"DARN IT," magkatagis ang mga bagang na usal ni Cloud habang nakatayo sa gitna ng halos bakanteng apartment unit na kinuha para sa fiancée na si Ria. Nakabukas ang dalawang closet, halos bakante na ang mga 'yon. Nawawala rin ang dalawang suitcase nito. Napatingin siya sa nighstand kung saan nakalapag ang kulay silver na Vaio laptop na siya ang nagbigay. Hindi nito dinala iyon, either marami na itong dala-dalahan at wala nang espasyo para sa laptop na iyon or...wala talaga iyong halaga para kay Ria. Gaya ng dalawang taong relasyon nila. Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang cellphone niya. "Calyx," aniya nang pindutin ang Answer button. "Hey, nasaan ka na? Magsisimula na in an hour ang performance natin. Ma-la-late si Neo, kaya ikaw ang sa vocals ngayon." He sighed wearily. "Ria's missing." Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa kabilang linya. "W-What? Paanong missing?" Malakas na napamura si Calyx kapagkuwan. "You mean she was kidnapped?" "No, hindi ganoong klase ng missing. She ran away. Even her things were gone." Ilang sandali na hindi nakatugon si Calyx. Nang magsalita itong muli, halata ang simpatiya sa boses nito. "She left you?" mababa ang tono na tanong nito. "Paano na 'yan? Two weeks na lang at engagement party na ninyo. Look, forget about our gig tonight. Hanapin mo na lang si Ria." Anim na buwan pa lang na nakakabalik ng Pilipinas si Cloud matapos ang tatlong taong pananatili niya at ni Ria sa Germany. Nang makaabot sa kaalaman ng mga kaibigang sina Ronan, Neo at Calyx na nasa bansa na siya, hinikayat siya ng mga ito na bumalik din sa pagbabanda. They were his schoolmates in college. Naging malapit sila sa isa't isa matapos nilang sumali sa isang battle of the band event noong Intramurals ng university nila. Ang musika ang nag-ugnay sa kanilang apat. Two years after they graduated in college, they met again at Neo's bar. Napag-tripan nilang tumugtog noon sa stage. Next thing they knew, they're already having a debate on what to call their group. That was when and how Half-blood band was born. But he had to leave the band and the country for some personal reasons. "Ikaw na ang bahalang mag-explain kina Neo at Ronan." "No worries. Nandito naman si Moi, manonood sana ng gig natin eh. Siya na lang ulit ang substitute mo." Si Moi ang pumalit sa kaniya nang umalis siya ng banda at ngayon na aalis na ito para mag-focus sa pag-aaral nito, siya na naman ang papalit dito. Lumabas na siya ng unit ni Ria matapos magpaalam kay Calyx. Bumalik siya sa sasakyan niya, ipinasak sa tainga ang headset at sinimulang tawagan si Ria. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang madinig ang pag-ring sa kabilang linya. "Pick up, Ria. Pick up the fucking phone," he muttered while eyeing the road ahead of him. But the phone just kept on ringing until his call went to her voicemail. Marahas na hinablot niya sa mga tainga ang headset at malakas na hinampas ang manibela. Bakit nga ba hindi niya naisip na gagawin iyon sa kaniya ni Ria? Mapaklang ngumiti si Cloud. Sino ba ang niloko niya? May pakiramdam na siya na mangyayari iyon. May nakita na siyang mga senyales ngunit ipingkibit-balikat niya lang ang mga iyon. Noon pa lang gabi na mag-propose siya kay Ria, nakita na niya ang pag-aalangan sa kilos nito. Hindi rin umaabot sa mga mata nito ang mga ngiti nito nang gabing iyon, na para bang pinipilit lang nito na maging masaya. Nang i-anunsiyo niya rito ang tungkol sa engagement party nila na ang lola niya ang nag-organisa, saglit na rumehistro ang pagkabigla at takot sa mukha nito. She did not disagree with him though. But since then, she has been avoiding the topic about the engagement. Hindi niya kinakitaan ng excitement ang reaksiyon nito nang makita nito ang damit at sapatos na susuotin nito. Ria loves designer's clothes and shoes but during that night, she just stared at the dress and shoes with the look of disinterest in her face. Ayaw lang aminin ni Cloud sa sarili ngunit nararamdaman niya na unti-unti nang lumalamig ang pakikitungo sa kaniya ng nobya, idagdag pa ang madalas nilang pagtatalo nitong huling mga buwan. Maybe she was anxious to finally meet his family particularly his grandmother. Maybe she was still adjusting to her new environment or to the new role in his life. He kept on convincing himself that Ria was just confused. "Confused of what? Of her love for me?" sarkastikong tanong niya sa sarili. Not sooner than later, Ria will get tired of you. Kilala ko siya, madali siyang magsawa at mapagod. Wala siyang sariling paninindigan at desisyon. Pabago-bago ang isip niya. At hindi ikaw ang mahal niya. Saglit ipinikit ni Cloud ang mga mata upang palisin sa isipan ang mapanuyang boses na iyon ng babae at nag-focus sa pagmamaneho. Sa kabila ng sakit at galit na nararamdaman, hindi pa rin niya mapigilan ang hindi mag-alala para sa kasintahan. Ibinalik niya ang headset sa tainga at sinimulang kontakin ang mga taong posibleng nakakaalam ng kinaroroonan ni Ria. ulila na sa ina si Ria, nasa Canada nakatira ang ama at stepmother nito ngunit may isang malapit na kamag-anak si Ria sa Pilipinas—ang kakambal nito na siya ring may-ari ng mapanuyang boses. ========== I'M DOOMED. Oh, God, I'm so doomed, mangiyak-ngiyak na wika ni Roxy sa isipan habang nakatitig sa monitor ng laptop niya. Sa lower part ng income statement na katatapos lang niyang gawin, naghuhumiyaw sa kaniya ang resulta niyon: negative profit. Wala na namang kinita nitong nagdaang buwan ang Crest, ang computer shop sa bayan na pag-aari niya. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha saka sumandal sa swivel chair. Nahagip ng paningin niya ang mga piraso ng papel na nakaipit sa ilalim ng digital alarm clock. Dalawa ro'n ay disconnection notice sa tubig at kuryente, ang isa ay note mula kay Manang Pacing na landlady niya, may notice rin mula sa bangko para i-inform siya na umabot na sa limit ang dalawang credit cards niya. She glared at them as if they're something dirty. Noong una, okay naman ang takbo ng buhay ni Roxy bilang isang independent woman but the past three years became rough for her. First, her father married a witch named Amelia. Then, hindi natuloy ang engagement niya, naging mortal na magkaaway sila ng kakambal niyang si Ria—actually, siya lang ang tumuturing dito na mortal na kaaway—at ngayon, nanganganib na magsara ang Crest gayong siyam na buwan pa lang nang buksan niya iyon. Isinisisi niya rin iyon sa bagong sibol na computer shop sa mismong tapat nila. It was called Game Zone but their customers call it GZ. Game Zone. Pssh. How creative. It was painted in blue and black, it has over one hundred computer units, has two floors, a small cafeteria and a variety of online and offline computer games. Majority ng customers ng Crest ay kabataan kaya nang makarating sa mga ito na "ang a-astig ng games sa tapat", nagsilipatan na ang mga ito ro'n. And oh, may promo rin ang GZ. May libreng isang oras na internet consumption kapag umabot sa three hours ang consumption ng isang customer. Tatlong buwan pa lang nang magbukas iyon kaya tatlong buwan na ring naghihingalo ang kawawa niyang Crest. Napayukyok si Roxy sa mesa at napapikit. "Kapag isinara ko ang shop...no, I can't do that." Sunod-sunod siyang umiling. Tiyak niyang mas lalo siyang kukutyain ng stepmother niya at katakot-takot na sermon ang mapapala niya mula sa tatay niya. Mana mula sa Mommy niya na napunta sa pangangalaga ng tatay niya ang perang ipinang-kapital niya sa Crest. It took her two years to finally convince him that she's responsible enough to entrust her her money. Kung anu-anong pangaral muna siyempre ang natanggap niya bago tuluyang napasa-kamay niya ang pera. Noon pa man, wala nang bilib sa kaniya ang ama niya, how much more if he found out that her beloved business was on the verge of sinking? Doktor sa Canada ang ama niya, isinama nito si Amelia nag bumalik doon. He was far, far away. Hindi na nito kailangan pang malaman ang nangyayari sa kaniya. I'm an independent woman. Lahat ng kagaya ko ay pinagdadaanan ang ganito. Matapos i-save ang document, pinatay na niya ang computer, tumayo at sumubsob sa kama niya. Bukas na lang siya mag-iisip ng paraan kung paano isasalba ang shop. For now, she wanted to doze off and went to a place where money and bills does not exist. At kung saan hindi rin nag-e-exist ang higanteng computer shop na may pangalang Game Zone. Stupid name, Roxy thought scornfully and buried her face on her pillow.
Ang ganda🥰🥰
08/04/2025
0it's good novel
18/03/2025
0it's nice, I like it the story
08/03/2025
0ดูทั้งหมด