logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Nagising ako sa reyalidad nang bigla itong nagsalita.
"We meet again, Ladezma." He smiled widely while looking at me. Muntik na akong ma-out of balance dahil sa gulat buti nalang nasalo niya ako!
What nasalo?! Oh my gulay, nakahawak siya sa waist ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung dapat ba akong kiligin or what. Pero yuck lang ah? Bakit naman ako kikiligin?
How can he smiled like there's nothing wrong happened?
So dapat ba akong matuwa dahil naaalala niya pa ang apelyido ko o mairita?
Umayos ako ng tayo at iniwas ang kamay niyang naka-alalay sa baywang ko. Wala akong ibinigay na kahit anong expression sakanya, after all, he deserves it.
"Ayos ka lang ba?" May bahid ng pag-aalalang tanong nito sakin. So gano'n na lang yon? Acting like nothing happened?
Na parang wala siyang ginawa na makakasakit sa damdamin ko.
Baka nakakalimutan niyang hindi biro ang mga pinagdaan ko dahil sa pambubully niya. Kung para sakanya wala lang yon p'wes sa'kin bigtime yon.
Ano pa nga ba naman ang aasahan ko sa gagong 'to? Ang mga bully na katulad niya walang pakialam sa nararamdaman ng taong binully nila! Ang tanging alam lang niya ay manakit, wala ng iba. Akala siguro nila hindi sila nakakasakit.
Hindi ko siya pinansin at napagpasyahan talikuran na lang. Nakakagago naman kung after ng mga ginawa niya sakin ay iniisip niyang papansinin ko parin siya. Like duh! Kahit humingi siya ng kapatawaran ng maraming beses ito lang ang masasabi ko sakanya, apologies means nothing if the pattern remains the same.
Maihahalintulad ito sa sugat na naghilom nga ngunit nag-iwan naman ng malaking peklat na kailan man ay hindi maaalis lumipas man ang maraming taon.
"Sandali!" Sigaw nito ng medyo makalayo na ako sakanya. Anong problema nito?
Nanatili ako sa aking ginagawa, which is mamili ng mga dapat kong bilhin. At hindi siya pinansin na parang hindi siya nag-eexist dito sa earth maging sa whole universe.
Huminga ako ng malalim. Tama, wala akong nakita at naririnig man lang.
"Hoy sandali, Kemelee Jade!"
At talaga natatandaan mo ang pangalan nang minsang binully mo ah? No'ng mga bata pa tayo never mo akong tinawag sa pangalan na yan. Lahat na yata na mga masasakit na pangalan tinawag mo na sa'kin.
Tama yan, tandaan mo ang pangalan ko para hindi mo makalimutan na nakasakit ka.
"Wait, Bulinggit!"
Wala akong naririnig. Tuloy sa paghahanap ng dapat na bilhin. Dahil ang mga katulad mo ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon.
Bukod sa wala kang kwentang tao, anong pake ko sayo? G'wapo ka sana pero ang gago!
"Bansot!"
Hinding-hindi kita papansinin. Nagsisimula ka na naman sa pagtawag sa 'kin ng kung ano-ano. Hindi mo alam lalo mo lang dinagdagan ang inis na nararamdaman ko sa'yo. Malapit na talaga at bibinggo kana sa'kin!
"Pandak!"
Lakas makagago! Bahala ka diyan, magdusa ka. Wala akong naririnig at mananatiling walang maririnig kung boses mo lang din!
Pinagtitinginan na siya ng mga taong namimili din. Pa'no ang lakas ng boses, ako ang nahihiya para sakanya. Baka isipin ng mga tao baliw 'to.
"Duwende!"
Mamaos ka sana sa kasisigaw. Binilisan ko ang paglalakad ko, next time nalang siguro ako bibili ng iba pang requirements. Ang mahalaga ngayon ay matakasan ko ang kapre na 'to.
Nagpunta na ako sa counter, sa labas ko nalang siguro hihintayin si Vien. Mukhang busy din kasi siya sa pamimili, ni-hindi ko nga mahagilap kahit anino niya.
"Miss ikaw ata tinatawag nung lalaki kanina pa," sabi sa'kin ng kahera na kaharap ko ngayon.
Wow lang ha! May nabanggit lang na bulinggit, bansot, pandak at duwende ako na agad? Ako lang ba dito ang maliit na tao?! Sampalin kita diyan ng hard ate eh!
Lumingon-lingon ako sa paligid para maipamukha dito sa kaherang ito na hindi lang ako ang maliit dito na p'wedeng siya ang tinatawag ni kapre.
Lingon sa kanan, may mga babaeng maganda. Mukhang magkakaibigan silang lahat at busy sa ginagawa nila. Ekis kasi matangkad sila, actually p'wedeng- p'wede na silang maging model sa height nila. Edi wow sila na pinagpala.
Lingon sa kaliwa, puro mga lalaki ang nandito may babae naman pero matanda na. Ekis din sila!
So ako lang pala talaga?
Baka naman mayro'n pang iba, baka sa second floor? 'Di ba? Hindi lang naman ako ang pinanganak na maliit dito sa mundo.
Tingin sa likod, ops wrong move. Nasa likod ko na pala si Martinez at hinihingal siya.
"Hoy babaeng kinulang sa height, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba ako naririnig?" He harshly said or sadyang ganyan talaga siya magsalita? I don't know, I really don't know at wala akong balak na alamin pa.
"Excuse me? Sorry but I don't talk to strangers," I shyly answered. Akala mo ikaw lang ang kayang magpanggap na parang walang nangyari ah! P'wes nagkakamali ka, I can also mastered the act of pretending as if you didn't exist in my life. As if I didn't know you, Martinez.
"Akala ko ba magiging who you lang ako sa'yo kapag tumangkad ka, Ladezma?" he asked while slightly laughing.
I'm sure he's enjoying this. He's enjoying to tease me.
Can't he just get lost?
I gritted my teeth sa palihim na paraan and I used that opportunity to do a force smile.
"I guess, you've got the wrong person. I should go, Marti- Mister." I hurriedly pay my things saka siya tinalikuran. Muntik na yon ah? Pahamak talaga 'tong bibig ko na 'to.
Pero wait, naalala niya pa mga huling salita na binitawan ko sakanya? Nakakahiyang pangyayari yon. Malay ko bang makikita ko pa siya akala ko naman stay na Lang siya sa past.
FLASHBACK
This is the day I've been waiting for. Kung saan makakatakas na ako sa pesteng kamalasan na natamo ko dito.
Ang araw ng aming pagtatapos sa elementarya. Ilang araw rin namin itong pinaghandaan, ang pagmartsa sa ginta ng stage.
"Pinaaanyayahang umakyat rito sa entablado ang ating Valedictorian, Binibining Kemelee Jade Ladezma. At bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan para sa kaniyang talumpati." Anunsyo ng punong-abala. Tumayo naman ako at nakangiting umakyat ng entablado dahil dumating na ang oras ng aking pagtatapos. Sinuotan ako ng medalya at inabutan ng diploma bago pinapunta sa gitna kung saan ako magbabahagi ng aking talumpati.
Nagpapalakpakan ang mga tao. Agad na inikot ng mga mata ko ang paligid at agad na napangiti ng malaki nang makita ng mga mata ko ang hinahanap nito.
"Magandang araw po sa ating lahat at sa kapwa ko mag-aaral. Narito ako sainyong harapan dahil marami akong nais pasalamatan. Unang-una nais kong magpasalamat sa Panginoon, sa lahat po ng biyayang binigay niya sa akin at sa aking pamilya. Pangalawa, gusto ko rin pong pasalamatan ang aking mga guro at mga kamag-aral na isa rin sa mga dahilan kung bakit po ako narito ngayon sa harapan ninyo. Salamat po sa suporta. At pang huli po, ang taong pinakadahilan kung bakit ako naandito sa mundong ito at nakatayo sa entabladong ito. Ang taong pinakagusto kong pasalamatan sa lahat, ang aking mga magulang," taas noo kong sambit at tumingin sa kanila.
Nakita ko naman sila na nakatingin din sa akin. Naluluha man ngunit nababasa ko sa kanilang mga mata ang pagkagalak. Ngumiti lamang ako sa kanila.
"Mama, papa, maraming- maraming salamat. Salamat kasi kayo ang nagsilbing inspirasyon sa'kin. Alam ko pong hindi sapat ang salitang salamat para pasalamatan kita sa lahat ng sakripisyong ginawa mo, mapagtapos lamang ako. Sobrang nagpapa- salamat ako dahil ikaw ang naging mga magulang ko. Kung mabubuhay man ako ulit sa susunod na panahon, hihilingin kong kayo pa rin ang maging magulang ko. Gusto ko din magpasalamat sainyo dahil sa pagbibigay sa akin ng isang regalong hindi matutumbasan ng iba o ng ilang limpak na pera. Ang pagmamahal. Salamat sa pagmamahal niyo. Sa walang katapusang suporta na ibinigay mo." Pinunasan ko ang mga pumatak na luha at ngumiti sa lahat ng tao.
"At sa lahat po na naririto sa seremonya ng aming pagtatapos, hindi ho hadlang ang kahirapan sa pag-abot ng pangarap. Basta't ikay magsusumikap, ikaw din ang aani sa tinanim mong pangarap. Sapagkat ikaw din ang makikinabang sa hinaharap. Pagbalibaliktarin man natin ang mundo, iisa ang ating pangarap at hangarin sa buhay. Iba-iba man tayo ng nilalakarang daan, pareparehas naman tayo ng patutunguhan. Kung madapa man ng ilang beses 'wag kang matakot sumubok ulit. Maraming pagsubok, laban lang ng laban. Pero kung mabigo ka ulit, tuloy lang ang buhay. Laban lang ng laban. Dahil masasabi kong ang pinakamahirap kalaban ay ang taong hindi sumusuko at may pangarap. Our graduation marks not the end but just the beginning of a new journey in establishing ourselves and carving our niche on the great scheme of things. Always keep praying and strive to be the best whatever toil you are into. May we become all that we have dreamed to be. Maraming salamat sa pakikinig."
Nagpalakpakan ang mga tao-
YON SANA DAPAT ANG MANGYAYARI SA ARAW NG GRADUATION NAMIN KUNG HINDI KO LANG SIYA NAKILALA!
Pero hindi, simula nang dumating siya sa buhay ko nagkandaletse- letse na ang buhay ko. Hindi ko natupad ang pangarap kong maging valedictorian. Kasi kung hindi ko siya nakilala, walang mambubully sa'kin. Hindi rin sana bababa ang tingin ko sa sarili ko. Kung hindi ko siya nakilala hindi sana ako uuwing umiiyak araw-araw. Kung hindi dahil sa mga ginagawa niya hindi sana ako distracted sa pag-aaral ko, hindi sana ako madalas aabsent, hindi sana ako mawawalan ng gana pumasok araw-araw sa klase, sana kasali din ako sa mga honorable mention ngayon.
Ang mas masakit... ako sana. Ako sana ang mag-sspeech ngayon diyan sa harapan hindi... siya.
Ang unfair lang!
"Let's give around of applause for our Valedictorian, Westley Eros Martinez!"
I almost tear up hearing his name because that name shattered my heart. Dapat maiiyak ako sa speech ko hindi dahil sa hindi ako nakapag-speech.
Nagpalakpakan ang lahat nang tumayo ito habang nakangiting inakay ang mommy niya papunta sa stage.
Nang maisabit na sakanya ang medalya ay oras na para sa pag delivered ng kanyang speech.
"My warmest greetings and congratulations to all my fellow students! Today is the end of our elementary journey that has birthed us a new stage for our life. I thank my teachers, learning facilitators, coordinators and stuffs. I learned a lot in this school, which is patience and perseverance, building my self-determination in learning academics and technical knowledge. But the ultimate learning is the word of God, faith in God, before anything else in this world. So let us go cheerfully, hopefully, and earnestly and set ourselves to find our especial part. When we have found it, willingly and faithfully perform it, for every obstacle we overcome, every success we achieve tends to bring man closer to God and make life more as He would have it. One thing is sure, that no matter how far I go, whatever I go to and whatever success my own journey will reach, this school, who made a big part for the realization of my dream. The credits is yours my alma mater. To my fellow students, let us all chase our dreams. The near future may seem to be rough, but all it takes is for you to have faith. Once again, congratulations to all of us. Godspeed in the way ahead!"
Nagpalakpakan ulit ang lahat matapos ang talumpati niya. Nanatili akong nakayuko while clenching my fist. Mas diniinan ko pa ang pagkagat sa pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha.
Mas lalo lang akong nanlumo ng magkatinginan kami sa mga mata. Halatang masayang-masaya siya. Napailing na lang ako sakanya bago umalis hindi pa man natatapos na ang seremonya ng aming pagtatapos. Ano pang dahilan ng pag-stay ko dito kung nakuha ko na naman ang diploma ko?
Nang makalabas ako sa stadium, doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
I sat down, curled my knees, held them tightly and there I cried. I cried until there's no left tears to cry.
"Again, congratulations, good luck and mabuhay, dear graduates!" After nun isang malakas na palakpakan ang naganap hudyat na tapos na.
Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang aking mga luha, dumiretso ako sa CR para makapaghilamos.
Nang lumabas ako ay nagtungo na ako sa parking lot kung saan nakapark ang motor ni papa. Ngunit habang binabaybay ko ang daan ay nakita kong papunta sa direksiyon ko si Martinez.
Anong problema nito? Malamang aasarin na naman ako nito. Tutal walang araw ang lumilipas na hindi niya ako inaasar.
"Bansot!" Hindi ko siya pinansin pero natigilan ako ng magsalita ulit ito.
"Bansot hindi ka pa rin nalaki pero graduate kana! Hahahaha dapat sa'yo dito lang tutal dito nababagay ang height mo. Height mong pang- elementary." Tumawa siya matapos niyang sambitin ang mga katagang yon. He laughed silly and hard.
"Sabi nila, habang may buhay may pag-asa pero hindi do'n kasama ang tatangkad kapa dahil pandak kana talaga hahahaha" he joked. But I wasn't in the mood for that.
Sinubukan ko ang sariling huwag umiyak sapagkat ayaw kong makita niyang mahina ako. Ayokong ipakitang ang laki ng epekto niya sa akin. Ayaw ko pero tinatraydor ako ng puso ko. Ang bilis ko kasing masaktan kaya napakaiyakin ko talaga.
Wala na sana akong balak pang pagtuonan ng pansin dahil masyado pa akong nasasaktan sa nangyari ngayong araw ngunit masyado siyang papansin at ang sakit lang ng mga pinagsasabi niya. Wala ba talaga siyang puso? Baka lang naman p'wede, dahil graduated na kami ay mag-graduate na din siya sa pambubully.
"Alam mo namang sakitin akong tao tapos sinasaktan mo pa ako. Masaya ka bang nasasaktan ako? Hindi ako nagrereklamo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi rin ako nasasaktan." I wiped my tears and laugh emptily. Natigilan naman ito sa pagtawa, nagulat siguro siya dahil ngayon lang ako nagsalita sakanya.
Kapag binubully kasi nila ako hindi ako umiimik. It's more like tinatanggap ko lang mga pinagsasabi nila and feel the pain.
"I hate you, Martinez! I hate you sagad! At kapag... kapag tumangkad ako, who you ka sa'kin. Makikita mo!" I tried to hide the pain in my voice.
Huling mga katagang iniwan ko sakanya bago ako tumakbo ng mabilis palayo sakanya.
I hate really hate you, Martinez. I hope our paths will never cross again.
END OF FLASHBACK
Bakit ko ba naman makakalimutan ang araw na yon?
Nakakahiya, no'ng mga oras na yon umaasa pa akong tatangkad ako. Pa'no parating sinasabi nila mama na bata pa daw ako at marami pang p'wedeng mangyari. Tama nga si Martinez hindi do'n kasama ang pagtangkad ko.
Malay ko ba? Bata lang ako no'n, narealize ko nang mag- 16 years old ako na ito na talaga ako. Ang maaari ko nalang gawin ay tanggapin.
Habang naglalakad ako patungo sa pintuan ng store ay may sumabay sa akin. "Hindi ako maaaring magkamali, ikaw si Ladezma. Ka- height mo eh." Pagkukwento niya, hindi talaga papatalo 'tong tao na 'to.
Nang lingunin ko siya sa side ko, do'n ako lalong nanliit sa sarili ko. Hanggang balikat lang niya ako. May lahi ata 'tong kapre, palahi kaya ako? Charot kung sakanya lang din 'wag nalang!
"Kulit ng lahi mo 'no?" Tanong ko.
"Oo makulit talaga lahi namin at matatangkad rin. Papalahi ka, Ladezma? Free ako today." He said while grinning at me. Kailan pa naging madumi utak nito?
"Kadiri, Martinez! Kung sa'yo lang din, nevermind nalang. Okay na ako sa kung anong mayro'n ako."
"Aha huli pero 'di kulong! I'm just testing you, turns out na hindi kana makakapagsinungaling pa sa 'kin, Ladezma. There, the truth has been said. You know me." He raised her eye brows and I can see the eagerness to get the answer coming from me.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?" pa-inosenti kong tanong na halos mautal pa.
"You just called me by my surname earlier. Means you know me, aminin mo nalang kasi. Huli kana dideny pa," He frowned.
"Fine. What do you want now, Martinez?"
Ako naman ang napasimangot dahil humakbang siya nang malaki at humarang sa daraan ko.
"Wala naman. I just want us to talk."
"Talk about what? Sa pagkakaalam ko wala tayong dapat pang pag-usapan. We're not friends from the past anyway." Pagsusungit ko dito, humakbang rin ako sa bandang kaliwa niya para makadaan. Pero mabilis siyang gumalaw at hinarang ulit ang katawan niya sa harapan ko.
Yumuko siya nang kaunti para magkapantay ang mga mukha namin. Seryosong-seryoso ang expression nito habang titig na titig sa akin. Animo'y hindi gagawa ng kagagohan, pero asa naman.
Hindi ko namalayang napatitig na din pala ako sakanya kaya umatras ako. Baka ano pa isipin niya, like patay na patay ako sakanya. Mahirap na! Well, wala namang masama noh? He's just so undeniably handsome kaya 'di niya ako masisisi.
Handsome siya no'ng una kaming magkita pero ngayon slight nalang.
"Bansot-"
"Huwag mo ng pahabain, Kapre. Tell your side nang makaalis na ako," seryosong saway ko.
He patted my head and smiled teasingly.
"Ang bilis ng panahon 'no? Dati maliit ka ngayon maliit pa din. Wala naman nagbago, bumilis lang yung panahon." Ani niya then burst out laugh after.
"Tapos?" walang emosyong tanong ko. Ilang beses ko na 'yang narinig sa kaniya. Nakakasawa. Hanggang kailan niya ba balak ipamukha sa'kin na ako yung babaeng kinulang sa height?
"Hindi ka ba napapagod? Kasi ako oo. Pagod na pagod na akong makinig sa mga sinasabi mo sakin."
He opened his mouth to say something but nothing came out so I continued.
"I know that you're saying was a mere fact about me or just a constructive criticism. But don't use constructive criticism as an excuse to drag someone down. If it means like a backhanded statement, it is not developmental. If it sounds like you're insulting the person, that's destructive. If it's done to throw prejudice on someone, it's nitpicking and very unnecessary. Constructive criticism is meant to help others to develop, so it must be healthy not detrimental. Next time, learn to discern what you should give and what you should take- criticism might be of disapproval but one should not use it for fault-finding. Please, do not be a part of a carping crowd, be civil then if not kind, for you never know what everyone is going through. They are human trying to make a living just like others too. Before you judge someone else, better to know them first. If you're bullying someone just because you want to go with trends, better stop. You'll never know how it'll affect them when they didn't do anything wrong to you." Puno ng galit ang puso ko habang sinasabi ang mga iyon.
"I know," yumuko siya habang ako ay nakatitig sa kaniya.
"Kems!" Napaigtad ako dahil sa pagtawag sa akin nang kung sino.
That's Vivien, such a blessing in disguise. Kinuha ko yon opportunity para makatakas sa taong nasa harapan ko.
I left him without him saying anything, I left him dumbfounded or baka hindi niya naintindihan? Pure english eh! Joke!
Matalino siya, kaya malamang maiintindihan niya yon. Ngunit nasa sakanya na yon if susundin niya ang payo ko sakanya. Nakakasama lang ng loob kung hindi, ang hirap kaya mag-explain in english!
Tumakbo ako papunta sa direksiyon ni Vien na may dala-dala ng mga supot. Sa second floor siguro siya namili kaya hindi ko siya nakita dito sa baba. Dalawang floor kasi itong school supplies na 'to, p'wede kang sa taas mamili p'wede rin naman dito sa baba. As for me ayaw kong masyadong mapagod kaya I choose the easiest way para hindi na magpakapagod. And most of all, tamad ako umaykat ng hagdan.
"Kems kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala! Tapos makikita kong may kausap kang lalaki. Aminin, sino yon? Kilala mo ba yon? Kaibigan mo? Hindi ko alam na may iba kapa palang kaibigan bukod sa'kin." Sabi niya habang nakaturo sa kinatatayuan
Napangiti ako ng hilaw sa sinabi niya.
Kaibigan? No way!
"Hindi ko kilala beh. Bigla nalang akong hinarang. Creepy na talaga ngayon ng mga baliw. Magaganda na ang pinupunterya." I said habang umiling-iling.
Napalingon ako sakanya nang tumawa siya sa sinabi ko as if I joked.
"Bakit ka tumawa? Hindi ako naman nagjojoke."
"Ay hindi ba? Akala ko oo hahahahaha nakakatawa kasi." Saad niya habang tawa ng tawa.
"Sige lang tumawa ka lang baka saan pa yan lumabas. Bwesit!" Pagtataray ko sakanya.
"Bakit ang seryoso ng aura niyo? Mukhang seryoso pinag-uusapan niyo kanina," puna niya.
"Wala lang yon. 'Wag mo nalang pansinin, beh. Hindi ko kilala yung Kapre na yon." I laugh a little.
"Okay, sabi mo eh." Hindi na siya nangulit pa't nag-aya ng umuwi. Nahalata niya sigurong ayaw kong pag-usapan. Hinatid ko siya kung saan ang sakayan ng tricycle. Nagpaalam na din kami sa isa't-isa at sinabing chat chat nalang kung nakauwi na.
That day, umuwi akong lutang. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang nangyari. Nagsimula na akong kabahan at matakot. Paano kung magkita ulit kami?
Ay oo nga pala, one thing I must put in my mind.
WALA AKONG KILALANG KAPRE!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด