logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 1

KRISTA'S POV
Kailangan kong maghanap ng trabaho para sa kinabukasan ng dalawa kong kapatid. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya ako na ang magsisilbing magulang sa kanilang dalawa. Bentedos anyos ako ngayon. Ang pangalawa kong kapatid na si Krishna ay 16 anyos at ang bunso naming lalaki na si Kristof 14 anyos. Parehas silang nag-aaral kaya kailangan kong magsikap na makapagtapos sila ng pag-aaral.
High school lang ang natapos ko. Hindi na kasi ako nakapag-college noong namatay si mama. Napagpasyahan kong tulungan na si Papa sa paglalako ng mais sa aming lugar sa probinsya. Ngayong wala na rin si Papa, napagpasyahan kong tumungo dito sa Maynila para sa mataas na sweldo.
Lahat kakayanin ko para sa kanila.
"Ineng ito na yung bahay na nakasulat sa address diyan sa papel na hawak mo." sabi ni manong tricycle driver na nasa kwarenta na siguro ang edad.
"Ganun ho ba manong, magkano po?" tanong ko.
"Bente lang sayo ineng." nakangiting sagot ni manong.
"Naku! Maraming Salamat po manong ha ang bait niyo po." nakangiti kong sabi, malayo kasi ang byenahe namin ni manong pero kunti lang hiningi niya.
"Walang ano man ineng, galing kapa bang probinsya?" tanong niya
"Opo eh, ngayon lang ako nakapunta dito sa maynila.
"Ah ganun ba, sige mag iingat ka ha. " paalam ni manong. Ngumiti ako sakanya.
Bumaba na ako at kumaway kay manong.
Nagdoorbell ako sa bahay kung saan ako itinigil ni manong, naghintay ako ng limang minuto bago nag bukas iyon. Linuwa ng malaking gate ang isang may edad na na babae na nasa sengkwenta na ang edad.
"Magandang araw po. Ako po si Krista, yung kinuha ni Tiya Selma na magbabantay ng bata," magiliw kong bati.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Sige kung ganun pumasok kana." mataray niyang sabi pero walang emosyon ang mukha. Linakihan niya ang siwang ng malaking gate at pumasok naman ako.
Subrang ganda at subrang laki ng bahay. Ang ganda ng garden nila.
Giniya niya ako papunta sa loob ng salas. Ng makaupo ako sa black na sofa, nilibot ko ang tingin sa paligid. Puti at gray ang kulay ng pintura ng bahay. Ang mga gamit ganun din. Subrang ganda lalo na ang malaking chandelier sa gitna ng salas.
"Sumunod ka saakin." sabi nung babaeng nagbukas sakin ng gate.
Kaya napatayo agad ako kasi mukhang masungit ang babae. Parang nagme menopause hehehe.
Umakyat kami ng hagdanan at nakarating kami sa isang kwarto na may pink na pintura. Ang daming barbie dolls at stuff toys.
"Siya si Kianna ang aalagaan mong bata. Dalawang taon palang siya pero matalino yang bata. Medyo mapili yan sa nagbabantay sakanya kaya ikaw ang bahala kung mapaamo mo siya." sabi niya sakin na tinuro ang batang tulod sa malaking crib.
Tumango ako habang nakatingin ako sa batang payapang natutulog.
Napakagandang bata. Brown at curly ang buhok. Mauumbok ang pisngi, mahahabang pilik mata at kissable lips. Na excite tuloy akong alagaan ang ganito kagandang bata.
"Siya nga pala ako si Amalia. Pagdating ni Sir Jandro mamayang gabi, kakausapin ka niya tungkol sa pagaalaga mo kay Kianna." walang expression niyang sabi
"Ok po ate Amalia" nakangiti kong ani
Akmang aalis na siya ng kwarto ng tanungin ko siya.
"Teka po, pwedi pong magtanong? Nasaan po ba ang Mommy niya?" habol kong tanong.
"Wala na siyang Mommy, tska wag kang chismosa ha." masungit niyang sabi, para nagtanong lang ang sungit naman. Ani ko sa sarili.
"Ah ganun po ba." malungkot akong tumingin kay baby Kianna.
Kawawa naman ng baby na ito. Katulad ko,wala na rin siyang mama.
Napagpasyahan kong tumayo. Nagligpit ako ng kunti sa kwarto niya at inilibot ang paningin ko sa loob niyon na subrang daming laruan at libro.
Malaki ang kwarto niya, parang kalahati na ng laki nito ang bahay namin sa probinsiya.
Napaisip ako, bakit kaya ang mayayaman, iniiwan nila ang baby nila sa isang kwarto ng walang kasama? Saamin kasi tabi tabi lahat matulog kasi ganun kami sa bahay nung nabubuhay pa ang mga magulang ko. Nagkibit balikat nalang ako sa naisip.
Tulog pa naman siya kaya napagpasyahan kong ilagay muna ang gamit ko sa magiging kwarto ko.
Bumaba ako at hinanap si ate Amalia. Tatanungin ko siya kung saan ang magiging kwarto ko.
Naabutan ko siya sa sala na nagpupunas ng mga figurines na naroon.
Tumikhim ako at lumingon naman siya saakin.
Ngumiti ako. "Ah ate Amalia, pwedi ko bang itanong kong saan ang magiging kwarto ko? para mailagay ko na po ang mga gamit ko." wika ko.
Umismid siya at itinigil ang ginagawa.
"Sumunod ka sa akin at ituturo ko sa iyo kung saan." Tumango lang ako at sumunod sa paglalakad nya.
Nakarating kami sa isang pasilyo na may tatlong pinto. Binuksan niya ang unang pintuan.
"Ito ang magiging kwarto mo." aniya at pumasok na ako.
"Maiwan na kita dito, may gagawin pa ako." dagdag pa niya.
"Salamat po." tumango lang siya at umalis na palabas ng kwarto ko.
Maayos ang loob ng kwarto at may gamit na, may kabinet, lamesita sa tabi ng single bed at may puting kobre kama iyon at dalawang unan. May salamin sa pader at isang maliit na pintuan, siguro ito ang banyo. Napangiti ako.
Sana maging maayos ang pagtatrabaho at pagtira ko sa bahay na ito. Ani ko sa sarili.
Napagdesisyunan ko ng ilagay ang mga damit ko sa kabinet para makabalik na ako sa kwarto ni Baby Kianna, baka magising na iyon.
Pagkatapos kong mailagay ang mga damit ko, lumabas na ako ng kwartong yun at naglakad patungong hagdanan at umakyat patungong kwarto ni Kianna.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1780)

  • avatar
    Rychel Ann Enriquez

    Thank you author for the wonderful story,this is the first novel i read and i finish cause the story is interesting. Good job and good luck for writing another one.

    08/02/2022

      0
  • avatar
    Cristine Jane Sotomayor

    grabi sobrang Ganda po ng story nyo , sana po marami pa kayo magawang story 😊❤️❤️❤️❤️

    22/12/2021

      0
  • avatar
    Nes Tor

    isang dekalibreng istorya na talaga naman nakakaexcite bawat eksena, nakakagigil at tlagang hindi mo nanaisin na huminto, sobrang nakakasabik bawat tagpo at sadyang nilikha ng may angking talino ang bawat ganap. Congratulations😘

    06/12/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด