logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Daphne's Point Of View
Natigilan ako sa mga huling binigkas ni Tristan.
Ano? Maid? Gagawin niya akong katulong niya?
Dahil sa isiping ito, bigla akong napatayo, ngunit mabilis na bumalik sa aking upuan, dahil naramdaman ko ang pananakit ng aking binti dulot ng mga sugat.
Pasalamat kang mokong ma, paralisado ako ngayon.
"What? Gagawin mo akong alalay? Never?! Not in a billion years!"
Tristan chuckled, it looks like he is making fun of me.
"Kung ayaw mo, libreng matulog sa labas," sabi nito saka inilahad ang mga kamay nito sa pinto ng main entrance.
Para akong kamatis na namumula na sa gigil. Pakiramdam ko ay sasabog na ako anumang oras sa masamang hangin na 'to.
Ang galing niyang mamblackmail, humanda sa akin 'to pag nagkataon.
I intensely looked at him in the eye with furrowed brows, at sumisimangot. Habang siya naman ay parang natutuwa sa nakikita niya.
Mahinang natawa ang mokong. "Buksan ko na ba ang pinto-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. Kinuha ko kaagad ang ballpen at pumirma sa form. Wala akong choice, kung hindi ako pipirma, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
"Ayan na," sabi ko saka padabog na nilapag ang ballpen sa lamesa.
He snickered. "Well that's more like it," ani nito saka kinuha ang papel at ballpen.
Sige lang, humanda ka lang sa akin mokong ka, may araw ka din sa akin.
"Now that you're officially my maid, cook some dinner for me, I'm starving." sabi nito sabay himas ng tiyan na parang nagugutom.
Nakakabadtrip. Ni kahit 'please' hindi niya binanggit sa sinabi niya kanina. Ibang klase talaga!
Matalim kong tinignan ang masmang hangin habang siya ay todo ngiti pa din nang nakakaloko.
"Lulutuan mo ako o-"
"Oo na eto na,"
Pagkasabi ko niyon ay mabilis akong tumayo at naglakad ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay agad na akong natumba. Nakalimutan kong may mga sugat pa pala ako.
Pesteng sugat naman 'to oh.
Akmang babagsak na ako sa sahig nang maramdaman kong may sumalo sa akin. Napakalapit ng aming mga mukha na parang maghahalikan na kami. Nasa likod ko yung mga kamay ni Tristan at nakaharap ako sa kanya. Kitang kita sa reaksiyon nito na nagulat sa nangyari, kahit ako ay pareho din ang reaksyon.
Bumilis ang tibok ng aking puso ng mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko. Gusto ko siyang itulak papalayo, ngunit may nag-uudyok sa akin na hayaan na lang siya na humalik sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at akmang handa nang dapuan ng kanyang mga labi-
"Huy, ano'ng nangyari sa'yo?"
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at ganun pa rin ang posisyon namin, hindi pa rin ako binibitawan ni Tristan sa pagsalo niya sa akin.
He looked at me in confusion, nagsasalubong ang kilay nito na para bang may mali sa ginawa ko.
Teka, nagha-hallucinate ba ako?
Aaaaaaah nakakahiya!
"H-ha?"
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig, kaya inalog kita para maggising ka."
Nagha-hallucinate nga ako.
Nakakahiya naman aaaaaaah!
Nararamdaman kong umiinit ang aking pisngi dahil sa sobrang hiyang naramdaman. Parang gusto ko na lang tumakbo papalayo at huwag ipakita ang mukha sa kahit na sino.
"A-ah, b-bitawan mo na nga ako. Hindi ka ba nangangawit diyan?"
Sabi ko at ginawa naman niya kaagad at tinulungan akong makaupo ulit.
"Ako na ang maghahanda ng dinner." sabi nito.
Naawa ata sa akin nang matandaang may mga sugat pa ako sa binti.
Pumunta ito sa kusina na nasa likod lang ng sala, at dahil open floor plan yung condo, ay madali ko siyang makita na nagluluto.
Kumuha siya ng kawali at ipinuwesto doon sa 4-burner gas range, hindi nagtagal ay pinaandar na niya iyon.
Habang hinihintay na uminit yung kawali ay kumuha muna siya ng ground pork mula sa fridge niyang yayamanin.
Ang tanging nagagawa ko lamang ay tumingin-tingin at maging palamunin.
Nang uminit na ang kawali ay sinimulan na niyang ilagay ang mantika at nagsimulang maggisa.
Ang bango ng niluluto ni masamang hangin, amoy masarap.
Pero sana yung lasa ganun din.
Maya-maya pa ay pinatay na niya ang apoy at isinalin ang niluto sa isang bowl. Hindi ko kayang tumunganga lang kaya sinubukan kong pumunta sa aking wheelchair at salamat naman dahil madali ko itong naggawa.
Ako ang tumulak ng sarili kong wheelchair papuntang kusina, gusto kong may ambag kahit papaano, dahil ako ang katulong.
Pagkapunta ko ng kusina ay binigyan ako ni Tristan ng dalawang plato at inutusang magkuha ng kanin.
Pasalamat ako dahil abot ko pa ang rice cooker kahit naka wheelchair ako. Pinagtiyagaan kong kumuha ng kanin at isinalin iyon sa dalawang plato na nilapag ko sa counter.
Nang matapos na ang ginagawa ay agad akong pumuntang dining area which is katabi lamang ng kitchen. Apat na upuan lang ang meron na nagpapalibot sa round table. Ang chandelier sa ceiling nito ay yayamanin talaga.
Dalawang chandelier na ang nakita ko dito, sa sala at dito sa dinning area. Mas malaki nga lang ang chandelier sa bandang living room kumpara dito sa dining area.
Nakaupo na ang mokong ang halatang hinihintay na ako. Inilapag ko ang mga plato sa mesa at pumuwesto sa harapan niya.
"Guide yourself to take a seat," he commanded.
Wow! Gentleman!
At dahil pagod na akong umangal pa ay inalalayan ko na lang ang sarili para makaupo. Nang maggawa ko na ay nagsimula nang kumain ang mokong dahilan upang itampal ko yung kamay niya.
Tiningnan ako nito nang matalim. Mukhang nainis sa ginawa ko.
Tss. As if naman my pakialam ako.
"Hindi ka pa nga nagdadasal kumain ka na agad, magdasal tayo, ako na ang magle-lead ng prayer."
He shook his head in disbelief. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at sinimulang mag-sign of the cross.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Abi Collado

    good!

    07/07

      0
  • avatar
    AmalulNormina

    love you

    08/06

      0
  • avatar
    DeFiesta Vanherck

    Love you too

    30/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด