logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Kabanata 2
“Bianca!!
Bianca!!
Biancaaaa!!”
“Munic, sigurado raw ba sina Ka-Isko na dito nila nakitang papunta sina Andrew?”
“Oho Tiyo, sabi pa ni Ka-Isko, pamilyar daw yung isa nilang kasamang lalaki pero di niya mamukhaan dahil naka-mask daw.”
“Ang lakas ng ulan! Di kaya nakauwi na yung batang yun?”
“Naku Tiyo kung magkaganun nga ay di sana tinawagan na niya agad ako at wala ako sa bahay.”
“Asan na ba ang batang yun? Try mo nga ulit tawagan!”
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
“Tiyo, wala talaga. Bi naman eh. Asan ka na ba?”
“Mr. Toff salamat sa pagtulong mo sa amin sa paghahanap at pasensya na rin sa abala.”
“Toff na lang Mr. Rudy. Wala pong problema sa akin. Napakalakas ng ulan. Kailangan na natin siyang mahanap.”
“Bianca!!!!!!!
Napakaputik na at hirap na rin silang humakbang. Ilang minuto na ang kanilang paghahanap sa lugar na iyon pero wala pa rin silang makitang bakas ni Bianca. Patuloy sa paglalakad si Toff nang bigla siyang na-out-balance. Napaupo siya at tuluyang nabasa ng ulan dahil nabitawan niya ang kanyang payong. Agad naman siyang nilapitan nina Rudy at Munic.
“I’m okay Mr. Rudy. Nadulas lang ho ako. We have to keep searching for her.”
Tumayo siya agad at kinuha ang payong pero may napansin siya sa lupa. Isang kutob ang nangibabaw sa kanya at agad na hinukay ang lupa gamit ang kanyang mga kamay. Tama nga ang kanyang hinala. Isang kamay ang lumitaw at agad niya itong pinulsuhan. Nagmadali siyang hukayin ito at sumigaw.
“Mr. Rudy! Someone is here.” Nagfocus siya sa kung saan ang ulo at nakita niya ang mukha ng isang babae. Pinunasan niya ang mukha nito na noon ay natitigbak sa putik.
“Bianca!!!!!!” sabay nilang pagsigaw.
“She’s still breathing.”
Mabilis nilang hinukay ang kinalilibingan ni Bianca at agad siyang binuhat ni Toff. Ipinatong ni Toff kay Bianca ang jacket nito at nagmadaling bumalik sa bahay ni Rudy. Labis-labis ang pagkabigla nina Mr. Porter at Aling Alicia sa nangyari kay Bianca. Punung-puno siya ng putik, basang-basa at halos namamaga ang pisngi.
“Toff, what happened?”
“We found her buried in the ground.”
Sumakay agad sila sa sasakyan pero pinababa ni Rudy si Munic.
“Munic, alam kong sobra kang nag-aalala pero kami ng bahala kay Bianca. May baby ka. Mabuti ng ikaw ang nagbabantay sa kanya.”
“Tiyoo-o-o.” Iyak siya ng iyak.
“Sige na. Kami ng bahala dito. Alicia, dyan mo na muna patulugin si Munic ha?”
“Oo naman. Mag-ingat kayo! Tawagan mo agad ako pagkarating niyo sa hospital.”
Mabilis na umalis ang sasakyan habang hawak-hawak ni Toff ang kamay ni Bianca.
“Toff, kumusta na si Bianca?”
“Medyo mabagal ang heartbeat niya. Kailangan niya agad madala sa hospital for further treatment. Pero based on my observations, wala naman siyang sugat, though medyo swollen ang pisngi niya.”
“Rudy, this lady is brave. Hanga ako sa kanya.”
“Totoo po yan Mr. Porter. Bata pa po ay ganyan na yan.”
Paggising ko, nasa hospital na ako. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at napasimangot ako sa sakit ng aking mukha. Naalala ko ang mga pangyayari at di pa rin ako makapaniwala.
“Sinong nagligtas sa akin at pa’no nila ako natagpuan?”
Ang naaalala ko lang ay nakita ko si Tatay at pilit kong inaabot ang kamay niya. Unti-unti akong tumayo para lumabas ng kwarto nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang isang lalaking nakaputi.
“Are you now okay?”
“Yes Doc., medyo masakit pa lang po itong pisngi ko. Parang nabungian po ata ako.”
Medyo napatawa siya sa sinabi ko pero agad niya namang nabawi yun at nagdiretso ng pagsasalita.
“Mamaya pa darating sina Mr. Rudy at ang Ate mo. For now, magpahinga ka muna at ‘wag kang lalabas dito sa kwarto. Alright?”
“Ay Doc., matanong ko na lang din po. Sino po kayang nagdala sa akin dito sa hospital? Saka, dito rin po kasi naka-admit yung tatay ko. Si Mr. Bert Aragon po. Pwede ko po kayang malaman ang sitwasyon niya? Kumusta na po kaya siya?”
“Wait, what’s his room number? I’ll let you know.”
“Rm. 22 Doc., thank you po! Huwag niyo lang din po sanang sasabihin na ako ang nagpapatanong ah.”
Ibinaba niya lang sa may table yung dala niyang basket na may lamang mga fruits at tumayo lang malapit sa may pinto na tila may hinihintay.
Noon ko lang din napansin na may dala pala siyang isang basket. Sino kayang nagpadala noon? Baka di siya doctor dito. Nurse?
“Go ahead and go to your bed Ms. Bianca.”
Ahh, so yun naman pala ang dahilan kung bakit di pa siya umaalis. Dahil no choice ako, humiga na ako at umalis na rin siya. Hindi pa rin ako mapalagay sa kung ano ng lagay ni tatay kaya pinilit ko ulit tumayo at lumabas.
“Nakita ko agad sina Ninong Rudy at Ate sa labas kausap si Doc. Lalapit sana ako pero naalala kong si Doc. nga pala yung nag-advise sa akin na humiga na lang muna. So, bumalik ako sa loob at humiga.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa ring nagbubukas ng pinto kaya bumangon ulit ako para i-check kung nag-uusap pa rin sina ninong sa labas. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kay Doc./nurse kaya napaurong ako at na-out-balance. Agad naman niyang nasalo ang likod ko at hinila palapit sa kanya. Agad niya akong binuhat at inihiga sa kama.
“What did I say, Ms. Bianca?”
“Pasensya na Doc. Gusto ko lang talagang malaman ang kondisyon ng Tatay ko.” Mangiyak-ngiyak kong sabi.
Nilapitan niya ako at sinabing, “Everything will be okay” at saka niya ako kinumutan. Bigla akong kinabahan at napatitig sa kanyang mga mata. I could feel his sincerity as he looked at me. Ayan, napa-English tuloy ako. Doc, doctor ka ba dito o nurse? Tumitig lang siya sa akin. Nahiya ako bigla at tumagilid ng higa para makaiwas sa kanyang mga tingin pero biglang sumakit ang aking tyan.
“That was the effect of you being so stubborn. You should rest Ms. Bianca. Maiwan na kita. By the way, Mr. Aragon is still unconscious. I’m sorry for that.”
Wala pa ring malay si Tatay.. Tapos nagkaganito pa ako. Ano ba namang kamalasan ang nangyari sa akin at nagkaganito pa?! Nakadagdag pa tuloy ako sa isipin at sa bayarin. Imbis na yung pera na ipambabayad ko sa mga gamot ni Tatay, dito pa mapapapunta. Nararamdaman ko ang paglabo ng aking paningin. Nangingilid na pala ang aking luha pero dahil nasa loob pa si doc/nurse, pinili ko na lang magtalukbong para di niya makita ang nangyayari sa akin. Sa totoo lang, di ko na alam kung anong gagawin ko sa ngayon. Hindi ako mapakali. Hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at dun na ako tuluyang umiyak.
Hiyang-hiya si Bianca sa nalaman. Hindi pala isang doctor o nurse ang kausap niya kanina kundi si Toff. Napakadaldal pa naman niya kanina habang kausap ang binata. Nalaman din niya na siya pala ang anak ng boss ng tatay at ninong niya. Nag-open na lang siya ng topic para mawala sa isip niya ang hiya.
“Ate, kumusta ang tatay? Anong sabi ng doctor?”
“Bi, wala pa rin eh.”
Halos maiyak ako habang nakahiga sa kama. Nakita ko si Tatay eh at sa tingin ko ay siya talaga yung nagbigay ng sign para mailigtas ako.
“Ay oo nga pala, balikan ko muna sa kwarto si Mama ah. Sabi ko kasi saglit lang at baka hanapin niya na ako. Bi, dyan ka muna ah. Tiyo, maiwan ko muna po kayo saglit.”
“Ate!! Wait lang!! Huwag mong sasabihin kay Mama ang nangyari sa akin ha?”
“Oo wag kang mag-alala at hindi ko na muna sasabihin. Ayoko ring madagdagan pa ang isipin ni Mama. Kaya huwag kang masyadong malikot at magpahinga ka dyan para mabilis kang maka-recover. Sumunod pati sa bilin ng doctor ah. ‘Wag maging pasaway!”
“Yes boss!” sabay saludo.
Lumapit naman si Ninong sa akin at mahinang tinuktukan ang aking noo.
“May kasalanan ka pa sa aking bata ka! Bakit di mo agad sinabi ang nakita mo? Ayan tuloy, napahamak ka pa. Kung di ka pa agad siguro nakita ay baka wala ka na sa mundong ito”
“Sorry na po Ninong. Gusto ko lang po talagang makasigurado muna bago sabihin sa inyo.”
“Kahit na! Kargo kita! Lagot ako kay Pareng Bert pag may nangyaring masama sa’yo! Huwag mo na yung uulitin ha! Naku! Naku! Kanino ka ba nagmanang bata ka!?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    lozarescatherine

    very interesting story ❤️🙂

    01/08

      0
  • avatar
    CortezBryan Carl

    skskzkzkxkx

    29/05

      0
  • avatar
    7136411

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkdgcgc6dlokirft8y7t6gg85d7gud6g9g6huftguvysihudy8t5r8huduhyd8hyfigydiggóooiiijjkkkjkkkasddddddddddfrfrfrffrffffffrrtfftrfffffffffffffffffffddffffffffffffft

    03/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด