logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Behind The Mask

Behind The Mask

GorgeousMycs


Chapter 1

Windsor Castle
Maaliwalas at masarap ang simoy ng hangin sa kinatatayuan ko. Nasa loob ako ng aking kuwarto at pinagmamasdan ang labas ng palasyo. Ang Windsor Castle na kung saan pinakamakapangyarihan at pinakamataas na palasyo sa buong sinasasakupan nito. Ang Hagerdon Place. Marami itong sinasakupan na palasyo at sa dulo nito ay ang kabilang Bayan na kung saan nakatira ang mga simple, mahihirap at mangmang na tao.
Ako ay isang prinsesa sa palasyong ito. Subalit hindi ako pinakikilala sa mga lugar ng Windsor dahil makasalanan ang aking ina. Kinulong siya dahil nakagawa siya ng kasalanan na di naman niya ginawa. Kasama ko ang aking ama na kung saan isang hari ng Windsor Castle.
May pangalawang asawa ang aking ama na kung saan din nakatira sa Windsor. Subalit magkaiba sila ng ugali ni ina, masama siya may anak din siyang babae at nakatira rin sa aming palasyo isinama at itinira siya ng kanyang ina sa Windsor. Dahil isa iyong batas na kapag mag-asawa ang isang lalaki at babae ay kailangan manirahan ng anak ng babae sa kanyang asawang lalaki. Si ina naman ay 'di nila alam na buhay pa ito at ako lang ang nakakaalam na buhay pa siya. Ang akala ng lahat ay pinatay siya pagkasabay sa pagkakulong niya. Tinatago ako ng Windsor bilang prinsesa at kailanman 'di ako pinalabas. Kung lalabas man ako kailangan ko ng may takip ang aking mukha upang di nila ako makilala.Natigil ang aking pagmununi na marinig kong may tao sa labas ng aking kuwarto nilapitan ko ito at binuksan.
"Mahal na prinsesa," wika ni Dorothea, tagapagsilbi ko sa palasyo.
"May kailangan ka ba?"
"Uhm gusto ko lang po kayo kumustahin." Nangiti naman ako at pinapasok ko siya.
"Mukhang may nais ka pa bukod sa kumustahin ako." Napatingin siya sa akin at tumikhim bago magsalita.
"Tama po kayo, may nais po akong ipabatid sa inyo. Ang mahal na reyna ay naglabas ng mga kawal sa ating palasyo upang hanapin ang taong nagpapahatid nang mga misyon ng mahal na reyna at ang kanilang mga hukbo sa mga kalaban."
"Hanggang sa ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap. Magaling ang taong iyon dahil hindi siya nahuhuli ka agad." Sabi ko habang nakatingin kay Dorothea.
"Mukhang sa susunod na araw ay magmamanman ang mga kawal ng ating palasyo upang tingnan kung may mga kahina hinalang kilos ang ating mga kasamahan at aalamin nila ang mga buhay nito sakaling makakuha sila ng mga impormasyon." Sabi pa ni Dorothea.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Mabuti na lamang mapagkakatiwalaan siya at nandito siya upang balitaan ako.
"Maraming salamat sa mga impormasyon mo." Tumango siya at ngumiti.
"Wala pong ano man mahal na prinsesa, tatawagin ko na lamang po kayo kung sakaling nakahain na inyong mga kakainin." Ako naman ang tumango sa kaniya at lumabas na siya ng aking kuwarto.
Hindi ko hahayaan na makuha ng kalaban ang aking misyon. Sisiguraduhin kong makakamit ko ang tinatamasa ko. Hanggang sa nabubuhay ako hindi sila magwawagi. Ako si Hilary, tinago man ang pagkatao ko pero ang kapalaran ko maging prinsesa ay hindi maitatago kailanman.
Habang nasa kuwarto ako binuksan ko ang bintana upang madmasid sa labas. Maya maya lamang bumalik si Dorothea sa aking kuwarto upang ipaalam na bumaba at kumain na ako at makisabay sa mahal na reyna at kay Prinsesa Maddie. Pagkababa ko naabutan ko silang nag-uusap ni Maddie anak ng mahal na reyna. Subalit hindi siya anak ng aking ama magkasing edad lamang kami ngunit kagaya siya ng kanyang ina may tinatagong ugali at baho.
Napatigil sila sa pag-uusap na makita na nila ako papalapit sa kanila. Umupo ako sa tapat ni Maddie.
"Mabuti na lamang at lumabas ka sa iyong kuwarto nais kong ipaalam sa iyo na nagpalabas ako ng mga kawal upang mahanap ang taong kumakalaban sa ating palasyo." Sambit ng Reyna sa akin.
"Mabuti iyon, may nagagawa kayong mabuti. Masisiyahan ang mahal na hari sa inyong ginagawa." Pumunta sa gawi ko si Dorothea upang pagsilbihan ako.
"Maari ko bang malaman kung bakit mabuti iyon? Pinapalabas mo ba na iyon lamang ang nagawang mabuti ni ina?" pagtataray sa akin ni Maddie.
"Wala akong pinupunto maganda nang may nagagawa siya upang hindi siya nababagot." Sabi ko pero masama niya akong tinignan.
"Kumain na lamang tayo," sabi ng Reyna sa amin dalawa.
"Malapit na ina ang pista sa kabilang Bayan. Maari ba akong sumama kina Euna upang 'di rin ako mabagot dito sa ating palasyo." Rinig kong pakiusap ni Maddie sabay tingin sa akin.
"Basta ba may kasama kang mga Kawal papayagan kita." Nakangiting tugon ng Reyna kay Maddie.
"Salamat, ina," napatingin si Maddie sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Pagkatapos kumain bumalik ako sa kuwarto. Nais kong mapag isa at makapag isip. Ang Windsor Castle ay pinatayo ng mga ninuno ng aking ama na si Haring Felipio. Nang mamatay ang aming mga ninuno. Si ama na ang sumunod na naghari subalit maraming humadlang sa pagiging hari niya sa Windsor kaya nagkagulo ang lahat hanggang sa naipanalo niya ang paghahawak sa Windsor. Nakilala ni ama si Canberra ang babaeng pinakamaganda at pinakamaharlika sa Hagerdon Place na kung saan nauwi sila sa kasalan at nagkaroon ng anak na babae at ako iyon. Subalit nang ako'y lumalaki na dumating si Eleanor ang kasalukuyan aking ina sa Windsor Castle ngayon. Hindi ko alam na may namamagitan sa kanila ng aking ama. Kaya nagkagulo ang aming pamilya at nauwi sa isang pangyayari na pinagbintangan ang aking ina at nakulong ito. Ako mismo ang nagpaalam sa kanila na patay na aking ina. Ngunit hindi nila alam na nandoon pa rin siya sa kulungan na hindi nila makikita. Hindi siya maari makita ng ninoman dahil kapag nangyari iyon baka tuluyan na siyang ipapatay.
Kaya hanggang ngayon nangungulila ako at pinagbubuti ko ang pagiging anak ni ama. Kahit mahirap na makisama kina Eleanor at Maddie wala naman ako magagawa upang paalisin sila hanggang hawak sila nila
ama. Kahit papaano ginagalang naman ako ni Eleanor bilang tunay na prinsesa at anak ng hari. Kahit na wala ang aking ina sa aking tabi kailanman di ako lalapit sa pekeng reyna upang maging sandalan at ina ko.
*****
Kinaumagahan pagkababa ko galing sa kuwarto ay nakita kong balisa ang mahal na reyna. Ano kayang nangyayari?
"Hindi maari. Hindi nila maaring maagaw ang Windsor pinaghirapan ko ito kuhanin tapos mawawala na lang sa aking mga kamay hindi ako makakapayag." galit niyan tugon, may kausap siya ang pinuno ng mga kawal na si Pinunong Hermios.
Mukhang may isa pang palasyo ang umaagaw ng Windsor kailangan kong maunahan si Eleanor. Umalis na ako sa gawi nila at nagtaklob ako ng tela paglabas.
"Saan ka pupunta?" napahinto ako sa paglalakad na harangan ako ni Maddie.
"Magpapahangin lamang ako sa Verinian Garden gusto mo ba sumama?" alok ko sa kaniya.
"Bakit naman ako sasama sa kagaya mo?" pagtataray niyan muli.
"Wala rin naman nais na makasama ka, siguro kaya ka lang pinapakisamahan ni Euna dahil sa mga palamuti na ibinibigay mo sa kaniya. Iyon lang naman ang habol niya sa iyo di ba?" sabi ko at hindi na siya umimik pa.
Inirapan niya ako at tinalikuran agad hindi ko na siya pinansin at pumunta ako sa likod. Kinausap ko roon si Dorothea na ibigay ang aking liham na para kay ina. Ipapaalam ko kay ina na may kumakalaban sa aming palasyo. Bukod sa akin isa rin siya sa nakaalam na buhay si ina.
"Ako na po ang bahala ipaabot ko po ito sa inyong ina." Nakangiting sambit ni Dorothea. Ngumiti rin ako sa kaniya at niyakap siya.
"Salamat, mag ingat ka."
Maya maya lamang pag balik ko sa loob ay naabutan kong sinisigawan ng Reyna ang mga tagapagsilbi.
"Magsabi kayo ng totoo sino sa inyo ang nagpapaabot ng mga impormasyon na pinag uusapan namin ng mga hukbo. SINO???" galit na usal niya.
Lumapit ako sa kanila at gulat na makita ako ng mahal na reyna.
"Lumabas ka pala ng kuwarto mo? Saan ka galing?"
"Kararating ko lamang, galing ako sa labas upang magpahangin."
"Pumasok kana sa kuwarto mo," at sinimulan niya ulit pagalitan ang mga tagapagsilbi.Gusto ko silang tulungan subalit baka madamay lamang ako. Wala naman sigurong traydor sa loob nang palasyo. Maliban na lang sa Reyna, Maddie at Pinunong Hermios sila lang naman ang nais makuha ang lahat.
*****
Ngayon gaganapin ang pista sa kabilang Bayan. Nakita kong bihis na bihis si Maddie kasama niya ngayon si Euna ang matalik niyan kaibigan. Tila masaya at atat na ata sila masilayan ang pista.
"Tara na Euna pumunta na tayo agad upang makita ko agad si Prinsipe Jv." Atat na sambit niya habang inaayos ang kasuotan.
"Ano ka ba Maddie, maabutan natin siya huwag kang mag aalala." Ani ni Euna habang sinusuklay ang buhok nito.
"Baka kase maunahan ako nang iba alam mo naman may gusto ako kay Prinsipe Jv ayokong makuha siya nang iba."
"Wag kang ganyan mag reaksyon alam mo gagawa tayo nang paraan upang makuha mo ang loob nang prinsipe."
"Sige na, tara na?" pag-aya ni Maddie at nagmamadali silang lumabas nang palasyo.
Nag-ayos ako kaagad at nagtaklob ng tela sa mukha at pasimpleng lumabas. Mabuti na lamang sinamahan ako ni Dorothea dahil baka maligaw ako sa Bayan. Dahil di naman ako pala labas ng palasyo. Gusto ko masaksihan ang pista. Matagal na ako nakakulong hindi naman siguro masamang maranasan ko iyon 'diba.
"Mabilis lamang tayo mahal na prinsesa baka kung sakaling mag tagal kayo baka maghinala ang mahal na reyna." Bulong sa akin ni Dorothea.
"Oo naman gusto ko lang masaksihan ang pista ng kabilang bayan."
Gamit ang isang kabayo sumakay kami roon upang makapunta agad sa kabilang Bayan.
Pagkadating namin doon tinali namin ang kabayo sa gilid at pinabantayan sa isang bata. Binigyan ko siya ng kaunting salapi para kapalit ng pagbabantay niya. Maraming tao na kung saan naghalo ang mga mayayaman at mahihirap, maraming nagtitinda ng kung ano ano at may entablado sa unahan na kung saan may palabas. Naramdaman kong hinawakan ako ng mabuti ni Dorothea sa aking braso.
"Maraming tao mahal na prinsesa baka mawalay kayo sa akin."
Pumunta kami sa isang simbahan. Ang St. Georges Chapel kilalang simbahan sa Bayan na ito, pumasok kami roon at nagmisa. Pagkatapos no'n nakipagunahan kaming lumabas dahil may palabas ulit sa enteblado. Gusto ko iyon masaksihan. 'Diko napansin na wala na sa tabi ko si Dorothea. Dahil na rin sa kadamihan ng tao.
"Mahal na prinsesa," hinanap ko ang pagtawag niya subalit hindi ko siya mahanap.
Bigla naman may bumangga sa akin buti di ako bumagsak sa lakas ng pagkakabangga niya. Palihim ko siyang tinignan subalit mabilis siyang tumalikod at umalis na. Hindi nila ako maari makita kahit na di nila ako kilala, may iilan kasing alam ang itsura ko o alam na isa akong prinsesa. Lumakad ako palayo sa simbahan at hinanap ang puwesto ng kabayong pinag iwanan namin ni Dorothea. Sana pala hindi na lang pala ako lumabas ng palasyo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (132)

  • avatar
    BaluyutJoy

    Yes ålz

    20d

      0
  • avatar
    MaglentePrincess Bianca

    so nice!

    30/06

      0
  • avatar
    Mary Grace

    Nice work

    15/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด