logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: Childhoof friend

3rd Person's POV
Nagulantang ang Tito ni Eunnie dahil sa nakita nyang nangyari sa mga guhit nya. Alam nyang hindi nya pa natapos ang next scene pero nandilim ang paningin nya nung nakita na nagbago ang nasa drawing book. Imbis na iniinterrogate si Hideo ay naka takas ito. Hindi na ito bago sa kanya dahil meron ng ganitong nangyari noong unang panahon, na merong mga bagay na nangyayari kahit hindi nya ito iginuhit.
"Tumakas ka na naman! Sino ba tong tumulong nanaman sa'yo! HIndi ito maaari. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang taong nangingialam sa trabaho ko!" sabi nya at nanginginig ang kamao nya sa galit. 
Hindi nya naman napag dudahan na si Eunnie ang may gawa nito dahil kahit sya ay walang kaalam-alam na nagbalik na ang librong matagal nya ng hinihintay at naunahan pa sya ni Eunnie na makita yun.
"Kung sino man ang may hawak ng librong iyon, hihintayin ko ang pagkikita natin!" sabi nya at tumingin sa guhit nya. "At ikaw Hideo, sisiguraduhin kong papalakihin ko ang kaso mo kasi ito yung gusto mo diba? gusto mo ng laro, pwes! pagbibigyan kita!" at umupo na sya para magsimulang mag guhit.
***
Eunnie's POV
Panibagong araw nanaman para mag aral, hayst! Antok na antok pa akong nag aayos ng gamit ko para sa skwela habang hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Nagiging nakakalimotin na yata ako, wala kasi akong maalala na inilagay ko sa drawer ko yung drawing book pero andun na sya pagkagising ko, pero pwede ding si Mama naglagay dun... Tama!! Si Mama. Agad-agad akong bumaba kasi nagugutom narin ako dahil sa bango ng inihanda ni Mama.
"Hi, Mama!" sabi ko sabay lagay ng bag sa upuan "Waw, paborito ko! anong meron, Ma?" tanong ko at inamoy-amoy ang sinigang na isda. Paborito ko ang sinigang kasi mahilig ako sa maasim na mga pagkain. 
"First day of the week para sa klase mo, kaya dapat maganda din ang bungad nito sayo." sagot ni Mama na nakangiti.
"Si Mama talaga e." sabay ngiti ko.
"Mag bibisikleta kaba ngayon, nak?"
"Hindi na muna siguro, Ma. Napagod ako kahapon kaka guhit ng comics e! Commute ako ngayon."
"Mabuti naman, kasi kahit ako ayokong nag bibisikleta ka, ang dilikado ng  daan tapos babae ka pa naman, hindi natin alam kung anong mangyayri sa daan." sagot naman ni Mama na kumakain narin ngayon. Tumango naman ako.
"Malaki na nga po kasi ako kaya wag na po kayo mag alala." napailing naman sya.
"Ikaw talaga, manang mana ka sa tatay mo. Pag anong gusto dapat nasusunod."
"Kung hindi lang sana kayo naghiwalay, Ma!" sabi ko at ngumiti ng pilit. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil palaging nasa abroad si Mama nuon para pangtos-tos sa pamumuhay namin. Mahirap lang kasi ang buhay namin, tsaka isa pa. Nag tanan sila ni Mama noong nabuntis sya ni Papa. Kaya ayon,  galit na galit ang Lola ko at pinutol ang koneksyon kay Mama dahil nakakahiya daw sa pangalan ni Lolo na may anak silang nakipag tanan. Galing sa mayaman na pamilya si Mama pero dahil nga sa pag-ibig na kahit sino ay mabubulag talaga. Isang CEO ang lolo ko sa pinaka sikat na ospital dito at dahil sa kahihiyan, itinakwil na sya ni Lola at simula noon, nangako si Mama sa sarili nya na hindi na sya hihingi ng kahit anong tulong mmula kela lola kaya napag desisyonan nyang mag abroad na muna noong 3 months old ako kasi pabalik balik ako sa ospital. Tanging si papa ang nag-alaga sakin pero tumutulong naman ang  pamilya nya paminsan-minsan. At kahit nagtatrabaho sa isang sikat na ospital ang Family ni Mama ay hindi parin ito naging dahilan upang lumapit si Mama sa kanila.
Habang tumatagal si Mama sa ibang bansa ay hindi maiwasan na merong namimiss si  Papa at isa pa lalaki sya, yun yung sabi, kaya dahil sa tindi ng pangungulila ni papa, merong hindi magandang nangyari. Nahulog ang loob nya sa babaeng kaibigan ng kasama nya sa isang construction site na pinag tatrabahuan nya. Nagka relasyon sila at nung malaman ito ni Mama ay hindi sya nag alinlangan na magpaubaya kasi kahit anong gawin nya, sa isipan nya ay kabayaran daw ito sa kasalanang ginawa nila noon na pag tanan. Naging okay rin naman sila ni Mama kasi desisyon ni Mama na magpaubaya at hindi pa sila kasal nun kaya pinilit nyang makipag bati kahit masakit sa damdamin nya, alang-alang sakin. Kaya pati sa asawa ngayon ni Papa ay kinaibigan din ni Mama, ganyan kabait mama ko at proud ako na ang nagpalaki sakin ay isang tulad nya.
Naging close din kami ng step-mother ko kasi simula noong bata pa ako nung hindi pa nakauwi si Mama, tumulong sya sa pag aalaga sakin, at hindi kumuntra si Mama doon, sa halip ay tinuring nya itong isang kaibigan kahit na alam nyang sinaktan sya nito. Kaya kahit papano ay masaya parin ang buhay ko, I have two moms and a loving papa. Nasa Canada na sina Papa at Mami (yun kasi gusto ng step-mother ko na itawag ko sa kanya) kasi isang nurse si Mami at mas malaki ang sweldo dun kaya nag migrate sila. Inintay lang nila na makauwi si Mama dito saka sila nag ayos ng papeles papuntang Canada. Hindi narin ako makapag hintay na ma meet ang half-sister ko kasi 2 years lang yung tanda ko dun, I'm pretty sure mag kakasundo kami.
"Osya, kumain ka na, wag nanatin yan pag-usapan, ayoko mag drama tayo dito." sabay tawa nya at nag change nalang ng topic. "Nak, baka uulan, mag dala ka ng payong, nasa gilid ng pintuan." 
"Sigi po, Mama" pag sang-ayon ko.
Naging masaya ang kwentohan namin ni Mama at pagkatapos ay nag ayos na ako ulit para maka alis na.
"Ma, alis na po ako, bye po!" sabay kaway ko at kumaway din naman sya.
nag lalakad na ako ngayon para mag abang ng tricycle papuntang skwelahan nang biglang pumasok sa isip ko si Hideo kaya napangiti ako agad.
"Ano kayang itsura mo pag tao ka, no? sigurado akong pagkakaguluhan ka ng mga babae sa school. Hmmm... Pero dapat kahit na pagkakaguluhan ka ay dapat sakin ka lang." sabi ko ng naka simangot. "Ba't walang masyadong dumadaan na tricycle?" tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang 7:50 na pala. Nanlaki ang mga mata ko. "Kaya pala wala ng tricycle kasi andun na sila lahat sa skwelahan at hinatid na ang mga estudyante!" napapadyak nalang ako ng paa. Dapat pala kasi 7:20 andito na ako nag aabang kasi mag uunahan ang mga estudyante na makasakay sa tricycle. Hayst, sana nag bisikleta nalang ako. Matagal-tagal narin kasi na hindi ako nag ccommute papuntang school. Kailangan ko pang pumunta pa duun sa Highway para mag abang ng masasakyan, at malayo-layo pa yun. Late na talaga ako neto.
Tumakbo na ako ng mabilis dahil nagbabakasakali akong meron pa akong masasakyan nang biglang umulan kaya napahinto ako. Saka ko naalala na nakalimutan kong dalhin yung payong. Napa face palm nalang ako sa katangahan ko.

"Ano ba yan!  Kung kailan nagmamadali ako saka pa talaga umulan." Tumakbo naman ako papunta dun sa merong waiting shed pero medyo malayo kaya ginamit ko ang bag ko upang panangga sa ulan.
Nang makarating ako ay agad kong pinunasan sarili ko gamit aking mga kamay. 
"Kung minamalas ka nga naman o! Papano na to? Ikaw kasi Eunnie e! tanga-tanga talaga." sabay sabunot sa sarili ko. Napansin ko naman na pinag titinginan ako ng mga dumadaan kaya ngumiti ako sa kanila ng pilit.
Giniginaw na ako at wala akong extrang jacket kaya niyakap ko nalang ang sarili ko at hinitay na tumila ang ulan o kung may dumaang himala. wala na akong pakealam kung ma late ako, reasonable naman siguro to kasi malakas yung ulan at malayo yung amin sa school.
"Hideo, my hero, Kung andito ka lang sana" nakasimangot akong nakatulala sa daan nang biglang may nag lagay ng jacket sa balikat ko kaya nanlaki ang mga mata ko. "Hideo?" sabay lingon ko sa likuran at nakita si....
"Dylan?" tanging sabi ko. Si Dylan, ang aking childhood friend na sikat sa school, kaya ang rule na binigay ko sa kanya ay hindi dapat malaman ng mga studyante na close kami kasi alam kong madami ang maiinggit sakin at baka ma bully pa ako sa school.
"Ba't ba andito ka pa?" seryosong tanong nya. Ayan nanaman sya sa mga tingin nya na rason kung bakit ang daming nagkakagusto.
"As if naman na gusto ko! wala akong dalang payong, obviously!"
"Basang-basa ka na, may extra ka ba dun sa locker mo?"
"Concern mo bigla oy? Anyare? lumayo ka nga, baka mapagkamalan pa tayong mag jowa."
"Let them think what they want. Alangan naman hayaan kita dito?" sabi nya habang may dala-dalang payong.
"Ba't ka nga pala andito? Late ka rin?" tanong ko at inayos yung jacket.
"Nasa school na ako pero tumawag si Tita, tinatanong kung nakarating ka na ba daw kasi nakalimutan mo raw yung payong mo." sagot nya at tumango ako sabay kamot sa ulo ko. "Kaya sinabihan ko syang wag na mag alala at susunduin kita." sabi nya habang nakatingin sa kin. Grabe naman, kung hindi lang kami magkababata nito baka naging crush ko narin to pero hindi e. Alam ko na mga baho nitong lalaking to.
"S-salamat..." Sagot ko at ngumiti. Agad naman kami nag lakad papunta sa kotse nya para pumunta na ng eskwelahan.
***
[COMIC WORLD]
Kasalukuyang nag ddisguise si Hideo dahil target narin sya ng mga pulis ngayon dahil sa patong-patong na kasong naghihintay sa kanya, mas lumala pa dahil sya ay tumakas ngayon.
Kumalat na naman sa mga balita na meron nanamang panibagong krimen ang nangyari. Isang dalaga ang  na rape at pinaslang sa likod ng isang Fastfood chain.
"Screams were heard about 10pm yesterday but not until the following evening, her body was found inside a garbage bag floating on the river..." sabi ng isang reporter na ngayon ay pinapanuod ni Hideo. Pinag usap-usapan ito ng mga tao sa kanyang paligid at ang lakas ng tibok ng puso nya dahil isa sya sa suspects na pinagdududahan ng mga pulis. Wala syang magagawa kahit hindi nya maintindihan ang sitwasyon nya dahil ito ang gusto ng writer ng comic world kung saan sya ang main character.
Pumunta si  Hideo sa ilog kung saan nakitang nakalutang ang bangkay. Hindi nya alam kung bakit sya pumunta pero ang mga paa nya mismo ang naghatid sa kanya papunta dun. Gabi na at walang kahit isang ilaw at nakabalot din ang kanyang katawan upang hindi sya makilala ng mga pulis. Nakatitig lang sya sa ilog nang may biglang sumaksak sa likuran nya kaya kumilos sya agad para lumaban.
Nag suntukan sila sa sumaksak sa kanya at hindi nya rin maaninag ang itsura nito dahil nakabalot ang mukha at medyo malakas din ito. Sinuntok nya ng sinuntok hanggang sa natapon ang patalim sa likuran ni Hideo. Dali dali syang lumapit sa patalim upang kunin yun pero nahawakan ng kriminal ang kanyang paa kaya natumba ito. Pilit nyang inaabot ang patalim kahit na hinihila sya ng kriminal dahil sa kagustohan nyang mabuhay. 
Sinipa nya ang Kriminal sa mukha kaya nakawala sya dito at agad nyang hinanap kung saan napunta ang patalim. Nang dahil sa galit ay agad syang tumayo noong nahawakan nya na ang matulis na bagay at lumapit sa kriminal at pinagsasaksak ito. Hindi nya tinigilan hanggang sa hindi na ito maitsura dahil sa pag tadtad nya.
"Bakit palagi nalang akong napapahamak? anong kasalanan ko?????" Sigaw nya at ginawa nya na ang panghuli nyang pagsaksak. Naliligo na ang kriminal sa dugo at ganun din sya, iyak sya ng iyak dahil sa hindi nya maintindihan kung bakit palaging may gustong pumatay sa kanya. Napatingin sya sa tagiliran nya kung saan sya nasaksak habang dinaramdam ang hapdi nito.
"Tulong! kung naririnig mo man ako, tulongan mo ko....ulit" bulong nya habang hawak ang bracelet ni Eunnie tapos napahiga sa sakit. Ito ang linya nyang hindi alam ng writer dahil hindi ito kasali sa linyang inilagay sa kanya kundi ito ay galing sa kalooban nyang pagsabi.
***
3rd Person's POV
Laking tuwa ng Tito ni Eunnie dahil ito ang gusto nya, na unti-unting pahihirapan si Hideo dahil sa malalim nitong rason.
"Malapit na...Nararamdaman kong malapit na. Hintayin mo ako, mahal ko." naka ngising sabi ng Tito Luis ni Eunnie.
***
Eunnie's POV
Nasa aking hide-out ako ngayon dahil hindi ko ramdam na mag lunch break kasama mga kaibigan ko. Pinili kong mag tago nanaman dito dahil parang aatakihin ako sa puso dun sa labas kasi nong papasok kami ng Hill-top High ni Dylan, may mga studyanteng nakakita at parang mag sisimula na namang mag isyu, buti nalang at tinakpan ko ang aking mukha upang hindi nila makita.
Nakatingin ako ngayon sa ID ko kung saan inilagay ko ang cartoon picture ni Hideo, kaya napangiti ako ulit. Napag desisyonan ko na gumuhit ulit ng scenes kung saan masaya ang buhay ni Hideo. Dinala ko kasi ang drawing book kasi alam kong guguhit si Tito Luis ngayon at dapat tapatan ko yun ng happy scenes. Hmmm. Akala nya huh!
Nag iisip ako kung anong magandang story para kay Hideo kaya pinaglaruan ko muna ang aking pen.
"Hmmmm...."napapikit pa ako kasi andaming ideya ang pumapasok sa isip ko at ang hirap mamili kung ano talaga.
Ilang sandali ay may ideyang nagustohan ko talaga.
"Ahuh!! Alam ko na." sabay ngiti ko at nag simula na akong mag guhit. Mataas pa naman ang oras ng lunch break kaya uubusin ko tong oras nato para gumuhit ng storya para ky Hideo.
Naisipan ko na iguhit ang skwelahan namin, ang Hill-top High at dito sa kwentong gawa ko ay magiging transferee si Hideo dito. Nilagay ko rin lahat ng attributes nya to the point na malalamangan nya si Dylan sa pagiging sikat tapos gusto ko maging maganda ang kwento nya dito tapos babaliwalain nya ibang girls kasi hahanapin nya ako. Hihihi, ang cute nito.
Sa lower right corner ng papel ay may isinulat ako:
"Sana maging totoo to. Hideo, my hero, come and find me...
-your #1 fan, E.Y"
Pagkatapos ko ng pagsulat ay nakatulog na ako sa antok.
****
Nagising ako bigla kasi may narinig akong nag sisigawan sa labas.
"Langya, dahil na naman to ky Dylan!!" sabay pag irap ko. Ilang taon na sya dito sa school, pero yung mga babe kung makatili parang ngayon lang nakakita sa kanya. Hayst, Anubayan! 
Napakamot ako sa ulo ko at nanlaki ang mga mata ko kasi hindi ko na makita kung nasan ang drawing book ko. 

"Hala! Andito lang yun kanina ah?" sabay hanap ko sa ilalim ng lamesa, at kahit saan pa pero hindi ko makita. Pumasok sa isip ko na baka si Dylan na naman nangialam sa gamit ko. Alam nya kasi na hide-out ko to dito kaya lumabas ako para hanapin yung kumag  na yun. paglabas ko ng pinto ay biglang binangga ako ng mga babae na tumatakbo. 
"Aray ko naman, hindi ba uso mag ingat sa inyo?" Inis kong sabi.
"Eeeuuun!!" Sigaw ni Marisa habang papalapit sakin.
"OH?" bigla nya akong hinila tapos hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin.
"May transferee, mas gwapo pa kesa ky Dylan!!!' Sabay tili nya. Napataas naman ako ng kilay.
"wow, may mas attractive pa pala sa yong mga mata kesa ky Dylan?" sarkastiko kong tanong.
"Bes, ang gwapo nya, bahala na yang Dylan na yan! Hali ka!!" at hinila ako ulit. nasa second floor kami ngayon at dinala nya ako sa railings gaya ng iba na makikiabang sa transferee. "Ayun bes!, Ayun!" sabay turo nya sa lalaking nakatalikod tapos pinag pepyestahan ng mga babae.
napakunot ang noo ko. tch! hindi naman siguro artista yan bakit pinagtitilian. Napairap nalang ako. Pfft, kahit gaano pa yan ka gwapo, hinding-hindi ko ipagpapalit Hideo ko dyan!
"Alis na ako, Hahanapin ko pa yung drawing book ko, humanda talaga Dylan na yun." sabay talikod ko.
"Hoy! Teka lang, ayan na humarap na sya, Eunnie!!!" Sigaw ni Marisa pero hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa pag lalakad para hanapin si Dylan. "Hoy! babae, paakyat sya dito!!" hindi parin ako humarap. Hindi na ako magkaka interest dyan sa mga lalaki nila kasi nasa ky Hideo lang nakatuon atensyon ko.
Tumakbo ako at binangga ang mga babaeng humarang sa daanan kasi nakakainis naman kasi, ang dami nila nakaabang na umakyat yung transferee na parang ngayon lang nakakita ng gwapo, Whatever!
Hinanap ko ng hinanap si Dylan at sa wakas nakita ko rin, Ahuh!!
paglapit ko sa kanya ay agad ko syang kinurot.
"Aray! What th-" napatigil sya nang nakitang ako yun. "Eunnie?"
napamewang ako habang nakatingin sa kanya. Wala akong pakialam kung hanggang dibdib lang ako sa kanya basta mabawi ko ulit yung drawing book.
"Hindi na ako mag pa ligoy-ligoy pa, akin na ang drawing book." At inilahad ang kamay ko
"Huh? Anong drawing book sinasabi mo?" At talagang nag kukunwari pa
"Ikaw lang may alam sa hide-out ko kaya ikaw kumuha non, akin na!" tiningnan ko sya ng matalim kaya itinaas nya ang dalawang kamay nya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, at nandito ako the whole time" Proud nyang sabi.
"So, ano yun? Nag lakad mag isa ang libro???" Itinaas nya naman ang balikat nya.
"Siguro!" sagot nya kaya hinampas ko sya dahilan para mapa sigaw sya at pagtinginan kami ng mga tao.
"tama ba yung nakita ko? hinampas nya?" Girl 1
"Lakas loob ah!" Girl 2
"May kasalanan ako sa kanya kaya hinampas nya ako, kaya wala lang yun." Pag tatanggol naman ni Dylan sakin sabay ngiti ng matamis sa mga babae kaya ay umalis na sila. Talaga naman tong Dylan-power e!
"Humanda ka bukas, dapat mabalik mo yun!" inis kong sabi.
"Hindi ko nga alam pinagsasabi mo, tutlungan nalang kita. Promise po" Sabay taas nya ng kanang kamay nya. Umirap lang ako at umalis na.
***
naglalakad ako ngayon papunta sa hindi ko alam basta nasa loob pa ako ng paaralan. Dinadamdam ko parin kung saan napunta yung drawing book. Lagot talaga ako kay Tito pag nawala ko yun. Nakakita ako ng bato sa aking dinadaanan kaya nainis ako.
"Hinaharang-harang mo dyan?" pagalit kong tanong sa bato, pero baka magulat ako pag sumagot to. Napailing nalang ako at sinipa sipa ito. Sipa lang ako ng sipa hanggang sa nilakasan ko na ang sipa nito dahil sa inis. tiningnan ko kung saan patungo ang bato at napatakip ako sa bibig ko dahil patungo ito sa direksyon ng isang lalaking naglalakad. Napatulala ako kasi natamaan ang lalaki sa likod nya at alam kong malakas ang impact nun.
Kaming dalawa lang andito sa likuran ng building  at patay ako pag magalit to. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil unti-unting lumingon ang lalaki sa aking direksyon.
Mas nagulantang pa ako nang maaninag ko ang mukha nya. 
Ba't ganto puso ko? ba....kit?
Humarap na sya ng tuluyan at....
S..sya ba yung transferee?
***

หนังสือแสดงความคิดเห็น (35)

  • avatar
    Allen Rhey Olermo

    very nice and very good story

    2d

      0
  • avatar
    AbanesAriel

    wow

    4d

      0
  • avatar
    IngJoe

    good

    16/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด