logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7


THIRD PERSON's POINT OF VIEW
"She's awake," ani ng babaeng naka-upo sa isa sa mga sanga ng puno.
Madaling araw na't hindi niya inaasahan ang paglabas ng hindi niya inaasahang tao. Sa tinagal-tagal niyang nagmamatyag sa H Mansion ay ngayon nalang ulit nagkaroon ng ekpresyon ang mukha niya. Isang ngisi ang sumilay sa labi niya habang pinagmamasdan si Vanessa na huminto sa harapan ng fountain.
Basang-basa niya ang pagkatuliro sa mukha ng dalaga habang naglilibot ng tingin sa paligid. Mas lalo siyang napangiti ng makita si Jiro na nilapitan ang dalaga. Hindi niya maiwasang mapailing ng pumasok na ang dalawa sa loob.
"Mukhang natakasan ka ng binabantayan mo, Jiro," aniya habang nakatingin sa pintong nakasara.
Bumaba siya sa sanga ng puno saka dumiretso sa tent na hindi kalayuan sa kanya, nakatago ito sa mga halaman at talagang hindi pansinin kahit sumikat man ang araw. Humiga siya sa comforter na nasa lapag saka itinabi sa gilid ng unan ang katana.
Pumikit ito at napangiti. Sa apat na linggo niyang pagmamatyag ay hindi niya talaga inaasahan na gigising pa si Vanessa. Matapos ng nangyare apat na taon na ang nakakaraan, hindi na siya umasa na gigising pa ang dalaga lalo na't may hinanakit pa rin siyang itinatago rito.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising saka kaagad naghanap ng mataas na puno para doon mag-matyag. Habang kagat-kagat ang isang tinapay ay mabilis siyang umakyat sa puno saka inilabas ang binoculars. Sumilip siya roon at ginawa ang naging routine niya sa pagmamatyag.
Wala namang kahina-hinala nang lumipas ang oras, pero nang pumatak ang tanghali ay hindi niya inaasahang lalabas si Vanessa mula sa mansion. Hindi katulad kahapon na tuliro ito, ngayon ay wala ng mababasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.
Akala niya'y tatakas ang dalaga ngunit hindi niya inaasahan nang maupo ito sa gilid ng fountain at waring nagsa-sight seeing lamang. Umayos siya ng upo sa sanga habang pinanliliitan ng mata si Vanessa na prenteng nakaupo sa gilid ng fountain.
Hindi niya mawari ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang dalaga. Gusto niya itong sugurin, pero nakatitiyak siyang baka mas mauna pa itong patayin siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makaramdam ng awa para kay Vanessa na kung titignan ay mukhang iniwan ng magulang at naghihintay sa pagbabalik ng mga 'to para kuhanin siya.
Napailing siya sa naisip. Hindi... hindi niya pwedeng pairalin ang emosyon niya. Trabaho lang niyang mag-matyag at wala ng iba pa. Bawal siyang gumawa ng kahit na anong hakbang hangga't wala pang inuutos sa kanya.
Ilang minuto lang ang lumipas at sunod na lumabas sa mansion si Jiro. Napataas ang kilay niya nang daluhan ng binata si Vanessa sa pagkaka-upo. Hindi niya rinig ang pinag-uusapan ng dalawa kaya tanging pagmatyag lamang ang nagawa niya. Lumipas ang segundo't tumayo rin ang dalawa saka pumasok sa loob.
Tumayo siya sa sanga nang puno nang makapasok ang dalawa sa loob. Hindi niya makitaan ng kahina-hinalang galaw ang dalawa kaya hindi niya masabi kung may binabalak ba sila o wala.
"It must've been nice kung makakapasok ako sa loob," aniya habang nakangisi't nakatanaw sa loob ng mansion dahil sa nakabukas na bintana mula sa second floor.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng H Mansion at hindi na niya tatangkain dahil alam niya sa sariling mataas ang security nito. Besides, she wouldn't take the risk to trespass the house and kill Vanessa because of hatred. Her master will kill her for sure if she recklessly does that.
Bumaba na siya sa puno saka dumiretso sa tent, kahit hindi pa gaanong madilim ay pumasok na siya sa loob ng tent upang magpahinga.
Kinabukan ay mas maaga siyang nagising, pasikat palang ang araw ay kaagad na siyang umakyat sa isang mataas na puno at doon kinain ang tinapay na almusal.
Habang nakalaylay ang isang paa't nakatingin sa malawak na kagubatan, hindi niya namalayan ang paglipas ng oras at nagulat nalang nang makita si Vanessa na nakaupo na naman sa gilid ng fountain.
"That must be her favorite spot," aniya habang nakatingin kay Vanessa.
Pinagmasdan lamang niya ang dalaga na nakatanaw sa malayo at dinadama ang simoy ng hangin. Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan si Vanessa. Hindi na niya alam ngayon kung may nararamdaman pa ba siyang inis o basta nalang nawala ng hindi niya namamalayan.
Ilang beses palang naman niyang nakikita si Vanessa pero bakit nag-iba na kaagad ang tingin niya rito? Hindi na katulad dati na isipin palang ang mukha nito'y gusto na niya itong saktan dahil sa katangahan.
Nailipat niya ang paningin sa ulap na mapayapa saka ulit napabuntong hininga. Sabagay, kung babalikan niya ang nakaraan at titignang mabuti, wala naman talagang kasalanan si Vanessa. Ang ginawa niya noon ay isa lamang aksyon ng isang panganay para sa bunso nitong kapatid na nasa panganib.
Tumagal ang oras niya sa pagmamatyag dahil sa kung anu-anong iniisip. Aaminin niyang hindi pa rin siya makatakas sa nakaraan dahil para lamang iyong kahapon.
Pasado alas otso na ng gabi siya bumaba sa puno at bumalik sa tent. Kaagad din naman siyang nakatulog nang makahiga pero kinabukasan ay mabilis niyang naimulat ang mata't kinuha ang katana na nasa gilid ng unan nang makarinig ng kaluskos.
Dahan-dahan siyang umupo sa pagkakahiga at hindi kaagad gumalaw. Umaga na at ramdam niya ang tirik ng araw sa labas. Pumikit siya't pinakiramdaman ang paligid. Pamilyar ang presensyang 'yon sa kanya.
Mabilis siyang napamulat ng mata saka lumabas ng tent. Walang ingay niyang tinakbo ang puno kung saan siya nagmamatyag at tahimik na inakyat 'yon. Habang hawak sa kaliwang kamay ang katana, mariin naman niyang ipinangtukod ang kanang kamay nang makaakyat sa pinakamataas na sanga ng puno.
Napakunot ang noo niya nang makita ang isang tao na palakad-lakad sa harapan ng H Mansion. Mukhang may tinatawagan ito dahil sa cellphone na hawak at sa porma ng pagkakatayo.
Nakasuot ito ng all black na damit at hindi niya mawari kung babae ba ito o lalaki dahil nakasuot ang hood ng jacket nito't nakatalikod pa sa gawi niya. Napakatahimik ng paligid at tanging yabag lamang ng taong 'yon ang naririnig niya.
"The hell, Jiro! Sagutin mo!"
Napahinto siya nang marinig ang boses nito, boses babae... at kahit hindi tignan ay kilalang-kilala niya ito. Angie Viceral, her number one enemy. Ang babaeng kahit walang atraso sa kanya'y kinaiinisan na niya kaagad.
Napakapit siya ng mahigpit sa katana saka napangisi. "You are so lucky dahil hindi kita pwedeng patayin," bulong niya habang matalim ang tingin kay Angie.
Tumaas ang kilay niya nang magsuot ito nang harness sa katawan saka umakyat sa second-floor ng mansion.
"Clever, bitch," aniya habang pinagmamasdan si Angie na umakyat at pumasok sa bintana ng second floor.
Bukas ang bintana sa second floor at kung tutuusin ay pwede rin niyang gawin ang ginawa ni Angie na pagpasok, pero alam niya sa sariling baka hindi pa siya makalabas ng buhay kung sakali.
Napangisi siya nang makapasok na ng tuluyan si Angie sa loob. "Now, this is interesting," aniya habang minamataan ang mansion. "Why are you here all of a sudden, Angie?" tanong niya sa kawalan.
Hindi siya nag-atubili't bumaba kaagad ng puno. Dumiretso siya sa tent saka ito itinupi.
"We are done here."
Iniligpit niya na rin ang ibang gamit saka binitbit palabas ng gubat. Dumaan siya sa ruta na nilagyan niya ng palatandaan kung saan mas mabilis makakalabas ng gubat.
Pinuntahan niya ang isang malaking puno nang makarating sa dulo ng gubat saka umikot sa likuran nito. Doon may nakatagong isang grand tourer sports car, tinanggal niya ang takip nito't inilagay sa loob ang mga gamit na niligpit kanina.
Pumasok siya sa loob ng kotse saka ito pinaandar paalis habang may ngisi sa labi. Hindi pa man siya nakakalayo sa gubat ay kaagad na siyang nakatanggap ng tawag.
Kaagad niyang sinagot ang tawag dahil may ideya na siya kung sino ito. "Nova Missea?"
"Yes, it's me."
"Tawag ka sa mansyon," ani ng kausap, "he wants an update."
"I'm already on my way there," aniya saka pinatay ang tawag.
Dalawang oras ang itinagal ng biyahe niya bago siya nakarating sa Angan Province. Ang probinsya kung saan nakatira ang angkan ni Vanessa.
Angan Province, a rural area outside the Metro City. It's still a land of few homes and other buildings, at konti palang ang mga tao. Hindi pa gaanong populated ang area kaya halos karamihan ng nakatira dito'y lumuluwas pa sa Metro City para maghanap-buhay at kumita ng mas malaking pera. But to the Aikawa Clan, this province is a treasure, dahil naitatago nito ang totoong buhay na meron sila.
"Finally."
Napangisi ng malawak si Nova nang makita sa malayo ang nagtataasang barrier, hudyat na pagmamay-ari ng Aikawa Clan ang nasa loob n'yon, ang Aikawa Village. Dahan-dahan niyang pinaandar ang kotse nang papalapit na sa gate at automatic naman itong bumukas kaya mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan papasok sa loob.
Kaagad bumungad sa kanya ang mga nagtataasang puno at magandang tanawin, makikita naman sa di kalayuan ang mga bahay na malalayo sa isa't-isa. Mga bahay na sumisigaw ng kapangyarihan.
Diretso lang ang takbo ng sasakyan hanggang sa inihinto niya ito sa pinakadulo ng village kung saan nakatayo ang isang malaking fountain. Sa likod n'yon ay may nakatayong bahay na kung titignan ang laki ay mas higit pa kumpara sa ibang mga bahay na nadaanan niya.
Sinalubong siya ng isang butler na kaagad nagbow sa kanya nang makababa siya. "Miss Missea, the master is waiting in his office."
Tumango lamang siya rito saka ibinigay angsusing sasakyan at pumasok sa loob ng mansion.
- • -

หนังสือแสดงความคิดเห็น (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    5d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด