logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Thalia's POV
Kinakabahan na ako ngayon kahit anong oras ay dadating na si Kuya Terence at Tatay.  Sigurado akong hahanapin nila sa akin si Nanay at patay ako kapag nalaman nila ang nangyari.
Hindi nila tanggap na inampon ako ni Nanay. Oo, ampon lang ako at para sa kanila ako daw ang nagdala ng malas sa buhay nila.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit sila sa akin samantalang ginagawa ko naman ang lahat para matanggap nila ako.
Tok! Tok! Tok!
Lumakas ang kaba ko ng marinig ko ang katok sa pintuan at ng marinig ang boses ni Kuya. "Thalia! Buksan mo ang pinto!" sabi niya kaya dali-dali akong pumunta sa pintuan.
"BILISAN MO!" sigaw ni Kuya sabay kalabog sa pintuan.
Pagbukas ko ng pintuan agad niya akong sinalubong ng sabunot. "A-aray, kuya m-masakit." sabi ko sa kanya pero lalo lang niya hinigpitan ang hawak sa buhok ko.
"Masakit? Siguro ngayon magtatanda ka na! Wag na wag mo akong pinaghihintay! Ang init init sa labas tapos ang bagal mo akong pagbuksan ng pintuan!" sigaw niya sabay tinulak ako.
Napaupo ako sa sahig saka niya ako sinipa. "Tumayo ka dyan ipaghanda mo ako ng meryenda nagugutom ako. Bilisan mo baka gusto mong makalbo pa kita dyan!" sigaw ni Kuya kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina.
Kumuka ako ng itlog sa ref para iprito at ipalaman sa tinapay ni Kuya pero bigla niya akong pinatid. Tumayo si Kuya at ningudngod ako sa bagsak na itlog. "Linisin mo yan!" sigaw ni Kuya saka umalis. Tumayo na ako para kumuha ng mop pero bumalik siya dala-dala yung uniform ko. "Ayan ang gamitin mo panglinis!"
"P-pero K-kuya!" sabi ko.
"Walang pero-pero kung hindi mo gagawin yan sa labas ka matutulog!" sigaw niya saka umakyat sa kwarto niya.
Ngayon ko lang na-realize na baka totoo talaga ang sinasabi nung lalaki kanina.
Sana nga totoo na lang ang mga sinabi niya.
♤♤♤♤♤
"Thalia!" sigaw ni Kuya kaya bigla akong napabangon sa higaan ko.
"Kuya?" tanong ko sa kanya.
"Anong oras na? Bakit hindi ka pa rin nagluluto ng hapunan? Gusto mo na naman bang tamaan?" sigaw sa akin ni Kuya Terence habang nanunuod ng T.V.
"Hindi po, magluluto na po ako." sabi ko sabay punta sa kusina.
"Dapat lang, bilisan mo nagugutom na ako." sigaw niya sa akin.
♤♤♤♤♤
Tok! Tok! Tok!
Tok! Tok! Tok!
"Hoy Thalia! Hindi mo ba naririnig yung kumakatok? Buksan mo, ano pang tinatanga-tanga mo dyan?" sigaw niya sa akin.
"Kuya Terence nagluluto po ako. Ikaw na lang po." sabi ko totoo naman eh, halos katabi na lang ng sofa yung pintuan.
Nagulat ako ng biglang nasa likuran ko na si Kuya Terence, hinablot niya ulit ang buhok ko "Inuutusan mo ako Thalia?!" sigaw ni Kuya Terence sa mukha ko.
"H-hindi po k-kuya, bubuksan ko na po." sabi ko sa kanya saka binitawan ang buhok ko.
Hininaan ko muna yung kalan para hindi kaagad masunog ang niluluto ko at dali-dali ko namang binuksan ang pinto pero ang sumalubong sa akin ay isang malakas na sampal.
PAK!
Sinampal ako ni Tatay halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sampal niya sa akin. "Siguro naman magtatanda ka na ngayon." sabi niya sabay pasok sa bahay. "Ano yung amoy sunog?" tanong ni Tatay kaya tumakbo naman ako papuntang kusina.
Nakita ko na sobrang lakas ng apoy kaya mabilis na nasunog yung niluluto ko kanina pero paano nangyari yun? Ang alam ko hininaan ko siya bago ko buksan yung pintuan.
Nagulat ako ng nasa likod ko na si Tatay kaya pagharap ko sa kanya bigla niya akong sinikmurahan. Sobrang sakit kaya napahiga ako sa sahig saka niya ako pinagsisipa. Nakita ko naman si Kuya Terence na nakangiti at akala mo nanalo sa lotto. "Tay, tama na po." sabi ko habang patuloy niya pa rin akong pinagtatadyakan.
"Anong tama na? Hayop ka! Alam mo ba kung gaano kahirap kumita ng pera at wala na tayong makain tapos sinusunog mo lang yung pagkain natin." sigaw ni sa akin. "Wala ka na ngang natutulong dito ganyan ka pa. Nasaan ang Nanay mo?" tanong niya sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang sakit na ng katawan ko kaya unti unti kong inabot yung papel na iniwan kanina. Pagkabasa ni Tatay at ni Kuya, agad akong tinayo ni Tatay "Terence, nasaan na ang sigarilyo mo? Tuturuan natin ng leksyon ang malas na toh." sabi ni Tatay.
"Tay, wala po akong kinalaman dyan parang awa mo na po, wag po." sabi ko pero biglang dumating si Kuya dala-dala yung sigarilyo niya.
"Anong wala? Hindi mo ba alam na dahil dyan sa lecheng pag-aaral mo kaya nabaon kami sa utang?!" sigaw ni Tatay saka kinuha yung sigarilyo ni Kuya, napasigaw ako ng bigla niya akong pasuin gamit ang sigarilyo.
"ARAAAAAAAAAAAY! TAY TAMA NA PO!" sigaw ko pero parang wala lang siyang narinig sa halip lalong diniinan yung sigarilyo sa braso ko.
"Sana magtanda ka na." sabi ni Tatay saka binalik yung sigarilyo kay kuya na ngayon ay nakangiti. "Hindi ka maghahapunan ngayon, naintindihan mo?!" sigaw ni Tatay sa akin.
"O-opo." mahina kong sabi.
"Umakyat ka na sa kwarto mo, ayokong nakikita kang pagala-gala dito sa bahay baka mapatay lang kita." sabi ni Tatay, "Ano pang tinutunganga mo dyan, akyat na!!" sigaw niya sa akin at kahit na iika ika akong maglakad binilisan ko ang pagpunta sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kama ko doon ako umiyak dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko.
♤♤♤♤♤
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil na rin siguro sa pinaghalong sakit sa katawan at gutom pero nagising ako ng may naramdaman akong humahawak sa hita ko.
"T-tay?" mahina kong sabi.
"Ssssssh, wag kang maingay baka magising ang kuya mo." sabi niya saka dahan dahan tinanggal yung damit niya.
Napabangon naman ako at tumakbo sa sulok. "T-tay, wag po anak niyo po ako." sabi ko habang umiiyak.
Si Tatay naman nakangiti lang, "Anak? Hindi naman kita anak ha." sabi niya saka patuloy na lumalapit sa akin.
"W-wag po." nagulat na lang ako ng bigla niyang hinila ang buhok ako at itinayo.
"Ikaw ang dahilan kung bakit wala na dito ang Nanay mo kaya dapat ikaw din ang pumalit sa kanya." sabi ni Tatay saka hinagis ako sa higaan.
"Wag po tay!" sigaw ko baka sakaling may makarinig sa akin.
"Kahit sumigaw ka wala ng makakarinig sayo tulog na ang mga tao." sabi niya saka tumawa ng malakas.
Tumakbo ako papuntang pintuan pero nahila niya ulit ang buhok ko saka tinapon ulit sa kama. "Masyado kang madaming arte." sabi niya saka sinuntok ako sa tiyan, nakaramdam ako ng panghihina pero pinilit ko pa ring tumayo.
Tumawa lang siya saka inuntog ako pintuan, nakita ko na may bahid na ng dugo ang pintuan ng bigla itong bumukas at unti unti ng nanlabo ang aking paningin.
"Thalia!" sigaw ng isang lalaki na parang familiar yung boses.
"Prince?" ang huli kong nasabi bago tuluyang  nagdilim ang aking paningin.
End of Thalia's POV

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    JunioJayvelyn flor

    please continue the book of mistaken identity sayang Naman Ang pag Basta Ng story mo 😍😍

    8d

      0
  • avatar
    Ermest Abellera

    Nice quality

    10/08

      0
  • avatar
    herang

    ang ganda,nabitin ako teeee!😭

    25/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด