logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

MATIIM NA NAPATITIG si Nikolaj sa pintuang nilabasan ng sekretarya niya  kapagkuwan ay napabaling siya sa isang libo na nasa ibabaw ng lamesa niya. He leaned to his swivel chair.
Alam naman ni Nikolaj na hindi aabot ng libo ang presyo ng kape kahit na sabihing branded pa iyon, well maliban na lang siguro kung imported pa sa ibang bansa ang naturang kape, may posibilidad pa, pero kung local lang naman ay napakalabo.
He just wanted to test her secretary. That's all.
A week with her as his secretary was not that bad kahit pa sabihing first time pa lang nito sa ganoong uri ng posisyon, ayun na rin kay Tita Laura niya, ang head ng department kung saan ito galing. Nakikita ni Nikolaj na ginagawa nito ang lahat ng makakaya  nito para magawa ng maayos ang trabaho nito.
Pero sa isiping nagpapanggap lang itong mabuting empleyado para pagkatiwalaan niya ay siyang nagpipigil kay Nikolaj upang magtiwala siya rito. Lalo na't he has an experience with the same case. Napatiim-bagang siya nang sumagi sa isipan niya ang isang parte ng nakaraan niyang isinusumpa niya.
Noong una ay tutol siya nang malamang babae ang secretary na ibibigay sa kanya. As much as possible ay ayaw niyang magkaroon ng katrabahong babae but her Tita Laura was persistent, assuring him that she was efficient at hindi raw ito katulad ng naging sekretarya niya noon. Kaya naman ay wala na rin siyang nagawa kundi ang payagan ito sa gusto nito kahit na labag iyon sa kalooban niya.
Kaya para mapatunayan na tama ang sinabi ng Tita Laura niya, he decided to give her a test without her knowing it.  A week with her is not enough for him to pass her the test, dahil nag-uumpisa pa lamang siya.
Papatunayan niya na katulad lang din ito sa iba pang mga babae dyan. Manloloko, manggagamit at mukhang pera.
Napatingin ulit si Nikolaj sa perang nasa lamesa niya.
Though he's a little bit surprised that she told him the truth. Akala niya ay ibubulsa nito ang perang iyon, since laman tiyan na rin naman ang isang libo.
Nang marinig ang mahinang katok sa pintuan ng opisina niya, kaagad na hinarap ni Nikolaj ang laptop niya at kunwari may binabasa roon at hindi na nag-abalang magsalita pa.
Mayamaya pa ay kusa ring bumukas ang pinto at katulad ng inaasahan ni Nikolaj, iniluwa niyon ang sekretarya niyang may bitbit na kape at walang ingay na pumasok sa opisina niya.
Hindi pa rin siya umimik kahit alam na niyang nasa harapan na niya ang sekretarya. Hinayaan niya lang ito sa ginagawa nito habang lihim niyang sinusundan ang bawat kilos nito.
Maingat nitong nilapag sa lamesa niya ang kape kapagkuwan ay narinig niya itong tumikhim bago nagsalita.
"Pasensya na po sa kapeng naibigay ko sa inyo kanina, Sir. Hindi ko alam na masyadong masama pala ang lasa ng natimpla ko." Nakayuko nitong turan.
Napaangat siya nang kilay nang maalala kung gaano kapaet ang kape na iyon na dahilan para maitanong niya rito ang brand na tinitimpla nito.
"Akala ko ba alam mo ang lasa ng kapeng dinadala mo sa akin?" Hindi niya napigilan tanong dito. Or maybe she's playing dumb this time.
Pero nang makita itong umiling-iling ay napakunot ang noo niya lalo na nang marinig itong magsalita.
"Hindi ko po talaga alam, sir. Hindi ko naman kasi tinitikman ang kapeng binibigay ko sa inyo."
Hindi makapaniwala napatingin siya rito kapagkuwan ay napabaling siya sa kapeng bagong timpla nito. "So, hindi mo rin iyan tinikman?" tanong niya habang itinuturo ang kapeng nasa lamesa niya.
Muli itong umiling-iling. "Hindi po."
"Paano mo malalaman kung tama na ang timpla niyan kung hindi mo tinikman?"
"Magrireklamo naman po kayo kung sakaling hindi masarap ang kape katulad kanina." kaagad na sagot nito. "Saka timplado na naman po iyang kape na iyon, a sachet for a cup, kaya di ko na kailangang magtantya kung gaano karami ng kape ang dapat kung ilagay." dagdag pa nito.
She has a point there but... "How did you know na hindi maganda ang lasa ng kape ng natimpla mo kanina kung hindi mo tinikman?" muling tanong niya rito.
"Syempre, tinikman ko po yun, sir. Iinumin ko na lang sana kasi sayang kung itatapon ko kaya lang, ayun nga... Hindi keri ng lalamunan ko ang lasa kaya naitapon ko pa rin."
Mataman siyang napatingin kay Abby dahil sa narinig. Nasasayangan siyang itapon ang kape? Is she even real?
"Am... Sukli niyo po pala, sir." anito sabay lapag ng pera sa lamesa niya. "Bale... tatlong dosena po ang binili ko good for one month to consume. Kung hindi po ako nagkakamali, less 300 pesos po lahat, nandyan din naman po ang resibo, check niyo na lang po."
Hindi kaagad nakaimik si Nikolaj sa narinig. Ni hindi nga niya naisip na ibabalik pa nito ang sukli.
"May kailangan pa po ba kayo?"
Marahan siyang napailing-iling dahil hindi siya makahagilap ng sasabihin.
"Sige po, balik na po ako sa table ko." Paaalam nito bago tumalikod sa kanya.
Nasundan na lamang ng tingin ni Nikolaj si Abby. He still can't believe what just happened. Is his Tita Laura was right? That she's different?
Mula sa likuran ng dalaga ay napagawi sa pang-upo nito ang paningin niya dahilan upang muling sumagi sa isipan niya ang nangyari sa kanila ng dalaga sa elevator.
Napakunot ang noo ni Nikolaj. Isa pa iyon sa ipinagtataka niya kanina pa. Para kasing wala lang sa babae ang nangyaring iyon sa kanila. She acted casually like before, taliwas sa inaasahan niya. She should be more showy and clingy right now, like her secretary before after he showed to her that he's interested.
And because of it. He instantly got irritated knowing that she's not affected at all!
And why the hell he cares anyway? He scoffed at itinuon na lamang sa mga paperworks ang buong atensyon while convincing himself na lalabas din ang totoong kulay ng sekretarya niya, soon enough.
Paparunayan niya na tama siya at mali ang Tita Laura niya sa pagkakakilala sa babaeng iyon.
NAKAHINGA NG MALUWAG si Abby nang tuluyan na siyang makalabas sa opisina ng boss niya at makabalik sa kanyang lamesa. Hindi niya talaga kayang tagalan ang presensya nito. Nanginginig ang mga tuhod niya sa hindi malamang kadahilanan, idagdag pa na palaging sumasagi sa isipan niya ang nangyari sa elevator na talagang hindi nakakatulong para pakalmahin siya.
Napabuntong hininga siya. Mabuti na lamang at hindi siya natulala kanina, dahil pag nagkataon ay baka nawalan pa siya ng trabaho ng wala sa oras.
Humugot siyang muli ng malalim na hininga sabay kausap sa sarili. "Focus, Abigail. Focus. Saka ka na lumandi kapag wala na sa trabaho." She inhale-exhale again and somehow, it helps her to calm down.
Kaya naman ay itinuon na niya ang buong atensyon niya sa trabaho. Then, her day ended just like that. Nothing much happened, just pure work.
Well, not until an uninvited guess suddenly showed up in front of her, demanding to see her boss in an instant, na para bang isa itong napaka-importanteng tao na hindi maaaring hindian.
Lihim na naningkit ang mga mata ni Abby dahil hindi niya gusto ang tono ng boses nito. Gayunpaman ay pinilit niya ang sariling kausapin ito ng mahinahon kahit na sa totoo ay gusto na niya itong sabunutan dahil sa pagtataray nito sa kanya.
Mabuti na lang at marunong makiramdam ang boss niya at ito na mismo ang lumabas sa opisina nito. Hindi na niya kailangang makipag-plastikan pa sa babae dahil nang makita ng babae ang boss niya ay kaagad itong nangunyapit dito na siyang ikinataas ng kilay ni Abby.
Isang linta pala...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (30)

  • avatar
    Ro Se

    ang ganda ng kwentong ito iba kasi judgemental agad

    30/08/2022

      1
  • avatar
    Shirley Planas Sinda

    nice story

    25/05

      0
  • avatar
    Guelay

    update nmn ganda KC

    05/02

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด