Malungkot ang mga mata nito at tila ba’y walang buhay.
“Ano bang iniisip nila?! May something na nga sa lugar na ito pero nagawa pa rin nilang magikot-ikot? Tandaan niyo, walang magsasarili,” bilin ni Luigi na nakakunot ang noo. Hindi nila alam kung ano ang mayroon sa tinutuluyan nila. Pinaglalaruan ba sila o sadyang mayroong hindi kanais-nais dito?
“Charlene!” sigaw ng iba nilang kaklase. Kahit sila ay natataranta na sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.
“What?! Linilibot nga namin itong mansyon, no? Sinabi ko na kay daddy na ipareconstruct niya ‘to kasi look naman, ang luluma na ng gamit at isama mo pang laos na ang style.”
Lumitaw ang bulto ni Charlene na ngayong nakahawak sa mga rehas, kasama niya si Liam na pinapagpagan ang damit nito.
“Guys, mali atang dito tayo magstay for one week. Lumipat na lang tayo sa ibang island ni daddy. Nakakaloka! Ang init pa.” Kunwaring nagpaypay si Liam para maibsan ang init.
Nanlaki ang mga mata ng iba nilang kaklase habang nakatingin sa likurang bahagi nila Charlene, isang anino ang naroon at unti-unting lumalapit. May hawak itong kutsilyo na napapalibutan ng pulang likido.
“Hello? Bakit niyo ba kami tinitignan? Alam naming may hitsura kami, huwag niyo namang pahalata,” sabay tumawa si Charlene at hindi nagtagal ay nakaabot na sa kanila ang hindi pamilyar na bulto ng isang babae. Madilim ang ikalawang bahagi ng mansyon kaya hindi mo makita ang mukha ng salarin.
“M-may tao sa l-likuran mo.”
Nag-ikot ng mata si Charlene at tinignan ang sinasabi ni Rian. Sa sandaling humarap si Charlene sa bulto'y nilaslas nito ang lalamunan ni Charlene. Sandaling nagulat ito pero kalaunan ay napahawak sa lalamunang nagsilabasan ang kanyang dugo. Gustong sumigaw ni Charlene sa sobrang takot pero dahil sa kalakihan ng sugat na natamo ay nahulog na lamang ito sa ilalim. Napasinghap si Liam at itinaas ang kamay nito sa ere pero bigla na lang nawala ang bulto.
Naging mabilis ang mga pangyayari na maging ang mga estudyante sa ilalim ay napatanga lamang habang nangyayari iyon. Ni isang sigaw ay walang nakalabas sa kanilang bibig dahil mas nanaig ang gulat at takot sa kung sino man ang maaring gumawa nito. Kararating lang nila sa mansyon upang malaman na may mamamatay-tao pala silang kasama?
Sinalubong ng lahat si Charlene na ngayo’y pinapalibutan ng sariling dugo. Napapikit ang iba nilang kaklase at ang iba ay lumayo kung saan pinangyarihan ang krimen.
“Iba na ito, guys. Anong nangyari kay Charlene?” nag-aalalang tanong ni Liam na lumapit sa nagkumpol na mga kaklase niya. Hinugot ni Luigi ang kuwelyo nito at akmang susuntukin na.
“Ikaw ang magsabi sa amin! Kayo ang nasa itaas.”
“Tama na ‘yan.”
Hinawakan ni Nel ang leeg ni Charlene kung saan mararamdaman mo roon ang tibok ng puso, maging sa pulso pero wala ni mahinang tibok ang iyong maririnig.
“Hoy! Gumising ka nga dyan. Baka niloloko mo na naman kami sa akto mo. Charlene! Char, please, itigil mo na iyang akto mo!” Kahit ano mang gawin niyang pagyugyog sa katawan ay walang sumasagot sa kanya. Inabot ni Liam ang mga nakamulat na mata ni Charlene at isinara iyon. Napaluhod na lamang si Liam sa sahig at nagluksa sa pagkamatay ng kanyang kaibigan.
Hindi nila akalaing isang kababalaghan ang sasalubong sa kanila pagdating sa islang ito. Hindi nila alam na ilang taon na ang nagdaan ay matagal ng may naghihintay sa kanilang pagdalo. Hindi nasisigurong makaliligtas sila sa lugar na iyon pero isa lang ang sigurado, ang taong o ang mga taong nagpasimula sa laro ay maniningil na. Maniningil na sila ng buhay para sa walang kapatawarang aksidente naganap matagal ng panahong nakararaan.
Sa pagkakataong ito, sapat na ba silang mga estudyante lamang upang mapanalunan ang larong buhay ang magiging kapalit?
Sa pagkakataong ito, maitatama na ba nila ang kasalanang hindi naman sila ang gumawa?
KATAPUSAN NG IKATLONG KABANATA

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    ManlapasReynz

    gooooooooooooooooooo9ooooooooooooooooooo9odkdjdjdndidjddjdjfnfidjfjfnfjfnjdjddjjdjdjffjjfjfjdu

    1d

      0
  • avatar
    Gs Abucay Samocino

    its relly good

    28/01

      0
  • avatar
    Disalan E Lloyd

    nkakatakot na nkakainis tong kwentong to maganda sya

    09/11

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด