logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

Nakangising naglakad si Jack papunta sa room na kinuha nila, kahit di man niya tignan ang mukha ni Kaiya ay alam na niya agad kung anong klaseng expression ang namuo sa mukha nito dahil sa pagkabigla.
Kahit hindi makapaniwala ang dalaga na magsasama sila ngayon ni Jack sa iisang kwarto ay wala nadin siyang nagawa kundi ang sumunod at maglakad patungo sa kanilang magiging room ngayong gabi.
Naabutan niya doon si Jack na nagbubukas ng pinto.
"Sigurado ka bang sa iisang kwarto lang tayo matutulog?” Tanong ni Kaiya.
“I am sure. How about you? If you can't stand me in the same bed with you, then you're free to find another place or you can sleep in the car, your choice. - wika pa ni Jack at humilata na sa kama.
Lalo namang uminit ang ulo ni Kaiya nang masaya pang humiga ang binata sa kama, at tila nag inat pa ito ng kanyang katawan. Ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na makatabi si Jack sa iisang kama.
“Kung iniisip mong may gagawin ako sayong masama, wag kang mangarap.” Nang aasar pang wika ni Jack.
“Bakit di mo kasi aminin na gusto mo din akong makatabi?” Mapang asar din na wika ni Kaiya.
“Oo gusto ko nga-“ seryosong wika ni Jack, na nakaupo na noon sa kama at deretsong tinignan sa mata si Kaiya na noon ay napatahimik na at walang masabi. Tila ba na estatwa ang dalaga sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang sinabi ni Jack.
Ilang segundo lamang ang lumipas ay umalingawngaw ang isang malakas na tawa ni Jack sa buong silid, humawak hawak pa ito sa kanyang tiyan at hindi mapigilan ang labis na pagtawa dahil sa naging itsura ni Kaiya ng marinig nito ang kanyang biro.
Biglang natauhan si Kaiya ng tumawa ng malakas si Jack. Sa labis na pag-kaasar ng dalaga ay lumapit siya dito at kinuha ang isang unan sa tabi nito at pinag hahampas nito si Jack.
“Bwisit ka talaga kahit kailan! Ikaw ang malaking hudas sa buhay ko!” Wika pa ni Kaiya na patuloy padin sa paghampas kay Jack at tila ba gigil na gigil talaga ito.
Bigla tuloy niyang naalala nung mga bata sila at naglalaro sila sa kwarto ni Jack, paborito din kasi siya nitong asarin kahit noon pa kinakagat pa niya ito sa tenga sa sobrang inis niya, kaya't walang magawa si Jack noon kundi ang mamilipit na lamang sa sakit, pero kahit ganun ay masaya sila bilang magkaibigan at magkalaro.
Maya maya pa ay tila ba hindi na nakayanan ni Jack ang panghahamapas ni Kaiya.
“Enought Kaiya! I'm hurting!” Wika ni Jack - Ngunit patuloy padin sa paghampas si Kaiya.
Kayat wala ng nagawa ang binata kundi ang hawakan ito sa kamay at pigilan sa paghampas, at sa ilang segundo lumipas ay bigla na lamang nakahiga na si Kaiya sa kama at nasa ibabaw niya si Jack na hawak padin ang kanyang dalawang kamay na tila napako na noon sa kama.
Bigla namang natahimik ang buong silid, at tanging malalalim na hininga na lamang nila ang maririnig. Hindi din maiwasan ang magtama ang kanilang mga mata.
Pinagmamasdan ni Jack ang mukha ni Kaiya, na noon ay tila ba na estatwa na ang dalaga at nakatingin nalang din sa kanyang mga mata. Ilang segundo din silang nasa ganoong posisyon at tila ba kahit isa sa kanila ay walang gustong gumalaw.
Mula sa mga mata ni Kaiya ay bumaba ang tingin ni Jack patungo sa labi ng dalaga. Unti unti ay nilapit niya ang kanyang mukha at nais ng dampian ng halik ang labi ng dalaga.
Nang pakiramdam ni Kaiya, na unti unting lumalapit ang mukha ni Jack patungo sa kanyang labi ay agad siyang napapikit, kasabay ng bumibilis na tibok ng kanyang puso.
Ngunit naputol ang sandaling iyon ng tumunog ang telepono sa gilid ng kanilang kama.
Agad namang napatayo si Jack, samantalang si Kaiya ay agad na napamulat.
Tila naging awkward ang paligid sa kanilang dalawa. Bumangon na noon si Kaiya at naupo sa gilid ng kama, samantalang si Jack ay nagtungo sa tumutunog na telepono at sinagot iyon.
“Goodevening sir, baka gusto niyo pong umorder ng dinner? Meron po kaming menu na nakalagay jan sa gilid ng telepono.” - wika ng babae, Noon naman ay napansin nga ni Jack ang menu na nakapatong doon sa table.
“Okay, we will order. I will just ask my wife what she wants to eat. I will call back. Thank you” wika ni Jack.
Noon naman ay tila namula ang pisngi ni Kaiya ng marinig ang sinabi ni Jack sa kausap nito. Di lang siya makapaniwala na ina-acknowledge pala siya nito bilang asawa.
“What do you want to eat?” Tanong ni Jack. Noon naman ay napukaw na muli nito ang atensyon ni Kaiya.
“Siguro bumaba na lang tayo, dun na tayo umorder.” Nahihiyang wika ni Kaiya at hindi siya makatingin ng deretso kay Jack, ganun din naman ang binata.
“Okay then,” Wika ni Jack, agad naman siyang nagsuot muli ng mask bilang paghahanda kung sakaling maraming tao doon.
Nang makababa sila, patungo sa kainan ay namangha si Kaiya ng makita ang nga kumukutitap na ilaw, kalapit noon ay isang malawak na garden at may mga alitaptap din na lumilipad.
Agad na tumakbo si Kaiya patungo sa garden at naiwan si Jack na tinatanaw na lamang ang dalaga. Mula sa malayo pinagmamasdan niya lang ito, para bang isang bata na nanghuhuli ng alitaptap doon.
Napangiti na lamang si Jack nang maalala noong mga bata pa sila na pinanghuhuli pa niya ito ng alitaptap sa kanilang garden sa likod ng bahay, at nilalagay pa niya iyon sa glass jar pagkatapos ay binibigay niya kay Kaiya.
Tinatalon talon pa nga ni Kaiya ang mga alitaptap, hanggang sa mapamali siya ng bagsak at napaliay, napaupo ito at napasigaw sa sakit, hindi kasi pantay ang tinatalunan nito.
Agad namang napatakbo si Jack sa kinaroroonan ni Kaiya ng marinig ang sigaw nito. Nag-aalala itong lumapit sa dalaga.
“What happened?” Tanong ni Jack.
Yung paa ko! Wika ni Kaiya at namimilipit ito sa sakin, tinignan naman ni Jack ang paa ng dalaga at noon ay namamaga na agad.
“Why are you so careles!” Wika ni Jack, sabay noon ang pagbuhat niya sa dalaga at nagtungo na sila pabalik sa kanilang room.
Nabigla si Kaiya sa biglaang pagbuhat sa kanya ni Jack. Binuhat siya nito na parang bridal style, nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa leeg nito. At habang naglalakad sila pabalik sa kwarto ay pinagmamasdan niya ang binata na noon ay seryosong nakatingin ng deretso sa nilalakaran.
Habang tinititigan niya ito ay narealize niyang napakagwapo nga pala talaga ni Jack. Kahit naka facemask ito ngayon ay mahahalata padin ang magandang pagkalalaki nito, may mahabang mga pilik mata ito.
Kulay brown ang mga mata at matangos na ilong, idagdag ang mabangong amoy ng binata, napapikit pa si Kaiya at tila inaamoy amoy pa si Jack, tila nga nawala ang sakit na kanyang nararamdaman
“Anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong ni Jack ng mapansin nitong nakapikit si Kaiya at tila inaamoy amoy siya.
Agad namang napamulat ang dalaga ng marinig ang boses ni Jack. Napansin niyang nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto.
“Pihitin mo yung pinto” wika ni Jack - dahil hindi niya magawang pihitin pa iyon dahil buhat nga ng kanyamg dalwang kamay ang dalaga.
Agad namang pinihit ni Kaiya ang pinto at nabuksan ito, dahan dahan siyang ibinaba ni Jack sa kama. Nagulat naman si Kaiya dahil agad na nagtungo si Jack sa telepono at may tinawagan.
Maya maya pa ay may kausap na ito.
“Can I please have some ice packs? And a bandage.” Wika ni Jack sa kausap.
“Okay sir, Just wait for a moment.” Wika ng babae sa kabilang linya.
Pagkatapos noon ay binaba na ni Jack ang tawag , tinanggal niya na ang kanyang mask at nag aalalang lumapit kay Kaiya.
“Just wait a bit, the first aid is coming. Why are you so careless, para kang bata.” Wika ni Jack sa dalaga naiinis ito sa nangyari ngunit hindi maiwasan ang pag aalala nito.
Hindi naman makaimik si Kaiya, at tikom lang ang bibig nitong nakatingin kay Jack na noon ay hinahawakan at chine-check ang bali niya sa kanyang paa.
Ilang sandali pa ay may kumatok na sa kanilamg room, agad na binuksan ni Jack ang pinto.
“Sir ito na po ang ice pack at-“ hindi na natuloy ng babae ang pagsasalita ng makilala ang lalaking nasa kanyang harapan, nanlaki pa ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig.
Agad na kinuha ni Jack ang ice pack at bandage na dala ng babae, nagpasalamat siya dito at agad ding isinara ang pinto.
Naiwan ang babaeng nakatayo at laglag ang panga, nang makita ng personal ang isang Jack Dawnson, excited itong umalis upang ipagsabi sa kanyang mga kasamahan ang kanyang nasaksihan.
Wala ng pakialam si Jack kung makilala pa siya ng kahit na sino, ang tanging mahalaga lang sa kanya ay malapatan ng lunas si Kaiya.
Agad siyang lumapit kay Kaiya upang gamutin ang bali nito.
Agad niyang dinampian ng yelo ang paa nito. Napapasigaw naman sa sakit si Kaiya ng mejo madiinan ni Jack ang bali.
“I'm sorry, I will be careful.” Wika ni Jack na tila naawa na kay Kaiya dahil sa sakit na nararamdaman nito.
“Thank you.” Wika ni Kaiya kay Jack.
Napatigil naman sandali ang binata ng marinig ang sinabi ni Kaiya.
“Okay, next time be careful.” Sagot naman ni Jack.
Habang tinatalian na ni Jack ang paa ni Kaiya ay bigla nitong narinig ang pagkulo ng tyan ng dalaga. Hindi pa nga pala sila kumakain ng dinner.
Muli ay tumawag siya sa receptionist at umorder ng makakain, pinadeliver na lamang niya iyon muli sa kanilang room. At katulad kanina ay nagulat din ang lalaking nagdala ng kanilang pagkain ng makita siya nito.
Natapos silang kumain ni Kaiya, at ngayon ay oras na ng pagtulog. Bigla namamg bumuhos ang malakas na ulan.
“Dito nalang ako sa sahig matutulog.” wika noon ni Jack at kinuha ang Quilt cover ng kama at inilatag iyon sa sahig.
Humiga na din doon ang binata. Nahiga na rin noon si Kaiya sa kama, tahimik na sa buong silid at tanging malakas na ulan at hangin lamang na maririnig sa labas ang nagsisilbing ingay.
Maya maya pa ay bigla na lamang nagpatay sindi ang ilaw, kasabay noon ang isang malakas na pagkidlat at pagkulog.
Napasigaw si Kaiya at napatalukbong ng kumot dahil doon, at nagsimula itong umiyak. Biglang naalala ni Jack na takot nga pala si Kaiya sa tunog ng kidlat kahit noong mga bata pa sila ay umiiyak talaga ito tuwing kikidlat ng malakas.
Agad na napabangon si Jack at pinuntahan sa kama si Kaiya. Pinapatahan niya ito, katulad nung mga bata pa sila, alam niya kung anong makakapagpatahan dito.
“Don't cry, I'm here.” Wika ni Jack at pagkalipas ng ilang taon ay muli niyang kinanta ang isang kantang makapagpapatahan kay Kaiya, ang kantang lagi niyang kinakanta noon.
Isang beses kasing naiwan sila sa bahay at wala noon ang mga magulang ni Jack.
Biglang umulan ng malakas habang naglalaro sila ni Kaiya, ilang sandali pa ay umalingawngaw sa buong paligid ang paulit ulit na pagkidlat, na nagpaiyak kay kaiya dahil sa sobrang takot, nagtalukbong ito ng kumot at patuloy na umiiyak, hindi alam ni Jack ang gagawin niya noon, kayat niyakap nalang niya ito at naisipan niyang kumanta.
Ngayon nga ay muling ginawa iyon ni Jack, kinanta niya ang ang kanta ni Ryan Huston na ang Title ay Love you forever. Nagulat siya dahil kahit ilang taon na niya yung hindi kinakanta ay parang kusang lumalabas sa bibig niya ang bawat lyrico noon.
Habang kumakanta siya ay ngayon lang narerealize ang meaning ng kantang yon, dahil noong bata pa siya ay wala naman siyang pakialam sa meaning ng kanta basta ang mahalaga ay alam niya ang lyrics.
Napansin naman niyang unti unti ay tumitigil na sa pag iyak si Kaiya, hanggang wala na nga siyang marinig na paghikbi mula dito, dahil tuluyan itong nakatulog habang yakap yakap niya ito, at noon ay hindi na rin niya namalayan na nakatulog na din pala siya.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (271)

  • avatar
    Carl Aguilar

    magan da

    3d

      0
  • avatar
    DaoRuth libot

    wom

    8d

      0
  • avatar
    Ariel L Henugin

    Ganda namn basahin

    11d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด