A light pat on my shoulder woke me up and saw the pretty girl Vilma infront of me, smiling while staring at me. " Nandito na po tayo," nilingon ko agad ang kabuuan ng dyip na sinasakyan namin pero kaming dalawa nalang ang nandito. "Bumaba na po sila, Ate. " Dagdag pa niya. Napahikab pa ako sa harapan niya at nag -unat. Maaga kasi kami umalis kanina kaya bagsak ako sa byahe. Idagdag pa na-late na naman ako ng tulog kagabi. 'Anong oras na ba?'Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Habang inaayos ang sarili ko. " Alas onse na po," At humahagikhik pa ito ng marinig niya ang kumakalam kong sikmura na sinegundahan nang pagkalam nang sikmura niya. Napatawa rin ako. "Apat na oras pala ang byahe natin?" Na sinagot ng pagtango ng dalagitang si Vilma. " napakalayo naman pala dito. " Inaya ko na siyang bumaba kami ng dyip. Pumasok kami sa isang kongkretong bahay, simple lang ang stilo nang bahay na ito.. Nakikita ko ang mga kasama namin na may kanya -kanya ng pwesto sa komedor at abalang abala na pagnguya at sa dulong bahagi nito nakaupo ang binatang si Alfred na abala rin sa pagkain habang nagkakamay. Nang mapansin niya akong pumasok at nahuling nakatingin sa kanya ay tinawag niya agad ako. "Marah, dumulog ka na rito at baka maubusan ka pa ng ulam. " Aya niya sa'kin na ikinatuwa ko. "Vilma, pakikuha mo na rin ng plato ang Ate Marah mo at nang makakain na kayo pareho." Napakasweet naman ng damuho. Pagpipigil sa sarili kong kiligin ay ibinaling ko ang tingin sa mga kaibigan ko na may mga nakakalokong tingin ring ipinukol sa'kin lalong lalo na ang kakambal ko na nakangisi. Maliban na lang kay Beverly na nakataas ang kilay at kay Zed na halos hindi maipinta ang pagmumukha. Nang maabot na ni Vilma sa'kin ang kubyertos ay saka naman nag-uunahan sa pagtayo sina Zed at Alfred. "Just take my seat, Marah. I'm done eating," sabay turo nito sa upuang inupuan niya. Nakita ko pa ang panghihinayang sa mga mata ni Alfred dahil naunahan siya ni Zed kaya para hindi mapahiya ay si Vilma ang inalok nitong umupo sa pwesto niya. At naiwan kaming dalawa ni Vilma sa kumedor. Nakita ko pa ang kaibigan kong si Beverly na pasimpleng dumikit kay Alfred na ikinainis ko. Nawalan tuloy ako ng gana habang kumakain. *** Mga bandang ala-una ng hapon ay nagsipagtulugan na ang mga kasama ko. Ako na puro tulog lang sa byahe ay nakiupo lang sa upuang kawayan sa harap ng bahay na tinutuluyan namin. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Puro halaman ito na lampas tao ang sukat ng bouganvilla na bulaklak, na sa sobrang kakapalan ng mga dahon neto ay hindi na halos nakikita kung anong meron sa labas. Nasa gilid ng daan ang tapat ng bahay at sa kabilang kalsada ay isang matayog na sementadong bakod. Hindi lang ito basta -basta na bakod dahil gawa ito sa bricks. May iba't ibang kulay na bricks, kakaiba para sa mga pangkaraniwang bakod ang narito. Tumayo pa ako at lumabas nang bakuran para tingnan ang bakod sa kabilang kalsada. Na-curious kasi ako sa bahay ng nakatira sa bakod na may iba't- ibang kulay, pero, namangha ako kasi ang bakod na akala ko bakod lang ng isang ordinaryong bahay ay hindi lang pala isang ordinaryong bakod. Napakahaba nang bakod na ito at may mga baging ng mga iba't-ibang klase ng bulaklak ang tumutubo dito. Ang weird naman. Anong klaseng mga tao ang kayang manirahan sa ganitong klase ng bakod? Babalik na sana ako sa loob ng may matigas na bagay ang dumaplis sa balikat ko. "What was that!" Napasigaw ako sa gulat. Paglingon ko ay isang beach ball ang nasa paanan ko mismo. Akmang pupulutin ko na ito ng may marinig akong mga boses, nangangahulugang may tao sa likod ko, siguro sila 'yong may-ari ng bolang i-a-abot ko. Sa isip ko baka isang beach or resort ang loob ng kakaibang bakod na nasa kabilang kalsada. Hawak ko na ang beach ball at paharap na sana ako sa nagmamay-ari ng bolang hawak ko. Napahawak ako bigla sa dibdib ko ng mapagsino ang taong nasa harapan ko mismo at napaatras ang isang paa ko sa gulat. Hindi lang isang tao kundi apat na mga bata ang nasa harapan ko mismo. Apat na bata na balot sa putik ang buong katawan. Pinameywangan ako ng isang batang babae at tinuturo ang bolang hawak-hawak ko. Saan ba dumaan ang mga 'to at wala naman akong nakikitang ibang bahay dito. Pilit kong iwinaksi ang takot na nararamdaman ko ngayon. "Ate, akin na po iyang bolang hawak mo." Magalang na sabi nang isang batang lalaki. "Ah e--to na. Pa--sen--sya na. " Medyo nauutal kong abot sa batang lalaki. "Siguro dayo ka dito noh?" Tanong sa akin ng isang batang babae. "Ngayon lang kasi namin ikaw nakikita dito e." Napapatras ako sa ginawa nilang paglapit sa akin. Ang isang batang babae na nakapameywang kanina ay hinawakan ako sa braso, at muntikan na talaga ako mawalan nang ulirat sa takot.. "H'w--aagg," nahihintakutan kong atras. "Pssst! Ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo sa kanya?! " Narinig kong sigaw ni Kuya Ed sa likuran ko. "Uwi!" Napaatras ang tatlong bata maliban na lang sa isang batang babaeng humawak sa braso ko. "Ano babalik ka ba o ako magbabalik sayo sa dapat mong kinalagyan!" At binitawan ako ng batang babae. Napairap pa ito kay Kuya Ed at nagsipagtakbuhan nang mabilis paakyat sa bakod na may iba't- ibang kulay at may mga mahahabang baging ng mga bulaklak. Masyadong mabilis ang mga galaw nila na sa isang iglap ay nawala na kaagad sila sa aking harapan. Parang mauubusan ata ako ng hangin kanina mabuti na lang at dumating si Kuya Edmundo. Nakahinga ako ng maluwag. "Anong ginawa sayo ng mga 'yon?" Kalmadong tanong niya sa akin. "Kinuha lang po ang bolang nalaglag." Nakayukong sagot ko. Hindi ko kasi alam ang tamang definition sa nararamdaman ko ngayon. Imbes na tanungin niya ako ulit ay hinawakan pa niya ang braso kong may nakadikit na putik. "Sumunod ka sakin at ng mabanlawan yang nasa braso mo. Baka hindi mo magustuhan kapag tumigas iyan at mahirapan ka ng maigalaw yan." Hindi ko alam kong pananakot ang sinasabi ni Kuya Ed basta dali-dali akong sumunod sa kanya. Binudburan niya ng asin at suka ang braso ko bago niya binuhusan nang tubig. "Sino po ang mga iyon?" Tanong ko kay Kuya Ed. "Sila yong mga batang nakulong sa loob ng bakod na iyan." Simpleng sagot niya sa akin. "You mean Bahaghari Village na iyang bakod sa tapat?" Gulat kong tanong sa kanya. Tinanguan lamang niya ako. "Ang bakod na 'yan ay sakop ng Calle Azul kung saan may malaking pool na hugis rainbow. Araw-araw lageng may mga lumilipad na salbabida o hindi kaya ay beach ball dito. Hinahayaan nalang namin, siguro dahil sa tagal na walang dumalaw d'yan kaya may mga pilyang bata ang mga pumupuslit sa loob at gumagala dito. Hangga't maari ay h'wag mong pulutin kong may makikita ka, para sa sarili mo na ring kaligtasan." Hindi ko alam kung isa itong babala o simpleng pagpapa-alala lamang. " Sige po, pasensya na po kanina. " Hinging paumanhin ko. "Lapitin ka, kaya ingatan mo ang sarili mo lalo na't malakas ang pakiramdam ng mga nilalang sa loob ng village." Tapik niya sa akin at pumasok na sa loob ng kongkretong bahay. Anong klaseng mga nilalang ba ang sasalubong sa amin? Una, ang babaeng tela, ngayon naman mga batang putik. Gaano ba katindi ang galit nang taong sumumpa sa naturang village? At bakit ako ang lagi nilang pinapakitaan? Ang susi nang sumpa ay parehong may koneksyon sa pinagmulan at pinag-ugatan. Sanhi at bunga. Hindi kaya.. Pero posible.. I can't imagine myself being included in these mess. Well, actually my family was involved in these chaos. Not only me, but Sarah and Therese also.
Interesting. I love your story po 💖💖
25/04/2022
0Senorita Marah ' ang tagapagligtas hmm.. galing nman.
1d
0Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?
18/06/2025
0ดูทั้งหมด