"Mira." Lumingon siya sa'kin nang marinig ang tawag ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko, kung itatanong ko ba o huwag nalang. Baka kasi mainis na naman sa pagiging 'impossible' ko. Iyon ang madalas nilang sabihin sa'kin maliban sa pagiging weirdo, impossible rin. Wala naman akong magawa sa pagtawag nila ng kung ano-ano sa'kin. Sa kabilang banda kasi eh medyo totoo rin naman. Kaya hinayaan ko nalang at isa pa wala naman na rin akong pakialam. Call me what you want. It might hurt me but I'll be just fine. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay ng kaibigan ko, si Jani. Inimbitahan kami dahil ngayon ay kaarawan niya at mayroong handaan. Hindi naman dapat talaga 'ko pupunta dahil hindi ko rin talaga hilig ang makidalo. Plano kong batiin na lamang si Jani at ibigay ang inihanda kong regalo sa kaniya sa ibang araw. Pero wala na 'kong nagawa nang sunduin ako ni Mira sa bahay at isama rito. Kaya heto at nangyari na nga ang inasahan kong maiinip lang dito. Sa hindi kalayuan ay naroon ang ibang bisitang nakidalo rin, kaibigan ni Jani ang mga yun pero hindi ko halos na kilala. Nagulat pa nga ako nang makita ko 'yung Henric na napadaan noon sa bahay nina Auntie. Nalaman kong pinsan pala 'yun ni Jani. Hindi naman alam ni Jani at kahit ni Mira na kilala ko 'yung lalaki. And it's not like they need to know anyway. Pakiramdam ko kasi hindi magandang ideya na sabihin yun, ang alam pa naman nila eh hindi ko naman ugaling kumilala ng iba, ayokong may isipin silang iba, they'll just make it an issue katulad nalang ni Auntie Rima. Pero hindi ko naman talaga yun gusto o kung ano pa man, I just really find the guy cute, that's all. Nagku-kuwentuhan ang iba sa kanila habang ang iba naman ay nagkakantahan. May dala kasing gitara yung isang lalaki na narinig kong tinawag na Delson, tumutugtog siya at sinasabayan naman yun ng kanta ng mga kasama niya. Labing isa silang lahat na magkakasama at nakapalibot sa isang bilog na mesa. Ang saya nilang tignan, they are obviously having a good time.
Sana ako rin. It's so rare for me to have that kind of vibes. Naalala ko dati ang sinabing ayos lang na ganito ako, malayo sa lahat, mapag-isa at tahimik lang. Ayos lang kung maging gano'n ako habang buhay dahil kaya ko naman... pero habang nakikita silang gan'to, having a life, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting inggit. Ibinalik ko ang tingin kay Mira. Naabutan ko siyang kumakain ng fish cracker na dinala kanina ni Jani. "Hm? Bakit, Llana?" Si Mira. Kaming dalawa lang 'yung nandito, humiwalay kasi kami dahil hindi naman namin ka-close yung ibang bisita ni Jani. The celebrant on the other hand were busy entertaining her other visitors. "Ah, may tanong lang sana 'ko. Hypothetical lang naman," "Okay... Go lang." Ngumiti siya. "Ano ba 'yun?" She asked as she get another piece of the snack from the plate she's holding. Tumingala ako sa langit. Ang nag-aagawang kahel at asul ay kay gandang pagmasdan. Kaunti itong natatakpan ng mga dahon na nakaharang sa paningin ko. Nakaupo kasi kami sa lilim ng punong mangga and before my eyes were some greeny leaves of the huge and old Mango tree. "Naniniwala ka bang may mangyayaring zombie outbreak? Uh say, one of these days?" marahan ang pagkakabitaw ko ng bawat salita gamit ang boses na sinadyang pahinain. Ayoko naman siyang biglain o kaya ay takutin. Gusto ko lang malaman kung anong tingin niya patungkol doon. I heave a sigh. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nang makita ko at malaman ang tungkol doon. Zombie outbreak. It is one of the greatest fears of humanity. It would be impossible to just believe that zombies would rise or spread and feed on the living but some really believes that it could truly happen. It turns out that the zombies are not just confined to the world of fictional creatures. Kung iisipin ay napakaimposible nga naman. Hindi basta-bastang paniniwalaan 'yun lalo pa kung hindi mo talaga hilig ang mga tungkol sa usaping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matahimik. At alam kong kailangan kong ilabas ang mga gumugulo sa isip ko kahit pa ang ibig sabihin noon ay baka pagtawanan na naman ako at pag-isipan ng hindi maganda dahil dito. Pero mas mabuti na siguro ang mapagtawanan kaysa naman ang mabaliw dahil sa mga pinag-iisip ko. Hindi ako mapalagay. I really feel the need to at least voice out my thoughts and release some tension. Pinili kong kay Mira nalang maglabas ng saloobin. Kahit papaano kasi ay hindi naman siya masyadong offensive pagdating sa mga paniniwala o mga pinagsasasabi ko. At isa pa siya ang pinakamalapit sa akin. Kaibigan ko siya at sanay na rin sa malawak kong pag-iisip, siya naman ang madalas kong pinagsasabihan eh kaya ganun, naisip kong sanay na rin siya sa pagiging ganito ko. "Bakit mo natanong?" Kunot noo niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako. "Llana... Magsisimula ka na naman sa kung ano-ano at ganiyang pag-iisip mo, ah. Kung si Yang Yang lang sana o 'di kaya ay Got 7 ang pag-uusapan natin ay masisiyahan pa 'ko." Ibinalik ko ang tingin sa kaibigan. Umiiling-iling ito at bahagyang natatawa. "I meant no offense pero try to explore other things din and have a life." May konting kirot sa dibdib akong naramdaman dahil sa naging tugon niya. I just thought she would at least show some interest like how I do whenever she's telling me stuffs about how she feel towards her idols. But I'm not mad at her response, it's just... sad. Maybe it's the thought that I'm just pushing myself to someone whom I thought would care and understand me. Sinimangutan ko nalang siya ng sa ganoon ay maitago ang tunay na nararamdaman. Akala ko talaga sanay na 'ko sa hindi niya pagpapakita ng interes sa mga bagay na sinasabi ko pero siguro nga hindi yun gano'n kadali. At saka siguro rin kung sa iba ko iyon ibinahagi ay siguradong mas masasaktan ako sa magiging tugon ng kung sino man yun. I must say that Mira's still kind for only giving me that kind of feedback. Although, I'm disappointed but it's not really new. Kumuha ako ng isang pirasong fish cracker sa platong hawak niya at kumain. Hindi ko talaga gusto ang lasa ng pagkaing 'to pero sinubukan ko pa rin na kumain. Kakatapos lang din naman naming kumain kanina at busog pa rin ako kahit na kaunti lang naman ang kinain ko. "Pero sige, ano bang tungkol sa zombie outbreak na 'yan?" si Mira. "Enlighten me." Lumabi ako. Hindi ko alam kung gusto niya talagang marinig o ano. But it's so nice of her to show that she's somewhat interested now despite the fact that she never really cared with these cases or issues I usually get myself into. She's into kpop, celebrities, and anything that has something to do with show business. While I don't have any bit of interest with that. But then, I'm glad that we still clicked. She's the only person I can call my friend. Nagsimula akong i-kuwento sakaniya ang mga nalaman ko. As always, she give me a chance to express what's on my mind. Saka gusto ko rin'g marinig ang opinyon niya despite knowing that my introvert ass will might get hurt about her possible response. Pinakita ko rin sakanya 'yung video. Hindi ko na siya sinabayan sa panonood dahil ilang ulit ko na naman yun na pinanood. Pero kahit ganun ay kinikilabutan pa rin ako sa mga naririnig sa video. Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa loob ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin sigurado kung totoo nga iyon o gawa-gawa lang ulit. Wala naman kasing nababalita sa TV o radio o kung saan man na publikong pahayagan ang tungkol doon at isa pa ay hindi rin naman kalat sa internet ang balitang yun kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil may chance na wala talaga iyong katotohanan. Liban na nga lang sa group chat and page na nasalihan kong tungkol sa 'impossible' stuffs ang topics at laman. Halos lahat ng members doon ay naniniwala. At isa pa may mga proofs din. Doon ay malaya akong maging totoo sa sarili. Ngayon nga ay mainit na usapin doon ang tungkol sa zombie na sabi halos ng lahat na totoo. Nagtataka nga ako dahil walang balitang lumalabas tungkol doon sa telebisyon o kahit sa radio. Madalas naman na kapag may pangyayaring katulad ng ganun ay ibinabalita pa rin kahit hindi pa totoo upang maipaalam sa lahat at hindi a pagmulan pa ng katatakutan. Kaya hindi ko rin talaga alam ang paniniwalaan. I was so torn. I believe that stuffs yet I don't want it to ever happen. Of course who would want to face those kind of monsters and be in trouble? "Uy hala! Ang creepy naman n'yan. Natatagalan mo talaga ang panonood ng mga ganito?" Pinatay nito ang cellphone saka binalik niya sa akin at nilagay sa kamay ko. Natapos na siguro sa pinanood ko sakanya o baka naman hindi na niya tinapos. "Pero for sure wala 'yang katotohanan." Mukhang siguradong sigurado siya sa sinabi. "Tingin mo?" "Oo naman. Ang imposible kayang mangyari n'yan atsaka isa pa kung may katotohanan nga 'yan edi sana nabalita na 'di ba? Eh mukhang ikaw nga lang ang nakakaalam diyan eh." Aniya at saka humalakhak. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko sa tinuran niya o ano. I know she fire it as a joke but it doesn't turn out like one for me. "At Llana, please lang tigil-tigilan mo na 'yang mga pagsasaliksik mo sa mga ganyang bagay. Sinabi ko naman na 'di ba? Kaya ka natatawag na weirdo dahil d'yan at ako ang nasasaktan para sayo." Umiling siya. "Buti sana kung weirdo in a good way." She said emphasizing the 'weirdo'. Natahimik ako roon. Masama ba talagang maniwala sa mga ganitong bagay? O hindi lang talaga nila 'ko maintindihan? Mahirap din talagang ipaglaban ang mga bagay na imaw lang ang nakakaunawa at nakakakita. Sa totoo lang pakiramdam ko hindi ako nararapat dito dahil sa mga pinaniniwalaan at pinaggagawa ko. Pakiramdam ko wala akong lugar dito, kahit sa mga kaibigan at pati na rin sa pamilya ko. I have this freedom but it feels so lonely. Mira, she's one of my few friends and I love her but often times, I feel out of place around her. Minsan mas okay pa na maging mag-isa na lang kaysa ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi ka maintindihan. Somehow, explaining yourself is tiring especially to people who had their mind close. Sumenyas si Mira sa akin na aalis muna. Ibabalik niya sa loob ang platong pinaglagyan ng snack na ubos na. Umalis na siya kahit wala pa man din akong sinasabi. At ngayon ay mag-isa nalang ako dito, nakaupo habang pinagmamasdan sina Jani hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ko, nakaupo na siya kasama ang isang grupo ng kaniyang mga bisita. Nagkakatuwaan sila at sinasabayan ng pagkanta ang tinutugtog ni Delson. Seeing them makes me feel alone. And sadness becomes heavier when I'm alone. Do you ever feel like breaking down? Do you ever feel out of place? Like somehow you just don't belong And no one understand you I was taken aback with their chosen song. At sa lahat pa talaga ng puwedeng kantahin ay 'yon pang may patama yata sa akin. I almost let out a chuckle but too tired to even to even do it. Uso ang kantang yun ngayon kaya siguro yun ang tinutugtog nila. That song is also one of my favorites as it somehow comforts me. Pakiramdam ko para sa akin talaga ang kantang 'yon, eh. Pakiramdam ko hindi ako nag iisa dahil sa kantang yun. I let out a deep sigh trying to calm my mind that's slowly getting inhabited by some unwanted thoughts. Ito ang mahirap sa pagiging overthinker. You thought of a lot of things out of the blue and can't easily get out for you're sometimes getting drowned without even realizing it. Umiwas ako ng tingin sa banda nila at muling tumingala sa dumidilim nang kalangitan. Are you stuck inside a world you hate? Are you sick of everyone around? With the big fake smiles and stupid lies But deep inside you're bleeding This song used to comfort me... pero ngayon ay tila nag-iba. Dahil sa naririnig kasing kanta ay mas lalo lang akong nakakaramdam ng pag-iisa. Isama pa na sobrang nagkakatuwaan sila, malayo sa kalagayan ko. No you don't know what its like When nothing feels alright You don't know what its like to be like me I had a goosebumps as I heard that line. I don't know but it feels like it screams like me. To be hurt To feel lost To be left out in the dark To be kicked when you're down To feel like you've been pushed around To be on the edge of breaking down And no one there to save you No you don't know what its like Welcome to my life I mentally laughed inside my mind with the way they sang that part. Feel na feel nila ang pagkanta at sadyang pinepeke rin ang emosyon. Masyadong malakas ang mga boses nila na hindi na halos rinig ang tugtog ng gitara. Saglit akong naaliw sa kanila. I saw Henric, hindi siya sumasabay sa pagkanta ng mga kasama. Nanunuod lang din at nakikitawa. Tumingin ako sa pinuntahan ni Mira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Uwing-uwi na 'ko pero nakakahiyang magpaalam ngayon kay Jani. At lalong mas nakakahiya naman kung aalis nalang akong hindi nagpapaalam. Wala tuloy akong mapagpipilian kung hindi hintayin si Mira at ang tamang tiyempo para magpaalam. Kalahating oras pa ang lumipas na nakatingin lang ako sa kawalan which somehow, enable me to calm down, I don't know how but maybe it's the earthly view in front of me. Dumating si Mira na may ngiti pa sa labi. May naka-kuwentuhan siguro kaya masyado siyang natagalan. I hate to think na iniwan niya akong mag-isa rito para sa iba, I know it's wrong because I don't own her but my selfish self takes over me as usual. Niyaya ko siyang umuwi na at mabuti nalang ay pumayag naman kaagad. I was expecting her to decline since I can see how she's having some fun here. Kung sana kasi ay ako rin, but no. My introvert self would rather choose to just stay at home instead than be with these people who just add up to my loneliness for an unknown reason. Nagpaalam kami kay Jani na saglit humiwalay sa mga kasama niya kanina na siyang ipinapagpasalamat ko dahil nasisiguro kong hindi ko magagawang tumayo sa harapan ng mga 'yon para kausapin siya. I would probably get awkward around them and I don't like that certain feeling. Jani then thanked us for coming over. "Sige, ingat kayo ah?" I smiled. "Oo. Happy birthday ulit at salamat sa ano... pakain." She just chuckled as she nodded like it's no big deal. "Wala 'yun. Salamat sa pagpunta." Tinawag si Jani ng kaniyang mga kaibigan na iniwan para sa amin. She then kissed our cheeks goodbye and headed to her other group of friends. After that, we left the place for home. Umalis kami ni Mira. Naglakad lamang kami pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin sa bahay nila Jani. Nasa iisang barangay lang naman kasi. Naunang makauwi si Mira sa bahay nila dahil yun ang mas malapit kaya mag isa nalang akong tinahak ang daan pauwi kina Auntie.
it's good
29/09
0that's a good
08/06/2025
0thank
17/03/2025
0ดูทั้งหมด