logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3 Ngiti

I wasn’t sure of my words. Kung anong namutawi sa aking labi ay iyon na lang. Callum doesn’t hold my freedom to choose. Kung may mga tao siyang nakokontrol at napapasunod. Ibahin niya ako.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa malambot na damuhan. Absent si Callum ngayon. No one would pester me. Akala ko noon ay masayang mapansin ng taong gusto mo, ngunit kung ganitong pagpansin lamang ang ginagawa sa akin ni Callum ay mas mabuti na lang na tignan ko siya mula sa malayo. That way, I’ll b more contented. Ayaw ko ng gulo.
“You are spacing out again, Lara!”
Si Aki pala iyon na hindi ko napansing kanina pa pala sumusunod sa akin. Kasama ko siya sa buong oras na tumambay kami sa garden ngunit hindi ko pa pala napapansin ang kaniyang presensiya. Bakit ba kasi ngayon lang siya nagsalita? She should have gotten me out of my reverie.
“Ilang buwan na lang at gra-graduate na tayo ng high school. I still don’t know what to do after SH.”
“Ofcourse mag-aaral ka ng college, Lara! You can’t just give up your dreams because of your negativity,” sambit niya.
Inilabas ko ang maliit na canvas mula sa paper bag na aking dala kasama ang mga iba’t ibang kulay ng pinta. Painting is really my comfort zone. It’s where I can relax my mind.
“It’s not my mind’s negativity, Aki… It’s my what if’s.”
“So?”
Napahinga ako ng malalim. Sinimulan ko ang pagguhit habang nanatiling nakikinig ang aking tainga sa mga usapan namin ni Aki.
“I will make it to college. But…What if some family problems happens when I’m in the middle of reaching my goals? Kung magdadrop out ako, I’ll be back to zero. Sayang lang ‘yong mga naunang nagasto kung magkataon man.”
I heard her groan.
“Oh, that’s bullshit! Think positive and nothing will happen, Lara. Have courage.”
Mahina akong napahalakhak. This girl is my opposite. I’m the negative, she is the positive side. I’m afraid I might pull her down because of my negativity.
Pinaglandas ko ang brush sa canvas at naglikha iyon ng magandang linya. Maganda na ito sa aking paningin kahit na kaunitng kulay palang ang nailalagay. The color makes it alive. The color is the most important. I’m putting too much effort in it. Hiling ko lang na sana maganda ang kalalabasan.
“Anong reference mo diyan? Hindi ko nakikitang ginagamit mo ang cellphone ko,” tanong ni Aki.
Naramdaman ko ang pagdukawang niya sa akin. Sa aking gilid ay nararamdaman ko ang kaniyang buhok na dumadampi na sa aking pisngi habang sinisilip ang aking ginagawa.
“My imagination…”
Narinig ko ang kaniyang pagsinghap. “Woah! That’s new.”
“Yes. Ginuhit ko na iyan kagabi gamit ang lapis. I just thought it would help me to be more creative on blending colors, choosing what patterns would suit her face if I do it here in an open area.”
Napatitig ako sa mukha ni Aki na titig na titig sa aking ipinipinta. Nababasa ko ang pagkamangha sa kaniyang mukha. She’s a good dancer but unfortunately, she doesn’t know how to paint like I do. Ganon din naman ako. I don’t know how to dance. Nabully ko na ang sarili ko noong una akong sumayaw sa harap ng salamin pa. Kinikilabutan ako kapag naalala ang bagay na ‘yon.
My paintings… It’s all about landscapes, sceneries, and… Callum. Hindi ko pa naipipinta ang kaibigan ko.
“Is she a goddess?” tanong ni Aki na may pagkakuryuso sa boses.
Napabalik lamang ako sa ulirat at ipinagpatuloy ang pagdagdag at paghalo ng mga kulay.
“She is… The goddess of my imagination.”
“I bet she’s beautiful.”
“Ofcourse!”
Walang pag-aalinlangan kong sagot. Likha ng aking imahinasyon ang babaeng ipinipinta ko ngayon. No imagination is ugly. It’s all beautiful because it was made by creativity. It is the talent that made it beautiful.
“Kailan mo yan matatapos? I would love to take a picture with it first.”
“Ilang gabi lang ay matatapos ko na ito. Oras lang ang kailangan ko para matapos ang isang ‘to.”
Tumili si Aki. Tumawa na lang ako sa kaniyang naging reaksiyon. She really loves it when I paint new things. Gustong gusto niya ang panonood sa mga pagpinta ko. Well, except… Kapag mukha na naman ito ni Callum ay sigurado akong puro reklamo na naman ang maririnig ko sa kaniya. Nauumay na siya sa pagmumukha ni Callum.
Paano naman kaya kapag si Cedrick ang ipininta ko?
“You’re still here?”
Sabay naming nilingon ni Aki ang pinanggalingan ng boses. Automatikong tumigil ang aking kamay sa pagpinta nang marinig ang pamilyar na boses. Malamig. Walang ni kahit anong emosiyon.
“Yeah…Ilang minuto na lang ay aalis na kami.”
Si Aki na ang sumagot kay Callum. Napaiwas agad ako ng tingin nang dumapo ang knaiyng mga seryosong titig sa akin. What are they doing here? Akala ko ba absent si Callum? Cedrick submitted his excuse letter.
“Hihintayin na namin kayo. Kami ang magsasara ngayon,” ani ni Cedrick at umupo sa bleachers malapit sa amin.
Ibinalik ko ang aking tingin sa ginagawa. Ipinagpatuloy ko ang pagpipinta habang nanatiling nakikinig ang aking mga tainga sa mga sinasabi nila.
“Ang guard ang nagsasara hindi kayo.”
Napangiti ako ng palihim. Nahimigan ko kasi ang pagtataray sa boses ni Aki. Mukhang hindi sila magkasundo ni Cedrick. Mamaya baka silang dalawa pa ang magkatuluyan sa sobra nilang pag-argumento sa isa’t isa.
“Kami ang inatasan ng Dean na maglibot upang tingnan kung may mga natitirang studyante pa sa campus.”
Nakita ko ang pagnguso ni Aki.
“Inutusan lang kayo. Hindi sinabing kayo ang magsasara.”
Nanatili akong tahimik. Maging si Callum ay tahimik lamang sa gilid at nagmumuni muni. He surely doesn’t want to butt in the argument of the two. Nakakatawa nga dahil nakakapagpokos pa ako sa aking ginagawa kahit na maingay ang paligid. Sanay naman na kasi ako. Ang daldal kaya ni Aki sa tuwing nagpipinta ako. She always asked too many details.
Mukhang ngayon lang siya walang natanong dahil sa biglang pagdating nila Cedrick. Mukhang excuse lang si Callum dahil sa suot niya. Suot niya kasi ang uniporme ng section namin. Polo iyon na kulay gray. I can still see him with the shirt on through my painted canvas. Kahit hindi ko siya lingonin ay alam kong gumagwapo siya sa kaniyang suot. Yumayakap na ang kaniyang polo sa kaniyang katawan. Nag gygym ba siya?
He’s a lazy man. I don’t think so…
“What are you doing, Lara?”
Napalingon ako kay Cedrick. Kunot ang kaniyang noo habang pilit sinisilip ang aking ginagawa na hinaharangan naman ni Aki. President vs President,huh…
“Hindi ba obvious? Syempre nagpipinta duh. Bulag ka ba?”
Muntik na akong mapahalakhak sa ginawang pagpapranka ni Aki kay Cedrick. Mariin ko na lamang pinadikit ang aking pang-ibabang labi upang walang mamutawi na kahit anong ingay sa aking bibig.
Dumako ang aking tingin kay Callum. Seryoso pa rin ang kaniyang tingin. At mukhang hindi pa ako nilulubayan ng kaniyang mga titig. Napatikhim ako sa biglang pagbilis ng tibok ng aking puso. Relax, Lara…
“Alam ko kung anong ginagawa ni Lara, Aki. Sisilipin ko lang kung anong ipinipinta niya.”
Sumeryoso ang boses ni Callum. His voice became so full of authority. Iyon ang boses na kaniyang ginagamit sa tuwing walang nakikinig sa kaniya sa klase. Tumindig ang aking balahibo ngunit hindi manlang yata nakaramdam ni katiting na kilabot si Aki.
“Nandito kayo para bantayan kami. Hindi para makialam sa kung ano ang ginagawa namin.”
Napapikit na lamang ako ng mariin. Nawawalan na ako ng ganang magpinta. All I just want to do now is to get out of here. Naririndi na ako sa away ng dalawa.
“If so, then go home…Now.”
Napahinga ako ng malalim. Ibinaba ko ang brush at palette na hawak bago hinablot ang braso ni Aki palayo kay Cedrick.
“Itutuloy ko na lang ito sa bahay, Aki. Nakita mo na rin naman na. Kapag natapos ay ikaw ulit ang unang makakakita.”
“Who is that woman?”
Napatampal na lamang ako sa aking noo nang makitang nakasilip na pala si Cedrick sa canvas. Agad kong nakita ang pagtalim ng tingin ni Aki sa kaniya. Tinanggal ni Aki ang aking kamay na nasa kaniyang braso. Gumalaw ang kaniyang labi.
Segundo lamang ay nakita ko ng hinahabol ni Aki si Cedrick na tumatakbo palayo. Mabilis ang takbo ng dalawa na para bang naglalaro lang. They are so done with each other. Hindi ko na maintindihan ang dalawang iyon.
Both of them are classroom presidents. Dapat magkasundo sila. Sila pa ‘yong nauuna sa mga kalokohan.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita ko si Callum. Napakatahimik ng pagitan namin. I can feel the awkwardness.
Binalewala ko na lamang siya at nagsimulang iligpit ang aking mga gamit. Kung magsasalita ako ay alam kong hahantong na naman iyon sa away. Mas mabuti ng tumahimik na lamang ako.
“Rococo movement is your art style?”
Napasinghap ako nang marinig ang boses na iyon ni Callum sa aking likuran pagkatayo ko. Ramdam kong malapit lamang siya sa akin.
Napatikhim ako. Lumayo ako ng konti bago siya nilingon. Tama ako. Kapag nilingon ko siya sa aking pwesto kanina ay magdidikit na ang aming mga balikat at siko. Ako na lang ang nag-adjust dahil alam kong iiwas lang rin siya.
“How could you tell? You’re not into painting… Kakasimula ko lang din ipinta yan.”
“Your sketch,” aniya at nilingon ako.
Why is he talking to me now huh? Naboboring na ba siya kaya niya ako kinakausap?
“You can’t tell it by just glancing at the sketch I made,” muli kong saad.
Tumitig si Callum sa pintang kakasimula ko palang. Iniangat niya ang kaniyang isang daliri at pinaglandas iyon sa bawat linyang nadadaan ng kaniyang daliri sa canvas. I pressed my lips together.

Gusto kong kiligin ngunit baka ang pag-asang namumuo sa aking isipan ay muli na namang masira kapag nagpatuloy sa pakikipagtigasan si Callum sa akin.
“Rococo movement is characterized by soft colors and curvy lines, nature, amorous encounters, light-hearted entertainment, and youth. This painting…is characterized by every characters of Rococo style.”
Paano niya nalaman iyon?
Sa palagay ko naman ay mahirap tukuyin ang style ng aking pag-pinta. Sa dinami dami ng mga art style ay nasisiguro kong aabotin ka ng ilang oras sa paghula ng uri nito.
Lumipat ang titig sa akin ni Callum at mabilis na napaiwas ang aking tingin. Bumagsak ang tingin ko sa canvas.
“May nakalimutan ka…”
Saglit na kumunot ang kaniyang noo. Ganon pa man ay nanatili ang kaniyang mga titig. Nilalabanan ko na lamang ang aking pagkaasiwang nararamdaman. Malakas ang pagtambol ng aking puso sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay lalabas na ito sa sariling kulungan anumang segundo.
“Rococo depicts scenes of love… Nakalimutan mo iyon.”
Tumaas ang kaniyang isang kilay.
“Does is matter? There is no scene like love in your painting.”
Ako naman ngayon ang napataas ng isang kilay. Nag-init ang aking dalawang pisngi dahil sa kaniyang sinabi. He was right. Kung mas pinalawak ko lamang ang aking imahinasyon ay maaring nailagay ko lahat nag karakter ng Rococo.
Kulang ang pininta ko. I was putting too much effort on it. It doesn’t show any scenes of love. Ipinapakita lamang ng aking ipininta ang larawan ng isang dyosa. Dyosa na siyang nagmula sa aking imahinsayon…
But putting everything in one painting doesn’t matter.
“Rococo isn’t just my style. Don’t put everything on one single topic,” ani ko.
Kung bakit alam niya ang tungkol sa Rococo ay hindi na mahalaga. Everyone of us has hidden abilities. Maaring may hilig sa pagpipinta si Callum at hindi lang ipinapaaalam.
He is a very secretive person after all. He wants everything in private.
Nakipaglaban ako ng titig kay Callum. Plano kong hindi mag-iwas ng tingin hanggat hindi niya pinuputol ang pagtitig sa akin. Ngunit ako lamang ang unang sumuko. I can’t stand being watched by his gaze.
Dahil sa tuwing nakikita ko ang kaniyang gwapong mukha ay kusa na lamang kumukurba ng isang malapad na ngiti ang aking labi. Ayaw kong masaksihan niya ang bagay na iyon. Baka isipin pa niyang isa akong baliw.
Tumikhim ako at lumapit ng kaunti kay Callum.
“Excuse me.”
Mabilis pa sa isang segundo ang ginawang pag-iwas ni Callum nang lumapit ako. Palihim akong napailing. Ano bang bago?
Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko na ang pag-alis ni Callum sa aking tabi. Pinagdikit ko na lamang ang aking labi at hindi na nagsalita. Tahimik kong iniligpit ang aking mga gamit katulad ng aking ginagawa sa bahay kapag gabi na.
Alam kong pinapanood niya lamang ang aking bawat paggalaw. Nasaan na ba si Aki at Cedrick? Masiyado na silang nag-eenjoy na dalawa. Baka sa ginagawa nilang habulan ay may isa pang masaktan sa kanila.
Ang clumsy pa naman ni Aki. Nakakahiya kung bigla na lang siyang madapa sa harapan ni Cedrick.
Isinukbit ko ang aking bag. Dala ang kabalyete ay naglakad na ako paalis sa mga bleachers. Ang aking mga mata ay abala sa pag likot sa buong paligid. Hinahanap si Aki at Cedrick. Kung saan na ba napadpad ang dalawang iyon?
Nang makarating ako sa may gate ay natanaw ko na agad si Cedrick at Aki. Nakaupo si Aki sa semento at si Cedrick naman ay nakatayo lamang sa tabi ni Aki.
Mabilis akong napatakbo sa direksiyon nila. Hindi pa man ako nakakailang hakbang pababa sa hagdan papuntang gate ay naramdaman ko na ang paghila ng isang kamay sa aking braso.
“Careful.”
Napahinto ako at muntik nang mapasubsob sa kasunod na hakbang pababa. Nilingon ko sa Callum na ngayo’y seryoso na akong hinihila papunta sa tabi niya.
Yumuko ako dahil sa pagkapahiya. Damn. Hindi ko alam na nakasunod pala siya sa akin.
“T-thanks.” Awkward na sabi ko.
Hindi umimik si Callum. Imbes ay naramdaman ko ang kaniyang paghawak sa suot kong damit bago ako hinila pababa ng hagdan.
“Next time, kapag kasama mo ako. Don’t act so careless. Ayaw ko ng may inaalalayan at kinakargang responsibilidad.”
Sumikdo ang aking puso. Next time? Impossible ng mangyari iyon.
Pinakawalan lamang ako ni Callum nang makarating kami sa pwesto nila Aki. Nakatingala si Aki habang nakapikit. Kitang kita ko ang sunod sunod na paghinga niya. Pawis na pawis siya at medyo magulo ang buhok.
“What happened?” rinig kong tanong ni Callum.
Yumuko ako at umupo sa tabi ni Aki.
“Anong nangyari?” tanong ko.
Kusang sumandal ang ulo ni Aki sa aking balikat at pumikit.
“Bumagsak si Aki habang pababa kami ng hagdan. She nearly passed out. Mabuti at nasalo ko siya kung hindi ay nagpagulong gulong na siya pababa.”
Napahinga ako ng malalim. Binalingan ko si Aki na ngayo’y umiinom na ng tubig galing sa water bottle.
“Ang tanga mo, Aki. Bakit ka pa kasi nakipaghabulan e alam mo naman ang magiging resulta,” ani ko.
Sinubukan kong hagurin ang kaniyang likod upang pakalmahin. Naramdaman ko ng basa ang likod ni Aki. Nang silipin ko ang kaniyang likuran ay bumabakat na ang strap ng kaniyang bra.
Mabilis na inatake ng kaba ang aking dibdib.
“Magpalit ka na, Aki. Pero mas mabuti kung umuwi na tayo,” saad ko.
Tumayo ako at inalalayang tumayo si Aki ngunit maging ang kaniyang mga paa ay nanghihina na yata.
Nag-aalalang tiningnan ko si Cedrick na tahimik kaming pinapanood.
“Kaya mo ba siyang buhatin?”
Tumango siya ngunit kasunod non ng kaniyang tanong.
“Anong nangyayari?”
“It’s her asthma. Kapag natuyuan siya ng kaniyang basang damit ay lalala yan.”
Narinig ko ang sunod sunod na pagmura ni Cedrick habang kinakarga si Aki. Siya rin naman ang rason kung bakit nahihirapang huminga ngayon si Aki. But I don’t blame anyone. Pero kung hindi sana nakipag habulan si Aki ay hindi mangyayari ngayon ito.
Damn. Aki is so doomed!
Naglakad papunta sa parking lot ng cchool si Cedrick habang dala dala si Aki sa kaniyang mga bisig. Pinanood ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.
Hindi naman nagtanong si Cedrick kung saan ang bahay nila Aki. I’m sure he already knows where. Umalis siya nang hindi nagatatanong sa akin.
Napatakip ako sa aking mata. Nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan bumubungad sa aking harapan. Doon ko lamang napagtanto na gabi na. Madilim na ang paligid ilaw na lang galing sa mag sasakyan at gusali ang aking nakikita.
Malutong akong napamura. Shit Malalagot ako kay lola nito.
Pinara ko ang paparating na jeep na alam kong papunta sa amin. Mabuti na lang at may mga bakante pang upuan sa kaliwang parte kayat hindi ako nahirapan sa paghahanap ng pwesto.
Naghagilap ako ng ilang barya sa bulsa ko at iniabot iyon kay manong. Hindi pa man iyon tuluyang nakukuha ng driver ay may nag-abot na ng bente galing sa aking likuran.
Nilingon ko kung kaninong kamay iyon at nakita si Callum. Umawang ang aking labi habang pinapanood siya sa pagbabayad.
“Dalawa po. Estudyante,” ani niya.
Tiningnan ko ang kaniyang likuran kung may kasama siya ngunit bakante lamang ang upuan na iyon.
Nagkibit balikat ako at iniabot ulit kay manong ang sampung piso.
“Isa po, estudyante.” Ngumiti ako.
Pinigilan lamang ni Callum ang kamay ko sa pag-abot ng barya. Tiningnan niya ako ng matalim bago binalingan ulit ang driver.
“Dalawa po kami dito manong,” saad niya.
Napahinga na lang ako ng malalim nang maunawaan ang inaakto niya. I know where he lives. At hindi dapat ito ang sakayan niya. Sa magkaiba at magkalayong direksiyon kami.
“May bibisitahin ka?” tanong ko matapos umandar ang jeep.
Diretso lamang ang aking tingin sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.
“No,” maikling saad niya.
“Then what? Sa Aurora Hills ka—”
“Kung sinundan natin si Aki at Cedrick kanina ay magkakasama sana tayong apat ngayon. But no, sila ang naghabulan. Aki was kind of a victim, si Cedrick ang may reponsibilidad sa kaniya. Si Cedrick ang dahilan kung bakit naghahabol si Aki.”
Natahimik ako nang marinig ang salitang ‘paghabol’. Iba ang kahulugan ng salitang iyon na tumatak sa aking isipan. Ang paghahabol na nagsasanhi ng pagkasawi.
Para akong tinamaan kahit hindi ko naman iyon gawain.
“Paano kung maghabol ako sayo? Magiging responsibilidad mo rin ba ako?” tanong ko.
Pansariling tanong ko lamang iyon. Sa lakas ng mga ugong ng sasakyan ay narinig pa pala iyon ni Callum.
“Nandito ako ngayon kapalit ni Aki. Hindi dahil naghabol ka, Lara.”
Pinatunog ko ang aking dila. Tiningnan ko si Callum ngunit iniiwas lamang nito ang tingin sa akin. Klaro sa na sa akin kung bakit kami magkasama ngayon.
Tumahimik ako at hindi na muling nagsalita. I did expect too much. Ngayon ay dismayado ako. Nakakasira ng gabi.
Nagpara na ako nang marating ang paradahan ng jeep sa baranggay namin. Hindi na ako nagulat pa nang bumaba si Callum. Dito na ang hintuan ng jeep kayat wala na siyang masasakyan pabalik ng Aurora Hills.
Kung taxi ay maari pa ngunit iilan lang ang nakikita kong dumadaan sa mga ganitong oras na.
Pagkababa ay agad akong sinalubong ni Lola.
“Oh jusko! Saan ka ba nagpupuntang bata ka ha?”
Nag-aalalang tanong sa akin ni Lola. Nakikita ko rin ang emosiyon sa kaniyang mga mata. Itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at hinawakan ako sa pisngi.
Mukhang hindi pa niya napapansin si Callum na kasama ko.
“Nagkaroon lang po ng emergency sa school, Lola. Kaya medyo late akong umuwi.”
Mabilis na dumapo ang kamay ni Lola sa aking balikat. Hindi malakas ang pagkakapalo niya roon. At wala rin akong naramdamang sakit.
“Anong medyo? Late na nga oh! Anong oras na? Alas syete nang bata ka!”
Wala akong magawa kung hindi ang mapayuko lang sa pangangaral ni Lola sa akin. I understand what she feels. .
Siguro ay hihinto na lang ako sa pagpipinta sa school. Nang sa ganoon ay mapaaga na ako sa pag-uwi. Binibigyan ko lang ng sakit ng ulo si Lola. I can’t stand that..
“Callum, iho! Nanjan ka pala?”
Lihim akong nagpasalamat nang mapansin na ni Lola si Callum na kanina pa tahimik at pinapanood kami. Mukhang wala na kasing plano si Lola na tumigil sa panenermon sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nilingon ko si Callum. Umawang na lamang ang aking labi nang makita ang ipinapakita nitong ngiti kay Lola. Napatigil ako. Habang pinapakiramdaman ang aking dibdib na bumibilis na naman ang pagpintig.
Ang ngiting iyon… Ang matagal ko ng gustong makita. So pure and innocent. Para siyang isang anghel sa purong ngiti na ibinibigay niya. He look murderous when fierce.
“Lola Merlin!” masayang bati ni Callum kay Lola na parang close na close sila.
Nakitaan ko naman ng saya ang mukha ni Lola habang niyayakap si Callum.. Para siyang isang matanda na nangungulila sa apo niyang matagal hindi nakita.
Nagkamustahan pa silang dalawa. Pakiramdam ko nga ay hindi na nga ako kailangan dito dahil hindi na naman nila napapansin ang aking presensiya. Napansin lang ni Lola si Callum ay para na akong isang hangin sa kinatatayuan ko.
Tahimik na lamang akong nanood sa kanila. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa ako dahil wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila. Walang pumapasok sa utak ko dahil wala namang kinalaman sa akin ang mga pinag-uusapan nila.
Nangalay na ako sa kakatayo ay tsaka palang ako ulit napansin ni Lola.
“Anong oras kayo umuwi, Lara?” tanong ni Lola.
Sumulyap ako kay Callum bago pinagdikit ang aking mga labi.
“5 pm, La.”
Umawang ang labi ni Lola. Sa kaniyang tingin na ibinibigay sa akin ay mukhang masesermonan na naman ako. Lagot!
“Alas syete na.”
“Ginawa ko lang po—”
“We just finished our group project. Bukas na po kasi iyon ipapasa.”
Sabay kaming napabaling ni Lola kay Callum na siyang pumutol sa aking sasabihin. Binigyan ako ng malamig na tingin ni Callum bago binalingan si Lola. Automatikong humulma ang isang napakagandang ngiti sa kaniyang labi. Pilit man ay parang inaakit ako ng kaniyang ngiti na iyon.
Bakit hindi niya kayang ibigay sa akin ang ngiting ibinibigay niya kay Lola. Gayong alam namin na pilit iyon. Ngumiti ang kaniyang mga labi ngunit hindi ang kanyang mga mata.
Walang pinagbago.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (104)

  • avatar
    LI NG

    The story is very nice

    21/07

      0
  • avatar
    Kira Lawas

    wow

    17/07

      0
  • avatar
    Dominguez Jay

    nice story

    05/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด