logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 The Companions

Matagal akong nakatulog kagabi. Napuyat kasi ako kakaisip sa sinabi ng asawa ni Uncle Ronnie sa'min kahapon. Pero kahit puyat ay maaga pa rin akong nagigising, siguro nakasanayan na nang mga mata ko.
Sinulyapan ko ang  mahimbing na mahimbing pa ring natutulog na sina Beverly at ang dalawa ko pang pinsan na babae na si Therese at Sarah. Napagod siguro sa byahe kahapon.
Nang mapansin kung wala na sa higaan si Trexie ay napatingin ako sa relo ko, pasado alas 7 na ng umaga. Sabagay,  mas sanay itong gumising nang mas maaga dahil na rin sa working schedule nito.
Nang mapagtanto kung hindi na ako makakatulog pa ulit ay dahan-dahan na akong bumangon, baka kasi ay magising ko sila kung mananatili pa ako rito sa higaan. Nagsuot lang ako ng balabal at lumabas nang kwartong tinutulugan namin.
Sobrang tahimik sa sala ng bahay ni Uncle Ronnie pero may nauulinigan akong nagluluto sa kusina.
I slowly walked towards the kitchen para mapagsino ang nagluluto at nang makatulong na rin kahit papaano. Pero napatigil ako sa bandang pintuan.
All I can see is an unfamiliar figure of a woman standing infront of the gas stove. She's cooking something delicious. The aroma of the food itself is a proof. It keeps tickling my nose, very sumptous.
Akmang papasok pa lang ako ng kusina ng bigla siyang nagsalita.
"Ang tagal ka naming hinintay. Salamat naman at nandito ka na." Mahina niyang bigkas pero sakto lang na marinig ko.
Imbes na pumasok ay nanatili lang akong nakatayo sa may pintuan, siguro may kausap si Ate sa cellphone pero wala naman akong nakikitang headset sa magkabilaang tainga niya. Kahit nga airbuds ay wala rin,  kaya babalik na sana ako sa sala para hindi makadistorbo pero biglang humarap sa akin si Ateng  na hindi ko kilala.
I almost stumble when I saw the unfamiliar woman cooking. Am I already awake? or maybe I'm still dreaming.
Mabuti na lang talaga at napakapit ako sa dingding ng pintuan, only to realize I wasn't dreaming.
Kinusot ko pa ang aking mga mata pero kahit ilang beses kong ginawa iyon sa pag-aakalang baka guni-guni ko lang itong nakikita ko, pero hindi.
Dilat na dilat ang mga mata ko sa nakikita ko.
"Maligayang pagbabalik sa Isla Romantika Señorita." Nakangiting wika niya sa akin na lalong ikinanginig nang mga tuhod ko.
Kitang kita ko kasi ang way nang pagkangiti niya, halos mapunit ang bibig niyang gawa sa tela. Ang mga mata niyang mala-butones at ang kilay niya, na parang sadyang ginuhit gamit ang colored pencil at ang buhok niyang hanggang balikat ay braided na tela rin.
Hindi ko magawang sumigaw sa kadahilanang walang boses ang nais kumawala sa aking lalamunan.
Bago ako mawalan nang ulirat ay kitang-kita ko ang pagyukod niya sa harapan ko at inabot ang tela niyang mga kamay.
Nagising na lang ako sa amoy na nanunuot ang anghang sa kaloob-looban nang ilong ko hanggang sa kasulok-sulokan neto at napaubo ako, pero ng maalala ko ang babaeng tela kanina ay bigla akong napabalikwas ng bangon kahit hinang-hina pa ang katawang lupa ko.
Nakita ko ang mga nag-aalalang pagmumukha ni Trexie at ng kakambal kong si Gio.
"Anong nangyari, sis?" Nag-aalalang boses na tanong ni Gio sa akin.
"Ang sabi ni Ate Mercy bigla ka nalang daw nagcollapsed nang kinakausap ka niya dito sa kusina." Sinasalat na naman ni Trexie ang noo ko. " Nagugutom ka na ba? O baka naman," Ngumingising wika niya sa akin habang kaharap ako.
" Silly! Imposible 'yang iniisip mo, siguro nagugutom na talaga ako. Pumunta kasi ako ng kusina kasi gusto kong tulungan si Ateng na nagluluto pero bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Nakita ko ang Ate Mercy na tinutukoy nang kakambal ko. Totoong tao siya at nakaupo lang siya sa isang tabi. Nakatitig sa akin at sa hula ko nasa mid 30's ang edad niya.
Nagsalubong ang mga mata namin. Nginitian niya ako at nagsalita siya. " Saktong sakto 'yong niluluto kong sinabawang gulay para mainitan agad 'yang sikmura mo ineng."
"Pero paano po silang mga natutulog pa?" Wala na sa hulog na tanong ko.
"Edi mam'ya na sila kumain. Mauna na tayo't ako'y gutom na rin. " Wika ni Trexie na after maghugas nang kamay ay pum'westo na agad sa hapagkainan.
"Sige na ineng, para magkaroon ka ng maraming lakas. " Nakangiti pa rin siya sa akin. "Tawagin ko lang sina Ate at Kuya Ronnie." At lumabas na siya sa panlikurang pintuan na nakapwesto sa gilid ng kusina.
" I'm gonna check your BP after eating, okay? " Nag-aalala pa ring wika ni Trexie sakin kahit nagsimula nang humigop ng sabaw.
Natatawa ako sa hitsura niya ngayon, Subo-subo niya kasi ang kutsara kahit wala pang foods sa harapan niya. Sabaw pa lang ang unang sinerve.
Makulit talaga itong kaibigan kong ito at mapaghahalataan tuloy na patay gutom. Psshh. Natatawa ko sa isip.
"Baka naman Gio nababaliw na 'tong kakambal mo. Kita mo oh, ngumingiti mag-isa." Sumbong niya kay Gio.
Sasagot na sana si Gio nang makita kung magkasunod na pumasok nang kusina sina Uncle Ronnie at ang asawa niyang weird, tapos si Zed at hindi ko kilalang babae at lalaki, mga kaedad ni Ate Mercy ang lalaking pumasok at ang magandang babae naman ay kaedaran ko lang ata.
Kanya-kanya na silang p'westo. Ang tahimik namin, iyong  lalaki lang ang bumasag sa katahimikang namagitan sa aming lahat. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ngayon ng almusal. Edmundo ang pangalan niya. Parang familiar, hindi ko lang matandaan kung saan ko ito narinig.
"Nasaan na pala ang iba ninyong mga kasama?" Tanong niya sa akin. Ewan kung ako ba ang kinakausap niya pero sa akin kasi siya nakaharap.
"Handa na ba kayong pumasok sa Bahaghari Village? Kompleto na ba ang mga dala ninyong gamit? Hindi pupwede- pwede r'on ang tutulog tulog lang. Mas may chance silang kunin kayo." Seryosong wika niya habang sumusubo ng pagkain.
"Kailangan natin nang mga flashlight, o kahit anong klaseng bagay na may ilaw o apoy. Magdala rin kayo nang kalamansi para iwas antok. Maging alerto sa mga nakikita at naririnig at h'wag na h'wag tayong maghihiwalay."
Pagkawika niyang 'yon ay napatingin ako kay Zed. Pero muntikan ko nang maibuga ang kinakain ko ng marinig ang paghirit ni Trexie sa tabi ko, "Wala pong tayo Kuya!" Bumubulong na hagikhik pa nito. Hindi ko rin masisi ang kaibigan ko dahil isang makisig na lalaki ba naman si Kuya Edmundo.
"Hindi ako nakikipagbiruan dito." Seryosong bwelta nito pero may nasisilayan akong mga ngiti sa labi.
"Tayo? You mean kasama ka?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Trexie.
" Opo, pati na rin siya." Tapik neto sa magandang babae na katabi neto, na Angelina ang pangalan. "At si Mercy, at meron pa tayong tatlong makakasama. Mam'ya nandito na sila. " Dagdag pa ni Kuya Edmundo
"Bakit niyo kami sasamahan? E di'ba iniiwasan niyong pumasok sa village na 'yan tapos ngayon sasamahan n'yo na kami." Sabay-sabay kaming napalingon nang magsalita si Beverly sa likuran namin. Kasunod niya si Sarah at Therese. Nakita ko rin na pababa nang hagdanan sina Jerome at Alawe.
Pero naagaw ulit ang atensyon namin sa mga bagong panauhin na dumating.
"Nandito na kami!" Masiglang turan nang binatang lalaki mula sa pintuan, nakasuot ito ng maong na shorts at punit punit na Tshirt at naka-tsinelas lang, nakabuntot naman sa kanya ang isang dalagita, nasa fourteen pa ata ang edad, mahinhin ito kumilos at naka-dress at tirintas ang buhok.
"Because we are destined to be with you guys." Wika n'ong babaeng kakapasok lang na parang boyish.
Nakita kong nagtapikan ang dalawang lalaki ng makita ang babaeng boyish.
"Sabi ko sayo Kuya Ed,  sasama si Ate Corazon e." Sabat nang dalagita na pinakabata sa amin.
Ang dami naman pala namin.
Tama ba itong pinasok namin at may dala pa kaming bata, tukoy ko sa dalagita kanina.
" Ang mga kamag-anak namin ay nasa loob." Panimula nang lalaking may punit-punit na T-shirt. Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa kan'ya. Dahil hindi ako nagkakamali, s'ya iyong binatang inutusan ng isang Ale sa may pier.
"Seven years na rin ang nakalipas noong huli kaming nagpasama nang mga manlalakbay papasok sa village pero ngayon need na naman namin ulit magbuwis buhay. Kaya please lang makipagco-operate kayo sa amin. " Seryosong wika ni Kuya Ed na kanina pa nagsasalita. Kapag unang tingin mo talaga sa kanya ay iisipin mo talagang baluktot magsalita ng tagalog pero mas magaling pa ito kaysa kay sa'min magsalita.
"Sa friday na tayo aalis, sakto iyon birthday ng kambal na dalagita ng Arcoiris. Ang araw na iyon, ay iyon din ang araw na naglaho nalang sila na parang bula. "

หนังสือแสดงความคิดเห็น (167)

  • avatar
    creshinshana

    Interesting. I love your story po 💖💖

    25/04/2022

      0
  • avatar
    GaRhonel

    Senorita Marah ' ang tagapagligtas hmm.. galing nman.

    4d

      0
  • avatar
    Visitor

    Ang exciting basahin. Pang fantaserye ang datingan. May book two po ba ito?

    18/06/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด