logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

2

"KAPAG isang beses pa na sinilip mo 'yang cellphone mo, Callista, babasagin ko na 'yan."
Mabilis na ibinaba ni Callie ang cellphone niya at tiningnan ang nagsalita. Kakulay ng hinog na kaimito ang buhok, hanggang panga, magulo yet bagay sa may ari. It was her cousin, Hailee. Maria Helena ang totoong pangalan, isang buwan lang ang tanda niya rito pero may mga pagkakataon na kapag umasta ito, parang mas ate ito sa kaniya.
Nagulat si Callie dahil hindi lang si Hailee ang nakatingin sa kaniya kundi ang buong creative team ng KNG. Five sets of eyes were staring at her. Iba-iba ang reaksiyon ng mga ito. Mayroong nagtataka, may curious, may naiinis. Her cousins belonged to the last. Halos lumagpas na sa bunbunan nina Eury at Hailee ang mga kilay sa taas ng pagkakatikwas ng mga iyon.
"Sorry. May hinihintay akong importanteng text." Kinuha niya ang cellphone at inilapag sa kandungan dahil mainit na ang mga titig na ibinibigay ni Hailee ro'n. Tumikhim siya. "Where were we?"
"We're still here on Earth, dear. Ikaw? Saang planeta ka na napunta?" Si Luigi, ang kanilang photographer at portfolio editor.
"Sa Planet Reeve?" pailing-iling na sabi ni Eury.
Tumunog ang cellphone niya. Mabilis pa sa alas kuwatro na dinampot niya iyon at binuksan. Si Lock ang sender and his message were consisted of four words: 7 PM, Damascus Bar. Iyon ang reply nito sa tanong niya kung saan puwedeng puntahan si Reeve. Nakalimutan kasi niyang usisain sa binata kung saan ito tumutuloy habang nasa bansa. Nasa States ang buong pamilya ni Reeve at ang alam niya, ibinenta na ng mga Rosales ang lahat ng ari-arian ng mga ito sa Pilipinas.
Mag-iisang linggo nang hindi nagpaparamdam si Reeve kay Callie. Ni SMS wala. Hindi rin nito sinasagot ang texts at tawag niya kaya si Lock ang lagi niyang ginugulo. Okay naman daw si Reeve, busy sa trabaho nito bilang isa sa mga architect ng itinatayong motocross circuit sa Makati. Magkasama raw ang mga ito sa Tagaytay highlands nitong weekend. No, walang ibang babaeng pinopormahan si Reeve at no fucking way, hindi itatanong ni Lock sa kaibigan kung bakit bigla na lang ay dine-deadma na siya nito.
Ang buntong-hininga ni Hailee ang nagpabalik sa atensiyon ni Callie. Isinara ni Hailee ang lid ng laptop at iginala ang tingin sa mga kasama.
"Marami na rin naman tayong na-tackle. Let's adjourn this meeting, guys. See you all tomorrow."
"I'm sorry," nahihiyang sabi ni Callie nang silang apat na lang ang nasa conference room, silang mag-pipinsan at ang assistant nilang si Yelena na inililigpit na ang mga gamit sa conference table.
"Ano ba'ng nangyari? Akala ko may unawaan na kayo ni Reeve?" tanong ni Eury. "Iyon din ang akala ko. Okay naman kami noong huling kita namin..." Humina ang boses niya. Nagkaroon siya ng hesitation at nahimigan iyon ng mga pinsan.
"What?" untag ni Hailee. "May hindi ka sinabi sa amin."
"Y-Yeah meron pero it's nothing major. N-Noong hinalikan niya ako, okay naman nu'ng simula. It was wonderful, it was good. I felt how much Reeve wanted me, then all of a sudden...he stopped."
"He stopped?" Hindi nakaligtas kay Callie ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mukha ni Hailee. Takot ba iyon?
"As in huminto siya 'tapos tinitigan niya ako. Kakaiba 'yong paraan kung paano niya ako tingnan no'n. P-Para siyang nandiri. Ang nakaka-bother lang, hindi ito ang unang beses na nangyari, guys. Iyong tatlong ex ko, ganoon ang naging reaksiyon noong unang beses akong halikan. After no'n, naging distant na sila sa akin. Alam ninyo kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos no'n."
Disaster. Iyon ang kasunod. Aminado si Callie na may pagka-luka-luka talaga siya kapag umiibig. Okay, hindi lang siya may pagka-luka-luka. Isa siyang malaking lukaret kapag in love. Mas nagiging lukaret siya kapag nakikita at nararamdaman niyang nauuwi na sa wala ang relasyong itinatag niya. Tatlong beses nang pumasok sa isang relasyon si Callie. Sa tuwing magmamahal siya, gusto niya na iyon na rin ang huling lalaki sa buhay niya. Hanggat may magagawa siya para ayusin ang relasyon nila, ginagawa niya. Kumakapit siya kahit pa gustong-gusto nang bumitaw ng lalaking mahal niya. Clingy, possessive, crazy, desperate. Naranasan na niyang matawag nang ganoon. Naranasan na rin niya na takbuhan at pagtaguan na para bang zombie siyang kakainin ang utak ng mga ito. May isang ex pa siya na nag-hire ng babaeng magpapanggap na girlfriend nito. It's as though they were in some cliché movie. At gaya ng cliché na ending ng cliché movie, nagkatuluyan si Ex-boyfriend at si Hired Girlfriend. Nice. Nganga ang ending ni Callie.
Matagal na hindi nakaimik sina Eury at Hailee, halata sa mukha ng mga ito na malalim na nag-iisip.
"May sasabihin ako," sabi ni Hailee mayamaya. "This sounds crazy, actually, and I hope praning lang ako. Naranasan ko iyong tinutukoy mo, Callie. Ganoon ang eksaktong nangyari sa akin no'ng halikan ako ng mga ex ko." Tumingin ito kay Eury na nahuli nilang kinakagat-kagat ang hinlalaki. Habit iyon ni Eury tuwing may bumabagabag dito. "Sabihin mo, Eury, nangyari din ba sa'yo iyon kay Jasfer?"
"Y-Yes. Pagkatapos naming mag-kiss, iniwasan ako ni Jasfer hanggang sa hindi na siya magpakita sa akin." Pinadaan nito ang kamay sa buhok. "Baka nagkataon lang ang mga ito? O super praning lang tayo?"
"Or maybe we are accursed?"
Nakakatensiyong katahimikan ang sumunod. Napatayo si Callie at nagpalakad-lakad sa tapat ng bintana. Kung may isa pang common sa kanilang magpipinsan, iyon ay magkakapareho silang laging sawi sa pag-ibig. Alam niya na nagamit na ng dalawa ang Destiny Maker na ibinigay ni Auntie Lucila ngunit ayaw sabihin ng mga ito kung kanino ginamit ang mga iyon. "It doesn't matter" daw at hindi naman totoo ang sumpa ng pamilya nila. Pero ngayon, ibang sumpa ang nararanasan nila. Ang sumpa ba ng Destiny Maker iyon? Ang amulet ba ang humaharang sa kaligayahan nila?
"Hindi puwede ito," usal ni Callie, hinarap ang mga pinsan. Base sa nakikita niyang anyo ng mga ito, iisa ang tumatakbo sa isipan nila. "Si Auntie Lucila, kailangan natin siyang makausap."
"Ako na ang co-contact," pagprisinta ni Hailee. Lumabas ito ng conference room matapos kunin sa bag ang cellphone. Noon tumunog ang cellphone ni Callie, may mensahe siya mula kay Lock.
He's here, it says.
Dali-daling isinukbit ni Callie sa balikat ang bag at nagpaalam kay Eury.
---
LOCATED ang Damascus Bar sa Quezon City, isang kulay itim at asul na establisyementong may dalawang palapag. Minsan nang nakapasok doon si Callie—noong 25th birthday ni Lock at doon nito piniling i-celebrate ang kaarawan. Damascus bar was partially owned by Lock himself, actually. Kasosyo nito roon ang dalawa pa sa mga dating kasama sa Cyclone Soccer Team.
Hindi mawala-wala ang tensiyon sa sistema ni Callie hanggang sa maihimpil niya ang sasakyan at bumaba. Nagbayad siya ng entrance fee saka dumiretso sa counter na siyang paboritong puwestuhan ni Lock at mga kaibigan nito. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalapit, namataan na niya ang pakay. Si Reeve na nakaupo sa gawing kaliwa ni Lock, nakangiti habang kausap ang babaeng bartender. Naglakad siya palapit sa counter at tinapik sa balikat si Reeve.
Shock. Iyon ang malinaw na gumuhit sa anyo nito nang makita siya. She smiled at him. At ang shock na iyon ay napalitan ng...guilt? Naging malikot ang mga mata ni Reeve, halos hindi siya matingnan nang deretso.
"Hey," sabi nito. "I'm surprise to see you here."
"Ikaw talaga ang sinadya ko rito. May I talk to you outside?"
Alanganing tumango ang binata at inubos ang lamang alak ng baso.
"What are you doing?" pasimpleng tanong ni Lock na nasa tabi lang ni Reeve.
"Mag-uusap lang kami," medyo defensive na tugon niya. Tumiim ang bagang ni Lock.
"Don't do anything stupid."
She just rolled her eyes. Nagpaalam naman si Reeve sa bartender at kay Lock, hinawakan siya sa braso at iginiya palabas ng bar.
"H-How are you?" tanong ni Callie sa kaswal na boses nang dalhin siya ni Reeve sa mini-garden sa east side ng Damascus.
"I'm okay, Cal," sagot ng binata, hindi nakatingin sa kaniya kundi sa Ducati ni Lock na naka-park sa di-kalayuan. May balak ba itong takbuhan siya?
"Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ako?"
Sa wakas, tumingin ito sa kaniya pero hindi niya nagustuhan ang nakita sa mga mata nito. Naroon na naman ang guilt. What the hell? Para ba saan iyon?
"How are you?" tanong nito, tunog napilitan.
"I'm not fine, to be honest. I-I can't help thinking of...of us. Of you." Hinuli niya ang mga mata ng binata. "What's wrong, Reeve? Bigla ka na lang hindi nagparamdam. Ang akala ko, pagkatapos ng dinner nating iyon, pagkatapos mo akong halikan, mas magiging okay tayo. What happened?"
Ilang sandaling hiindi nakaimik si Reeve. Kapagkuwa'y nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "I like you, Callie," he confessed, but he was slightly cringing. Na para bang nandidiri ito sa sariling sinabi. "I knew I'm attracted to you the instant I saw you again. Pagkatapos ng huling dinner natin, buo na ang desisyon ko na ligawan kita. Pero may mali, eh."
"M-Mali? Anong mali?"
Isinuklay ni Reeve ang mga daliri sa tirik na buhok, bakas na ang kalituhan sa mga mata. "I don't know how to explain this exactly."
"Pilitin mo." 'Yun na, eh. Nag-confess na ito sa kaniya tapos biglang babawiin? Biglang may mali raw? Walang nakikitang mali si Callie. It was right. It was perfect!
Bumuga ng hangin si Reeve at tuwid siyang tiningnan sa mga mata. Nakikita niya sa mga mata nito na sinsero sa sinabing gusto siya subalit may nakahalong ibang emosyon doon. Guilt. Para iyong mantsa. Ang makulay na larawang ipininta niya para sa kanila ni Reeve ay unti-unti nang kinakain ng mantsang iyon.
"W-When I kissed you, something happened, Callie."
Oh, no... Agad binundol ng takot ang dibdib niya nang madinig ang mga katagang iyon.
"It felt wrong. I felt so guilty. Hanggang ngayon dala-dala ko ang guilt na 'yon. Pakiramdam ko nakagawa ako ng isang malaking kasalanan. And when I woke up the next day, alam ko na may nagbago—sa akin, sa nararamdaman ko sa'yo." Bumuntong-hininga uli ito. "I'm sorry, Callie."
"Hindi mo na ako gusto?"
"I don't know," frustrated nitong sabi. "Mas mabuti siguro kung...kung hindi muna tayo magkita. I'm really sorry, Callie." He stared at her apologetically. "I have to go back inside. Mag-iingat ka." At dali-dali itong umalis, tila atat na layuan siya.
"Reeve," usal niya. Gusto niyang sundan ang binata, gustong madinig pa ang explaination nito. But Callie stayed rooted on the spot. Sobrang bigat ng pakiramdam ng mga binti niya, ng dibdib niya, ng mga mata niya. Gusto niyang umiyak.
"W-When I kissed you, something happened, Callie."
Mariing pumikit si Callie at naikuyom ang mga kamao. That kiss...that damn kiss. Ah hindi. Hindi ang halik ang dapat niyang sisihin kundi ang kuwintas.
Mas naging malinaw na sa kaniya ang lahat ngayon. Ang kuwintas ang nagbibigay ng sakit ng ulo—at puso—sa kanila.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (104)

  • avatar
    Abonita Y Maria

    nice

    27d

      0
  • avatar
    Oyan Chandrea

    yes

    03/08

      0
  • avatar
    CandolIan

    iugu

    02/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด