logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 White Lies

-Sheila-
"Zed, wala na tayong stock ng acetaminophen dito sa clinic. Kailangan ni Sheila yun for pain relieving while her wound is in healing process" Doc Carion is talking to Zedee.
Katabi ko lang sila. Pareho kaming naka upo sa sofa. Nakapikit ako ngayon at wala akong balak ibuka ang mga mata ko because I'm still suffering from hemophobia dahil sa mga dugo from my wound kanina.
Since I was a kid, sobra talaga akong natatakot kapag nakakakita ako ng maraming dugo. Minsan nga nahihimatay pa ako. Maybe it's because I've been traumatized noong harap-harapan kong nakita kung paano nasagasaan ng bus ang kakambal ko'ng si Mheila.
We have different behavior ng kakambal ko. Malikot siya at palaging curious. Ako naman tahimik lang at mahiyain.
We we're in nursery school that time, nasa labas kami ng building, naghihintay sa sundo namin pauwi sa bahay. Nakita ni Mheila ang nagtitinda ng cotton candy sa kabila. Pinipilit niya si nanny na bilhan kami ni ng cotton candy. Wala namang ibang nagawa si nanny kasi nga iiyak ng iiyak ang kakambal ko kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya. By that moment, binilin na muna kami ni nanny sa isa pa naming nanny. Tig-iisa kasi kami ng tagabantay, lalo pa at malikot nga ang kakambal ko. Nakahawak naman sa kamay namin si nanny pero nakawala pa rin dito si Mheila at bigla siyang tumakbo at tumawid sa kalsada para sana sumunod kay nanny sa pagbili ng cotton candy. Napakabilis ng pangyayari. Nakarinig nalang kami ng malakas na busina ng bus pagkatapos ay nagsitakbuhan na papalapit ang mga tao. Nakita ko si Mheila na nakahiga sa kalsada at punong-puno ng dugo ang katawan niya. Umiyak lang ako ng umiyak sa tabi ng kalsada. Nababangga pa ako sa mga taong nagsisiksikan na nakiki-usisa sa naaksidente. Umiyak lang ako ng umiyak habang tinatawag ko si mama. Walang kahit isang lumapit sa'kin nun para tanungin kung okay lang ba ako. It was a nightmare to me.
"Shei, gamitin mo itong panyo ko" I opened my eyes nung nagsalita si Zedee. Hindi ko kinuha ang panyo, agad ko lang pinahid using my bare hands ang mga luha sa mata ko. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa pag-iisip ko sa nangyari sa kakambal ko noon.
"Why are you crying?" he asked me worriedly.
"It's nothing Dee, may naalala lang ako" I answered him.
"Okay ka na ba?" pag-aalalang tanong niya sa'kin.
I just nodded at pumikit ako ulit. Napansin kong lumabas yata si Doc Carion kasi narinig ko ang pagbukas at ang pagsarado ng pinto.
Napakatahimik ng buong clinic. Alam kong nandito pa rin si Zedee sa tabi ko. Hinihintay ko lang siyang magsalita.

-Zedee-
"Uhm Sheila, like what I've said earlier, i think kailangan ko na talagang magexplain sayo. Hindi ko alam paano ko sisimulan pero hindi ko na naman din maitatago sa'yo kung sino talaga ako. Lalo pa ngayon na you're starting to doubt me." I started talking to her after a short while of silence mula nung lumabas si Carion .
"Look, Dee... Hindi mo naman kailangan e-explain lahat-lahat. Kaibigan mo lang naman ako and we've been just friends for almost a month. Even me, I got angry nung pinakialaman mo kami ni Nicko. I don't deserve your explanation. Ang sa akin lang naman ay 'wag mo naman sana akong pagmukhaing tanga sa kung sino ka talaga! Paano kita magiging kaibigan kung maling tao pala ang pagkakakilala ko sa'yo? Yun lang naman ang point ko, Dee, I hope you understand me." she said habang nakasandal pa rin sa sandalan ng couch with her eyes closed.
Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga bago ako nagsimulang magsalita. Sinabi ko sa kaniya na I came from a wealthy family and I've been working as barista sa sarili kong coffee shop. This time she opened her eyes and she sat properly. Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob para ipagpatuloy ko ang pagsasalita kasi ramdam ko na handa siyang makinig sa mga sasabihin ko.
Sinabi ko sa kaniya ang tungkol dito sa Daycee Street na ako ang onwer ng buong property and that those businessmen na nakikipagsapalaran dito ay mga employees ko, including Carion. Sinabi ko rin sa kaniya na ang apartment na tinutuluyan niya ay property ko rin.
Pinuri ako ni Sheila dahil hangang-hanga daw siya sa taas ng achievements ko kahit na magka-edad lang kami.
"This identity of yours Dee, you should be proud of it. Napakataas na ng naipundar mo! Bakit kinailangan mo pang magpanggap na ordinaryong tao ka lang just to make friends with me? Natatakot ka ba na hindi ako makikipagkaibigan sayo kapag nalaman kong napakayaman mo?"
"It's not like that Sheila, Uhm, ano... mas prefer ko lang na tratuhin mo akong ordinaryong tao kasi dun ako komportable." sabi ko sa kaniya.
"Ngayon na alam ko na kung sino ka ba talaga Dee,ituturing pa rin naman kita the way how I treated you the first time I know you as my friend. Dinamayan mo ako noon nung palagi akong nalulungkot dahil kay Nicko in the way na you're always there to listen to me kahit na kung anu-ano nalang ang mga pinagsasasabi ko. Hindi ko nga alam kung nakikinig ka pa ba sa'kin o kung baka nagsasawa ka na sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Baka nga isang araw...ayaw mo na pala akong maging kaibigan" she said na bigla din niyang ikinalungkot.
"That's impossible Sheila! How could I do that to you? I would rather hate myself than pushing you away as my friend. I am so blessed nga na nakilala kita at naging magkaibigan tayo! Wala akong ibang naging kaibigan kundi ikaw lang Shei at wala rin akong balak na talikuran ka." nakita ko siyang ngumiti matapos ko sabihin yun.
Sumandal siya ulit sa couch at akmang ipipikit niya sana ulit ang mga mata niya pero umupo siya ulit ng maayos dahil may pahabol pa siyang itinanong...
"How about Doc Carion? Alam kong magkasing-edad lang din tayo ni Doc, pero bakit parang ramdam ko na close-na-close kayo?" she asked.
I smiled at her and then I started explaining...
"Carion is the daughter or my mother's bestfriend. Magkababata kami. Dati nga inaasar ko pa siya tuwing naglalaro kami sa bahay everytime she and her mom pay a visit to our house. We parted ways noong nag gradeschool na siya. Dinala siya ng daddy niya sa United Kingdom at doon na niya pinagpatuloy ang pag-aaral niya. Nung bago ko pa lang pinamamahalaan itong buong Daycee Street, timing din na bumalik siya dito sa Pilipinas. Nalaman ko na doctor ang profession niya. I know it was her mom's dream na magiging doctor ang anak niya, and mabait na bata si Carion kaya sinunod niya kung ano ang gusto ng mommy niya. I offered her mom to invest sa pinaplano kong clinic dito sa Daycee Street, kasi nga parami na ng parami ang mga nagiging risedente dito and i think this community needs a health facility. Hindi ko lang inasahan ang sumunod na nangyari. Hindi lang nag-invest ang mommy ni Carion, Carion also offered herself to be the doctor of the clinic. Mga negosyante kami kaya kahit magkakilala na kami ay pinapatupad pa rin namin ang kung ano ang dapat ipatupad sa pagnenegosyo. Her mom continued in supporting the clinic at ako naman ang nagpapasahod kay Carion." mahabang paliwanag ko kay Sheila. Nakangisi naman siya habang nakikinig sa ikinuwento ko.
"Kaya pala! Thanks for telling me Dee!" sumandal na siya ulit sa couch and closed her eyes again. May pangiti-ngiti pa siya habang nakapikit. Ano kaya ang iniisip nito?
"Hoy ikaw ha Sheila, ba't may pangiti-ngiti ka pang nalalalaman diyan?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Shhhhhh. Wag kang magulo, matutulog ako" she said.
" Sige na nga! Magpahinga ka na muna diyan, ibibili na muna kita ng pain reliever. Hindi na ba masakit ang sugat sa paa mo?" I asked her.
"Okay naman na talaga ako! Walang kaso sa akin 'tong sugat, mayron lang talaga akong hemophobia kaya hindi ako nakakilos agad kanina. Takot ako sa dugo Dee!" she explained.
"Okay okay! I understand. I guess I should be careful from now on then so that mapoprotektahan kita from that hemophobia of yours!" I said.
"You know what Dee, ang OA mo!" pang-aasar niya sa'kin.
Tumawa lang ako at nagpaalam sa kaniya saglit para bumili ng pain reliever sa city. One hour ride lang ang city from here. Magda-drive nalang ako using my car para mas mabilis akong makabalik.
Masaya ako na nasabi ko na rin sa wakas kay Sheila kung sino ako. Yun nga lang ay hindi niya alam ang tungkol sa past. Guilty pa rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin inaamin sa kaniya na dati pa ay may gusto na ako sa kaniya, na dati pa ay pareho kaming mahilig magsulat, na dati pa ay kilala ko na siya at nasa iisang paaralan lang kami wayback nung kami'y mga estudyante pa lamang.
Papalabas na ako sa clinic to go to my place kung nasaan ang sasakyan ko. Sa kalagitnaan ng daan habang ako'y naglalakad, nakita ko sa dulo si Carion and she's talking to someone. Nakita kong tinuro ni Carion ang building ng clinic and lumingon ang kausap niya sa banda kung saan nagpoint out si Carion. Nagulat ako dahil si Nicko ang kausap niya.



หนังสือแสดงความคิดเห็น (267)

  • avatar
    Romel Arquisola

    huhuhuh lab you

    7d

      0
  • avatar
    Baby Faith Digusman

    ang Ganda ng kwento nila

    16d

      0
  • avatar
    CaagayMerry Jane

    pretty

    19d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด