logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 8

AN: Salamat po sa mga nag-add sa library nila nito. Sanay mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito.
Enjoy reading. Dahil mahaba po ito.n
=========================================
Mazel
Ugh!!
Asar sigaw ng isip ko dahil sa Duncan na 'yon. Sobra na talaga siya. Napaka bayolente niya talaga, pina-nanalangin ko pa naman na sana magkita kami muli. Ito nga nagkita kami pero hindi masaya ang pagkakakita namin muli.
Akala ko pa naman lalaki siyang mabuting tao kahit pa may kaartihan minsan siya at may kayabangan, noong bata pa kami pero ramdam kung mabuting tao naman siya. Pero ngayon ang layo na talaga, ano nga kaya ang nakapagpabago sa'yo Duncan? Malalim na pag-iisip ko.
Npahinto ako sa paglalakad dahil napansin ko ang palagid ang ganda naman dito manghang sambit ng isip ko, ngayon ko lang kasi napansin kung gaano kaganda dito sa labas ng kuwarto na pinagpasukan sa akin ni Duncan. Meron kasing whishing fan dito at makukulay na mga gold fish, tapos may umagos-agos na tubig na nagmumula sa magkatabi na biak na bato. Sa palibot naman nito may mga rosas na kulay pula at ang ganda nila.
----------
Kinabukasan...
"Ma! Pa, pasok na po ako." paalam ko sa mga magulang ko habang nagkakape silang dalawa. Maaga rin kasing nagigising sila dahil sa work ni papa.
"Sige anak mag-iingat ka lalo na sa pagtawid-tawid ha?" paalala ni papa.
Numiti naman ako 'kay papa habang sinilip ko ang loob ng bag ko baka kasi may naiwan ako.
"May naging kaibigan ka na ba doon sa bagong mo na school anak?" maya'y tanong ni mama.
Napahinto naman ako sa pagsasara ng zeeper ng bag. "Meron po, si Paulo." nakangiting sagot ko at lumakad na ako palabas. Napansin ko pa ang tinginan nilang dalawa malamang iba ang iniisip nila.
Pagdating ko dito sa loob ng school bigla akong nanibago at nakaramdam ng pagtataka. Wala 'yatang mga nakatingin at nakatambay dito sa loob, bakit naman kaya? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa masalubong ko itong tatlong maldita na tinatawag nilang, The Seniorita.
Pero iniwasan lang nila ako at mga nakataas ang kanilang mga kilay nila. Hindi ko na lang sila pinansin baka masira pa araw ko. Natanawan ko naman si Paulo kumakaway sa akin, at papalapit na siya ngayon sa akin.
"Mazel! Nandiyan ka na pala! Kamusta ka naman?" tanong agad ni, Paulo.
"Ok lang naman, bakit naman?" natatawa kong sagot sa kanya "Bakit parang pakiramdam ko may laman ang pagkakatanong mo?" nangingiting tanong ko, napansin ko naman na natahimik lang sya at waring may iniisip.
"Bakit wala kabang alam?"
Napakunot naman ang noo ko dahil naguguluhan ako bigla 'kay Paulo. Alam niyo 'yung pakiramdam na talagang wala kang alam tapos bitin na bitin ka na dahil gusto mo ng malaman tapos bibitinin kapa.
"Alam mo Paulo? Puwede ba sabihin mo na dahil naaasar na ako." sabay talikod ko sa kanya, dahil hindi pa rin ako nakaka-move on kahapon.
"Sorry naman, kasi naka-announce kasi sa bullitin board dito na official na girlfriend ka na raw ni, Duncan. At walang puwedeng gumalaw sayo o manakit dahil makiki-kick out daw silang lahat."
Napahinto naman ako sa paghakbang ng paa ko dahil sa narinig ko.
"Kahapon mo lang 'daw siya sinagot." sabi pa ulit ni Paulo.
Hindi na ako na sumagot pa tumakbo na agad ako patungo sa gitnang bahagi ng school na kung saan nakalagay ang napakalaking bullitin board. Gusto kong makita kung talagang totoo ang sinasabi ni, Paulo.
Haabol ko ang aking hininga habang nakayuko dito sa harap ng bullitin board. Sa pagtingala ko pakiramdam ko parang huminto ang ikot ng mundo dahil sa nababasa ko ngayon.
-Announcement-
DUNCAN PATTERSON
and
MAZEL MONTERO
ARE NOW OFFICIALLY BOYFRIEND & GIRLFRIEND TOMMOROW
DATE: 07-18-2016
Paanong nangyari 'yon? Eh magkaaway nga kami kahapon. "Isang malaking kalokohan 'to!" sigaw ko kahit wala naman akong kausap dito dahil tanging ako lang ang nandito, nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Mabuti naman at nabasa mo na, 'yan ang kapalit ng ginawa mo sa akin. Pero huwag kang umasang may gusto talaga ako sa'yo dahil hindi ikaw ang tipo ko." sabay talikod niya.
"Tch! Ang kapal ng Mukha mo!" sigaw ko at binato ko siya ng isang pares ko ng sapatos.
Hindi man lang siya humarap matapos ko siyang batuhin nakatayo lang ito habang nakasuk-sok ang dalawang kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon n'ya.
"Sige! Tatanggapin ko ang larong gusto mo, pagkatapos nito tigilan mo na ako." sigaw kong muli pero wala pa rin siyang sagot gumalaw siya sandali at mukhang may sasabihin sa akin.
"After class, hihintayin kita sa labas ng school at subukan mo lang hindi pumunta o magpakita sa akin. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa bawat pagtanggi mo." salita lang nito at lumakad na siya papalayo.
-------
Natapos na ang klase namin pero wala akong naintindihan sa kakaisip sa kung anu-ano dahil sa sinabi ni Duncan sa akin. Napalingon naman ako bigla nang may kumalabit sa akin si Paulo lang pala nakangiti sa akin.
"Mazel tara na, tayo na lang ang nandito."
Napatingin naman ako sa loob ng room namin, saka ko lang naisip na oo ng kami na lang ang nandito. Hindi ko na namalayan ang layo kasi ng iniisip ko.
"Sabay na tayong umuwi, Mazel. Kung ok lang sayo?" nakangiting aya ni, Paulo.
"Hindi na Paulo, next time na lang may lakad kasi ako ngayon." sagot ko at hindi ko na siya hinintay pa na magsalita dahil tumayo na ako agad dahil alam kong umuusok na ang ilong nang demonyong si, Duncan.
Tumango naman si Paolo sa akin at inaayos na ang bag niya. Paglabas ko nang school nakita ko ang masamang tingin ni Duncan sa akin habang nakasandal sa kotse. Tama nga hinila ko kasi namumula na ang mata niya sa galit at nararamdaman ko 'yon. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot sa kanya.
"Shit! Saan ka ba nangaling ha!? Bakit ang tagal mo lumabas? Alam mo bang sinasayang mo ang oras ko?" walang prenong salitang singhal niya.
Gusto ko na lang takpan ang dalawang tenga ko dahil sa maingay niyang bunganga, grabe daig pa nya ang babae sa kakasigaw.
Sumakay na siya sa kotse at iniwan niya lang bukas ang tabi ng driver seat. Nako, Mazel. Huwag ka ng umasa na gentleman 'yan. Isip ko habang masamang tiningnan si, Duncan.
Nagdadabog na pumasok ako sa loob nang kotse at hindi pa ako nakakapag seatbelt nang biglang i-abante niya ang kotse. Kaya napasigaw ako dahil bigla at napahawak ako sa gilid ng bintana.
"Ano kaba? Dahan-dahan naman." singhal ko rin sa kanya. Sinimangutan niya lang ako.
"Tssk!" palatak niya.
Nasa kahabaan na kami nang kalsada at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mayamaya'y bigla na lang itong huminto at pagtingin ko sa labas nabasa ko agad 'Tha Barrea Bar' at bakit naman dito niya ako dinala? Ano bang balak nang Daniel na 'to?
"Hoy! Anong gagawin natin dito? At isa pa, di'ba hindi tayo allowed na pumasok d'yan dahil wala pa tayo sa tamang edad?" sabi ko dito pero ang buwesit lang lumabas na siya ng kotse.
"Huwag ka ngang tanga! Ano bang ginagawa ng mga pumupunta dito?"
Sagot niya ng makalabas na ako ng kotse niya at sinusundan siya sa paglalakad.
"Makatanga ka naman wagas na lang, alam mo ang panget ng lumalabas sa bibig mo. Alam ko naman ang ginagawa diyan, umiinom at nagpaparty-party." inis kong turan sa kanya.
"Halika na ang dami mong arte!" bigkas niya na naiinis pa.
"Ano ka ba hindi ako umiinom, ikaw na lang hihintayin na lang kita dito." sagot ko na kinabahan.
"Sasama ka ba sa loob o gusto mong pagpiyestahan ka ng mga lalaki diyan?" serysosong salita niya at ngumisi at nagsimula na siyang maglakad papunta doon sa entrance ng bar.
Napalingon naman ako sa mga nakaparada na mga kotse may mga grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan. Bigla akong nakaramdam ng kaba kaya mabilis na tumakbo ako papunta 'kay, Duncan.
Naabutan ko na naman siya lumingon lang siya sa akin at napansin ko pa na napangiti siya. Pero nagtaka ako bakit hindi kami sinita ng mga bouncer? Tumango lang sila 'kay, Duncan.
Pagdating namin sa may pinto bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at tinulak papasok sa loob. Kamuntikan na akong masub-sob sa sahig buti at may nahawakan ako kaya hindi ako nagtuloy-tuloy.
Pagkapasok niya hinarap ko agad sya. Dahil sa gigil na gigil ako talaga sa kanya.
"Ano ka ba? Bakit mo ako tinulak!?" Galit na galit kong sigaw sa kanya, nagtinginan tuloy 'yung iba sa amin dahil sa sobrang lakas ng boses ko.
"Puwede ba hindi ko 'yun sinasadya, lampa ka lang talaga." mariin na pagkaksabi niya sa lampa.
Napakawalanghiya talaga niya! Sigaw ng isipan ko at nagsisi talaga ako na sumama ako sa kanya.
"Sumunod ka lang sa akin at huwag kang pakalat-kalat baka isipin nila may naligaw na nene dito." at ngumiti pa siya nang nakakaloko.
Nako, konti na lang talaga hindi ko na kakayaning magpigil pa himutok ko. Habang naglalakad na nakasunod sa kanya. Matapos niyang mamili ng puwestong lamesa na nasa pinaka-sulok lang. At solo lang namin 'tong table na may nakapalibot na malambot na upuan. Black and white ang kulay nito at tenernohan ng transparent na kwadrado na table.
Sa pinakagitna ng upuan siya nakaupo habang ako naman nasa gilid lang niya. At ano naman ang gagawin ko? Panonoorin ko lang siya habang umiinom at kung ilang bote ng alak ang nauubos niya? At kung paano nkya lagukin ng dalawang beses lang ang isang bote? Grabe siya uminom ang lakas.
First time ko ang makapasok dito kaya hindi talaga ako mapakali. Sobrang lakas ng tug-tog na halos sabayan rin ng dibdib ko. Hindi naman mabaho sa loob, kasi medyo malamig.
"Baka puwedeng umuwi na tayo?" baling ko sa kanya kasi hindi naman niya ako kinakausap mukha lang akong tanga dito sa tabi. Pero kaasar lang kasi hindi niya ako pinansin.
Hanggang sa may biglang may lumapit sa amin na limang mga lalaki at ang mga itsura nila grabe kakatakot kahit di naman sila panget dahil ma-iitsura naman ang ilan sa kanila. Pero mukhang hindi sila gagawa ng mabuti kaya nakaramdam ako ng kaba.
Napatingin ako 'kay Duncan gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Bakit ba siya nakayuko? I'm sure alam niyang may tao ngayon dito sa harapan namin.
"Woah! Rich kid is here!" natatawang salita ng lalaki na nakatayo ang buhok.
Nagtawanan naman ang ilan sa kanila. Nabigla ako nang tumabi ang isa kay Duncan 'yung nagsalita kanina.
"Naligaw ka ata dito, brod? At may kasama kang chiks ah, girlfriend mo ba? Pahiram sandali."
Kinilabutan naman ako sa sinabi ng lalaki, napatayo naman ako bigla nang may umakbay sa akin. Napatingin ako dito, mapula ang ilang parte ng mata nito. At mukhang hindi naman nalalayo ang edad nito sa amin ni Duncan.
"Chill lang, babe! Huwag kang matakot."
Sabay himas niya sa braso ko na kinatindig ng balahibo ko.
"Don't touch her!" mahina pero mariin na pagkakasabi nito sa lalaki na umakbay sa akin. Bigla na lang binato ni Duncan ng bote itong katabi kong lalaki tinamaan ito sa gilid ng noo.
"Fuck you! Ashole!"
Nangigil na sigaw nito habang pinupunasan ang noo na may bahid na dugo.
"Gusto mo bang gilitan ko ng leeg 'tong babae mo?"
Sigaw nito at bigla na lang ako nitong hinawakan sa leeg at ngayon 'ay nasa likod ko na ang lalaki at nakatutok sa leeg ko itong matalim na kutsilyo na hawak niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon. Natulala na lang ako sa mga nangyayari dahil hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa amin ni, Duncan.
"Huwag mo nang subukin pang lumaban. Wala kang kasama, nakikita mo ba? Talo kana dito palang." nang-aasar pa siya kay, Duncan.
Dumampot itong lalaki na mukhang leader nila ng isang bote ng alak at mabilis na tinungga habang nakangisi at inaamoy-amoy pa ako.
"Mukhang araw namin ngayon, Duncan." nakakalukong ngumisi silang lahat. Pero si Duncan ay parang wala lang.
"Gawin na ninyo ang gusto niyo! Huwag niyo siyang sasaktan." mahinang sabi ni, Duncan.
Napatingin ako sa kanya na lalo kong kinatulala, nagtawanan ang limang kalalakihan kabilang na itong lalaki na may hawak sa akin.
"Ayos ah!" talagang sumusuko ka samin ngayon? Amazing!" mapang-asar na salita nitong leader nila.
Tumayo 'yung katabi ni Duncan at tumalikod lang at pagharap bigla niyang sinapak sa mukha si Duncan, nanlaki ang mata ko. Dahil parang ininda niya lang ang binigay na suntok sa kanya. Bakit, Duncan? Ano ba ang iniisip mo, paano ka naman?
"Oh? Paano ba 'yan gawin na 'daw natin ang gusto natin sa kanya." Nakangising sabi ng tatlong lalaki.
"Alam mo Duncan, naninibago ako sayo. Hindi ako sanay na hindi ka lumalaban. Pero dahil sabi mo naman susundin ka namin." salita pa ulit nitong may kulay ang buhok.
Nakakalukong nagtawanan silangahat pero, si Duncan seryoso lang na nakaupo pa rin.
"Alam ninyong lahat ang kakayahan ko kaya pasalamat kayo ngayon." nakangiting wika ni, Duncan. "Gawin niyo na ang gusto ninyo, ang dami niyo pang satsat mga mahihina naman kayo." pang-aasar pa nito.
Hindi man lang ba siya kinakabahan dalawa lang kami at lima sila? Naguguluhan na isip ko.
"P*tangina mo talaga! At gago kapa. Napakayabang mo talaga!" sigaw ng nakasumbrero na isa
Pinagtulungan na nila si, Duncan. Pinagsusuntok ng sunud-sunod, napapikit ako sa nakikita ko.
"Bro ako naman!" sabi naman nitong isang medyo mataba.
Kumuha siya nang bote na iniinom ni Duncan at pinalo ito sa ulo niya. Hindi ko na kayang tumingin nagsisikip ang dibdib ko. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko, Bakit nila ito ginagawa sa'yo? Bakit ka pumayag na saktan ka lang nila?
Nanlaki naman mata ko nang mapansin ko na ang isa sa kanila ay may hawak na baseball bat. Oh, my god! No! Hiyaw ng isipan ko.
"Tama na 'yan! Naakikiusap ako sa inyo ano bang kasalanan niya sa inyo?" wika ko habang nag-uunahan na ang luha ko sa pagbagsak.
Nakahiga na si Duncan sa sahig habang nakabaluktot hindi naman ako pinansin nitong lalaki na may hawak sa akin.
"Gago bro, bakit sa mukha mo pinalo? Sayang naman 'yung gwapong mukha nya." muling tawanan nila, duguan na ang mukha ni, Duncan.
"Oh? Huwag kang umiyak? Hindi pa naman namin siya papatayin." Sabay tawa nitong may hawak sa akin.
"Itong gago mong syota maraming atraso sa amin to! Kaya pagkakataon na namin ito para makaganti." nanlalaki ang butas ng ilong na salita nitong isa.
Pinagtulungan na nila ulit bugbugin si Duncan, naiiling na ako sa nakikita ko. Walang tigil sila sa ginagawa nila merong sumisipa at tumatadyak sa katawan ni Duncqn. Kahit saan na lang tumatama ito, tinatanggap lang nito ang lahat ng sakit hanggang sa mahagip nang mata ko 'yung isang lalaki may hawak siyang bakal na bangko at hinampas niya mula sa likod si Daniel at dito hindi na gumalaw ito.
"Tama na!" sigaw ko, wala bang tutulong? Bakit lahat ng nandito na mga tao parang walang paki-alam sa nangyayari dito. "Tumigil na kayo!" sigaw kong muli sa kanila habang nagpupumiglas dito sa lalaki upang makalapit kay Duncan.
Akala ko tapos na sila gulpihin si Daniel, gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko at napasigaw nang undayan ng saksak sa tagiliran si Daniel 'yung lalaki na nakasumbrero.
"Remembrance lang, brod."
Matapos 'yun isa-isa na silang nag- alisan. Tinulak naman ako nitong lalaki kaya napaupo ako. Pagapang na lumalapit ako 'kay Duncan habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
Saka naman dumating 'yung kaninang mga bouncer at guard sa labas kung kailan tapos na.
"Hoy! Duncan! Gumising ka!" alog ko sa mukha niya, pero nakapikit lang siya. Naisip kong tawagan ang magulang niya kaya hinanap ko agad ang phone niya. Pero kahit ilang ulit kung tingnan walang naka phonebook, na maaaring number ng magulang niya at mabuti na lang walang password.
Puro kaibigan niya lang, kaya si Allen na lang ang tinawagan ko dahil siya ang una sa phonebook. Tinulungan ako ng mga bouncer na buhatin si Duncan at sinasakay namin siya sa kotse niya para dalhin sa hospital.
------------

หนังสือแสดงความคิดเห็น (244)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Wow ang ganda ng story na to, may book 2 po ba ito about sa college life naman nila. Kasi parang may another character nanaman eh,. Well I like this story, hoping more story to come na ganito nakaka excite ang story.

    20/12/2021

      4
  • avatar
    Cristal Janne P. Niño

    ganda po

    9d

      0
  • avatar
    Maria Ysabelle Solis

    super gandaa 👊💖

    11d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด