logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Gabi na pero marami pa rin tao sa loob ng Palasyo. Umuwi na sina Father Timothy, Carter at Camila dahil may misa ng ala sais sa St. Jago Church. Sina Ama naman at kanyang mga kaibigan at kasamahan niya ay patuloy na naguusap at nagiinuman. Ang Reyna ay kausap niya ang kanyang kapatid na si Esperago Piere at iilan din opisyal. Sina Maddie at Euna magkasamang tinitignan si Prinsipe Jv na kasalukuyan may kausap din.
At ako naman ay nakaupo pa rin at kasama ko si Dorothea. At pagsapit nang 8 pm halos walang ingay sa amin Palasyo dahil narin sa kalasingan. Napalingon ako sa pintuan ng pumasok sina Prinsipe Levi at ang aking matalik na kaibigan na si Chryses. Agad akong kumuway sa kaniya at masaya siyang makita ako. Nagyakapan kami ng mahigpit dahil matagal din kami hindi nagkita.
"Kumusta kana? Mukhang lalo ka atang gumaganda?" panbobola niya sa aking na kinatawa ko.
"Ano ka ba? Mas maganda ka kumpara sa akin. Mabuti naman nakapunta ka dito." Umupo kami sa inuupuan ko, si Dorothea naman ay bumalik sa trabaho dahil may iilan pang dumarating na bisita.
"Oo naman pumayag naman ang aking Ina at Ama. At isa pa kasama ko ang aking nakakatandang kapatid na lalaki si Prinsipe Levi." Tugon niya na kinagulat ko.
"Kapatid mo si Prinsipe Levi bakit ngayon mo lang ipinalaam sa akin iyon?" ngumiti siya at humingi ng pasensya. Hindi ko akalain na may kapatid siyang Prinsipe. Matagal na kami magkaibigan ni Chryses at matagal na rin pala niya itinatago na may kapatid nga siya.
"Alam ko kase na hindi ka rin maniniwala kapag binanggit ko sa 'yo ito noon pa man. Pero ngayon alam muna. Bakit ka nga pala may takip ang mukha mo at iyon itsura bakit napakasimple, annibersayo ito ng iyon ama at ng Mahal na Reyna." Napatingin ako sa aking suot.
"Pinagbilin sa akin ng Mahal na Reyna na magpanggap ako bilang tagapagsilbi alam mo rin naman na bawal ako ipakilala sa lahat ng tao lalo na't may nagawang kasalanan ang aking Ina." Hindi pala niya alam na buhay ang aking Ina hindi ko pa kaya sabihin sa kaniya.
"Ganoon ba, subalit hindi naman ata tama iyon. Prinsesa ka ng Windsor kaya mayroon kang karapatan na ipakilala ang iyon sarili, na kahit makasalanan ang iyon Ina. Wala na rin naman sila masasabi dahil patay na ang iyong Ina wala na iyon silbi pa." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya, tama nga ang sinasabi niya.
"Huwag kang mag alala sa akin. Maayos na rin na hindi ako kilala ng lahat tumatahimik ang buhay ko. Maraming galit sa akin Ina kaya galit na rin sila sa akin. Ayos lang ako kahit na tinatago ako ng Mahal na Reyna lalo na ang pagkatao ko. Kaya sana hihilingin ko sa iyo na takpan mo rin ang pagkatao ko." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Kung anuman ang problema na kinakaharap mo nandito ako upang tulungan ka at masandalan mo." Ngumiti rin ako sa kanya at nag usap pa kami ng matagal.
Pagkatapos namin mag usap ni Chryses lumapit siya sa mga iilan nakakakilala sa kaniya. At ako naman ay nagpapahangin sa labas ng Palasyo. At hanggang may isang lalaki na tumabi sa akin.
"Ikaw si Aya hindi ba?" gulat akong napatingin kay Prinsipe Levi na nakatingin sa akin. Naalala niya pala ako.
"Mabuti naman nagkita tayo muli. Maari kona ba malaman kung bakit narito ka?" napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Babalik na sana ako sa loob ng magsalita pa siyang muli.
"Masarap ang hangin tila hindi uulan. Ang dami rin mga bituin kay ganda pagmasdan." Napatingin ako muli sa kaniya na nakatingala sa langit. Dahil sa ginawa niya hindi na muna ako umalis.
"Bakit nga pala may takip ang mukha mo? May pinagtataguan ka ba? May gusto bang pumatay sa iyo?" sunod sunod niyan tanong sa akin. Bakit gusto niyan malamang.
"Huh? ah kase wala naman." Naiilang tuloy ako sa kaniya.
Humarap siya sa akin at akmang tatanggalin sana ang tela sa mukha ko ng magsalita ako bigla. "Ma-may sakit ako tama may sakit ako na nakakahawa at nakakadiri kaya tinatakpan ko ang mukha ko." Tumigil siya sa paghawak sa mukha ko at biglang ngumiti.
"Ganoon ba. Buti naman sinabi mo agad hindi naman ako maselan sa ganyan bagay." Bukod sa gwapo ay mabait pa siya. Pero wala ako kailangan pagkatiwalaan.
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Inimbitahan ka rin ba ng Palasyong ito?"
"Bago akong tagapagsilbi rito sa Windsor." Sagot ko sa kaniya.
"Ako pala si Prinsipe Levi hindi sana ako dadalo rito ngunit ang aking babaeng kapatid ay gusto makita ang kanyang matalik na kaibigan. Kaya sinamahan ko siya pumarito dito. Nagtatampo nga ako sa kanya dahil di niya ako pinakilala sa kaibigan niya." Natahimik tuloy ako bigla. Kung alam niya lang nasa harapan na niya ang babaeng kaibigan nang kapatid niya.
Tumabi siya ulit sa akin at tumingala sa langit pinagmasdan ko naman siya. Mukhang mabait naman talaga siya at maasahan pero ayoko talaga umamin sa kaniya kung sino ako. Kaya hahayaan ko na lamang na magpanggap ako bilang Aya sa paningin niya.
Pagpasok kong muli sa loob at akmang aakyat na sa  kwarto ng marinig ko ang usapan ng Mahal na Reyna at isang Opisyal. Nagtago ako sa isang pader upang makinig.
"Nga pala Mahal na Reyna hindi ba't may babaeng anak ang Hari kung ganoon nasan s'ya ngayon?Bakit hindi ko s'ya nakikita rito sa inyong Palasyo?" ngumisi ang Reyna bago magsalita.
"Bakit mo pa natanong ang bagay na iyan? Bakit interesado ka?" tumikhim naman ang Opisyal na kausap niya.
"Paumanhin, subalit naalala ko lamang. Gusto ko lamang malaman na kung nasaan na s'ya simula ng mamatay ang kanyang Ina?"
"Pinalayas na s'ya sa Palasyo na ito. Alam naman natin na sa ating batas na kapag nakagawa ng kasalanan ang Ina ng isang Prinsesa ay kailangan ito palayasin hudyat na maalis din ang malas sa Windsor. Mabuti na lamang namatay na ang matindi kong kaaway hindi ko nanaisin na hadlangan n'ya ang buhay na gusto ko." Hindi ko mapigilan mainis.
"Prinsesa s'ya ng Windsor, alam kong hindi papayag ang Hari na palayasin niya ang tunay n'yan anak."
"Alam mo huwag muna hanapin ang wala. Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo bilang Opisyal baka sakaling matuwa pa ako. At ang kilalanin Prinsesa lamang ng Windsor ay ang anak ko si Maddie at wala ng iba." Tumayo ang Reyna at iniwan ang Opisyal na kausap niya.
Traydor talaga siya simula pa lang. Kung malalaman niya lang na buhay pa ang aking Ina sisiguraduhin kong mawawala agad sa kanya ang gusto niya. Kailangan ko na gumawa ng hakbang hangga't maaga pa. Dumiretso na ako sa kwarto ko at isasarado kona sana ang pintuan ng aking kwarto ng bumungad si Maddie. Ano na naman problema nito?
"May kailangan ka ba?" bungad ko sa kaniya.
"Tsk, hindi ko palalagpasin ang ginawa mo kay Prinsipe Jv. Hindi mo ba alam na pinahiya mo s'ya dahil sa iyon ginawa. Dahil din sa iyo nasira ang araw ko. Mabuti na lang hindi ka niya nakilala dahil kung nagkataon na malaman n'yan Prinsesa ka hindi kona alam ang gagawin ko."
Pinikit ko ang aking mata dahil na rin sa inis. "Kung wala ka ng sasabihin pa maari ka ng makaalis. Wala akong oras upang makipagtalo sa isang kagaya mo." Magsasalita pa sana siya ng dumating si Dorothea at may dalang pagkain at inumin.
"Nandito po pala kayo Prinsesa Maddie. Hahatidan ko lamang po si Prinsesa Hilary ng pagkain, simula po kase kanina di pa po s'ya nakakain." Wika ni Dorothea.
"Ah ganoon ba. Maswerte ata ako dahil mababayaran muna ang ginawa mo kay Prinsipe Jv." Nagtaka ako sa sinabi niya at bigla niyan kinuha ang inumin na hawak ni Dorothea at walang anu ano sinaboy niya ito sa aking mukha.
Gulat ang itsura ni Dorothea sa ginawa sa akin ni Maddie. Lalo naman ata ako.
"Sana sa susunod mag ingat kana sa iyon ginagawa. Baka kase hindi lang iyan ang abutin mo." Att tsaka siya naglakad paalis ng kwarto ko.
Lumapit bigla sa 'kin si Dorothea at nilapag muna ang dala niyan pagkain sa gilid ng kama ko.
"Ayos lang poba kayo? Marahil may pagtingin si Prinsesa Maddie kay Prinsipe Jv kaya po niya kayo ginantihan." Sinarado ko pinto at umupo, kumuha na rin ako ng pamunas para mapunasan anv basang mukha ko.
"Ayos lang ako sana'y na ako sa ugali n'ya. Huwag ka sana magsumbong kay Ama dahil alam ko mapapagalitan din ako ng Reyna."
"Sige po, maiwan ko na po kayo. Kung sakaling may kailangan po kayo tawagin n'yo lang po ako." At lumabas na siya ng kwart ko.
Ang lakas ng loob niya na kalabanin ako. Pagbabayaran mo rin Maddie ang ginawa mo sa akin. Hindi ko ito palalagpasin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (132)

  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes ålz

    20d

      0
  • avatar
    MaglentePrincess Bianca

    so nice!

    30/06

      0
  • avatar
    Mary Grace

    Nice work

    15/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด