logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

THE WEDDING

TYRONE’S POV
PSSH, that woman. She looks so familiar.
I’m here in my room, preparing for this afternoon's occasion or should I say … wedding. Tss!
Yeah. Ikakasal na ako. With that woman. Shit, I forgot to ask her name!
I just met her the other day, but there is this kind of feeling na hindi ko maintindihan. Tss, whatever.
Napilitan lang naman talaga ako sa kasal-kasalang ‘to. It was Ian’s idea. Lahat din ng ni-recommend nilang babae sa akin kagabi ay hindi ko naman nagustuhan, and this girl accidentally cross my mind. The flower vendor. Isang beses pa lang kaming nagkita and it was like I’ve known her for so long.
May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Come in.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jimmy, our family’s butler, ‘yong sumalubong sa amin kanina sa labas.
“How is she?” tanong ko.
“She’s in her room now at inaayusan na ho siya.”
“Good. Her name?”
“She’s Arabella Primrose Salvatore, Sir.”
“Okay.”
Pagkatapos no’n ay lumabas na siya. I have to get ready.

BRIDGET’S POV
“WHAT?! This is impossible!”
Hawak ko ngayon ang wedding invitation card galing kay Tyrone.
“Hindi ako makapaniwala! I can’t accept this! I really can’t!” Sabay hagis ng vase sa table ko.
I’ve waited for Tyrone since we were kids. At bigla ko na lang malalaman ngayon na ikakasal na siya? No way! He’s mine and only mine!
Lumabas ako ng kwarto ko at hinarap ang daddy ko.
“Daddy!”
“Oh, darling. Is there something wrong? Why are you crying?” alalang tanong sa akin ni Dad.
“Sabi mo kami ang magpapakasal ni Tyrone?”
“Oh, no! I’m sorry, darling, pero hindi ako ang magdedesisyon kung sino ang pakakasalan ni Tyrone. Wala sa posisyon ang daddy mo para sa bagay na ‘yon.”
“But you promised me that I will be the only girl that Tyrone will be spending for the rest of his life.”
“Yes, alam ko. Pero, nasa kaniya pa rin ang desis—”
“NO! Do something, Dad! Do something!” sabi ko saka nag-walk out.
BELLE’S POV
HALA! Ano ‘to? Ako ba talaga ‘to? Hindi nga? Grabe! Alam kong maganda ako kahit hindi ako mag-ayos, pero nagmumukha akong dyosa sa itsura
ko ngayon. Grabe na ‘to!
Tapos na nila akong ayusan. At heto ako ngayon, naka-gown na pang kasal. KASAL?
“Oh my Lord!” sigaw ko. Nagulat tuloy ‘yong mga kasama kong beauticians at napatingin sa akin.
“Bakit, Ma’am? May hindi po ba kayo nagustuhan sa inayos namin sa inyo?” tanong ng isa sa kanila.
Anong hindi? Eh, gustong-gusto ko nga, eh!
“Ano bang meron? Bakit ako naka-ganito?” tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang tatlo.
“Eh, Ma’am, kasal n’yo ho ngayon, hindi n’yo po ba alam?”
“Kasal?!”
What? Ano? Bakit?
As in ngayon na talaga? Hindi ako prepared! Nabibilisan talaga ako sa mga pangyayari. Hindi ‘to puwede. No, as in NO !
“Kailangan kong makaalis dito,” sabi ko.
“Ano po?”
“Hindi ‘to puwede!” Naglakad ako papunta sa pintuan, gusto kong lumabas sa kwartong ito at tumakas. Sakto namang paglabas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Manong at ang damuhong lalaki na naghila sa akin dito.
Natigilan tuloy ako. Kasi naman, eh, ang guwapo n’ya sa suot n’yang tuxedo. Makalaglag panty, este panga. Parang gusto ko na tuloy magpaalipin sa kaniya habambuhay, till death do us part. Tahimik, Belle! Tumigil ka!
Pero teka, ba’t ba siya nakatitig sa akin? Nakakailang tuloy, ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ‘yong tinititigan ako. O, mahabaging lupa, kainin mo na ako ngayon sa kinatatayuan ko !
“I’ll go first,” sabi ng damuho kay Manong. Saka siya umalis at nilagpasan ako. Sus! Sabi na nga ba, eh, akala ko lang pala ‘yon nanagagandahan siya sa akin. Psshh. Huwag ka kasing assuming, Belle.
“Tayo na po, Ma’am,” aya sa akin ni Manong.
“Teka, Manong. Bakit ba may pakasal-kasal pa? Eh, kunwaring mag- asawa lang naman ‘yong sinabi sa akin ng damuhong ‘yon … na ano nga ulit ang pangalan n’ya?”
“Tyrone po.”
“Ah, oo, ‘yong Tyrone na ‘yon. Hay naku! Isa na lang talaga, titirisin ko na siya ng pinong-pino!”
“Tayo na po, Ma’am, para hindi tayo ma-late.”
Naglakad na kami papunta sa kotse.
Oh my gosh! Kinakabahan ako, parang gusto ko na talagang hampasin si Manong ng suot kong takong ngayon at tumakas. Pero kawawa naman si Manong.
Bumaba na kami ng hagdan at lumabas ng bahay. Inalalayan n’ya akong makasakay sa kotse na ubod ng ganda at hindi ko alam kung anong klase ng kotse ito pero sa tingin ko’y million ang halaga.
Sumakay na si Manong sa driver’s seat at ilang sandali pa’y pinaandar na n’ya ito. Habang nasa daan kami hindi ko talaga maiwasang huwag kabahan at hindi mapakali. Kahit na aircon ang sasakyan ay hindi ko maiwasang huwag pagpawisan sa sobrang kaba.
Ilang sandali pa’y lumiko kami sa isang kanto. May nakikita na akong simbahan. Dito ba gaganapin ‘yong kasal? Ibig kong sabihin … ang pekeng kasal?
Huminto na ‘yong sasakyan. Lumabas si Manong at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko’y agad akong nag-request sa kaniya na pumunta muna ng banyo. Eh, sa nate-tense ako, eh, bakit ba?
“Ma’am Belle, are you okay? The ceremony will start in 5 minutes,” tawag ni Manong mula sa labas.
“Sandali na lang,” sigaw ko. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili. “Fighting!” sabi ko sa sarili saka lumabas ng banyo.
“Ma’am, huwag ho kayong masyadong kabahan. Relax lang ho kayo, nakababawas ng ganda ang sobrang nerbyos.”
Sino ba naman ang hindi kakabahan dito? Eh, biglaan ‘tong mga nangyayari sa akin ngayon! Like O to the M to the G!!!
Naglakad na kami patungo sa pinto. Nakasarado na ‘yon, hudyat na para pumasok ang bride. Naririnig ko na ang musika sa loob. Musika ba talaga ‘yon? O tibok ng puso ko?
Bumukas na ang pinto. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Konti lang ‘yong tao sa loob! Wala ring decorations ang simbahan. ‘Yong totoo?
Kasal ba ‘to o ano? Tsk!
Nagsimula na akong maglakad. Dahan-dahan. Feel na feel ko naman yata ang kasal na ‘to? Nakikita ko si Damuho sa unahan, nakatingin sa akin. Sa likod n’ya’y may apat pang pamilyar na lalaki na may mga itsura din. Kinakabahan ako, rinig na rinig ko ang bawat tibok ng puso ko.
Malapit na ako sa kinatatayuan ng lalaking pakakasalan ko. Ilang hakbang na lang pero hindi ko na naituloy dahil nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa sahig ng simbahan.
TYRONE’S POV
ISINARA na nila ang pinto ng simbahan, hudyat na ng pagpasok ng bride. And here she comes … my bride. I don’t know but, I just can’t take my eyes off of her as she walks down the aisle. Nakayuko lang siya. Alam kong nabibilisan siya sa pangyayari. Ako rin naman, eh. Tss!
Heto na siya. Mga limang hakbang na lang nang mapamura ako dahil bigla siyang hinimatay.
“Damn it!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (167)

  • avatar
    MagalonaHoneylyn

    ok nmn

    3d

      0
  • avatar
    Cjay Capecenio

    hhvvhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

    5d

      0
  • avatar
    CorpuzMarie Charles

    okkkk

    21d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด