Apocalyptic 02: THAINAH POV March 4, 2030. Twelve days ago nang matanggap ko ang invitation mula sa Philippines Government at ito ako palihim na nag-iimpake para hindi mabuko ng boyfriend kong makulit. Napagdesisyonan ko ng sumama dahil hindi ko talaga matiis at hindi ko na kayang sikmurain na manatili rito sa palasyo habang iyung mga Badass at iba kong kaibigan nasa Pilipinas at nakikipaglaban sa mga halimaw. Wala na akong pake kung magagalit sa akin si Kai Den, basta ang alam ko lang gusto kong makatulong. Siguradong naghihintay na sa 'kin sila Gelo at Max sa airport. Mabilis akong lumabas sa kuwarto ko at pinabitbit ko sa mga warden ko lahat ng dala ko. Hindi naman masyadong marami ang gamit ko sa katunayan isang maleta lang ang dala ko tapos yung mini bag na lucky charm ko sinama ko na rin. Wala akong missed call na natanggap mula kay Kai Den kaya kampante na ang pakiramdam ko na makakarating ako sa Pilipinas nang walang ano mang haplos n'ya. Syempre meron pa rin sigurong pagkakataon na mami-miss ko s'ya di ba? Mauulila na naman s'ya sa akin nito, nababahala na naman ako. BRIIZK! BRIIZK! BRIIZK! BRIIZK! Matagal ko pa bago sinagot ang tawag ni Gelo. "Ano na hah?! Bakit ang tagal mo sagutin?" Halatang buryong na buryong na s'ya. "Huminahon ka nga, Kuya. Paalis na ako kaya don't you worry." Nakangiti pa sa kawalang sabi ko pinagbuksan naman ako ng warden ko ng pinto ng van nang makarating kami sa labasan. "Sige, bye." sabi ko at saka ko pinatay ang phone ko. Habang nasa byahe ay umiinom ako ng chuckie hindi ko maiwasang mapangiti habang nakasilip sa labas ng bintana. Exited na talaga ako. I want Thrill! At ang Zombies Apocalypse lang na iyun ang nakapagbigay gana sa akin para mag-enjoy uli. Nasaan kaya si Kai ngayon? May bumubulabog pa rin sa loob-loob ko. Dineal ko na lang ang number n'ya at hindi nagpahalata sa balak kong pag-alis. "Hello, Baby?" Malambing na sambit ko at napakagat pa ako sa ibabang labi ko. "Baby, What's wrong? Bakit napatawag ka?" tanong niya kaya napangiti ako dahil sa tuwa. "Baby, are you there? Hello?" Nabalik ako sa wisyo at umayos ako ng upo. "Y-Yes, Baby. Nasaan ka ngayon?" "Nasa bahay natin, kasama ko si Ivan chineck lang namin ang ibang furniture na binili namin and after this we're going to Lenzy's shop to look and choose suit for our wedding." sagot n'ya sa tanong ko at sa palagay ko sapat na uyung mga narinig ko para hindi na ako mamroblema sa future husband ko. We're getting married on next-next month, yeah but this is me getting flight to find trouble again. Siguradong magwawala iyun kapag nalaman niyang umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniya. "Mmm, Baby..." "Yes, Baby?" tanong n'ya sa akin. Gusto ko sanang sabihin sa kan'ya na huwag s'yang magagalit sa gagawin ko at mag-ingat s'ya palagi, alagaan n'ya sarili n'ya kaso huwag na lang HAHAHA baka makahalata s'ya para na kasi akong magpapaalam sa mga sasabihin kong iyun. "I love you." ani ko narinig ko pa siyang natawa sa kabilang linya. "Anong nakakatawa? Hindi mo na ba ako mahal?" Nagtatampong tanong ko kaya natawa na naman s'ya. "I love you my baby." Mariing sambit n'ya kaya napangiti ako at napalingon sa katabi ko nagulat pa ako nang makita kong nakatingin sa akin ang warden ko at nakangiti pa ito at parang kinikilig ang mukha. "Sige, pinapatawag na ako ni Ajji e." I lied. I turn off my phone and put it on my mini bag. Nakarating na kami sa airport sumalubong sa akin si Gelo at Max. Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa private plane at umupo na rin. Katabi ko si Max na busy sa pag-chat sa someone n'ya habang si Gelo nagwa-wine sa harap namin. "Tss!" singhal ni Max at inis na nag-type sa phone n'ya, parang mabubutas na yata ang screen ng phone n'ya sa tigas n'yang mag-type, halatang badtrip s'ya. "Kirikiri!" inis na usal n'ya at pinower off niya na rin ang phone n'ya. Translation=Annoying! "Si Zeki?" Tumango lang s'ya bilang sagot sa akin. "Love sick agad HAHAHA! Ayaw n'ya rin sigurong umalis ka." "Pumayag s'ya." Napaka cold na sagot n'ya. "Paano mo naman s'ya napapayag? Huwag mong sabihing..." Pakunwari pa akong tumingin sa dibdib n'ya at na-gets n'ya naman agad ang ibig kong sabihin. "Nah! Pinilit ko s'ya 'no subukan n'ya lang akong pigilan." "Waw!" Tanging nasabi ko lang napanganga pa ako habang nasa kan'ya ang tingin. "Ikaw Gelo paano mo napapayag si Cyrien?" tanong ko naman kay Gelo na nakadekuwatro pa at ayos ang sandal. "She's the Queen of England marami pang gawain sa palasyo at willing naman siya na gampanan ang reputasyon n'ya, masyado s'yang busy kaya kay Kira ko na lang sinabi para maparating sa kaniya na aalis tayo.. Ikaw nagpaalam ka ba kay Kai Den?" Balik tanong ni Gelo sa akin matapos n'yang masagot ang tanong ko. "Hindi." Tipid na sagot ko kaya napatitig sila sa akin na parang hindi naniniwala sa sagot ko. Tama bang hindi ako nagpaalam sa boyfriend slash fiance at slash future husband ko? Nakokonsensya na ako sa mga pinaggagawa ko. Nagdesisyon ako without his permission. Ilang oras lang rin ay nakarating na kami sa NAIA terminal ligtas na naka landing ang eroplanong sinasakyan namin at pagbaba namin sinalubong kami ng mga armies at sumaludo pa sila sa 'min. "I'm so glad to have all of you here." sabi ng isang babae na naka-coat, she's the Vice President of the Philippines mga nasa middle age na s'ya. "We're glad too to join this kind of event, Miss Vice President." Si Gelo ngumiti naman kami ni Max bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Gelo. "Saan hoh kami sasakay?" tanong ko kay VP bigla naman akong siniko ni Max kaya napanguso na lang ako. "Oh, Princess Thainah Hariz." Bangit nito sa pangalan ko. "Thainah Ryl hoh, wala po tayo sa England kaya puwede n'yo kaming tawagin sa pangalan namin." Pilit ang ngiting pagtatama ko. "Captain Ryl right?" Pagtatanong pa nito sa akin na parang naninigurado pa. "Yah, Captain Ryl." Mayabang nang ani ko kaya napatawa na lang ang VP(Vice President)." "Captain Ryl the softball captain na nakatalo kay Mookie Betts, napanood ko ang game na 'yun at hindi ko talaga maiwasang humanga sa isang batang gaya mo to defeat that Legend Baseball Player Mookie Betts." Kung makipag-usap sa akin ang VP parang kasing edad lang namin s'ya. Grabe paano ba kami umabot sa topic na ito? Tinanong ko lang naman kung saan kami sasakay. Tss. TINENENEN! I get a voice message from Kai kaya pinakinggan ko ito. "Babyyy. I love youu endlessly, pupunta ako d'yan dadalhan kita Chuckies at chips I love youu." "Sh*t!" Nasabi ko na lang at wala sa sariling bumalik ako ng lakad pabalik sa plane na sinakyan namin kanina. Kailangan ko bumalik. Kinakabahan ako pupuntahan n'ya ako sa palasyo? So mabubuko ako. Napatigil ako sa paghakbang nang mamalayan kong hindi ako nakakaalis sa inaapakan ko pagkalingon ko sa likuran ko nakita ko si Max na pigil-pigil ako sa braso. "Ano bang problema mo? Sumakay na tayo sa bus huwag mong paghintayin ang ibang pasahero na gaya natin." asik ni Max kaya nagmamakaawang humarap ako sa kan'ya. "Ano?!" Pasigaw na tanong n'ya sa akin. "Si Kai." Nakayukong usal ko kinapitan n'ya naman ako sa magkabilang balikat kaya naitaas ko uli ang paningin ko sa kan'ya. "Baka hindi matuloy ang kasal namin kapag tumuloy pa ko. Babalik ako, Max." Nagsusumamong sabi ko tinawanan n'ya lang naman ako. "Kingina ka, kahit bumalik ka pa ro'n..." Tumuro s'ya sa kung saan nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kahit magpaliwanag ka sa kan'ya..." Diniinan n'ya pa ang kapit sa balikat ko. "Hindi pa rin matutuloy ang kasal." Dagdag n'ya nang nakangisi. Iniwan n'ya akong mag-isang nakatayo rito. Natulala ako sa mga sinabi n'ya. Tama si Max, aabutin ng ilang oras bago ako makabalik sa England at surely na pagdating ko roon nakasalubong na sa akin si Kai Den at galit na galit. Ini-imagine ko pa lang naninindig na ang mga balahibo ko. Paano kung balikan n'ya si Angel tapos ako magiging sawi na naman. Ayaw ko namang bumalik dahil pareho lang naman ang magiging pangyayari magagalit s'ya sa 'kin tapos makikipag-break. Hindi ko na talaga kaya 'to! Labag sa loob na sumakay ako sa bus nilalampasan ko lang ang bawat mga pasaherong nadadaanan ko ang tatapang ng loob nilang sumama sa labanang ito at talagang ibat-ibang bansa ang wiling tumulong sa Pilipinas. Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin akong isang pamilyar na pasahero kaya napahakbang pa ako pabalik para tiyakin kung kilala ko ba talaga ito. "Hoy Thainah, ano ba paimportante ka na lang palagi umupo ka na nga para makaalis na tayo!" bulyaw ni Gelo sa 'kin pero ang paningin ko nasa lalaki lang na ito. Naka shades at cap s'ya, all black rin ang suot niya. Dahil sa paghihinala na s'ya nga itong nasa harapan ko dineal ko ang number n'ya. Nakatitig lang ako sa lalaking nakaupo sa harapan ko habang hinihintay na sagutin ni Kai ang tawag ko. "The number you have dialed is not available please try again later." sabi ng phone ko kaya inis kong binaba ang phone na nakadikit pa sa tainga ko. Maigi kong pinagmasdan ang mukha ng lalaking ito, palapit na rin nang palapit ang mukha ko sa mukha n'ya. Suminghot ako nang napaka sagad at tila pilit kong pinapasok sa isipan ko kung ano ang perfume na gamit nito. Kinutkot ko uli ang phone ko at pumunta ako sa message nito. Pinindot ko ang voice message at nagsalita ako rito. "Nim'ma suḷḷugaḷannu nānu kaṇḍukoṇḍāga, let's break up huh?" Malambing na record ko at sinend ko ito sa kaniya. Translation:When I find out your lies, let's break up huh? Nakayuko lang ang lalaking ito sa harap ko ayaw n'ya talaga ipakita sa akin ang mukha n'ya. Buwiset ka Kai Den! Nagstart ang bus kaya bigla akong na out-balance at natulak ko ang sarili ko papunta sa kaniya. Shet hindi ako sure kung si Kai nga ito. Isa itong kahihiyan kapag isang malaking guni-guni lang ang mga akala ko. Nilayo ko ang sarili ko sa lalaking ito at umayos ako ng tayo. "I'm sorry." Nag-bow pa ako dahil sa hiya at aalis na sana sa harap nito nang bigla n'yang kapitan ang kamay ko, mga gawaing si Kai lang ang gumagawa sa akin sa tuwing nilalambing n'ya ako. Hinila n'ya ako paupo sa lap n'ya, pinagtinginan kami ng mga tao. Napabaling ako kay Max na sobra ang tawa, alam n'ya rin ito gano'n? Tinanggal ko ang shades at cap ng lalaking inuupuan ko ngayon at bahagya pa akong nagulat munit namulat na rin sa reyalidad na hindi ko talaga s'ya kayang takasan. Ngumiti s'ya sa akin kaya nginusuan ko s'ya. Walang paalam n'ya rin akong hinalikan sa labi dahilan ng malakas na paghampas ko sa balikat n'ya. He makes everything really easy, and that's one of his qualities that makes me feel a repetitive thrill.
cute
12/11
0hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
27/10
0nice
20/10
0ดูทั้งหมด