logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

IKALIMANG araw ko na sa AC company. Ngayong araw ang off ni Sir. Nigel, pero ako may pasok pa din pero okay lang maglilinis at magliligpit lang naman ulit ako at tutulong kay Miss. Carol, iyon kasi ang isa sa mga bilin ni Sir Nigel ang pumasok ako kahit off nito para may katulong si Miss Carol.
Katatapos ko lang tulungan e-xerox  ang mga papeles na pag-memeetangan nila sa lunes.
Pumasok ako sa opisina ni Sir. Para linisan naman ang mga estante na hindi ko pa nagagalaw. Tahimik at walang anumang presensya sa opisina nito. Pinasadahan ko ang aking daliri ang lahat ng kanyang mga gamit halatang mga mamahalin.
“Nais kong maging isang boss sa isang opisina na tulad nito balang araw.” Marahan kong sabi habang patuloy kung sinusuri ang lahat na naroon.
Pagkatapos ko ay umupo ako sa kanyang swevel chair at umikot ako tapat sa salaming dingding at pinapanood ang buong tanawin ng lungsod. Sana ganito ri ang magiging opisina ko balang araw. Maganda nakakarelaks.
“Ginagawa mo Miss Francine, ganyan ba ang gawain mo kapag wala ako,” salita ng taong nasa likuran ko, patay mukhang si Nigel ata ito.” Sa isip ko. Mabilis akong napatayo at payukong humarap sa taong nasa likuran ko.
“S-sorry Sir, hindi ko sinasadyang umupo sa upuan mo.” Nakapikit kong sagot dito habang nakayuko.
“Hahaha!” Narinig kong malakas na tawa ng taong iyon
“Miguel!" Sigaw dahil sa takot. Akala ko si Sir Nigel na.
“WAIT, what are you doing in my cousin office and on his chair Francine?” tanong ni Miguel matapos akong pagtawanan nito. Sa inis ko ay iniwan ko siya at naglakad ako palabas ng office papunta sa puwesto ni Miss Carol.
“Haist! Paano kung tunay na si Sir Nigel ito, 'di patay naman ako doon?” bulong ko at padabog na umupo sa isang upuan malapit sa coffe maker at istanti ng water dispenser.
Pinsan pa naman ito ni Sir Nigel kaya 'di kataka-taka na para din itong si Sir Nigel si Miguel. Paano ko na laman na magpinsan sila. Sinabi niya nang ihatid ako kahapon nito. Sa side ng mama ni Sir. Nigel ay pinsan si Miguel na half korean, hindi lang halata kay Sir. Nigel. Dahil nagmana ito sa side ng ama nito na isang british sa mata lang sila nagkakapareha.
Hindi ko alam kung bakit ngunit ang aking puso ay para paring tambol sa bilis. Kailangan ko na sigurong bawasan ang pagkakape at uminom ng isang basong tubig upang pakalmahin ang aking dibdib.
kahit papaano ay may natutunan akong aral ngayon, hindi na uulitin ang ginawa ko na maki-upo sa upuan ng may ari.
“Francine c'mon i was just trying to play with you. Sorry kung nagulat kita.” Tawa ni Miguel na naglakad papunta sa akin at umupo din sa katabi ko at nagsosorry pero nakatawa. Kaasar.
“Ano ang ginagawa mo rin sa kanyang opisina?” tanong ko dito kumalma na rin ako kaya 'di ko lang pinatulan ang pagka-abnormal nito.
“Well pumunta ako dito sa opisina niya, upang dalhin ka ng tanghalian. Ngunit wala ka dito, kaya naisip kong baka nandoon ka sa opisina ni Nigel.” Sinabi ni Miguel.
“Natatakot ka ba kay Nigel?” tanong niya at tumango ako ng bahagya.
“Kunti lang!" Ako na nakangiti.
“Sabagay at talagang nakaka-intimidate siya at walang emosyon. Lagi ding salubong ang kilay. Pero mabait naman iyan pag-minsan lalo na kapag nakuha mo ang tiwala n'ya." Sabi ni Miguel.
“So kailangan ko lang pala kunin ang loob niya.” Sa isip ko, pero tango na lang ang isinagot ko kay Miguel.
“So, pa-a-amuhin mo ba siya?" nakakalukong saad nito sa akin. Ano siya Aso. Tsk, utak nitong lalaking ito asan?
“Alam mo may idea ako.” Sabi nito sa akin.
“Para magbago siya pa-ibigin mo siya. Iyon lang naman kulang sa kanya lovelife.” Nakangising saad nito sa akin.
“Sira, paano ko mapapa-ibig iyon e, wala pa naman akong naging boyfriend. Kaya wala akong alam sa mga ganyan, ni sulyapan nga sa akin 'di magawa." Nakasimangot kong saad at binatukan ko ito, napatigil naman ako dahil na realise ko ang nagawa ko. Mabuti at natawa lang ito sa ginawa ko.
ISANG linggo na mula ng magtrabaho ako, ngayon lang pumasok si Sir, Nigel. Maaga akong dumating.
Mabilis akong naupo at nagkunwaring nagtatrabaho, dahil paparating na ito.  Nang mapadaan ito sa kinauupan ay binati ko ito.
“Good morning Sir, coffee?" bati ko at tumango ito ngunit hindi man lang  niya akong pinansin. “Suplado talaga. Pero gwapo.” saad ko sa isipan ko, ginawan ko pa din siya ng kape at pumasok sa opisina nito.
Hindi ko siya nakita sa kanyang mesa nang pumasok ako marahil na sa kanyang banyo. Mabilis kong binaba ang kape nang mahagip ng aking mga mata ang isang bagay  sa harap ng table nito isang ‘CCTV CAMERA’  Bakit ngayon ko lang napansin 'yon?
Narinig ko ang ingay mula sa pintuan palabas na ata, kaya mabilis akong tumakbo palabas ng kanyang tanggapan.
Patay mapapahamak pa yata ako, may CCTV camera sa kanyang opisina. Baka makita niya ang pag-upo ko sa kanyang table noong narakaang araw.
Bigla na lamang tumunog ang entercom at narinig ko ang boses ni Sir Nigel. Kaya napatayo ako ng wala sa oras kaya napatingin sa akin si Miss Carol at umiling bago ito nagpatuloy sa ginagawa.
“Miss Francine, come to my office now.” Utos ni Sir Nigel. Nagmadali naman akong kumilos papasok sa opisina ito.
Naglakad ako papunta sa kanyang tanggapan at kumatok sa kanyang pinto na kinakabahan.
“Pumasok ka!” Sabi niya at agad akong pumasok ng dahan-dahan.
“Bigyan mo ako ng isang magandang dahilan na hindi kita sesantihin.” Saad nito.
“Sir. I-Im so. . .sorry. Hindi ko po sinasadyang na. . .” Kinakabahan kong paliwang dito na hindi ko na alam ang eksaktong sasabihin ko.
“Bakit ba ang bagal mo? I call you because. I have something to tell you. Paano kita maisasama sa aking mga lakad kung pabagal-bagal ka. Alalahanin mo may kasalanan ka pa sa akin ang pagkatulog mo noong nakaraang araw sa meeting ko.” Salubong na naman ang kilay nito habang madiin ako nitong pinagsasabihan.
Nakahinga ako kahit papaano ng paghinga at hindi niya ako pinagalitan tungkol pag-upo ko sa kanyang working table.
“I'm sorry sir.” sagot ko na lamang at yumuko ako rito. Buti na lang talaga.
“Dahil wala ka namang ginawang palpak at nagawa mo naman ng ayos ang iyong trabaho, habang wala ako at naging masipag ka naman. Kahit na inupuan mo ang aking swevel chair ko na walang pahintulot ko ay regular ka na sa trabaho mo sa akin.” Sabi nito at matamang tiningnan ako. Pero 'di pa rin nawawala nag pagsalubong ng kilay nito.
Ano raw alam niya ang pag-upo ko pero hindi niya lang ginawang malaking isue, Kakahiya. Hindi ko tuloy alam kong magpapasalamat ba ako o mahihiya dahil sa ginawa ko sa huli ay 'yong nauna ang nasunod.         
“Salamat Sir and again i'm sorry hindi na po mauulit." sagot ko na may ngiwi sa labi.
 
“All right, then help Miss Carol first. I don't need you here. Tatawagan na lang kita ulit pagmay kailangan ako.” pagtataboy nito sa akin.  Lumakad na ako palabas ng kanyang opisina nang may kaluwagan. 
Sa palagay ko kailangan kong magsimba ngayong araw na ito dahil nakaligtas ako sa aking kagagawan. Saka lang nagsink sa utak ko ang sinabi niya kaya napalakas ang boses ko ng magsalita ako ng “Yes. Regular na ko.” Hiyaw ko.
Hindi ko tuloy na kita ang saglit ng pagngiti nito.
 
PAUWI na ako dahil maaga kaming natapos ni Miss Carol sa gawain niya, halos maghapon kaming dalawa lang ni Miss Carol ang magkasama at si Sir sa office lang nito namalagi kakaunti lang din ang iniutos nito.
Pagdating ko sa labas ng building ay  nakita ko si Miguel  na nakikipag-usap kay Sir, Nigel. Laglagpasan ko na sana ang mga ito ng makita ako ni Miguel at tinawag.
“Miss Francine.” Tawag nito at hinila ako nito at inakbayan. Nagulat naman ako sa ginawa nito at namula. Naramdaman kong tinitigan ako ni Sir Nigel. Kaya ang mga binti ko ay parang nangangatog na.
“Hayaan mo akong ihatid kita.” Sabi ni Miguel at tinanguan lang Sir. Nigel at nagpaalam na ito, bago ako makareact ay hinatak na niya ang aking kamay patungo sa sasakyan nito.
“Bye, Nigel, see you tomorrow.” Sigaw ni Miguel at kumaway sa aming boss na nakatingin pa rin pala sa amin.
Nalilito na ako. “Bakit ganon ang inakto nitong Miguel sa harap ni Sir Nigel  bakit?” tanong ko lang sa isip ko at wala akong lakas na magtanong kay Miguel. Siguro na iinis lang ako sa ginawa nito paano kong gawing malaking isue ito ni Sir, lagot ka sa akin Miguel pagnagkataon.
Ibinaba ako ni Miguel sa bahay at pinasalamatan ko pa rin siya kahit na iinis pa din ako dito. Nginisihan lang ako nito at kumaway bago nito pinaharurot ang kotse nito papalayo.
KINABUKASAN maaga akong pumasok dahil maraming mga file na hiniling ni Sir Nigel sa amin ni Miss Carol na ayusin. Bising busy kami ni Miss Carol sa mga sinixerox ng tawagin ako ni Sir Nigel.
 
“Ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa akin.” tanong niya nang pagkapasok agad ako sa kanyang opisina. Nalilito akong tiningnan siya.
“Po?”
“Sagot Miss Alcantara.”Aniya sa baritonong boses.
“Sir, ehem. Ako tungkol sa iyo?” kinakabahan kong bulong Shit! anong sasabihin ko ngayon?
“Sagutin mo ako miss Francine.” His yelled at me.
“Sir, Mainitin daw ang ulo mo, wala ka daw po puso, mayabang at arroganti ka raw po, at higit sa lahat daw ay isang halimaw kong magalit, ang mahalaga lang daw sa iyo ang buhay mo wala ka daw malasakit sa ibang tao." Mabilis kong saad dahil sa gulat ng tumaas ang boses nito. Tumigil lang ako sa pagsasalita at tinakpan ang bibig ko ng marealize ang mga sinabi ko.
Nag-iba ang tingin nito sa akin, naging malungkot ang maganda nitong mga mata.
“Ikaw Miss, Francine anong tingin mo sa akin?” si Nigel na tumingin sa aking mga mata.              

หนังสือแสดงความคิดเห็น (182)

  • avatar
    Cherry AnnEsponera

    ok hhjjkutfghhgfsssgghuuuuu

    7d

      0
  • avatar
    AlcarazReinerio

    ok lng

    21d

      0
  • avatar
    Jewel Magallanes

    happy

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด