logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 Pangatlong Liham

Dear, Vin
Vin, People always have an agenda for the kindness they gave, for the love they showed. Now you know, why I don’t trust easily and why I’m full of doubt in people. I was deceived and used twice by the people I love.
“Tiya, Magtitinda lang po ako” isa iyun sa mga dahilan ko para maiwasan si Tiyo Ruben pag nasa bahay .
Hindi sumagot si Tiya Sabel habang si Tiyo Ruben naman ay nakatitig na naman sakin na may pagnanasa kaya nagmamadali na akong lumabas.
Alas-tres ng hapon ko madalas ilako ang mga ice candy na ginagawa ko. Pero dahil nasa bahay si Tiyo Ruben, ala-una pa lamang ay naglalako na ako.
“Aliyah, para sayo” namumula ang pisnge at tenga ni Soren nang harangan ako nito sa daan habang dala ko ang box na pinaglalagyan ng mga tinitinda ko.
Soren was our neighbor and my classmate when I was in elementary, he was also my first friend when I lived here with Tiya Sabel. Mabait ito kaya lang ay nakakairita rin dahil palagi nitong sinasabi na gusto niya ako at liligawan niya ako.
Eh kebata-bata pa namin tapos lagi pa niyang sinasabi na kaya daw niya akong buhayin kung sakali. Ang payat-payat nga niya mukhang wala palaging makain tapos puro ligaw pa ang nasa isip.
“Ano ito, Soren?” taka kong tanong nang kinuha ko ang iniaabot nitong plastic bag na kulay blue.
Binuksan ko ang plastic bag at nagulat ako sa laman. Bigas, sardinas, pancit canton, candy at maliit na papel na may nakalagay na…
Vote!!!
Marcus Mendez for Mayor
“Ikinuha kita niyan. Para hindi ka na pipila sa court” nagmamalaki nitong sabi.
“Anong meron sa court?” taka kong tanong dito.
“Nangangampanya si Mayor Marcus, namimigay…”
“Maraming tao sa court?”
Nang tumango si Soren ay mabilis kong ibinalik dito ang ibinibigay nito sa akin. “Ibigay mo na lang iyan sa nanay mo”.
Aalis na sana ako nang pigilan ako nito.
“pero ali…”
“sige na, sige na. Sa court ako maglalako, dun pala maraming tao”.
Hindi ko na hinintay na makapagsalita uli si Soren, agad na akong naglakad papuntang court. Sa daan ay hindi ko maiwasang madaanan ang mga tambay saming barangay.
“Hi Aliyah, nagtitinda ka na naman. Mangingitim ka nyan eh”.
“Aliyah, isang hi naman dyan, pampagana”.
“Napaka suplada talaga nitong si ganda”.
Halos tumakbo na ako dahil sa takot. Noon pa man ay ginagawa na nila ito, pag nagtitinda ako, pag napasok o nauwi galing school, sanay na ako noon at hindi ko na lang pinapansin. Pero nang mangyari ang mga ginagawa ni Tiyo Ruben, natatakot akong lumapit sa kahit sinong maedad na lalaki.
“Napakaganda mo, Aliyah” ang bulong na iyun ni Tiyo Ruben pag gabi ang naririnig ko sa mga tambay.
Belle and I got Mom's beauty and I’m really grateful but because of these kinds of scenes, I hate it.
Nangangatal akong nakarating sa court. Hindi agad ako lumapit sa mga tao dahil nababalot parin ako ng takot, hinintay ko munang huminahon ako bago naglako.
I suddenly smiled as I continued writing. Who would have thought in a chaotic and dangerous situation we would meet first.
Tama nga ang desisyon kong pumunta sa court, madaming bumili sakin dahil sa init ng panahon tapos siksikan pa.
“HALA, ANONG NANGYARI?”
I was busy selling my ice candy when suddenly there was a commotion. People started shouting and rushed out of the court because they did not want to get involved in the riot.
Nakakagulat. At dahil natakot din ako, hindi ko alam kung bakit nagkakagulo pero nakisiksik na rin ako palabas. Kaya lang habang nakikipagsisikan nakita ko si Mayor Marcus na inaalalayan ng mga tauhan niya dahil may dugo ito sa ulo at hirap tumayo.
Out of curiosity, inilibot ko ang mata ko sa magulong court. And then, not far away from where I was standing, a girl caught my attention.
She was wearing a red t-shirt with Mayor Marcus ’face brand and name and her beautiful face shows astonishment and fear of the ongoing chaos.
“JUSKO, ANAK. SYDNEY”
Nang nilingon ko ang napakalakas na sigaw na iyun ay namataan ko ang asawa ni Mayor Marcus. May takot sa mata nito habang nakatingin sa batang tinitingnan ko kanina.
“SYDNEY, ANAK”
Sa sumunod kong lingon sa batang mukhang kaedad ko lamang ay may palapit na ditong lalaki na may dalang baseball bat. Walang kaalam-alam yung bata sa panganib na palapit sa kanya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang tumakbo ako palapit sa pwesto nung bata at itinulak ito. Kasabay nang pagdapa nung bata sa samento ay ang napalakas na impak na tumama sa ulo ko. Sa sobrang lakas nun ay napahiga din ako.
Bumalot ang walang katumbas na sakit sa ulo ko habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Ang huli kong nakita bago ako tuluyang mawalan ng malay ay ang batang umiiyak habang tinatanong kung maayos lang ba ako.
I laugh every time I remember her innocent and crying face when we first met. Napakalayo nun sa mataray at palaging sarkastiko niyang ekspresyon ngayon.
“Anong pumasok dyan sa kokote mo, Aliyah” sigaw iyun ni Tiya Sabel habang nakapamewang na nakatayo sa harap ng hospital bed na hinihigaan ko “Pasalamat ka at sinagot ni Mayor Mendez ang pang pa hospital mo, kung hindi hahampasin ko uli yang ulo mo”.
I stayed in the hospital for three weeks. Sumasakit kasi ang ulo kaya kinailangan akong obserbahan, sa loob nang tatlong linggo na iyun halinhinan kung magbantay si Tiya Sabel at Tiyo Ruben sa akin.
Mas gusto kong nagbabantay ay si Tiya Sabel, kahit kasi mabunganga siya at palagi akong minumura komportable naman ako sa kanya. Si Tiyo Ruben kasi lagi niyang ginagawa sa akin ang mga ginagawa niya tuwing gabi pag nasa bahay kami.
Akala ko nung ma-hospital ako ay makakatakas ako sa kanya, hindi rin pala.
Sa huling araw ko sa hospital binisita ko si Belle na nasa ICU, nuon lang ako nakabisita sa kanya kahit nagtagal ako sa hospital dahil sa hindi ako pwedeng umalis ng kwarto at maggagala dahil daw sa maselan ang lagay ko. Hindi daw kasi biro ang nangyari sa akin. Maaari daw na maayos ako sa panlabas pero sa loob ng katawan ko lalo na sa ulo ko ay may problema.
Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob ng ICU tapos nun ay umuwi na rin kami. Pagdating namin sa bahay ay nandun si Tiyo Ruben at ibinalita niya sa amin na may padalang mga pagkain at pera si Mayor bilang pasasalamat daw sa ginawa ko.
Napakamahal nilang magpasalamat. Sila na nga ang nagbayad sa hospital bills ko pati sa gamot tapos may padala pa dito sa bahay. Natanggap naman ako ng salita, napamahal pa tuloy sila.
“May pakinabang naman pala ang nangyari sayo. Oh sya, magpahinga ka na dun sa kwarto” nakangiting sabi sakin ni Tiya Sabel habang itinatago ang kalahati ng pera na galing kay Mayor.
Ilang segundo kong tinitigan ang pera. Pandagdag na sana iyun sa ipon ko at pambayad sa mga kailangan ni Belle kaya lang ay mukhang wawaldasin lang ni Tiya Sabel sa walang kwentang bagay.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo sa sofa para makapasok na sa kwarto at makapagpahinga. Dahan-dahan ang ginagawa kong paglalakad nang maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay ni Tiyo Ruben sa balikat ko.
“Tutulungan na kita, Aliyah”.
Para akong napapaso na napalayo. Takot akong tumingin dito habang pinipigilan ang pangangatal ng kamay.
“H-hndi na ho Tiyo, kaya ko na”
May takot ngunit may pinalidad ko ding sabi bago mabilis na naglakad papunta sa kwarto ko. Bago matulog ay sinigurado kong naka lock ang pinto at wala agad makakapasok.
A few days passed and as I was recovering from what had happened I became even more uncomfortable and afraid with Tiyo Ruben's actions.
He always finds a way to hold me and he was also always staring at me. At kahit i-lock ko ang pinto ng kwarto ko nakakagawa parin siya ng paraan para buksan ito.
Palagi niyang hinahaplos ang mga hita ko at braso, hinahalikan niya ang mga balikat, pisnge at leeg ko. Paulit-ulit siyang bumubulong kung gaano ako kaganda.
Hindi ko na nakikita ang mabait at parang ama ko na si Tiyo Ruben. Sa tuwing nakikita ko siya demonyo na ang nakikita ko.
Sa araw-araw na ginawa ng diyos, palagi akong takot na sumapit ang dilim. Palagi akong takot na matulog.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Love,
Aliyah

หนังสือแสดงความคิดเห็น (48)

  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    13d

      0
  • avatar
    YguasJosephine

    Ang Ganda po

    08/08

      0
  • avatar
    CabangonRavelyn

    💖💖

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด