logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 The Unexpected Meeting

-Sheila-
Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa couch para uminom ng tubig pero muntik na akong matumba nung biglang pumasok si Zedee, mabuti nalang nakahawak ako kaagad sa wall ng clinic.
"Nanggaling ka na sa city? Ang bilis mo naman nakabalik?" I asked him.
" Uhm Sheil sa apartment ka nalang magpahinga ha, ihahatid na muna kita dun and then pupunta na ako sa city afterwards" he answered.
"Okay na ako! Ako nalang maglalakad papunta sa apartment,malapit lang din naman yun mula dito. Manghihiram nalang ako ng crutches dito sa clinic. You need to go to the city now para makabalik ka kaagad. Baka maabutan ka ng gabi" sabi ko sa kaniya.
"Eh kasi.. ano! Uhh .. may naiwan pa pala ako dun sa apartment mo! Oo, naiwan ko ang wallet ko. Baka nasa sahig nahulog kanina" sabi niya sa'kin. Hindi ko siya sinagot agad, binigyan ko lang siya ng 'what's that kind of palusot' expression sa aking mukha.
"Totoo ba yan o nagpapalusot ka lang kasi gusto mo ulit pumasok sa apartment ko?" I teased him.
"Look Sheil, sa totoo lang I am just concerned sa'yo. Remember that when we left there kanina to go here sa clinic nandun pa rin ang broken glasses at ang bloods sa sahig! Malamang nandun pa rin yun ngayon kasi nga walang nagliligpit!" he said in a serious facial expression pero ramdam ko sa tono niya na parang may kakaiba sa ikinikilos niya. Na para bang gusto niyang umalis ako kaagad dito sa clinic
Zedee is acting strange right now. Bakit parang ramdam ko na there's something that is bothering him?
"Okay, babalik na tayo sa apartment. Let me drink some water na muna ha and then we can go" sabi ko sa kaniya.
Kumuha ako kaagad ng baso at nilagyan ito ng tubig. While drinking, tumingin ako sa banda kung saan nakatayo si Zedee. Nasa tapat lang siya malapit sa door. Napansin kong parang may sinisilip siya from the outside. Balisang-balisa talaga siya sa ikinikilos niya. At dahil nga I am concerned na kailangan pa niyang pumunta ng city to buy the pain reliever, binilisan ko ang pagkilos ko so that makabalik na ako kaagad sa apartment at para makaalis narin siya. Ako paman din ang dahilan kung bakit niya kailangang pumunta ng city just to buy that medicine. Inalis ko ang tingin ko kay Zedee and I put the glass na ginamit ko sa pag-inom sa mini sink na nasa tabi lang ng water despenser
"Dee tara na, Tapos na akong umin..... Nicko?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pumasok sa loob ng clinic so Doc Carion at may taong nakasunod sa kaniya papasok and it was Nicko.
Hindi ko alam ano ang mararamdaman ko ngayong nakita ko ulit siya. Para sa'kin napakahaba na ng isang buwan ng hindi namin pagkikita at hindi namin pag-uusap ni Nicko pero nandito pa rin sa puso ko ang love and the pain. Parang bumalik ulit lahat ng naramdaman ko noon.
"Sheila? Ikaw nga Lalah! Kumusta ka na? What happened to your foot?" tanong niya sa'kin and he walked towards me.
"N...Nicko! Uhm ayus naman ako... so far naging maayus naman ako, oo." hindi ko alam ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Hindi pa rin siya nagbago. The way he addressed me, the way how he talks, the way how he smiles at me, basta! Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko kasi nga alam kong may asawa na siya, pero mahal ko pa rin pala talaga siya.
Nakatitig lang ako kay Nicko habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. Nung tuluyan na siyang nakalapit, hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako.
Para akong tuod na hindi makagalaw. My whole body stiffened nang dahil sa ginawa niya. Hindi ako gumanti ng yakap at hindi rin ako nakapagsalita.
"Sheila tara na sa apartment" nagsalita bigla si Zedee.
Umalis na si Nicko sa pagkakayap niya sa'kin at nilingon niya si Zedee.
"And you are...?" tanong niya kay Zedee.
"He's my friend" I answered him.
"My name's Zed" Zedee added.
"Hi bro! nice to meet you." Nicko said to Zedee at nakipag-shakehands siya rito.
"Lalah, kasama ko nga pala si Cassy, nasa car siya. Naghihintay pa kasi siya sa tawag ni mommy. Do you want to say hi to her? Nasa malapit sa flower shop nakapark ang car namin..." hindi na natapos ni Nicko ang sasabihin niya because nagsalita si Zedee.
"Hindi na muna siya magha-hi sa asawa mo Nicko, because right now she needs rest. She's INJURED" ramdam ko sa tono ni Zedee na naiinis siya kay Nicko for not recognizing the situation I am in right now.
"If you'll excuse us kasi kailangan ko nang ihatid si Sheila at kailangan ko rin'g pumunta sa city to buy her medicine" Zedee said.
"You're already in the clinic, why need to go to the city to buy the medicine?" Nicko asked.
" We're out of stock na Nicks, kaya kailangan bumili ni Zed para mainom ni Sheila, kasi baka hindi siya makakatulog ng maayos mamayang gabi because of the pain sa wound niya" paliwanag ni Doc Carion kay Nicko.
"Ano ba ang kailangan inumin ni Lalah? Baka may stock ako dun sa car" Nicko said.
"Its acetaminophen Nicks" Doc Carion answered.
"Yeah, we have one of that sa stocks namin sa car. Sandali kukuha ako" Nicko added.
"'Wag na Nicko, may pain reliever pa ako sa room ko. Salamat. Baka kailangan ka na ni Cassy, mauna na kami ni Zedee kasi paalis na din naman kami bago ka pa dumating" I said to him kahit na alam kong wala akong pain reliever sa apartment ko.
Ayoko na humaba pa ang conversation namin ni Nicko. I can't just stand here sa pakikinig na palaging bukang bibig ni Nicko si Cassy. I am all aware na she's his wife, pero hindi ko parin napipigilan ang sarili ko'ng hindi masaktan dahil kay Nicko.
"Pero Lalah...!" sabi ni Nicko while looking worriedly to me.
"We need to go. Nicko, Carion, excuse us" Zedee said and quickly he pulled my right arm and put it in his shoulder while his left arm supporting me in the waist. Inalalayan niya ako so that I can walk para makaalis na kami sa clinic.
Before we managed to exit the clinic, may sinabi si Doc Carion to Zedee...
"Zed, just don't forget that Sheila needs to take the medicine! Malalim ang sugat niya because of the impact of the broken glass, I'm pretty sure it would surely cause greater pain kapag nawalan na ng bisa ang unang na intake niyang medicine"
"I know. We really have to go now" Zedee answered at nagpatuloy na kami sa paglalakad palabas ng clinic.
"Are you okay Sheil?" he asked me as we entered the apartment.
I just nodded to respond to him and then hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"Shhhhh... it's alright... please Sheila 'wag ka nang umiyak! Napakaraming luha na ang pinalabas mo sa mga mata mo just because of him!" Zedee tried to comfort me.
Alam kong naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil sa loob ng isang buwan ay siya lang ang laging nakikinig sa mga hinanakit na ipinapalabas ko.
"Thank you Dee, for being here with me in this kind of situation!" yun lang ang nasabi ko at tuluyan na talaga akong humagulhol. Niyakap lang ako ni Zedee habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko to calm me down.
*fifteen minutes later*
-Zedee-
Maliwanag pa ang paligid dahil five pm palang pero hindi na ako makakapunta sa city.
Ayaw ni Sheila na umalis ako at hindi ko naman siya pwedeng iwan dahil sa sitwasyon niya. Sa ganitong pangyayari, kailangan niya talaga ng karamay.
Kahit na alam kong wala naman talaga akong maitutulong pero atleast nandito ako handang makinig sa kaniya. Nag-aalala lang ako sa sinabi ni Carion sa kung ano ang maaaring danasin ni Sheila kapag mawalan na ng bisa ang pain reliever na ininom niya kanina.
Tiningnan ko si Sheila. Nakahiga siya sa bed niya. Mabuti nalang at nakatulog na siya after niyang umiyak ng matindi kanina.
Nagluto nalang ako habang tulog pa si Sheila para may makain siya mamaya when she wakes up.
Nagprepare ako ng mga ingredients para sa lulutuin kong bulalo. Paborito niya ito and kailangan niya din ng pagkain na high in protein para makatulong sa madaliang paggaling ng sugat niya.
Hindi naman siya mahihirapan magtrabaho kahit may sugat siya because she just need to sit up and type something for her novels, pero makakaapekto pa rin ang injury niya to her daily activities. That's why I decided na aalalayan ko muna siya hanggang sa gumaling na siya.
I'm almost done in preparing the ingredients for the bulalo pero napansin kong wala palang stock na mais si Sheila. Hindi magiging masarap ang bulalo kapag walang mais, therefore umalis muna ako saglit para bumili sa mall.
Malapit lang ang binilhan ko because may minimall kami dito sa Daycee Street. Naglakad lang ako papunta doon at bumalik din ako kaagad.
Pagkapasok ko sa apartment, napansin kong wala na sa bed si Sheila.
"Sheila? Are you hungry? Lulutuin ko muna ang food ha! Makakahintay ka pa ba ng ilang minutes?" I asked her without looking kung nasaan ba siya ngayon habang diretso akong pumunta sa kusina at ipinagpatuloy ko ang pagluluto.
While cooking, nakarinig ako ng kalabog. The noise comes from the comfort room. I quickly went there to check.
I tried to open the door but it's lock. Kinatok ko ang pinto habang tinatawag ko ang pangalan ni Sheila, but no one is answering me. Kinabahan na ako kasi baka ano na ang nangyari sa kaniya sa loob.
Pinilit kong buksan ang pinto until I finally managed to enter. My heart broke when I saw Sheila sitting in the cr's floor, embracing her knees, crying with no sound but clearly I can see that she's crying out of pain. I'm not sure if the pain that made her cry is from the pain of the external wound or from the internal pain of her wounded heart.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (267)

  • avatar
    Romel Arquisola

    huhuhuh lab you

    7d

      0
  • avatar
    Baby Faith Digusman

    ang Ganda ng kwento nila

    16d

      0
  • avatar
    CaagayMerry Jane

    pretty

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด