logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Pang-apat na Liham

Dear, Vin
As usual, I woke up at middle of the night. And again, I can feel Tiyo Ruben’s disgusting caresses and kisses. I really wanted to cry and scream but I was scared.
I firmly closed my eyes and stopped myself from sobbing. Hihintayin ko na lang sana uli itong matapos kaya lang ay bigla nitong sinubukang hubadin ang short ko at pisilin ang dibdib ko.
Sa takot na may gawin itong mas higit pa ay nagmamadali ako sa pagbangon at pag-urong palayo dito. Mukhang alam nitong kanina pa ako gising dahil sa halip na magulat ay nginisihan ako nito.
Tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa pisnge ko. Paulit-ulit akong umiling habang niyayakap ang sarili ko.
“Lumapit ka dito, Aliyah. Wala ang Tiya Sabel mo, magagawa natin ang gusto natin”
I begged again and again, hoping he would stop. But no, instead he forcibly pulled me closer to him and laid me down. He tore my clothes, I tried to kick him so I can run but he punched my stomach.
Namaluktot ako sa sakit, unti-unting nagdilim ang paningin ko. Bago ako nawalan ng malay ay narinig ko siyang bumulong.
“Ako ang bumuhay at nagpakain sayo kaya dapat akin ka. Kabayaran ito sa lahat ng ginastos ko sa kapatid mo”.
I let myself lose consciousness, I no longer had the strength to fight. I’m tired.
Namatay ang mga magulang ko, hindi gumigising ang kapatid ko at kahit anong oras pwede siyang mawala sakin at naghirap ako, pero kahit kailan ay hindi ako nagalit sa nasa taas, kahit kailan ay hindi ko siya kinuwestyon. Dahil iniisip kong may rason ang lahat ng ito.
Pero ngayon. Ngayon nagagalit ako at magtatanong ako.
“Bakit nangyayari sa akin to? Para saan lahat ng ito? Anong naging kasalanan ko?”
When I opened my eyes again, I was in the hospital. And the first thing I felt was disgust to myself because at that time I was sure Tiyo Ruben had done something to me.
I left the bed I was lying on and reached for the ballpen I had found on the table. I was ready to end my life, I would just wait for Belle because I knew she would come where I was going.
But even before the ballpen touched my neck the door opened and the girl I saved a few weeks ago entered. Even she was surprised by what she saw, she immediately ran to me and tried to pick up the ballpen I was holding.
“No, please. Wag mo yan gagawin”
“BITAWAN MO KO… BITAWAN MO KO, NAPAPAGOD NA AKO” nagsimula akong magsisigaw at magwala para mabitawan niya ngunit nakuha nito ang ballpen na hawak ko at inihagis kung saan tapos ay sinapo ang mukha ko at iniharap sa kanya.
Nagulat ako nang makita itong umiiyak rin at umiiling sa akin “please, wag. W-walang nangyari. H-hindi ka niya n-nagalaw”dahil sa narinig na iyun ay nanghina ako at lalong napahagulhol ng iyak “Dumating ako bago ka pa niya magawan ng masama. Kaya please lang, wag mong gagawin yan. May naghihintay sayo”.
After she said that she let go of me and walked out of the room. When she entered again, she was pushing a wheelchair. I cried even more when I saw who was sitting in the wheelchair.
“A-ate” hirap nitong bigkas.
At that moment as I looked at the bedroom door, I saw a light, I saw a new hope. Because standing there was the girl I never thought would be my bestfriend, Sydney Mendez, the daugther of Manila Mayor Marcus Mendez. And Belinda Sandoval my sister whom I had waited to wake up for almost five years.
Noon, tinatanong ko siya. Bakit nangyari sa akin ito? Ano bang naging kasalanan ko? Alam kong malabong sagutin niya ko pero hindi ako tumigil. Araw-araw ko iyung itinatanong sa kanya. Kada magkakaroon ako ng pagkakataon, tinatanong ko siya.
Hindi ako napagod, hinintay ko siya.
At nung araw na akala ko'y tuluyan na lamang akong magtatanong, binigyan niya ako ng sagot. Binigyan niya ako ng rason.
Umaga noon, pinapanood ko si Sydney at Belle na masayang nag-uusap. Nagtatawanan ang dalawa at minsan ay nagkikilitian.
At habang tinititigan ko sila, nasagot ang mga katanungan ko.
He gave me those painful years because he knew someone would come to save me. And now as I watch the two most important girl in my life, I know, Vin. I am saved.
Tatlong buwan kaming nag stay sa hospital noon. Pamilya ni Sydney ang tumulong sa amin, nung una ayaw ko pa dahil sobrang nakakahiya. Hindi namin sila kaaano-ano, kaya bakit nila kami tutulungan?
Kaya lang ay kinausap ako ng mga magulang ni Sydney. Pambawi daw yun para sa ginawa ko dati sa anak nila.
Hindi ba't parang sobra-sobra na? Masyado ng malaki ang ibinayad nila at wala akong maisusukli kung sakali mang manghinge sila. Tsaka hindi naman ako humingi ng kapalit.
Sa huli ay wala akong nagawa. Nag stay ako sa hospital hindi lang para kay Belle, para na rin gamutin ang sarili ko.
I was deeply affected by what Tiyo Ruben was doing to me. I often couldn’t sleep at night, I always thought I would wake up next to Tiyo Ruben. I also have nightmares and every time I wake up I cry and ask for help.
Nag desisyon noon ang mga magulang ni Sydney na ipakausap ako sa psychiatrist. At kasabay ng paggagamot ko ay ang mga therapy naman ni Belle.
Nag therapy si Belle para makalakad uli ng maayos at makapagsalita. Marami ring ginawa dito na hindi ko maintindihan noon, basta ang alam ko tungkol iyun sa puso niya.
Ilang linggo ang nakalipas, medyo nagiging maayos na si Belle. Nakakahakbang na ito ng ilang beses at madalang ng mautal, sobrang saya ko nun kasi akala ko dere-deretso na siyang magiging okay hanggang isang araw bigla niyang hinanap si Mommy at Daddy. Para bang nung araw na yun lang niya naalalang wala ang mga magulang namin.
Hindi ko alam ang gagawin ko noon. Nadudurog ang puso ko habang niyayapos ang kapatid kong umiiyak at isinisigaw si Mommy. Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya na wala na ang mga magulang namin pero lalo itong nagwala.
"S-si M-mommy ko p-po" iyun ang isinisigaw niya habang umiiyak.
Hindi ko alam kung paano siya papakalmahin. Hindi ko masabing may pinuntahan lang si Mommy at babalik din para lang mapakalma siya. Dahil alam kong papaasahin ko lang ang kapatid ko.
Ilang minuto pang nagwala si Belle hanggang sa bigla itong mahirapang huminga at mawalan ng malay.
Mabilis akong binalot ng takot. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto para magtawag ng nurse.
Hindi ko masyadong naintindihan ang mga pangyayari nung araw na yun. Ang alam ko lang ipinasok uli si Belle sa ICU, kinausap ako ng parents ni Sydney tungkol sa lagay ng kapatid ko pero wala akong maintindihan. Nakatulala lang ako nuon habang iniisip kung mawawala ba sakin si Belle.
"Magiging maayos siya" pamilyar na malambing na boses ang bumalot sa pandinig ko.
Alam kong si Sydney iyun. Sa palagi niyang pagbisita sa amin at pagkukwento kahit hindi ako sumasagot ay nasaulo ko na ang boses niya. Tinabihan niya ako sa kamang inuupuan ko.
"Ipinagdasal ko kanina si Belle. At sigurado akong hindi siya papabayaan ni Papa Jesus".
Mabagal akong lumingon sa katabi ko, ang isinalubong nito sa akin ay isang napakatamis na ngiti. Ngiting parang nagsasabing...
'magiging maayos na ang lahat'
Dalawang linggong nasa ICU lang si Belle. Base sa pagkakaintindi ko noon dahil iyun sa puso niya, naapektuhan ang puso ni Belle dahil sa lungkot at stress na nararamdaman nito.
Habang nakikinig ako noon sa sinasabi ng doctor, akala ko'y ilang taon na naman bago gigising si Belle. Pero makalipas ang tatlong araw, nagkamalay uli ito, inobserbahan ang lagay niya at nang masiguradong maayos na siya ay inilipat na sa isang normal na kwarto.
"Kakausapin si Belle ng doctor na kumausap sa iyo. Siya ang magpapaliwanag ng tungkol sa magulang niyo at gagamutin din niya si Belle. Okay lang ba sayo yun, Aliyah?" maingat ang tono ni Tita Sylvia habang kinakausap ako.
Walang pagdadalawang isip akong pumayag. Hindi ko pa kayang ipaliwanag kay Belle ang lahat, baka kung magpipilit akong ako ang kakausap sa kanya baka maapektuhan na naman ang puso nito. Kailangan kong ingatan ang kapatid ko.
Ginawa nga ni Tita Sylvia ang sinabi niya sa akin. Kinausap din si Belle ng isang psychiatrist. Ilang linggo din ang inabot bago tuluyang natanggap ng batang isip ni Belle lahat ng pagbabagong nangyari sa buhay niya... sa buhay naming dalawa.
Sa loob ng tatlong buwan, sa loob ng hospital, sabay kaming naghilom ni Belle. Sabay kaming gumaling at sabay kaming iniuwi ni Tita Sylvia at Tito Marcus sa bahay nila.
"WELCOME HOME ALIYAH AND BELLE" hindi malambing kundi matinis ang boses na sigaw ni Sydney sa amin nang makapasok kami sa kanilang bahay.
Nakatayo si Sydney sa gitna ng salas nila kasama ang ilan nilang kasambahay. Maraming lobo sa paligid at may malaking papel silang hawak na may nakalagay na 'WELCOME HOME'.
Home, Why I found home in a unfamiliar house with unfamiliar people?
Love,
Aliyah

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    13d

      0
  • avatar
    YguasJosephine

    Ang Ganda po

    08/08

      0
  • avatar
    CabangonRavelyn

    💖💖

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด