logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 Funeral

Erelah POV
"If you are near a nuclear blast, you will die with no pain because the explosion will kill you faster than your brain detects pain." Napatingin ako sa lalaking katabi ko, hawak hawak niya ang libro kung saan binabasa niya ang nakasulat doon. Kumunot ang nuo ko ng isara niya ang libro at makita ko ang title nito.
'Guide to kill yourself'
"Saan ba dito yung plantahan ng nuclear?" Tanong niya saka tumingin sa akin, napaiwas ako ng tingin saka napasign of the cross.
"Patawarin nyo po sya sa kanyang naiisip." Bulong ko saka muling napasign of the cross, narinig ko ang mahinang pag tawa niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ang weird mo." Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi niya, coming from suicidal maniac?
Hindi ko nalamang sya pinansin, tumingin na lamang ako sa harap kung saan nakatayo ang mga kamag-anak ni papa. Unti unti kong naramdaman ang sakit at lungkot habang nakatingin sa kanila na umiiyak, Napapikit ako ng muli kong maalala kung paano matumba si papa habang hinihila ako ni Damon palayo sa nagkakagulong mga tao nong araw na iyon.
"Bakit hindi mo lapitan ang papa mo?" Bulong sa akin ni Damon na syang nasa tabi ko, tumingin ako sa kanya, nakatingin sya sa akin kaya naman ngumiti ako saka umiling.
"Bakit?" Tanong niya, huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga kaanak ni papa na nasa harap at umiiyak.
Para saan pa? hindi nila ako matatanggap kung pupunta ako sa harap at makiki-iyak gaya nila. Sapat na sakin na narito ako sa malayo.
"Hoi, tinatanong kita kung bakit di mo nilalapitan papa mo, takot ka ba sa patay?" Tanong ni Damon pero hindi ko sya pinansin. Nagulat na lamang ako ng tumayo sya kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa akin ng seryoso at bigla akong hinawakan sa kamay saka hinila patayo.
"D-Damon--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng hilahin niya ako palapit sa kabaong ni papa kung saan nakatayo don ang asawa't anak niya, nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan dahil baka magkaruon ng eksena dito sa burol ni papa.
Naramdaman ko ang mga tingin ng mga bisita habang hila hila ako ni Damon palapit sa kabaong ni papa, napalunok ako at akmang bibitaw sa kanya ng mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Sabay kaming napatigil sa pag lalakad ng nasa harap na kami ng kabaong ni papa. Napalunok ako ng mapatingin sa amin ang asawa't anak ni papa.
"Iyak na." Napatingin ako kay Damon ng sabihin niya yun, nakatingin sya sa akin, napatingin ako sa asawa't anak ni papa na nakatingin sa amin.
"Sino kayo?" Tanong ng anak nito, tumingin si Damon doon.
"Sino ka din?" Tanong ni Damon dito kaya napapikit ako saka hinawakan ang kamay ni Damon dahilan para mapatingin sya sa akin, humarap ako sa asawa't anak ni papa saka ngumiti.
"Condolence po." Sabi ko saka sumilip sa kabaong ni papa, agad na tumulo ang luha ko saka muling tumingin sa asawa't anak nito. "Pasensya na po sa abala." Pag kasabi ko non ay hinila ko na palayo si Damon, ramdam ko paren ang mga titig ng mga taong naririto habang nilalandas namin ang daan patungo sa labas. Patuloy lamang ang pag agus ng luha ko na para bang may sarili itong mga buhay.
"Papa--"
"Wag mo akong tawaging papa, hindi ba't binayaran ko na ang nanay mo para lang lumayo kayo sa akin? Ano't narito ka? Kailangan mo ba ng pera ha? Wala kang ma hihita sa akin."
"Papa, nandito po ako kasi gusto ko po kayong makasama--"
"Pwes ako, ayokong makasama ka. Umalis ka na bago ka pa makita ng asawa't anak ko."
Ni minsan, hindi ko naranasan sa kanya na tawagin niya akong anak, o ituring niya akong anak. Tatlong taon ang ginugol ko upang mahanap sya pero nong araw na nahanap ko sya, itinakwil niya lang ako at pinagtabuyan.
Ang gusto ko lang naman ay makasama din sya bilang ama ko, kahit sa huling saglit lang, kahit ilang minuto lang. Pero sa tuwing naalala ko kung paano niya ako ilang beses ipagtabuyan, dumadaloy ang sakit at galit sa akin. Pero ngayung wala na sya, Lahat ng galit, pangungulila at sakit na dinulot ng pag tataboy niya sa akin ay nawala at napalitan ng lungkot.
Lungkot, dahil hindi ko manlang narinig sa kanya ang salitang anak, Lungkot dahil kahit na sa huling hininga niya ay parang naririnig ko paren ang boses niyang ipinag tatabuyan ako.
"Erelah." Napatigil ako sa pag lalakad at napalingon kay Damon na hawak hawak ko paren ang kamay, habang patuloy paren na umaagos ang luha ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin, hindi ko mabasa ang emosyon niya kaya napayuko ako.
"H-hindi ako, pwedeng mag pakilala bilang anak niya kase, kase masisira siya sa pamilya niya." Umiiyak na sabi ko, pakiramdam ko isa akong bata na inapi ng lahat at nag susumbong kay Damon. "H-hindi ko sya pwedeng tawaging papa sa harap ng madaming tao kase, kase masisira sya sa mga yun. Masisira ko ang, ang pangalan niya." Umiiyak kong sabi at tuluyan ng napahagulgol.
"G-gusto kong tawagin syang papa, gusto kong yakapin sya pero, pero may pangalan syang iniingatan kaya, kaya kahit sa huling saglit ng buhay niya hindi ko sya pwedeng tawaging papa kase, kase masasaktan ang asawa't anak niya." Umiiyak na sabi ko habang nakayuko.
"P-para sa kanya isa lang akong malaking kasalanan na nagawa niya--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at niyakap, dahilan para mas lalo akong maiyak . Para akong bata habang yakap yakap niya, umiiyak habang yakap yakap niya.
"T-tatlong taon ang, ang ginugol ko para hanapin sya, pero, pero pinag tabuyan niya lang ako." Mas lalong dumiin ang pagkakayakap niya sa akin. Napapikit ako habang umiiyak sa bisig niyang nakayakap sa akin.
"G-gusto ko lang naman maranasan ang kung anong nararanasan ng iba na may tatay silang kasama, K-kaya hinanap ko sya kasi akala ko, akala ko tatanggapin niya ako."
"Tahan na." Malamig niyang sabi habang yakap yakap ako, tanging pag iyak na lamang ang nagawa ko at niyakap sya pabalik.
"Hindi bagay sayo ang umiiyak." Bulong niya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin, tumingin siya sa akin at nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mukha, isang ngiti na totoo at hindi mapagpanggap. Nabigla ako ng punasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya.
"Nangyare na ang dapat mangyare, wala na tayong ibang magagawa kundi tanggapin ang nangyare." Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko. "Hahanapin natin kung sino'man ang gumawa non sa tatay mo at pag babayarin." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Gusto mo bang malaman kung anong sinabi ng tatay mo bago sya malagutan ng hininga?" Tanong niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko, nakatitig lamang ako sa kanya saka dahan dahang tumango. Binaba niya ang kamay niya saka tumingin sa akin at tumayo ng tuwid.
"Erelah." Sabi niya dahilan para sumikip ang dibdib ko. "Yan ang huli niyang binanggit bago sya malagutan ng hininga."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (104)

  • avatar
    ObregonJay-M

    grave maka Pera ka talaga dito

    5d

      0
  • avatar
    Rosemarie Castro Salgado

    sa1lamat po sa pag basa habang natutunan basa

    20d

      0
  • avatar
    Enrique Basto

    im scared

    27d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด