logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Once upon a lifetime

Once upon a lifetime

Andromaeda17


Chapter 1

KEMELEE'S POV
"Kemelee!" Sigaw ng kung sino kaya agad akong napabangon.
"SUNOOOOG! SUNOOOOG! NASAAN ANG SUNOG?! TATAWAG NABA AKO NG BOMBERO? SINO-SINO SUGATAN? MALALA BA? KAILANGAN KO NA DIN BA MAGTAWAG NG AMBULANSYA?" Sunod-sunod na tanong ko, mababakas rin ang sindak at pagkabalisa sa aking tinig.
Sino ba naman ba naman ang hindi ang hindi matataranta kung ito na ang katapusan mo, hindi ba?
Isang batok ang tuluyang gumising sa aking diwa. Gagstick pa'nong di magigising diwa ko do'n sa batok na 'yon eh pakiramdam ko halos nawalan na ako ng leeg. Ang sakit try niyo minsan batokan sarili niyo para magising sa katotohanan na may ibang nais ang irog niyo. Oha! Isang hugot para sa agahan.
"Bitch walang sunog. Ang OA much ha!" Kahit wala pa sa wisyo ang aking utak- kung mayro'n man, alam na alam ko kung kanino galing ang boses na iyon dahil walang iba kundi sa kapatid kong bida-bida. "...gumising kana daw sabi ni lods ina. Lagot ka, Bitch! Nagbasa kana naman siguro ng libro hanggang madaling-araw 'no?!" Alam kong sinadya niyang lakasan ang boses niya para marinig ni mama na malamang sa malamang ay nasa kusina ngayon at nagluluto.
Bakit niya kamo lalakasan, 'yon ay dahil nga bida-bida 'yang kapatid kong 'yan. Siguro para mas lalong magalit si mama at nang siya ang gumising sakin ngayon. Aba eh sino nga ba naman talaga ang gaganahan gumising sa nilalang na katulad ko na nabansagan na nga ako ni lods ama bilang si Magdalena. Hindi dahil sa isa akong kalapating mababa ang lipad, aaminin kung maharot ako sa maharot pero hindi ako prostitute. Binansagan ako ni lods ama sa pangalang Magdalena dahil tulog sa umaga gising sa gabi. Book is life pa!
Psh bahala siya diyan. Antok pa ako. Kakapikit ko palang ata nang mga mata ko, hindi ko man lang naramdaman na nakatulog ako. Tinapos hanggang epilogue 'yung binabasa ko kagabi. Pakiramdam ko hinihila pa ako pabalik sa malambot kong higaan samantalamg bumubulong naman ang aking paboritong unan na siya'y aking hagkan. At dahil na rin sa temptation na dulot nila hindi ko na napigilang humilata ulit at bumalik sa naudlot kong pagtulog.
"Hoooy! Gising na sabi eh!" Sigaw pa niya at dahil ayaw kong marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan. May naramdaman akong gumagalaw sa may talampakan at nagdulot 'yon ng kakaibang kiliti kung kaya't agad ko iyon sinipa nang malakas. Gagstick may kiliti ako sa talampakan eh.
"Aray ko! Hanep talaga 'to! Ma, naninipa na naman siya. Ayaw talaga gumising!" Sumbong niya kay lods ina hanggang sa kusina. Siya pala nasipa ko, parang toinks kasi alam naman na may kiliti ako doon tapos tatargetin niya pa.
"Hilain mo pababa hanggang sa mahulog sa higaan!" Sigaw din pabalik ni lods ina sa kapatid kong bida-bida panira naman ng araw. Badtrip naman o-oh. Aga-aga puro sigawan. Minsan abnormal talaga ng pamilya ko eh. AY hindi pala minsan lagi, lagi silang abnormal. Ako lang ata matino dito.
At iyon nga ginawa sakin ng kapatid ko, hinala ako sa paa habang sinisipa ko naman siya. Dahil kung hindi ko siya sisipain malaglag ako sa higaan. Nakipaghilaan pa sakin ng kumot ko ng may pumasok na ideya sa utak ko. Nilagyan ko ng malakas na puwersa ang pagkakahawak sa kumot at ganon din siya nang biglang...
Isang malakas na tunog Ng bumagsak na bagay ata ang narinig ko. "A-Ah aray ko po..." Tiningnan ko siya, ayon plakda sa sahig. Siya pala 'yung bumagsak tumilapon kasi pagkatapos nang biglaan kong pagbitaw sa pakikipaghilaan ng kumot. Buti nga sakanya, ang kulit-kulit kasi! Pero masasabi kong worth it rin naman kahit kunti ang paglet go ko sa kumot ko.
Bumangon ako para umayos sa pagkakahiga. "Tsk! Natutulog 'yung tao eh." Iritableng pagtataray ko sabay talokbong ulit ng bagong kumot. Nakuha ko lang sa tabi, malamang sa isa ko itong kapatid. Apat kaming lahat na magkakapatid. Apat kaming mga babae at kaming apat ang magkakatabi matulog sa iisang kwarto. Okay lang na magkakatabi kami kasi pare-parehas naman kaming mga babae at isa pa malaki naman itong higaan namin. Mas komportable kaming magkakatabi matulog kaya gano'n.
Back to reality tayo. Gising na talaga diwa ko kanina pa, duh sino kayang hindi magigising pagkatapos mabatokan ng malakas, sigaw-sigawan at binalak hilain hanggang sa mahulog sa higaan?
Although, sanay na kami sa ganitong set up. Ganon talaga way ni mama kapag ginigisingin kami. Este ako lang pala since ako lang naman pinakamahirap gisingin sa aming apat na babae. Ang totoo antok na antok pa talaga ako kaya ayaw kong bumangon pa. Paanong hindi ako aantukin eh pasado alas-tres y media na nang umaga ako natulog kagabi bumangon pa ako para magcharge ng cellphone. Nalowbat kasi nga tinapos ko pa hanggang sa epilogo 'yung binabasa ko.
Romance tapos slight action ang genre kaya hindi ako nainip sa pagbabasa. Hanggang ngayon hindi ko mapigilang kiligin sa ending. Tama nga ang isa sa mga kasabihan ng matatanda, na sa hinaba-haba ng prosesyon ay sa kasalan parin ang tuloy. Pero impossible namang mangyari ang gano'ng istorya sa totoong buhay, 'yung tipong binubully ka lang noon tapos siya pala ang makakatuluyan mo pagdating ng tamang panahon.
Ang unfair! Bakit dito sa totoong buhay ang mga bully madalas ang sarap ibalibag. Minsan ang sarap din ipatapon sa bermuda triangle. Ang sarap sipain papuntang Mars. Hindi mo pa papangarapin na makasama habang buhay at mas gugustohin mo na maglaho nalang sila o kaya naman ay sana lamunin na ng lupa. Higit sa lahat hindi mo gugustohing mahalin dahil wala silang alam gawin kundi ang manakit ng damdamin dahil sama ng mga ugali nila.
Walang ginawa kundi gawin kang katatawanan. I-bubully ka hindi dahil na-love at first sight sila sayo kundi dahil sa kapintasan mo. Kairita kasi tapos kung ano-ano pang itatawag sayo, hindi man lang gumaya kay Sensui at Taguro sa He's into Her. 'Di ba? Kung katulad sana ni Sensui ang mambubully sayo at ang dahilan kung bakit ka binubully ay dahil na-love at first sight siya or sabihin na nating napukaw mo ang atensyon niya edi okay lang. Kaso hindi! At kung sa lahat ng mga bully at binubully ay nagkatuluyan pwes mananatili nalang 'yon sa mundo nila, dahil dito sa totoong buhay hindi 'yon mangyayari pagbalibaliktarin man natin ang mundo, magunaw man ang mother earth, bumaha man ng lava, never.
Pfft bitter na kung bitter, pero ang katwiran lang na maiibibigay ko sainyo ay walang sino man ang taong gugustohing makatuluyan ang minsang nagpahirap sa buhay mo. Walang sino man ang nanaisin makasama ang minsang nanakit sa damdamin mo at dahilan kung bakit naging miserable ka. At higit sa lahat, hinding-hindi mo matutuhang mahalin ang minsang dumurog sa pagkatao mo.
The end. Charot. Enough sa mga drama. Nagsisimula pa lang ang kwento ko. Ni hindi pa nga nakakapagpakilala the end na agad. Ako lang naman ang pinakacute na nilalalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Pangalan ko ay-
"Bitch bumangon kana kasi! Ako pagagalitan ni mama sa'yo niyan eh." Pag-iinarte nito. Panira talagang babae 'to kitang nagmomonologue pa 'yung tao. Nasira tuloy pati introduction ko sa sarili ko.
Aba nakatayo na pala siya medyo malayo layo na sakin, ayaw na atang matatluhan ko. Una nasipa, pangalawa tumilapon, serves her right. 'Di ba nga may kasabihan tayo na 'kantihin mo na lahat damay mo na rin pati lasing 'wag lang ang bagong gising at baka ikaw ay 'di na magising. Ganon ba 'yung kasabihan? Aish ewan parang wala namang ganon.
Humarap ako sa kapatid, "Five more minutes, bitch. Pretty please? Five minutes nalang." Pakiusap ko dito, mahinahon na iyon ah with matching puppy eyes. Syempre kailangan gano'n para pagbigyan. Alangan namam ikaw na humihingi nga pabor ikaw pa matapang or mataray? Mali 'yon, pa'no tayo niyan pagbibigyan kung hindi natin gagamitin ang acting skills natin na nakatago sa kaibuturan ng ating mga puso.
"Bahala ka diyan. Si mama na papupuntahin ko dito." Sabi niya saka nagpapadyak palabas ng kwarto namin. Hay buhay parang life pero walang love. Nakahinga na ako nang maluwag dahil naging payapa na rin sa wakas.
Anyway, kanina pa ako kuda nang kuda dito hindi pa pala ako nagpapakilala. Okay, kahit hindi ito classroom para ipakilala ko ang sarili ko ay magpapakilala parin ako dahil special kayo... special child pfft.
I know ang mais ko do'n.
Ako nga pala si Maxpein Zin Del Valle-Moon ang asawa ni Deib Lohr Enrile-Moon. Joke lang naniwala naman kayo, akala niyo isa ng character na nakalabas sa Dreamland. Kalma ako lang 'to ang pinaka-maganda at pinakacute sa loob at labas ng universe. Kung cute na ang aso at pusa sa paningin niyo p'wes mas cute pa ako do'n. I know assuming ko masyado but duh maraming nagsasabi na cute ako syempre wala naman masama kung maniniwala ako sa pagiging honest nila, diba? To cut the long introduction short, ang aking ngalan ay Kemelee Jade Ladezma. I live in a far far away land called Dreamland- charot! Nakatira ako dito lang sa Bansa kung saan palaging maraming say, Philippines. Magbubudots na din ba ako?
Luh asa kayo!
'Di taga-Sorsogon talaga ako, probinsiyana pero mestisa. Oha! Maraming nagsasabi na mestisa kami, oo siguro kasi mapuputi kaming magkakapatid tapos dito sa lugar namin wala ka ng ibang makikita na maputi kundi kami lang kaya ayon kapag nadaan kami nachichismis agad.
Psh mga walang magawa kundi puro chismis kaya walang unlad lugar namin eh sa halip na gumagalaw-galaw hindi kasi mas inuuna pa ang chismis. Chismis dito. Chismis doon. Isyu dito. Isyu doon. Kung may sahod lang ang pagiging chismosa siguro yayamanin na mga nakatira sa lugar namin kasi puro chismosa mga tao dito eh.
Gayon pa man, sa'kin ang kwentong ito at hindi para sakanila. Ako lang dapat ang bida. Kaya back to introducing my self tayo dahil mauubos na ang five minutes na hiningi kong palugit. Hmmm ano pa bang tungkol sakin? Ayon, kilala kami sa lugar namin dahil nga tinagurian kaming mga haponisa. Ewan ko kung bakit, 'di naman kami singkit tulad ng mga Hapon siguro dahil palayaw ni lods ama na Hapon as in Japan, gano'n.
Hindi ko pa pala napapakilala iyong kaninang bida-bida kong kapatid, her name is Kelshia mas matanda ako sakanya ng dalawang taon. Kung nagtataka kayo bakit hindi niya ako tinatawag na ate it's because hindi talaga uso sa amin ang pagtawag ng ate. Baka sabihin niyo hindi kami tinuruan nila lods ina at lods ama ng simpleng values, kabutihang asal at right conduct which is wrong. Nako sa totoo lang ilang ulit na nila kami pinaalalahanan tungkol sa bagay na 'yan sadyang matitigas lang ulo namin kaya palayaw ng isa't-isa tawagan namin o kaya naman bitch, ghorl and bes parang gano'n. Kasi kaming magkakapatid, we treat each other as friends and best friends at kahit pa magkakapatid kami close namin masyado ang isa't-isa, pa'nong hindi kami magkakasundo pare-parehas naman kami babae. Yes, apat na babaeng magkakapatid at pangalawa akong bunso.
"Ay ano ng bata ka? Aba'y may balak ka pa bang bumangon diyan?! Anong oras na? Tanghali na kaya bangon na! Aba hindi kayo anak mayaman. Bumangon kana diyan o bubuhusan kita ng tubig? Akala ko ba nagpaalam ka ngayong araw kayo magpapalista para sa entrance exam sa eskwelahan na papasukan niyo. Sinabi mo pa noong isang araw na maaga ka dapat gisingin para makakuha kayo agad ng slot tapos tinanghali kana nga ng gising ayaw mo pang bumangon. Yan, kakacellphone mo 'yan at kakabasa ng novel mo. Hala siya matulog ka lang diyan at aasenso ka diyan ---" hindi ko na pinatapos si mama sa panenermon.
"Hep! Okay na lods ina, babangon na." Gagstick daming sinabi dinamay na't lahat pati cellphone at pantasya ko baka mamaya magkaroon pa ng misa dito. Ngayon mismo. Tsk! Tamad na tamad akong bumangon sa pagkakahiga saka sinimangutan si lods ina kahit hindi niya naman nakikita. Nakatalikod kasi siya habang inaayos ang kurtina at binubuksan ang bintana. Sumingaw tuloy ang sinag ng araw sa loob ng kwarto.
"Hala ka lods ina, anong oras na po?!" Bigla nalang akong nagising at mabuhayan ng dugo nang maalalang may lakad pala kami ngayon. Binilisan ko na rin ang kilos ko habang inaayos ang pinaghigaan ko.
"Ay Magdalena, oras na para gumayak. Bilis- bilisan mo na diyan ang kilos at maliligo kapa." Sabi ni lods ina habang naglalakad palabas.
Gagstick bakit ko nga ba nakalimutan na ngayong araw na 'yon? Ngayong araw ko na kailangan magpalista sa course ko, masyado ako akong nalibang sa dalawang buwang bakasyon kung kaya't pati ito nawala sa isip ko.
Pagkatapos ko magligpit ng higaan, masyado bang mabilis? Aba syempre may lahi ata 'tong the flash.
Nagtungo ako kung saan nakalagay ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamali. Maraming messages ni best friend ang bumungad sakin. Vivien ang kanyang ngalan at Vien naman ang tawag ko sakanya.
Pagka-open ko palang ng data connection ko ay flood messages na nagtatanong kung nasaan na raw ba ako? At dahil malamang sa malamang ay nag-iinit na ang pwet nung babaeng 'yon sakin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya nagreply na ako sabay off ng data at takbo sa kubeta para gawin ang aking morning rituals.
At kung nagtataka kaya kung ano ang mahiwagang reply ko sakanya, ang masasabi ko lang ay 'yung madalas na i-reply ng mga taong nakalimot sa lakad at nalate ng gising. Ang mahiwagang "OTW". Nagreply ako na sinasabing "on the way" na ako which is half truth. Dahil on the way naman talaga ako 'yon nga lang hindi pa sa destinasyon namin kundi sa kubeta para maligo.
Ang pinakamabilis kong ligo ay natapos ng 30 minutes, naghanap din ako ng kaaya-ayang outfit of the day- dirty white jacket na turtle neck at brown hoop skirt na hindi aabot sa tuhod tapos pinaresan ko ng sandals. Sinuklay ang hanggang sa baywang kong buhok. Inabot ako ng isang oras pangkalahatan ng morning ritual ko, kaya ang ending mas lalo pa akong nalate.
Lumabas na ako ng kwarto para humingi ng pera sa aking mga lods na magulang.
"Lods ama, pahingi baon." Ngiting-ngiti kong sambit sakanya sabay lahad ng palad. Nakasalubong ko kasi siya nang lumabas ako sa kwarto namin. Nag-gagayak rin para pumasok sa work.
"Nando'n sa mesa may kanin at ulam, magbalot ka nun tapos 'yon na gawin mong baon." Sabi niya na kasalukuyang nasa nakaturo ang hintuturo sa mesa. Ay galing! Maipambabayad ko ba ang kanin sa jeep na sasakyan ko? Maipambabayad ko ba ang binalot na ulam sa mga school supplies na kailangan kong bilhin?
"Lods ama, pera ang kailangan kong baon. Unang-una po sa lahat, kailangan ko ng pamasahe sa jeep dahil magco-commute lang ako, pangalawa, dadaan na rin kami sa school supplies para bumili ng mga requirements na kakailanganin. Maipambabayad ko po ba ang ulam at kanin sa mga 'yon?" Halos mapunit ang labi ko sa pag- ngiti ng pilit habang nag-eexplain kay lods ama.
Si lods ama talaga parang ewan. Kapag sinabing baon kailangan magbalot ng kanin at ulam?
"Do'n ka sa nanay mo humingi ng pera, bata ka." Aba attitude rin 'tong si lods ama. Daming sinabi wala naman palang balak na bigyan ako.
Napasapo nalang ako sa aking noo at nagtungo sa kusina kung nasaan si lods ina.
"Bilisan mo na diyan at kumain kana dito." Alok ni lods ina sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.
Nakakattempt kaso kapag kumain ako kailangan ko pa mag toothbrush after dagdag na naman sa pagkaubos ng oras ko.
"Ma, hindi na ako kakain. Baon ko po?" Sumimangot akong tumingin kay lods ina. Nalungkot ako kasi hindi ko maaaring tikman man lang ang grasya sa harap ko. May sinangag, tuyo with kamatis, itlog mayro'n rin hotdogs. Pero ang tanging maaari ko lang maipasok sa tiyan ko ay walang iba kundi kape. Okay na din kape lang solve na solve na ako dahil at least nainitan na tiyan ko.
"Wala ka namang klase, bakit kailangan mo pa ng baon?" Maang na tanong niya.
"Hay naku ma, malamang sa malamang maglalakwatsa lang yan!"
"Yays makikipagmeet lang yan sa lalaki!"
"O kaya makikipagkita sa boyfriend! Hala may boyfriend na kaya siguro laging puyat."
Wow ha! Pagkaisahan daw ba ako? Mga pesteng 'to mga kapatid ko ba talaga 'to? Medyo duda ako eh. Duh parang hindi nila ako kilala. Tinaasan ko nga ng kilay, mga bitch na 'to.
"Bitch please! I'm not like you, ghorls. I'd rather read stories than flirt with guys. Duh I don't even have time to flirt." I acted na sukang-suka. Well the thought of dating and meet up is disgusting after all. One more thing, I'm too lazy to do that.
Binalingan ko nang tingin si lods ina this time. "Ma, I'm waiting!"
"Oh siya, sandali kukunin ko lang wallet ko sa kwarto." Saad nito.
Sumimsim na ako nang kape ko. Nakatingin naman ang tatlo sakin. Out of curiosity, "Oh? Anong tinitingin-tingin niyo? Nagagandahan ba kayo masyado sa'kin? Naku ghorls I know that already." I smirked at them.
Ha! If I know nagagandahan sila sakin kaya ganyan nalang makatingin.
Napangiwi naman silang tatlo. "Spell A.S.A. And for your information mas maganda ako sa ating lahat." Kalista proudly said. Typical panganay mode. Ayaw patalo pagdating sa kung sino pinakamaganda sa aming magkakapatid.
"Luh sabi ni lods ina, ako daw." Pasimpleng singit naman ni bunso sabay subo ng kanin. Malamang binola 'to ni lods ina. Bunso eh, paborito.
"Oh? Naniwala ka naman?" Sabay namang ganti ni Kalista gaga.
Nawala ang pabebe nitong asta at napalitan ng simangot. Nadale eh, alam niyang may point ang tanong kahit sa totoo lang question mark ang punctuation na ginamit.
Sabi ko nga waley.
Napalingon kaming lahat sa isa pa naming kapatid nang nagtataka dahil tahimik ito. Syempre hindi p'wede sa amin yang tahi-tahimik effect niya.
"Oh bitch ano say mo? Agree ka na ako pinakamaganda sa ating apat kaya ka tahimik 'no?" Panigurado 'to-
"Hindi rin, tahimik ako dahil naniniwala ako na ang tunay na kagandahan ay hindi ipinagyayabang sa kahit na sino man. Kaya ito, alam kong ako ang pinakamaganda ghorls hindi ko lang ipinagkakalat mahirap na, bawas ganda points yon 'pag nagkataon." Banat ni Kelshia, pasimple-simple lang pero mas makapal pa pala ang mukha.
Hindi pala ipinagyayabang pero mas nagmukha pa siyang mayabang.
Itong ganitong kapatid ang masarap ipakain sa dinosaur. Lakas ng apog gagstick.
Ganito kami araw-araw, bangayan sa lahat ng bagay. Gano'n naman talaga ang magkakapatid, kahit simpleng bagay ginagawang big deal.
Hayaan na nga. Alam naman nating lahat na ako talaga pinakamaganda sa balat ng universe kung may balat man ang universe.
Dumating na nga si lods ina.
Inabot niya sakin ang "Singkwenta pesos?!" Bulalas ko ng dumapo sa palad ko ang singkwenta pesos na papel.
"Oh bakit? Nagrereklamo ka? Gusto mo hindi kita bigyan ng pera?" Hirit nito.
"Lods ina naman eh, pamasahe lang 'to. Wala man lang pang-snack or panulak."
"Pagbayad mo sa jeep sabihin mo bata ang sumakay, hindi ka mahahakata nun nakadiscount kapa. Magdalena sa panahon ngayon wais dapat!" Nakuha pang mang-asar ang kuripot naman. Kalma self, si lods ina yan. Gagstick na buhay 'to, sa bahay palang may nambubully na eh.
"Itulak kita gusto mo?" Banat naman ni Kalista gaga. Isa pa 'to sarap manakal ng kapatid.
"Ikaw itulak ko gusto mo?" Napa- facepalm ako ng wala sa oras. Badtrip hanggang saan aabot ang singkwenta pesos mo? Tanong na bagay sakin ngayon.
"Lods ina, dederitso na kami bilihan school supplies after namin makapag-entrance exam." Paliwanag ko, kailangan talaga sa bahay na 'to laging may paliwanag or else... Basta or else wala ng karugtong yan.
"Hindi mo sinabi agad..." Nagbuklat ulit siya sa wallet niya. Binigay sakin ang Dalawang Daang piso. P'wede na.
"Salamat ng marami lods ina. Naway sa susunod 'wag ka nang maging kuripot." Sabi ko sabay takbo, dahil kapag naabot ako ni lods ina may babaunin din akong batok.
"Bye-bye na. Love you all." Nagflying kiss pa ako sakanila nago kinuha ang shoulder bag ko at brown envelope na hinanda ko kagabi. Mga requirements nakalagay dito eh.
At nilisan ko na nga ang aming magulo, maingay, ngunit masayang munting tahanan.
Nang may nakita akong jeep ay agad ko itong pinara.
STEM STRAND here I come!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด