logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2

There are wounds that never show on the body that are deeper and more hurtful than anything that bleeds.
Handling our suffering is an art. If we know how to suffer, we suffer much less, and we’re no longer afraid of being overwhelmed by the suffering inside.
Hinding-hindi ko makakalimutan 'yong gabing ginahasa ako ni Sir Villanueva.
Halos tatlong linggo na simula nang mangyari ang pangyayaring iyon. Nararamdaman ko pa rin ang takot at pangamba sa tuwing papasok ako sa klase niya. Kaya naman minsan ay hindi ako pumapasok sa oras ng klase ni Sir Villanueva dahil sa takot akong makaharap siya.
Dahil maaalala ko lang ang ginawa niyang pambababoy sa akin.
I will never forget it.
Habang nagtuturo siya sa harap ngayon ay hindi ko maiwasan ang mapaluha. Hindi man lang bakas sa kaniya ang pagkakasala na ginawa niya sa akin, bilang estudyante niya.
Dahil sa sobrang galit ko ay nakuha kong mabasag ang hawak kong balbalin na lagayan ng tubig kaya naman napahinto siya sa pagtuturo at saka ako tiningnan nang seryoso.
Tumikhim siya. “Is there something wrong, Ms. Garcia?” tanong niya.
Nakatingin lang ako nang diretso sa kaniya at narinig ko naman ang mga bulungan ng mga kaklase ko.
“Gumagawa na naman siya ng eksena,” pabulong na sabi ng nasa gilid ko.
Tumingin naman ako sa kaniya habang may luha sa mata. “You know nothing. You don’t know the hell I’ve experienced,” gumagaralgal na boses na sagot ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako at saka hindi na pinansin.
Wala silang alam sa impyernong naranasan ko sa mga kamay ni Sir Villanueva. Napasa ko nga iyong markang bagsak ko, kapalit naman pala no'n ay ang dignidad ko bilang isang babae.
Paano niya nagagawang magturo sa harapan na parang walang pagsisisi sa ganiwa niya sa akin? Habang ako ay nagdurusa rito, ni hindi man lang siya humingi ng tawad sa akin. Pero kahit na humingi pa siya ng tawad sa ginawa niya, I will never forgive him for what he did.
Tumayo ako at saka ako lumabas ng room namin. Narinig ko pang pinababalik ako ni Sir Villanueva pero hindi ko siya pinakinggan. Wala akong oras para sumunod sa mga gusto niya.
Dahil sa huling iniutos niya sa akin, nagdusa ako.
Nagpunta ako sa isang garden. Kung saan walang katao-tao at puro lang matatayog na puno at magagandang bulaklak ang nasa loob ng garden na 'to.
Pumasok ako rito at saka umupo sa isang duyan na nandoon. Nakasabit ito sa magkabilang puno.
Itinulak ko ang duyan pataas sa pamamagitan ng paa ko para naman gumalaw iyon nang paatras at paabante. At saka ko pinikit ang mata ko, dinaramdam ang sariwang hangin sa hardin na 'to. Tanging huni ng ibon lang ang naririnig ko at ang pagtalsikan ng tubig sa may maliit na tulay rito kung saan may mga isdang malayang lumalangoy.
Kahit papaano ay gumiginhawa ang pakiramdam ko rito. Na kahit saglit lang ay nakakalimutan ko 'yong ginawa niya sa 'kin.
If you look the right way, you can see that the whole world is a garden. This is not a place to visit, this is a home.
Napangiti ako nang mas lumakas pa ang hangin na dumadampi sa balat ko.
I firmly believe that nature brings solace in all troubles..
Tranquility, serenity, and beauty of nature taught me how to find happiness in life and in the silence of eternity.
Abala ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko nag malakas na pagpatak ng ulan.
Hindi ko binuksan ang mga mata ko, dinamdam ko lang ang ulan. It gives me chill. Parang nakikisabay ang ulan, sa nararamdaman ko.
Let the rain kiss you. Let the rain beat upon your head with silver liquid drops. Let the rain sing you a lullaby..
Nagtataka ako kung bakit wala ng patak ng ulan na pumapatak sa akin kaya iminulat ko mata ko at tumingala.
May isang lalake na may hawak na payong at nakatayo sa gilid ko.
“Masama ang maligo sa ulan. Baka magkasakit ka,” anang isang lalakeng hindi ko kilala.
“Eh, ano naman ngayon kung magkasakit ako? Gusto ko nga 'yon, eh,” sagot ko sa kaniya at tumawa nang kaunti.
“What are you doing here?” tanong niya.
Napakamot naman ako ng pisngi. “Why the hell are you asking? Do I know you?” iritang pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
“Nah. You don't know me, I'm Uno, and you are?” Pumalad naman siya ng kamay para makipagkamayan sa akin.
Tinanggap ko ang kamay niya. “Ava,” sagot ko sa kaniya at mabilis na binitawan ang kamay niya.
Baka kase mag-assume na gusto ko siyang hawakan. Pero malambot ang kamay niya, parang hindi sanay humawak nang kung ano-ano.
“I saw you here, parang malungkot ka. Actually kanina pa nga kita tinitingnan—”
Pinutol ko ang sasabihin niya. “You're a stalker!” sigaw ko sa kaniya.
Tumawa siya. “Nah, I don't know who the hell you are. Nakita lang kita kanina at mukha kang malungkot, 'di mo nga ako napansin, nasa tapat mo lang ako. Kaya noong umulan, nilapitan na agad kita,” aniya.
Napakagat naman ako ng labi. “Ah, akala ko kase sinusundan mo ako.”
Umiling siya. “No.” Tumawa siya. “Why would I? You're not even pretty,” sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Just kidding. I'm not your stalker.”
“Baliw,” tipid na sagot ko sa kaniya at saka ko siya inirapan.
Pakialam ko kung maganda ako o hindi? Ang importante lang naman sa akin ay ang maabot ko ang expectation ng mga magulang ko sa akin, wala ng iba pang dahilan. Kung kaya kong higitan ang expectation nila, gagawin ko. Kaya wala na akong pakialam sa look ko, sa love life ko, o kung ano pa man.
Hinintay naming dalawa na tumila ang ulan kaya naman sumilong kami sa may maliit na kubo.
“Lalo atang lumakas 'yong ulan,” ani Uno.
“Halata naman siguro,” sarkastikong sabi ko at saka na pumasok sa may kubo.
Tumawa na naman siya. Hindi ko alam kung ano bang nakakatawa sa mga sinasabi ko? Tawa siya nang tawa, hindi ba halata na naiinis ako?
“Anong section ka pala?” muling tanong niya.
“Plaridel - 1, bakit?” tinatamad na sagot ko sa kaniya.
Simula noong nag Senior High ako ay hindi ako mahilig makipagusap sa ibang tao, lalo na kung hindi ko close. Ewan ko ba, pero simula nang mag Senior High na ako, wala na akong pakialam kung may kaibigan ba ako o wala.
Pero noong Elementary ako at Junior High, marami akong mga kaibigan. Pero kadalasan, hindi tumatagal dahil bigla na lang mawawala ang connections namin.
People come and go. Gano'n ang routine nila, kaya tinamad na rin akong kumilala ng iba. Mas okay na 'yong mag fofocus na lang ako sa pag-aaral ko, kaysa kung ano ang atupagin ko.
“Pareho pala tayo ng block. May klase pa, ah? Nag cutting ka?” tanong na naman ni Uno.
Natigilan ako sa tanong niya at para akong nabalisa. Hindi ako umimik at tumingin na lang ako sa labas ng kubo.
“Nag cutting ka 'no?” pangungulit niya kaya tumango lang ako. “Sabi na, eh,” aniya na animo'y naka-jackpot.
Inirapan ko siya. “Oh, ikaw ba? Bakit ka nandito? Nag cutting ka rin siguro 'no?” pagbabalik ko ng tanong.
Tumango siya. “Oo,” mabilis na sagot niya. “Inatake kase ako ng anxiety, dahil sa nangyari. Kaya ayon, umalis ako sa klase. Naalala ko na naman kase,” ngumiti siya na may halong lungkot.
Nakuryoso naman ako sa sinabi niya. “Ang alin?” kuryosong tanong ko.
He smiled sadly and shooked his head. “Nothing. Tumila na rin ang ulan, balik na tayo sa room. Malapit na rin mag dismiss,” aniya at saka lumabas sa kubo.
Naramdaman ko naman na parang bumaliktad ang sikmura ko at may hindi ako maipaliwanag na naramdaman. Gusto kong magsuka, at parang nahilo ako bigla.
Mabilis na lumabas ako sa kubo at saka ako nagsuka sa may basura. Sobrang pait ng isinuka ko, parang bumaliktad ang sikmura ko at gusto ko na lang iduwal lahat ng laman ng tiyan ko.
Wala naman akong nakain kanina, ah?
“Are you okay? Anong nararamdaman mo?” tanong ni Uno habang hinahaplos ang likod ko dahil sa pagsusuka. “Kailangan mong madala sa clinic?”
Umiling ako. “H-hindi na. Kaya ko naman, baka may nakain lang ako,” sagot ko.
I smiled awkwardly.
Dahil lang siguro sa lagi akong puyat, at wala na akong halos makain dahil sa sobrang stress ko sa pag-aaral. Gusto ko kaseng maabot ang expectation nila Mama at Papa. Kaya nagsusunog ako ng kilay para sa pag-aaral, bumabawi ako para tumaas ang grado ko.
Pero may halong kaba ang nararamdaman ko. Ayokong isipin na totoo ang hinala ko ngayon..
Hindi puwedeng mangyari kung ano man ang naiisip ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (115)

  • avatar
    AlcantaraAngel

    ang ganda ng story po!😊

    12d

      0
  • avatar
    Kim Uyas

    maganda talaga basahin

    16/08

      0
  • avatar
    Da Niel

    Nccccc

    15/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด