logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

AN: Salamat po sa mga nagbasa nito, sanay mag-enjoy at kiligin kayo sa love story nila, Duncan at Mazel
=========================================
Mazel
Kakatapos lang ng unang subject namin. Naglalakad ako sa mahabang pasilyo nang paaralan. Hindi ko alam kung saan ako ta-tambay habang naghihintay ng susunod na subject, meron kasi kaming thirty minutes na break. Si Paulo naman sa ibang lugar nagpunta, ayoko naman siya istorbohin pa.
Habang lumilipad ang isip ko 'kay, Duncan. Noong nalaman ko na siya na nga 'yon, gusto ko sana siyang 'yakapin at tanungin kung bakit bigla na lang syang nawala.
Kaya lang nag-alangan ako kasi pakiramdam ko parang ang layo nya na sa akin, siguro nga kulang pa talaga ang ilang araw  na pagkakaibigan namin upang makilala namin ng husto ang bawat isa. Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako.
"Mazel, right?"
Napapatitig naman ako dito sa babae na nasa harap ko ngayon at masasabi kong maganda siya pero mukhang mataray ang dating. Bakit kilala nya ako? Kausap ko sa isip ko.
"Pipi kaba? Madali lang naman ang tanong ko sa'yo.  Just say yes!" malakas ang boses na salita nito at naniningkit ang mata sa pagkakasabi nya. 'Yung dalawang mga kasama nya mga nakaismid at nakataas ang kilay.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot."Yes! why?"  balik tanong ko sa kanya.
"I don't need to answer! At isa pa hindi naman tayo close." nakasimangot niyang sabi.
"Sinagot ko na ang tanong mo, siguro naman walang masamang magtanong sa'yo?" diretsong tingin ko sa mata niya. Nakipaglabanan ako ng titigan sa kanya.
"Masama, dahil hindi naman kita ka-level." nakataas pa ang kilay niya, habang naka-cross arm.
"Kung gano'n naman pala, hindi ko na pala kailangang makipag-usap pa sa inyo, kaya padaanin niyo ako at magpapahangin lang ako saglit." nakangiti kong sabi sa kanila, nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng biglang may maramdaman akong binuhos na malamig mula sa likuran ko.
Amoy coke, dahan-dahan akong lumingon sa kanila. Hindi ko malaman kung saan nanggaling 'yung softdrinks na hawak nila. Hindi pa sila nakuntento at sinabuyan pa nila akong muli, sa mukha ko na ito tumama. Titig na titig ako sa kanilang tatlo at ramdam ko na ang panlalamig ng katawan ko dahil nabasa ang dibdib pati na ang likod ko.
Nanlalagkit at nilalamig na ako dahil mahangin dito sa labas, nagtawanan naman ang tatlo pati na rin ang mga napapadaan. Pigil ang emosyon ko dahil kaya kong magpigil hindi ko sila papatulan.
"Sorry ah? Kasi mukhang kailangan mo ng maligo kasi nangangamoy ka na eh." sabay tawanan nilang muli.
Tiningnan ko lang sila ng masama at dahil ayoko muna silang patulan. Pagbibigyan ko muna sila, tinalikuran ko na sila para pumunta ako ng c.r.
"Naging kayo ba ni, Duncan?" Napahinto naman ako sa paglalakad ko dahil sa tanong na 'yon.
"Bakit hindi siya ang tanungin mo? At kahit pilitin mo ako hindi kita sasagutin." Sinabayan ko ng mabilis na lalakad, dinig na dinig ko pa ang mga sinabi nila sa akin pero hindi ko na lang pinansin dire-diretso akong naglakad at sa pangalawang pagkakataon nabunggo na naman muli ako.
"Ano ka ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" sigaw ko sa kung sino man ito. Natahimik naman ako dahil si Duncan pala at pati na rin ang mga kaibigan nya ang nasa harapan ko ngayon.
"What happend? Sinong gumawa niyan sa'yo?" magkasunod na tanong niya.
Nakita ko sa mga mata ni Duncan ang pag-aalala, pero wala akong balak na mag pa-care sa kanya dahil wala ako sa mood.
"Ano bang pakialam mo? Hindi tayo close noh! Kaya tumabi ka nga diyan!" siinghal ko sa kanya na nakasimangot.
"Wow ah! Ang sungit naman pala ng childhood sweetheart mo, DC." sabay tawa ng mga kasama niya.
Tiningnan ko nang masama 'yung nagsalita at sa tingin ko siya siguro ang pinaka makulit sa grupo nila.
"Bakit? Nakatabi naman kami at napakalaki ng space para makadaan ka." nang-aasar na sabi ni Duncan.
Saka ko lang napansin na nasa gilid lang pala kami lahat at tama s'ya maluwag pa ang pwedeng daanan. Pero hindi ako nagpahalata kanya lumakad na ako at nilagpasan ko na sila. Narinig ko pang nagtawanan 'yung mga kasama niya at ewan ko napangiti na lang 'din ako.
Medyo nakalayo na ako ng husto sa kanila nang marinig kung sumigaw si Duncan at may binigkas siya, pangalan ko kaya automatic na napahinto ako.
"Hoy! Mazel! After class pumunta ka ng gym." sigaw niya at tumalikod na siya at nagsimula na silang maglakad.
Bakit naman kaya? Feeling niya naman susundin ko siya, bahala ka sa buhay mo. Inis na nagpatuloy ako sa paglalakad para makapaglinis ng katawan ko.
-----------
Nakapaglinis na ako sa c.r pero madusing pa rin ang damit ko hayaan ko na nga lang. Uwian naman na mamaya, bahala na siyang matuyo sa katawan ko. Ang buhok ko na kaka-rebond pa lang sinira nila. Kaasar!
Sa wakas makakauwi na rin sa bahay at natapos ko ang isang araw. Sobrang lagkit na ng katawan ko pati itong puting long sleve na uniform ko hindi na puti gawa ng softdrinks. Buwesit kasi 'yung mga babae na 'yon, di bale makakaganti rin ako sa kanila.
Napalingon ako dito sa katabing upuan ko kasi alam kung dito si Duncan. Nasaan kaya 'yung siraulo na 'yon? Hindi siya pumasok nako, unang araw pa lang ng klase nagluloko na. Paano siya makaka-graduate ng high school kung di siya pumapasok at unang araw ng klase.
Palabas na ako ng room nang may kumalabit sa likod ko at nakita ko si Paulo pala. Seryoso lang itsura niya at parang may gusto siyang sabihin.
"Oh, Paulo ikaw pala. Akala ko nauna ka ng umuwi." nakangiti kong bati sa kanya, hndi naman panget si Paulo, kasi nakita ko ang mata niya nang natitigan ko siya. Kaya lang 'yung buhok lang talaga niya ang nagpapanget sa ayos niya.
May suot siyang makapal na salamin at ang buhok nito na akala mo 'yung bunot. Tapos may brace pa ang ngipin nya, ang pantalon naman niya na medyo bitin kaya gano'n na lang siya pagtawanan ta laitin. Hindi ko natapos 'yung pag-iisip dahil may sinasabi si, Paulo.
"Mazel sabi ni Duncan pumunta ka 'daw ng Gym. Kapag hindi ka raw pumunta pagsisihan mo daw ito at damay rin ako." malungkot na sabi ni, Paulo. "Bakit nasali ako dito, Mazel?" nagtataka at nalulungkot na wika nito.
Napangiti naman ako sandali kasi natawa rin talaga ako sa itsura ni Paulo, natatakot ba talaga siya kay, Duncan?" ano naman kaya ang naiisip na palabas nang Duncan, na yon? At kailangan sa gym talaga? Kaya kahit ayoko pumunta ako dahil nag-aalala rin ako 'kay, Paulo.
"Pasensya ka na, Paulo. Kahit ako hindi ko rin talaga alam eh. Hayaan mo di naman ako papayag na may gawin siya ulit na masama sa'yo o atin." paliwanag ko 'kay Paulo, tumango naman siya.
Magkasabay na kaming naglalakad ni Paulo patungo sa gym. Nagtataka naman kami kasi 'yung mga studyante nagmamadali ang bawat paglalakad nila.  May tawa ng tawa at nagtatakbuhan na akala mo may artista na dumating. Papunta rin sila sa gym, napapaisip na naman ako.
Subukan mo lang talaga Duncan may gawin ka sa amin ni Paulo. Magsisisi ka rin, sa isip isip ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ni, Paulo. Talagang na-trauma na siya sa ginawa ng gagong Duncan na 'yon. Kawawa naman itong si Paulo nanahimik tapos pinaglalaruna nila.
Bigla akong kinabahan dahil may naririnig kami na sigawan, parang may palaro sa loob ng gym dahil sa nagkakasayahan siguro. Pagpasok na namin bumulaga sa amin ang napakadaming studyante, at sa gitna may tatlong babae na nakaluhod at gulo-gulo ang kanilang mga buhok. Sila 'yung mga nambuhos ng softdrinks sa akin.
Napansin ko ri na nandito si Duncan kasama mga kaibigan niya nakatingin silang lahat sa amin ngayon kaya naman parang ayaw humakbang ng mga paa ko. Lalong umingay dito sa loob, halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila at sinisigaw nila.
"What the-  Anong ibig sabihin nito?  Bakit nandito 'yang babae na 'yan!?"
Narinig kong sabi noong babae na nasa pinaka-gitna.
"Feelingera talaga! Mahilig talaga siyang magpapansin 'kay, Duncan." Sabi naman no'ng isa.
Lumapit ako sa kanila nakasunod lang sa likod ko si, Paulo. At ngayon palang kumukulo na ang dugo ko sa kanya lalo na sa mga binabalak niya.
"Anong balak mo na naman ha! At  pinapunta mo pa kami dito para lang ipakita sa akin 'yang mga kasamaan ng ugali mo!?" galit na salita ng makalapit na ako sa kanila.
"Hindi naman para sa akin 'to!  Ginagawa ko ito para sa sarili mo. Hindi ka ba magpapasalamat?" nakangisi na sagot niya.
Natawa na lang ako ng pauyam at talagang para pala sa akin ito.
"Igagaya mo pa ako sa inyo? Sa mga maling pinaggagawa niyo!" Hindi naman ako pinansin ni Duncan, sa halip sumigaw siya at may inutos.
"Buksan niyo na 'yan!" sigaw at utos niya.
Napatingin ako banda doon sa may malaking nakatakip na puting tela. Ano kaya ang nasa loob no'n? Tanong ko sa isipan ko.
"Woah! DC. Seryoso ka ba dito? Napakarami naman nito, pero mukhang exciting dahil nandito si sweetheart mo." nakatawang salita nitong makulit na kaibigan niya.
"At para saan naman 'yan?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko.
Tatlong malalaking cooler ang nandito at puno ito ng...  Teka? Ano ang nasa loob ng mga plastik ng yelo? Maitim kasi siya, pero may bula. Softdrinks? Bakit nakalagay sa mga lagayan ng plastik nang yelo?  Naguguluhan ako sa mga nakita ko at sa napakaraming nakabalot na coke sa plastik.
"Kung hindi maganda ang gagawin mo, mabuti pang umuwi na lang kami." mahinang salita ko, tiningnan niya si Paulo ng masama, kinabahan tuloy ako sa klase ng tingin niya.
"Halika na dito at nang masimulan na natin 'to, masyado ng tumatagal ang oras. Madali lang ang gagawin mo ibabato mo 'yan isa-isa doon sa mga babaeng gumawa rin sa'yo kanina."  Turo niya doon sa mga babae na nasa gitna.
"Ano!? Hindi ko 'yan gagawin!" Sigaw ko sa kanya. Nalukot naman mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Gagawin mo dahil ito na ang oras para makaganti ka sa kanila." seryoso na salita niya at naupo.
Napapailing ako sa mga sinasabi nya. Anong palagay niya sa akin? "Gusto mo na gumanti ako sa paraan na gusto mo?  Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, Duncan?" At sinabayan ko ng talikod.
Hahawakan ko na sana si Paulo nang pagtingin ko wala na si Paulo, at napaharap ulit ako sa kanila. Laking gulat ko na si Paulo ay hawak na ng dalawang kaibigan ni, Duncan. Lalong umigay ngayon dito sa loob ng gym akala mo nasa sa isang sabungan kami na may labanan na magaganap.
"Ano ka ba? Nababaliw ka na! Bakit pati si Paulo dinadamay mo dito?" nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa galit sa kanya.
"Just Do it. Or else..."
Sabay hawak nya sa mukha ni Paulo at nilabas n'ya muli ang kutsilyong ginamit niya pamputol sa buhok ni Paulo. Nanlaki lalo ang aking mata, dahil nakatutok ito sa pisngi ni, Paolo.
"Ang sasama niyo!" sigaw ko sa kanilang lahat.
"Gawin mo na! Kung hindi uukaan ko ang pagmumukha ng panget na 'to." sigaw ni Duncan.
Nataranta naman ako sa sinabi ni Duncan, kaya napalingon ako doon sa tatlong babae na halos hindi na maipinta ang mukha dahil sa nagkalat na ang make-up nila sa mukha dahil sa walang tigil na pag-iyak. Ayokong gawin 'to dahil lang sa demonyong Duncan na ito. Alam kong mali ito pero baka anong gawin nya 'kay Paulo.
Pikit ang mata na naglakad ako papunta sa mga cooler. Dumapot ako ng isa, kapag binato ko ito alam kong masakit at puputok ito sa katawan nila. Matapos kong kumuha ng isa tumingin ako ng diretso sa pwesto nang tatlong babae na ang sama ng tingin nila sa akin.
--------------

หนังสือแสดงความคิดเห็น (244)

  • avatar
    Joan Ablaneda Aguilar

    Wow ang ganda ng story na to, may book 2 po ba ito about sa college life naman nila. Kasi parang may another character nanaman eh,. Well I like this story, hoping more story to come na ganito nakaka excite ang story.

    20/12/2021

      4
  • avatar
    Cristal Janne P. Niño

    ganda po

    10d

      0
  • avatar
    Maria Ysabelle Solis

    super gandaa 👊💖

    11d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด