logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 3

Kinagabihan, bumalik ako sa sakahan para i-check ulit ang bodega lalo na’t may iba na palang nangyayari. Palagi kong kasama ang pinsan kong si Kevin para may bantay naman ako kaso, wala siya ngayon sa bahay nila at may pinuntahan daw. Magpapasama sana ako kay Ate pero, walang magbabantay sa kanyang limang buwang sanggol lalo na at mag-isa lang siya sa bahay namin. Single mother si Ate at di ko naman siya masisisi kung bakit siya nakipaghiwalay. Pagkakita ko agad na hindi gumagana yung solar light sa daan papuntang sakahan, nag-alangan na agad ko. Madagim pa man din kaya kahit liwanag man lang ng buwan ay wala.Tumawag ako kay ninong pero di niya sinasagot ang mga tawag ko. Naisip kong gamitin ang flashlight ng cp ko kaso 15% na lang pala at baka ma-empty pa pag ginamit ko ng matagal. Binalik ko na lang tuloy sa bulsa ko at nagdecide ng bumalik pero pagtalikod ko, nagdilim ang aking paningin at biglang napaupo. Pakiramdam ko ay unti-unting bumabagsak ang aking katawan sa lupa pero bago yun ay nakita ko ang dalawang pigura sa aking harap at noon din ay pumikit na ang aking mga mata.
Namulat ako sa isang pamilyar na lugar. Naramdaman ko ang pananakit ng aking tyan. Inaninag ko ang paligid at saka ako nagpumilit na umupo habang nakatali ng patalikod ang aking mga kamay. Napapaigtad pa rin ako dahil sa sakit ng tyan ko pero mas pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumayo. Nagmasid ako at naghanap ng matalas na bagay para ipamputol sa tali sa kamay ko. Habang pilit na ikinikiskis ang tali, nakarinig ako ng mga boses sa labas. Mga boses ng lalaki.
“Pre, pa’nong gagawin natin kay Bianca?”
Kilala ko ang boses na yun. Unti-unti akong lumapit at sumilip sa siwang. Nakita ko sina Andrew at Wesley na nakaupo sa may gilid at nag-uusap.
“No choice tayo pare. Tayo ang malalagot nito pag naisumbong tayo niyan.”
“Ang ibig sabihin mo ba ay kailangan nating idispatsa si Bianca?”
Tumango lang si Andrew sa tanong ni Wesley.
Takot na takot ako sa mga narinig ko. Hanggang sa may naaninag akong isang lalaki papalapit sa kanilang dalawa.
“Ayan na si Kevin. Siya ang tanungin natin kung anong gagawin natin kay Bianca.”
“Pre, pano na?”
“Kailangan niyo pa ba talagang itanong sa akin yan? Di ba ang usapan, pag may ibang nakaalam, sa hukay agad ang bagsak.”
Mangiyak-ngiyak akong napaurong sa kinalalagyan ko. Di ako makapaniwala na kasabwat pala si Kevin. Nagsumiksik ako sa gilid habang mahinang umiiyak dahil alam ko na ang mangyayari sa akin. Naisip ko ang sina Mama, Tatay at Ate. Di ko na sila matutulungan. Kailangan nila ako eh. Kailangan ako ni Tatay. Nakita kong may papalapit na ilaw. Bumalik ako sa pwesto ko kanina at nagpanggap na di pa rin nagigising. Dahan-dahang bumukas ang pinto.
“Andrew, napalakas ata ang suntok mo. Di pa rin nagigising oh.”
“Ayos lang yan. Di na naman niya kailangang gumising.”
Sa puntong yun ay napakagat na lang ako sa labi para di ako mapaiyak. Sobrang nakakasama ng loob na malaman na si Kevin pala ay kasabwat din. Na siya pa talaga mismo ang magus-suggest na idispatsa ako samantalang magkadugo kami. Ni hindi ko rin alam kung bakit niya to ginagawa kahit alam naman niyang mali.
Patuloy pa rin akong nagkunwaring di nagigising at naramdaman kong may bumuhat sa akin papalabas. Medyo iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong si Andrew pala yun.
“Kevin, okay na ba yung paglalagyan natin?”
“Kanina pa. Sige na. Dalhin na natin siya dun at baka may makakita pa sa atin dito.”

“Tiyo! Tiyo!”
“Tiyo Rudy!”
“O Munic! Gabing-gabi na ay nagpapapalahaw ka pa dyan. Dala mo pa ang bata?”
“Pasensya na kayo Mr. Porter.”
“Agad namang kinuha ni Alicia - asawa ni Rudy, ang sanggol dahil baka malamigan ito sa labas.
“Tiyo, pasensya na kayo. Kanina pa po kasing di umuuwi si Bianca ay nag-aalala na po ako. Wala naman po akong ibang malapitan kundi kayo lang. Tinatawagan ko po ang cp niya pero mukhang nakapatay.”
“Ha!! Teka! Gabing-gabi na ah. Anong oras pa ba siya umalis? Saka, saan daw siya pupunta?”
“Sa bodega po Tiyo.”
“Bakit? Anong gagawin niya sa bodega?”
“What is happening here Rudy? And sino siya?”
“Pasensya na po talaga Mr. Porter. Siya po ang panganay na anak ni Bert. Siya po si Munic. Nawawala raw po ang kapatid niyang si Bianca.”
“Pasensya na po Tiyo, nakiusap kasi sa akin si Bianca na ‘wag ko na raw sabihin sa inyo na napunta siya sa bodega tuwing gabi.”
“Bakit nga Munic? Anong gagawin niya sa bodega ng ganitong gabi?”
“Chine-check niya po kasi yung mga gamit at mga pataba sa sakahan para naka-ready na kinabukasan. Sinabi niya rin po sa akin kanina na nakita niya raw po sina Andrew at Wesley na lumabas sa bodega kaninang tanghali kaya mas lalo po siyang na-push na i-check ang bodega kasi pinakatiwalaan niyo raw po siya.”
“Oo nakita ko rin nga kanina yung dalawang yun pero sabi nila nag-spray lang daw sila ng inanay na kahoy doon.”
“Tiyo, ang sabi sa akin ni Bianca, bukas daw yung ilang mga sako dun at sina Andrew at Wesley lang daw ang nakita niya nung nagtago siya sa loob. Tiyo! Di ko sure pero baka nakakutob yung dalawa at kung ano ng ginawa nila kay Bianca!”
“Tsk! Ang batang yun talaga!! Bakit di niyo agad sinabi sa akin ang about dun?!!”
“Pasensya na Tiyo. Pinigilan ko rin si Bianca kanina lalo na at nalaman kong hindi raw makakasama sa kanya si Kevin. Pero, gusto pong manigurado ni Bianca at maipakita sa inyo ang ebidensya bago siya magsumbong.”
“Ha?!! Si Kevin?”
“Go ahead Rudy. Hanapin niyo na ang anak ng inaanak mo at gabing-gabi na.”
“Sige po Mr. Porter. Maiwan ko ho muna kayo. Alicia, ikaw muna ang bahala kay Mr. Porter ha?”
“Oo sige. Bilisan niyo na at baka kung ano pang mangyari kay Bianca. Di na kakayanin ni Nora pag may nangyari pa sa kanyang anak.”
“Pa, I’ll help. I should go with them.”
“Sige, Toff. Malaking bagay na marami kayong maghahanap. Pero mag-ingat kayo.”

Inabutan kami ng malakas na ulan at dahan-dahan akong ibinaba ni Andrew sa lupa. Nasa liblib na lugar kami. Lumayo sila ng kaunti sa akin at nag-usap-usap ulit.
“Seryoso ka ba dito Kevin? Pinsan mo si Bianca ah?”
“Kanina ka pa Wesley! Nahuli na nga kayo di ba? Pag isinumbong kayo niyan, pati ako isusumbong niyo for sure!”
“Pero, baka naman madadaan natin sa usap si Bianca o baka pwede pa nating takutin para di magsalita?”
“Natatakot ka ba Wesley? Baka gusto mo ring sumama kay Bianca sa hukay?”
Naririnig ko ang mga talo-talo nila at yun ang ginamit kong opportunity para dahan-dahang tumayo at tumakbo. Diniretso ko lang ang daan na nakikita ko. Hirap na hirap ako dahil sa lakas ng ulan at kaputikan ng daan. Lumingon ako sa likod ko at di ko sila nakita hanggang sa bigla kong nabangga si Kevin.
“Sa tingin mo ba makakatakas ka sa amin ha Bianca?”
“Hinawakan ako ni Andrew at Wesley sa magkabilang kamay.”
“So, na-manage mo palang makawala sa pagkakatali! Napakagaling mo talaga pinsan! Ahaha!”
Isang demonyong tawa. Galit na galit akong nagpupumiglas kina Andrew at Wesley habang tumatawa si Kevin sa harap ko. Nagsisigaw ako pero mukhang walang makakarinig sa akin dito.
“Tumigil ka nga!!”
Sinampal ako ni Kevin ng ubod lakas para lang mapatigil ako. Dumura ako sa lupa at nakitang may dugo ito. Habang hawak-hawak ako nina Andrew at Wesley ay pinilit kong lumapit pa lalo kay Kevin.
“Mamatay man ako dito, atleast di halang ang kaluluwa ko di kagaya niyo!”
Wala na akong pakialam at nagsisigaw ako hanggang kaya ko hanggang sa isang suntok ang tuluyang nagpatahimik at nagpadilim sa aking paningin.
“Kevin!! Tama na yan!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    lozarescatherine

    very interesting story ❤️🙂

    01/08

      0
  • avatar
    CortezBryan Carl

    skskzkzkxkx

    29/05

      0
  • avatar
    7136411

    kkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkdgcgc6dlokirft8y7t6gg85d7gud6g9g6huftguvysihudy8t5r8huduhyd8hyfigydiggóooiiijjkkkjkkkasddddddddddfrfrfrffrffffffrrtfftrfffffffffffffffffffddffffffffffffft

    03/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด