logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Drunk

"Why did you brought me here, Sir?" kalmado kong tanong sa kanya matapos n'ya akong dalhin sa office room niya. Nalaman kong opisina niya ang silid na ito dahil sa pangalang nakapatong sa table.
'Engineer Michael Andrew Claveria'
"I," Hindi niya ma ituloy ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. His stare was cold—yet lonely and it seems that he's in too much pain while staring at me straightly.
Dahil sa lapit ng mga katawan namin, kaya malaya ko siyang naaamoy. Walang nagbago sa pabangong ginagamit niya, he still smells the same. Amoy na amoy ko rin ang alak sa bawat paghinga niya. He's drunk. Sinadya niya ba'ng malasing? God!
Dahan-dahan niyang niluwagan ang mahigpit na pagkakahawak n'ya sa braso ko. Bahagya rin siyang lumayo sa akin. Nauna rin siyang nag-iwas ng tingin.
Why is he like that? Bakit parang nasasaktan siyang nakikita ako? Galit ba siya sa akin? Then, why did he hired me as his secretary?
Kung tutuusin, ako itong dapat magalit sa kanya. Ako itong dapat apektado ngayong nagkita na kaming muli. Ngunit, bakit tila baliktad? Bakit parang siya pa itong apektado ngayon?
Sandaling namayani sa amin ang katahimikan. Walang gustong magsalita. Nanatili akong nakatayo habang naghihintay ng sasabihin niya.
"I'm sorry..."
Humakbang siya ng tatlong beses palayo sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang sorry niya.
"Sorry for acting weird." dugtong n'ya kaya naliwanagan ako.
"It's okay, Sir." nakangiti kong tugon. Alam kong hindi niya kita ang pag ngiti ko dahil nakatalikod siya, pero nakakasiguro akong alam niyang nakangiti ako base sa tono ng boses ko.
Bigla siyang humarap sa akin. Nagulat ako nang makita kong iba na ang emosyong nasa mga mata niya. Kung kanina ay cold at nasasaktan ang uri ng tingin niya, ngayon ay tila nagagalit siya.
Ano bang ginawa ko?
"Why are you like that?" pagalit niyang tanong sa akin. Wala pa rin siyang ipinagbago. Napakadali niya pa ring baguhin ang emosyon n'ya. Hindi n'ya pa rin ito kayang kontrolin. Kung may nagbago man sa kanya, iyon ay ang kilos niya at physical appearance niya. He looks manly and responsible now, unlike before.
"Ano pong ibig niyong—"
"Stop it, Sydney!" Napaatras ako nang bigla niya akong sigawan. Saglit lang nawala sa kanya ang atensyon ko at nakalapit na kaagad siya sa akin.
He looks frustrated. Parang gusto niya akong saktan, na hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Pero kilala ko si Andrew, hindi siya 'yong tipo ng lalaki na mananakit ng babae. Pero noon 'yon, hindi ko lang alam ngayon. Ngunit gano'n pa man, wala akong maramdamang pagkatakot sa kanya ngayon.
"Why are you like that?" Muli niyang inulit ang naunang tanong n'ya. Kung kanina ay galit ang pagkakatanong niya, ngayon ay punong-puno ito ng sakit. Naguguluhan tuloy ako kung bakit ganito siya, kung bakit umaakto siyang nasasaktan sa pakikitungo ko sa kanya.
"What do you mean, Sir?" muli kong tanong.
"Ito, bakit parang wala lang ako sa 'yo? Bakit ganito ang pakikitungo mo?"
Bahagya akong natawa sa sinabi n'ya.
"Bakit? Ano po ba'ng gusto niyong gawing pakikitungo ko?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"I..." napasinghap ako nang bigla niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko. Tila ba pagod na pagod siya at gusto niya na lang mamahinga sa balikat ko.
Naramdaman ko rin ang unti-unting pagyakap niya sa akin. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Nanatili akong tuwid na nakatayo at hinahayaan lang siya sa kung ano ang ginagawa niya.
"I missed you so much,"
Tila naging sandata ang mga salitang iyon laban sa akin. Ang sakit-sakit no'ng pakinggan. Doon lang din ako bumalik sa ulirat. Ginamit ko ang buong lakas ko para itulak siya nang malakas.
Nagtagumpay ako sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumama ang likod niya sa lamesa na naging dahilan ng pagbagsak ng katawan niya sa semento.
Nataranta ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Kung ang pagtakbo sa labas para takasan siya, o ang paglapit sa kanya para tulungan siyang makatayo.
Sa huli, mas pinili kong lapitan siya at tulungang makatayo. Dala ng kalasingan kaya hindi niya na rin kayang tumayo.
"So-sorry po, Sir." nahihiyang sabi ko.
"Sir?" Tumawa siya. 'Yong tawang alam mong pilit na may itinatagong sakit. Bakit ganito siya? Nasaan na ba kasi 'yong asawa niya? Si Miss Michelle?
"Drop that sir, Sydney! Call me Drew! Tawagin mo ako sa kung paano mo ako tinatawag noon." nakiki-usap niyang sabi.
"Why are you so unfair? Bakit napaka-unfair ng mundo sa akin? I am bad? Masama ba akong tao, Sydney?" He's now shouting. Natataranta na rin tuloy ako. Ano bang pinagsasabi n'ya? Ano bang ibig niyang sabihin?
"Si-sir, you're drunk. Ang mas mabuti pa siguro ay tawagin ko na lang si Miss Michelle para makauwi na kayo at makapagpahinga ka." natataranta kong sabi. Nang akmang tatayo na ako ay bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghatak niya sa braso ko.
"Please, comeback,"
Kasabay ng sinabi n'ya ay ang biglang pagbukas ng pintuan sa opisina niya. Magkasunod na pumasok si Miss Michelle at Architect Robles.
Alalang-alala ang mukha ni Miss Michelle habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Andrew.
Samantalang, kaagad namang lumapit si architect Robles kay Andrew para tulungan ito.
Inalalayan niya itong makatayo, pagkatapos ay tuluyan nang inilabas sa opisina n'ya.
Naiwan kami ni Miss Michelle sa loob. Kaagad niya akong nilapitan.
"I'm sorry for what he have done. Kung ano man ang mga sinabi niya, sana hindi ka nito maapektuhan. Isipin mo na lang na nasabi niya lang ang mga 'yon dahil sa kalasingan, dahil lasing lang siya."
Matapos niyang sabihin sa akin iyon, iniwan niya na rin ako sa silid ng opisina ni Drew.
Napa-iling na lang ako. Ikalawang araw ko pa lang sa trabaho ko ngunit ang dami nang nangyari.
After the party, nagpasya akong bumaba na ng basement dahil alam kong do'n naghihintay si kuya Bert.
"Sydney!"
Para akong na-istatwa sa aking kinatatayuan pag labas na pagka labas ko ng elevator.
"Sir Andrew," mahina kong sabi. Nangungusap ang kanyang mga mata ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Akala ko po nakauwi na kayo?" dagdag ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. Napaatras ako nang bahagya matapos niya akong lapitan. Mabuti na lang at walang gaanong tao rito sa basement, dahil mahirap na baka may makakita sa amin sa ganitong ayos.
"Take care," bulong niya matapos niyang ilagay sa balikat ko ang jacket n'ya. Doon ko lang napagtanto kung bakit ang lapit niya sa akin, gusto niya pa lang takpan ang balikat ko.
"Ayoko na ulit makitang nagsu-suot ka ng ganito. Don't exposed your skin too much." malamig at ma-awtoridad niyang sabi bago ako iniwang nakatulala.
Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Bakit kung umasta siya, parang walang nangyari six years ago? Damn him!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1894)

  • avatar
    Kris Yagatam

    Unang basa ko palang sa kwento akala ko walang ng mangyayari sa buhay niya, pero habang tumagal pala ginawan niya ng paraan para maging maayos ang buhay niya sobrang proud ako sa kanya dahil napaka mabuti niyang ina, kinaya niya lahat ng pag hihirapan at sakit na pinaramdam sa kanya hinde siya sumuko sobrang tatag niya. tapos tama yung pag papalaki niya sa anak niya naturuan ng kabutihan at magandang asal napaka magalang niya sobra. sana maiangat niya sa kahirapan ang pamilya at matupad lahat eh

    05/08/2022

      4
  • avatar
    Atey AJ

    ganda

    21/04

      0
  • avatar
    CruzatJaniel

    so I preciate this story

    02/03

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด