logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Ipinikit ko ang aking mga mata sa pag-aasam na namamalik-mata lamang ako. Ngunit sa oras na minulat kong muli ang aking mga mata ay parang bumagal sa pagtakbo ang oras kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba nang mapagsino ko ang nakatambay sa pintuan ng classroom na papasukan ko.
No. This can't be! Of all people talaga? My worse enemy talaga makikita ko ngayong araw. Gusto kong pagsisihan kung bakit ba kasi hindi muna ako tumingin sa bulletin board sa labas kung saan nakalagay ang mga names and sections namin. Sa dami kong iniisip... nawala sa isip ko ang posibleng maging connection ko sa lalaking ito.
Na-imagine ko lang ba or my past is really hunting me?
Classmate ko siya? Lupa p'wede bang pakilamon nalang siya ayaw ko siyang makita eh.
Bakit kung sino pang kinaiinisan mo ng sobra, siya pa ang palagi mong makikita?
Kung sino pa ang 'yong pinakainiiwasan mo, siya pa ang pilit na inilalapit sayo.
Ang galing. Haist buhay parang life walang love!
Panay din ang salita ni Vien sa tabi ko pero wala akong naintindihan na kahit ano dahil nakatuon na ang atensyon ko do'n sa harapan. Pa'no ko naman magagawang magfucos kung na-iimagine ko na mangyayari mamaya? Pero baka nagbago na naman siya? Kasi ang tigas naman ng bungo niya kung hindi siya madala sa mga sinabi ko no'ng huli naming pagkikita. I crossed my fingers sa likod ko, sana lang talaga or else makakabugbog ako ng wala sa oras.
Inihanda ko na ang pinakamatamis kong ngiti kahit nanginginig ang mga kamay ko habang papalapit ng papalapit sa pintuan.
"Act normal Kems, 'wag kang papahalata na masyado kang naapektuhan ng presensya niya. And one more thing, prepare yourself for the worse. Aja!" Bulong ng isang bahagi ng isip ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa balikat ni Vien habang nakayuko dahil hindi niya deserve makita ang ganda ko. Charot. Nahihiya ako, ewan ko parang may hindi magandang mangyayari.
Nang makalapit na kami natigil sila sa pagtatawanan at naramdaman ko ang tingin nila. Kung nanghuhusga or na-starstruck na tingin ang ipinukol nila sa'kin— sa amin ni Vien ay hindi ko alam dahil nanatiling nasa baba ang aking paningin.
"Vivi, dito ka din pala? Nice pero bakit may kasama kang bata?" Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Vivi? Magkakilala ba sila? "Bata naligaw ka ata? Hindi dito ang classroom ng elementary nasa kabilang building. Senior building ito at bawal dito ang elementary hahahahaha" Tumawa siya, mali tumawa sila. Sila ng mga kaibigan niya. Yung paraan ng pagtawa nila nakakaasar at masakit sa puso. Tama, masakit kasi sa pandinig kasi alam kong sa akin niya ipinupukol yon.
"Hoy Kanluran na tarantado, tigilan mo bestfriend ko yan. Sipain kita diyan pa-silangan eh!" Bulyaw ng best friend ko sakanya saka ito binatukan. Close sila?
Nanatili naman nakatuon sa'kin ang paningin ni kapre at hindi mawala-wala ang mapang-asar niyang ngisi habang hinihimas ang batok niya.
Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya, sa mga tingin niyang nang-uuyam at mga ngiti sa labi niyang nang-aasar. Samantalang hindi ko mapigilang kuyumin ng mahigpit ang kamao ko. Tinatambol ang puso ko na halos kumawala na sa katawan ko. Wala pa rin siyang kwentang tao! Namumuhi ko siyang tiningnan, ay mali tingalain pala ngunit nang magtagpo ang aming mga mata nanliit ako lalo sa sarili ko. Pakiramdam ko para akong isang tuta na pagkatapos makilala kung ga'no kalaki ang kaaway sa harap ko ay nabahag ang buntot ko.
Pero hindi! Hindi ako papayag na sirain niya muli ako. Matapos no'ng elementary ako tinaga ko na sa bato na hinding-hindi na ulit ako papayag na mananahimik nalang kapag binully ulit ako. Tama na ang ilang taong pagdurusa dahil sa pananahimik. I've been bullied many times. I've been judge by different people not only him. I thought I can't take it anymore. I've already build my wall para hindi na ako masasaktan pa sa mga sasabihin ng iba tao sa'kin. I made up to my mind na hindi na ako basta mananahimik nalang. I will never give them the satisfaction na gawin akong katatawanan. One thing I've learned from my past, don't let it ruin your life instead stand for yourself when you're getting bullied. At kahit anong sakit, pilitin mo pa rin lumaban ng paulit-ulit.
"Kung ikakatangkad ko sana ang pambubully niyo sa'kin sige hahayaan ko kayo ang kaso hindi naman eh kaya p'wede manahimik nalang kayo. Kasi kahit anong sabihin niyo at kahit anong reklamo niyo wala kayong magagawa." Pagmamaldita ko sakanya pati mga barkada niya. Lumapit naman ako sakanila. "Mga mukha nga kayong kapre bakit nagreklamo ba ako? 'Di ba hindi naman? Kung gusto niyo nga support ko pa kayo sa pagiging kapre niyo, sige push niyo lang yan pagiging guard dito sa classroom natin. Tutal gano'n naman gawain ng mga kapre, ang kaibahan niyo lang kayo mga kapreng layas dahil sa halip na sa gubat kayo nagbabantay ay nandito kayo sa classroom. Next time try niyo bumalik sa pinanggalingan niyo ha? Sa gubat kung saan nababagay ang mga masasamang ugali niyo or baka nga kahit sa gubat hindi kayo tanggapin. Ganito nalang, bawi nalang kayo sa next life okay?" Nang-uuyam kong sabi. Nakalimutan ko na kaya pala ako nandito para mag-aral hindi para makipag-away.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit may mga taong kayang magsalita ng kung ano-ano sa kap'wa nila... hindi ba sila aware sa impact nito sa amin? Ang gago lang kasi kahit anong sabihin ko sakanya para maging aware sila na nakakasakit at nakakawasak sila ng buhay ng isang taong wala naman ginagawang masama sakanila by their words ay wala pa rin. Bakit masaya bang husgahan kami? At pagkatuwaan? Bullying someone's weaker than you... do they really think it's fun?
Sadly, halatang wala na silang pag-asa kung gano'n. Siguro para sakanila isang simpleng insulto lang yon, pero para sa amin yung simpleng insulto na yon ay maaari na nitong madurog ang binuo namin na kumpyansa sa sarili. Okay nando'n tayo sa nagiging honest sila kaya sila nagsasabi ng masasakit na salita which is describing our imperfections, pero ano ba naman yung kaunting preno lang sa pananalita 'di ba? Mahirap bang gawin yon? Pero kung hindi talaga kaya, ang pakiusap ko lang naman sana ay 'wag ng ulit-ulitin at ipagdikdikan sa pagmumukha namin. Kasi unang-una sa lahat aware kami sa imperfections namin pero hindi naman namin 'to ginusto. Bakit kung may choice ba kami sa tingin niyo gugustohin namin maging ganito lang? Malamang hindi, sinong gugustohing mahusgahan ng kap'wa 'di ba?
"Sabi nila huwag daw awayin ang mga pandak... dahil masamang pumatol sa bata." He said while laughing.
His words cut like knives. Wala talaga akong mapapala kahit anong sabihin ko sakanya. Ka-bwesit! Ano pinanganak lang ba ako para magkaroon ng maraming hinanakit? Maliit na maraming hinanakit, ah pinanganak para maging malungcute. I couldn't help but let out a small chuckle because of my thought, sa joke nalang talaga ako ng utak ko natutuwa hindi sa kaharap ko.
"Alam mo bang nanununtok ako ng mas matangkad sa'kin, kapre?" I smirked.
"Ang tanong kaya mo ba, Ladezma?" He look at me intently.
"Oo naman. Maliit lang ako pero hindi ako duwag para hindi pumalag sa'yo!" Bulyaw ko sakanya habang pinupukol siyang ng masamang tingin, na sinasabing makuha ka sa tingin please.
"Hahahaha magpatangkad ka muna bago mo ako angasan... eh ang dali-dali mo pa naman bitbitin tapos isako." Nakangising sambit niya.
Lakas makabawas angas ng pinagsasabi niya sa totoo lang.
"Late kana sa balita, Martinez. No'ng umalan ng katangkaran nando'n ako sa langit tumutulong mamigay." I wink at him for the last minute.
"Hoy babaeng naka-yellow na mukhang minions—" hindi ko na siya pinansin dahil tinalikuran ko na siya. Saka ko kinaladkad si Vien papalayo. Oo kinaladkad dahil parang toinks na siyang nanunuod ng bangayan namin. Akala ko mananatili nalang itong na tahimik pero nang makahanap kami ng upuan bandang unahan sa may malapit sa bintana do'n niya na ako inulan ng mga tanong.
"Kilala mo pala si Kanluran? Bagay kayo beh. Kapre at minions." Sabi nito sabay tawa. Hindi ko alam kung nang-aasar ba 'to or ano.
Wait, ano daw?
Saka lang nagsink in ang sinabi niya. Mukha ba akong minions ngayon? I mean oo, naka-oversized yellow t-shirt ako hindi dahil sa paborito ko ang minions. Of all cartoon characters si pikachu talaga ang pumukaw sa atensyon ko. Gosh the cuteness overload which is pareho kami. Hindi lang dahil sa favorite ko si pikachu kaya ito ang sinuot ko, the other why I choose this shirt ay sa kadahilanan mapresko ang kulay yellow. Ang fresh kaya tingnan ng color na ito pero sinira niya lang ang meaning dahil pinalitan niya ng minions. Mukha ba akong mahilig sa banana? Kumakain ako no'n pero minsan lang. Peste talaga siya sa buhay ko.
"Y-Yacks kadirdir beh, kahit siya nalang ang natitirang g'wapo este gagong tao sa mundo hinding-hindi ko siya papatulan. Never! Over my sexy, hot, gorgeous and beautiful body. Tsaka magpatingin kana sa E.O. malabo na mata mo dahil hindi kami bagay kasi tao kami!" Atungal ko dito.
"Weh ba? Relax mo pisngi mo beh namumula kasi." Asik niya. Sa tono ng pananalita nito halatang nang-aasar.
H-Ha? Ako namumula? Ah kasi maiinit ulo ko syempre matik na iinit din pisngi ko. Ako kikiligin? ASA!
"Tigilan mo ako Vien baka samain ka sa'kin makikita mo." Napaikot ako ng mga mata sakanya. Naalala ko bigla yung tanong ko sa sarili ko kanina. Napakagat labi muna ako bago tumingin sakanya. "Nga pala... kilala mo pala siya? Pa'no mo siya nakilala? Bakit kayo magkakilala? Kailan pa kayo magkakilala?" Pasimple kong tanong.
"Kalmahan mo lang, beh. Mahina ang kalaban hahahaha napaghahalataan kang interesadong-interesado sakanya eh 'no? So yon nga, sila yung bago naming kapitbahay. Magkakilala kami kasi close yung mommy niya at mama ko kaya nitong mga nakaraan madalas kaming napunta sa bahay nila o 'di kaya sila ang napunta samin. Alam mo ba? Kung makilala mo siya nang mabuti malalaman mo na family oriented siya, lowkey lang, minsan naman napaka-private na tao, matured, tapos caring, has a good sense of humor beh kaya kang patawanin araw-araw, tarantado pero g'wapo beh owshii at higit sa lahat matangkad hahahaha saan kapa? Okay naman siya beh bagay talaga kayo promise kasi may nabasa ako na once a boy calls you pandak means that boy has a crush on you! Ayieeeeee!" Kinikilig na ani nito habang tinutusok-tusok ako sa tagiliran.
Fake news yon! Impossible!
"Alam mo bang nanampal ako ng madaldal, beh? Gusto mo i-try natin sayo?" Sarkastikong saad ko.
"Ang sama mo sa'kin beh huhu. Ang bitter mo kasi kaya siguro hindi kana nga pinagpala sa height pati sa jowa wala ka. Joke lang lablab beh kahit minions ka hahahaha" Hinampas-hampas niya pa ako sa balikat. Hilig nito manghampas akala siguro hindi masakit.
Ang pasmado rin ng bibig niya, dalhin ko kaya next time itak ni lods ama tapos tapyasin ko bibig niya 'no? Joke lang mahal ko 'tong best friend kong ito kahit minsan lang normal dahil madalas siyang abnormal.
"Ah gano'n personalan pala? Kamusta naman ang pagiging single dahil hindi kina-crushback ng crush niya? Ano gang ka nalang talaga? Gang-tingin at gang-pangarap nalang hahaha"
"Aray ha? Tagos to the bone. Kunting preno naman beh wag ka sana magkajowa!" Sabi niya sabay belat sa'kin saka siya tumayo.
"'Wag ka din sana i-crushback!" Binilatan ko rin siya pabalik.
Tinarayan lang ako niya ang beauty ko sabay lakad paalis. Sinundan ko pa siya ng tingin, at nang mapunta ang tingin ko sa gawi nila Martinez ando'n pa rin sila sa pwesto nila kanina. Talagang kina- career nila ang pagiging kapreng guard. Anong pake ko?
Binaling ko nalang sa ibang direksiyon at do'n ko napansin na may katabi pala akong babae. Huminga ako ng malalim para sana mag-inhale ng good vibes pero bad smell ang nakuha ko. Kadiri.
Amoy hindi naligo ng ilang linggo. Oo, body odor ang amoy gago nahihilo ako sa amoy. Kinuha ko ang handkerchief ko sa bulsa ko saka tinakpan ang ilong ko. Akala ko sa pambubully ako mamamatay sa mabahong amoy pala. Bakit kasi dito pa kami pwumwesto huhu.
Tiningnan ko yung katabi ko na prenteng nakaupo. Nasa may bintana siya kaya yung hangin na galing sa labas ng bintana na dumadaan sakanya patungo sa'kin. Ang ending sa'kin mapupunta yung amoy.
Hindi ko na matiis kaya kailangan ko nang mag-isip ng plano pa'no sasabihin sakanya yon in a nice way na may body odor siya? I mean diba dapat kapag sinasabi mo sakanya yung mali niya yung way na hindi siya gaanong masasaktan. Pa'no nga ba? a) sasabihin ko sakanya na "hi miss, amoy rosas kili-kili mo ho." Indeed this is a nice way pero baka ma-misinterpre niya kapag ito ang sinabi ko. Kasi baka isipin niya ang bango niya na ang ending hindi na lalo siya maliligo at hahayaan nalang na mamaho siya. Ekis 'to. b) tanungin ng ganito "hi, magkano tawas sainyo? Or uso ba sa lugar niyo rexona? May sampung peso ako dito bigay ko na sa'yo. Bili ka tawas or rexona ah?" ito medyo harsh na. Ekis din. c) Magjoke kaya ako? like;
Me :beh knock knock!
Her:who's there?
Me :ako maba!
Her:ako maba-who? (mabaho)
Me :yes beh, oo sobra.
Hala corny na nga ang harsh pa ng dating. Ekis na ekis din 'to. Or last but not the least, d) Mas siguro okay kung sabihin nalang mismo sakanya kesa naman sa iba niya pa malaman or pagchismisan na may ganon syang ano— amoy. May iba kase talagang 'di malinis sa katawan, or nakasanayan kaya minsan di sila aware sa sariling odor nila. Tama letter D. Kasi walang ibang term eh, kung hindi ang sabihin sakanya yun at kausapin lang ng maayos. Ma-offend man siya ayos nadin yun atleast maging aware siya.
Kakalabitin ko na sana siya nang nakita kong nagmamadaling pumasok ang lahat sa classroom. Si Vien ay gano'n din nagmamadaling maupo sa tabi kong upuan, sila Martinez naman ay pumunta sa may pinakahulihang upuan. Bago yon ay nakita ko muna siyang idako ang paningin sa gawi namin.
Anong problema nito? Sa'kin ba siya nakatingin o kay Vien? Simaan ko siya ng tingin nang makatinginan kami.
'Wag si Vien kapre. Hindi hamak na mas g'wapo kaysa sa'yo si Tristan.
"Class please be seated. Good morning!" Biglang pumasok ang isang babaeng naka-uniporme. Na sa tingin ko ay nasa 30's na ang edad at may salamin.
"First and foremost, I don't do introduction of yourself. I want to familiarize each of you by your activeness in my class. Kung baga, you'll make me remember your name using your efforts. But before we go to an orientation about my subject we'll do seating arrangements first. The arrangements will be boys and girls para walang marites na maganap. Mangyaring tumayo muna ang lahat at pumunta sa unahan. Move!" Malditang sabi ni ma'am. Ang seryoso niya kasi at nakaka- intimidate din ang dating parang any moment mangbabagsak 'to.
Mas maiigi nga ang gano'n, istrikta. At dahil nga sa pagiging istriktang dating niya ay napasunod niya agad ang lahat. Kapag naging future educator na din ako gusto ko yung ganyan pero syempre kakalmahan ko lang. Kung baga istrikta para irespeto ako pero nando'n padin yung closeness and bond ko sa mga future students ko. Haist libre lang naman mangarap.
Dahil sa pagmamadali ko kaninang pumunta sa unahan ay nakalimutan ko na dapat ko nga palang pagsabihan yung katabi ko. Mamaya nalang siguro.
"Cardinal!"
Ah siya pala si Cardinal. Buti malayo ang Ladezma sa Cardinal kung hindi baka napaaga ang pagkamatay ko. Nakakahilo kasi ang amoy, na nakakasulasok din, tapos masakit sa ulo.
"Castillo!"
Ay kawawa 'tong lalaking ito kasi ewan ko nalang kung makayanan niya. Bawi nalang sa second life. Hindi ko pa naman nasasabihan si Cardinal.
"Centrival, sit next to Mr Castillo."
Isa pa 'tong bestfriend ko. Kawawang bata.
"Flores!"
"Esteban!"
"Next row, Garcia!"
"Hermojeno!"
"Lafuente!"
"Ladezma!"
Nang mabanggit ang aking apelyido ay napakagat ako ng labi. Feeling ko kasi may hindi magandang mangyayari. Ako lang ba o praning lang talaga ako?
"Next to Miss Ladezma, ay si Mr Lameseria..."
Haist nakahinga ako do'n ng maluwag. Akala ko may mangyayari nang hindi—
"Ma'am absent po si Lameseria!" Sigaw ng mga kaklase ko.
"Oh he's absent, okay I'll give him seat na lang sa likod dahil absent siya. Next to Mr Lameseria is Mr Martinez. Mr Martinez sit next to Miss Ladezma!"
Parang nagloading ang mundo ko nang banggitin ni ma'am ang apelyido ng katabi ko. Kung kanina gustong-gusto si ma'am ngayon parang nagbago na isip ko.
Peste din 'tong Lameseria na 'to. 'Wag na sana siya pumasok ever!
Isa pa 'tong kapre na papalapit sa'kin, ngiting aso ang gago habang papalapit siya sa'kin.
Inirapan ko siya dahil sa frustration ko ngayon.
"Pa'no ba yan minions mukhang tayo talaga ang tinadhana na nararapat para sa isa't-isa hahahaha!" Pang-aasar niya nang makaupo sa seat niya. Baka itinadhana kamo para magpatayan.
"Nice joke, 10/10 kasi maganda yung construction ng joke. Gumamit ka ng matalinhagang salita para impactful yung joke mo. Yung delivery and timing ay on point, madaling magets at higit sa lahat relatable siya. In short perfect ng joke mo. Keep it up malayo ang mararating mo... hanggang Mars." I gave him my most sarcastic smile and slowly claps my hands. Animo'y proud na proud sa sinabi niya. "Natawa ako, mga three times. Ha! Ha! Ha!"
"Hahahaha laughtrip ka, minion." Tumawa siya ng malakas habang rinig ko naman ang pagpipigil ng bungisngis ng mga katabi namin.
"Mr Martinez and Miss Ladezma, aba mamaya na yung harutan niyo diyan at magsisimula na tayo sa introduction and orientation at the same time." Nanlalaking matang sabi ni ma'am.
Tapos na pala sa arrangements at magsisimula na ng klase.
"Sorry, ma'am."
"Pasensya ho, ma'am."
Sabay naming sabi ni kapre Martinez. Dahil do'n ay Nagkatinginan kami, nginitian niya lang ako at pinataas-baba pa ang dalawang kilay. Nang-aasar talaga 'tong gago na 'to.
At dahil naiinis ako sa ginawa niya ngiwian ko siya at inirapan matapos.
"Yieeeeeeee sana all!" Gatong ng mga kaklase kong ma-issue.
"Wosssh mamaya niyan kayo nagkatuluyan!"
"Waaah ang cute may chemistry yieee."
Chemistry my ass!
"Oo nga para kayong si David and Goliath hahahaha!"
Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko at naririnig ko rin ang kanilang hagikhikan.
Nagtawanan ang mga kaklase kong ma-issue na nga ma-real talk pa.
Gagstick kung may choice lang ako hindi ako uupo dito sa napapalibutan ako ng mga g'wapo este gagong kapre.
Bale ganito ang seats namin.
Second row sila Vien; Cardinal, Castillo, Centrival, Flores, Esteban.
Third row which is happens to be our seats; Garcia (kapre no.3), Hermojeno, Lafuente (kapre no.2), Ladezma, Martinez (kapre no.1)
Yes, you heard este you read it right! Napapagitnaan ako ng mga kapre. Si Garcia at Lafuente ang kasama nitong Martinez na 'to sa pambubully sa'kin no'ng elementary ako.
Gosh! What to do?
Edi makinig. Ang tamang gawin na lamang ngayon ay makinig sa leksyon.
"Quiet, Class. First, I'm Mrs. Luz Francisco Rosanes. I'll be your adviser and General Biology 1, so expect that I'll be strict in terms of accomplishing your activities on time. Plz take note that every activtity, a corresponding ample time was given hence you have NO REASON not to accomplish it on time. For those who will NOT BE ACCEPTED the activity or FAILED to submit the prerequisites in my subject this only means you submitted beyond the deadline. Ayokong makakarinig ng kung ano-anong mga rason, or reklamo. Passing on time, take note that you must be aware that its a basic need once you enrolled. For those with concerns such as poor internet connection, working students, etc. You are aware that that is your situation, hence you need to double your effort. Take note YOU ARE A STUDENT. Now if you think that there will be things that may be sacrificed because of your situation you need to rethink and learn to prioritize. Now I want to familiarize you and your names. I don't do introduce yourself in front, instead I'll ask a question you need to answer. Failed to answer my question... will get zero to your first quiz since I consider this as a quiz and recitation. There I'll be able to familiarize you as I graded your performance at diyan na rin ako magbabase sa mga dapat kong mas pagtuonan sa pagtuturo. Am I making myself clear here?" Mahabang ngunit may diin nitong sambit.
"Yes, ma'am!"
"Opo, ma'am!"
"Mas malinaw pa sa mga relasyon na nagkakalabuan na, ma'am!"
"Crystal clear ho, ma'am!"
I rolled my eyes when I'm observing at him. Maloko talaga 'tong kapre na 'to, kitang nakakakaba na nga ang pagkaseryoso ni ma'am nakuha pang humugot!
"Alright, we'll start with Mr Martinez next will be Miss Ladezma since they're chitchatting earlier so I'm expecting too much from them na may ma-sheshare din kayo about our lessons. Right, Mr Martinez and Miss Ladezma?" Umalingawngaw ang boses ni Ma'am Rosanes sa buong silid na animo'y pinapagalitan niya ang pasaway na kaklase ko.
My mouth was form into 'O'. Grabe ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko, first day of class recitation bungad! Kasalanan mo 'to Martinez, peste ka talaga!
Binalingan ko siya nang tingin at ang gago nakangisi lang. Halatang nanghahamon ang gagong 'to. Akala siguro uurungan ko siya, p'wes hindi na ako gaya ng dati na duwag para hindi siya patulan.
Humanda ka dahil ipapakita ko sa'yo kung sino ang mas magaling!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด