Apocalyptic 01: XYLAN POV DRAGH! May narinig akong putok mula sa baba kaya mabilis akong lumabas ng kuwarto. "Nanay Delya!" sigaw ko nang makita ko si Nanay Delya na nakahandusay sa sahig at may tama ng baril sa noo. Napataas ang paningin ko sa babaeng nasa harap ko, nakatutok pa rin ang baril n'ya. "Anong ginawa mo?!" Sobrang bilis ng pangyayari at ngayon mahigpit ko s'yang kinapitan sa magkabilang kuwelyo n'ya. Maangas n'ya lang akong tinitigan sa mata sabay ngumisi. "Kita mo naman, hindi ba? Binaril ko s'ya." Pinakita n'ya sa akin ang baril niya na kapit pero ang tingin ko nasa kaniya lang. "Bitawan mo nga ako!" utos n'ya sa 'kin pero nauna na s'yang nagpumiglas kaya tuluyan ko na s'yang nabitawan. Dinampot n'ya ang dalawang net bag na puno ng pagkain kaya mabilis ko s'yang pinigilan. "Pagkain ko iyan ah!" bulyaw ko sa kan'ya pero wala lang s'yang kibong nakatingin sa akin. "Ikaw ’di ba 'yung kapatid ni Alexa? Bakit mo pinatay si Nanay Delya? Baliw ka ba?!" Sunod-sunod na tanong ko rito at hindi ko na napigilang maluha binatawan n'ya naman ang net bag na kapit n'ya at naglakad na s'ya palabas ng bahay. Lumuhod naman ako para tignan kung buhay pa si Nanay Delya pero nanlumo ako dahil wala na s'yang pulso. Hindi ko maiwasang maghagulgol kakaiyak, si Nanay Delya na lang ang natira sa akin kahit katulong ko lang s'ya dito sa bahay iba pa rin ang halaga n'ya sa akin. Pinabalik ako ng magulang ko rito sa Pilipinas para dito na lang ituloy ang pag-aaral ko at si Nanay Delya lang ang pinagkakatiwalaan nila para gabayan ako rito, kahit puro barkada at lakwatya lang ang ginagawa ko minsan hindi sumusumbong si Nanay Delya sa magulang ko kaya mabilis napalagay ang loob ko sa kan'ya. Flashback Nandito ako sa labas ng bakuran nakikipag-usap sa mga barkada ko. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko sila hindi gaya sa Canada na lagi lang akong nasa bahay. "Tapusin n'yo na iyang meryenda n'yo at magsiuwi na kayo sa kaniya-kaniya n'yong bahay." Si Nanay Delya kaya nilingon ko pa s'ya at binigyan ng nagmamakaawang tingin na nagsasabing 'Mamaya na' "Sige papasok na ako sa loob para makaluto ng pang hapunan ninyo." Napatayo pa ako sa sinabing iyun ni Nanay Delya at saka mahigpit ko s'yang niyakap. "Salamat, Nay. Anong gusto n'yong regalo?" Mahinang usal ko kaya mahina n'ya akong sinampal ng tatlong beses sa pisngi nang maghiwalay ako ng yakap sa kan'ya. "Ouch!" angil ko pa sabay nagpa-cute ako sa harap n'ya. "Kakatapos lang ng kaarawan ko, gagastos ka na naman. Ibigay mo na lang iyan sa natitipuhan mong babae." "Nay, naman e wala akong babae pati kayo na hoh ang bago kong magulang, kaya huwag n'yo na hoh akong pagalitan sa tuwing bibigyan ko kayo ng regalo." sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. "Mga tol babalik rin ako." Paalam ko pa sa mga kaibigan ko. "Anong bagong magulang na pinagsasabi mong bata ka?" natatawa pang tanong ni Nanay Delya. Seryoso ako sa lahat ng sinasabi ko, si Nanay Delya... Si Nanay Delya ang tinuturin kong tunay kong magulang. Marami akong dahilan kung bakit pero sapat na sigurong sabihin na siya lang ang laging nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng kalinga ng isang magulang. "Ayoko na silang maging magulang pati nariyan ka naman palagi para bantayan ako 'di ba?" tanong ko pa sa kaniya. "Sus kong bata ka. Kung ano-ano ng pinagsasabi mo balikan mo na ang mga kaibigan mo roon at magluluto na ako." Hindi pa rin maalis sa mukha ni Nanay Delya ang tuwa dahil sa sinabi ko, hindi ko maintindihan kung natutuwa ba s'ya o natatawa sa mga nasabi kong iyun. Lumabas ako dala ang apat na beer nilapag ko ito sa mesa at bumukas na rin ng isa para sa sarili. Habang umiinom ako nakikinig lang ako sa usapan ng mga kaibigan ko hanggang sa... "Mga tol si Alexa oh!" Turo ni Franz sa dalawang babaeng naglalakad hindi ko alam kung sino sa dalawa ang tinutukoy n'ya. "Alam n'yo ba mga tol iyang kasama ni Alexa hindi nila katulong iyan narinig kong pinag-uusapan ni Lola at Mama na kapatid n'ya iyun." Patuloy lang akong nakikinig sa kuwento ni Franz pero ang mga mata ko nasa babaeng tinutukoy nilang kapatid daw nung Alexa. Hindi ko alam pero naawa ako para sa kaniya. Kapatid s'ya nung babae pero ginagawa s'yang katulong ng pamilya nito. "Ano ba Aubrey, bilisan mo nga!" bulyaw nito rito, walang emosyon namang naglakad lang itong babae pero bago siya makapasok sa loob ng bahay napalingon pa s'ya sa gawi namin. "Hala tol narinig ka yata." Nananakot pang sabi ni Persy kay Franz kaya napalagok pa uli ako ng alak. "Hala saan iyan nakatingin?" Nabaling uli ako ng tingin dito at nagulat ako nang makita itong nasa akin ang paningin nito napaiwas naman agad ako ng tingin sa kan'ya. Grabe iyung tingin n'ya. Parang manghihigop ng buhay. "Alam n'yo rin bang usap-usapan dito na bayaran daw iyan, pero hindi ako naniniwala e halos hindi nga lumalabas ng bakuran nila iyan at laging nagtatrabaho sa repair shop nila Kuya Lindo." si Franz uli. Halos gumulo ang isip ko sa lahat ng pinagsasabi nila.Wala akong pake sa buhay na meron ang babaeng iyun pero parang may tumutulak sa akin na alamin ko pa lahat ng meron s'ya. End of Flashback Ginilid at tinabunan ko ng kumot ang katawan ni Nanay Delya. At matapos no'n umakyat ako sa kuwarto ko dala ang isang beer at chips. Nakaupo lang ako rito sa balkonahe habang tinatanaw ang bintana ng kuwarto ng Aubrey na iyun. Si Aubrey Lana, isa s'yang mamamatay tao. Gusto kong magwala dahil sa ginawa n'ya kay Nanay Delya pero kailangan ko rin intindihin ang sitwasyon namin ngayon. Puno ng mga halimaw ang buong paligid, kitang-kita ng mga mata ko kung paano nila kagatin ang mga taong nasasalubong nila. Hindi na rin ako makalabas ng bahay dahil sa takot sa mga ito. Walang kuryente at wala ring tubig tangi ang phone ko lang ang nagsisilbing ilaw ko tuwing magdidilim. 9 days passed and I still have no plan to survive on this epidemic. I just peek out the window and watch the big change in this country. Nakita kong may liwanag na nanggagaling sa k'warto sa kabilang bahay kaya napatuon lang doon ang paningin ko. Nakita ko ang babae na pumatay kay Nanay Delya, abala s'ya sa pagkabit ng turnilyo ng kapit n'yang bagay. Pinagmasdan ko ang kabuuan n'ya, hanggang leeg ang buhok n'ya, naka-sleeveless shirt s'ya at jeans, ang angas ng dating n'ya at ganoon rin kung kumilos at mababasa mo talaga na may alam s'ya. Ang boring ng buhay ko ngayon 'di gaya ng kaniya. I want to be with my friend, I want to leave this f*cking life. "I hate my life!" Paglalabas ko ng sama ng loob pero parang hindi man lang nabawasan ang puot na nararamdaman ko."I have no good reason to live, I want to die!" dagdag sigaw ko at nagdududuro na ako sa hangin. Lasing na yata ako. "If you want to die, then jump!" May kung sinong sumigaw kaya napalingon pa ako sa paligid para hanapin ito at nakita ko iyung babae sa kabilang bahay. Nakaupo rin s'ya sa bintana n'ya habang kapit ang isang baril. "Mas maganda kung tatalon ka na lang d'yan kaysa magsusumigaw ka, mas masakit kung mamamatay ka dahil sa mga halimaw na iyun." Turo n'ya sa baba kaya napatingin ako dun. "What the f*ck!" Bigla akong napatayo at bumaba sa bintana, nagpaikot-ikot na rin ako dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko. Umaakyat na iyung mga zombies sa bahay ko! "Kailangan kong mag-isip ng paraan." Pagpupumilit ko pa sa sarili ko. RAWR! RAWRRR! Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga ungol ng mga zombies, kinuha ko ang stool chair sa gilid ng kama ko para gawing pamalo. Biglang kumalabog ang pinto ng k'warto ko at sunod-sunod na itong nangyari. Tama si Aubrey mas may saysay pa ang pagkamatay ko kung tatalon na lang ako. "Sh*t pareho lang iyun e!" angil ko at mabilis akong pumwesto sa bintana para tanawin kung naroon pa ba ang babaeng iyun but nabigo ako patay na ang lamparang nagsisilbing ilaw n'ya, tulog na yata s'ya. KLAGH! Tuluyang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napakaraming halimaw, sa sobrang takot nabasal ko sa mga ito ang stool chair na kapit ko. Pero wala itong epekto sa kanila kaya ang nagawa ko na lang ay ang umatras sa pinaka dulo ng kuwarto ko at duon ako sumiksik, pumikit pa ako at nagdasal ng napaka bilis. Sandali ko pang minulat ang mga mata ko pero ang bumungad lang sa akin ay ang zombie na bali ang buto at pipilay-pilay maglakad nasa likuran naman nito iyung mabilis maglakad kaya napapikit ako ng mariin. RAWRRR! "Lord, guide and protect me please." Mataimtim na sambit ko. DRAGH! DRAGH! DRAGH! DRAGH! Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil sa walang tigil na putok na iyun at pagkakita ko sa harap ko... iyung babae sa kabilang bahay, nakikipaglaban s'ya sa mga zombies na balak sana akong kagatin. Pinanood ko lang siyang ubusin ang mga halimaw hindi ko maiwasang mapanganga at humanga, ang galing n'ya talaga sa patayan kaya n'ya nga 'di ba napatay si Nanay Delya. Hindi ko pa rin tatanawin na utang na loob ang pagligtas n'ya sa buhay ko. Natapos n'ya ng patayin lahat ng zombies sa pamamagitan ng baril n'ya, tumayo naman ako ng maayos at hinarap ko s'ya. "Walang ano man." Maangas lang na sabi n'ya kahit hindi pa naman ako nagpapasalamat Tuluyan na siyang bumaba, mabilis ko naman s'yang sinundan. "Bakit?" Tumigil s'ya sa paglalakad kaya napatigil din ako sa pagsunod sa kaniya. "Gusto kong sumama sayo, bakit bawal?" Taas noong saad ko. "Kung gusto mong sumama magdala ka ng pagkain mo ayaw ko ng palamunin." Naglakad na muli s'ya paspas naman akong tumungo sa kusina at nakita ko roon ang net bag na kapit n'ya kanina, kinuha ko na lang ito at mabilis akong sumunod sa kaniya. Ang hirap pumasok sa bakuran nila ang daming patibong, kailangan ko pang tumiklay at umiwas para makalampas lang do'n. Nakakapigil hiningang sumama pa ako sa babaeng 'to. Hating gabi na at dahil hapunan na kailangan na naming kumain–este kailangan ko na pa lang kumain. Bakit ko s'ya isasama ano ko ba s'ya girlfriend, asawa, someone in my life? Tch kadiri hindi ako babagsak sa isang walang pinag-aralan at bayaran na babae! Self service kami rito sa pamamahay n'ya, nagtaka pa nga ako kung bakit wala iyung pamilya n'ya pero hindi ko na lang inintindi. Nagluto s'ya para sa sarili niya sh*t naghintay ako ng one hour tapos hindi n'ya pala ako pasasaluhin ang sabi n'ya pa 'pagkain ko 'to magluto ka para sa sarili mo para saan pa ang mga dinala mo?' angas n'ya rin, ano? Sarap upakan kung hindi lang babae, tomboy yata to e. Iyun na nga nagluto na ako ng pang hapunan ko. Nasuka lang ako sa sarili kong luto, sunog na itlog, with hilaw na tenola. Tiniis ko na lang para mabuhay ako, kinain ko na lang kahit labag sa t'yan ko. I can't take this anymore. Kasama ko ang isang babae na walang pakialam kung umiikot ba ang mundo n'ya o hindi. Lagi s'yang nagbabasa ng aklat kung hindi nagbabasa abala na naman sa pag-aayos ng weapons n'ya. Yes, 3 days have passed and this is our 12th day in this outbreak.This bvllsh!t happening in my life were just repeated together with the woman I didn't even know. Lalabas kami ng bahay para maghanap ng pagkain. Papanoorin ko lang s'yang pumatay nang pumatay ng mga halimaw. Hindi na boring ang buhay ko nang makasama ko si Aubrey ang nakakatakot lang puno na ng thrill at fears na ang nararamdaman ko. As much as possible, I really try to keep from getting infected by what she does. She is a bad influence person. I really need to distance myself away from her, so that I would not be attracted to the evil things she wanted and loves. I know, She is a demon.
cute
12/11
0hahaha fav song mo ata yong line without a hook eh same tayo
27/10
0nice
20/10
0ดูทั้งหมด