logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Habang nakaupo ako sa kama matapos kung makausap ang aking pinsan ay bigla sumagi sa isip ko ang nangyari noon.
FLASHBACK ….
Excited akong pumunta ngayon sa condo ng boyfriend ko. Isusurprise ko kasi siya at hihingi na din ng sorry, nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan nitong mga nakaraang araw.
Habang nasa elevator ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sa tagal na namin kahit ilang beses kaming mag away naayos naman namin. Ganyan siguro pag mahal niyo ang isa't isa. It's been 2 days simula no’ng nag away kami. Hindi kami nag uusap kaya napag isipan kung ako na lang ang unang kakausap sa kanya tutal kasalanan ko naman ang nangyari. Lagi na lang kasi siya ‘yong sumusuyo at nagsosorry sa tuwing magkaaway kami kahit pa nga hindi niya kasalanan siya pa rin ang nagpapakumbaba at ayaw ko naman maramdaman niyang siya na lang lagi ang nag eeffort kaya ako naman ngayon.
Maaga akong nagising at nag bake ng cookies. Isa kasi to sa paborito niya lalo na kung ako ‘yong gumawa. Naalala ko inaral ko pa ‘to kasi gusto kung ako mismo ang gumawa para sa kanya.
Ng makarating na ako sa unit ng condo niya ay hindi na ako nag abala pang kumatok. Binuksan ko na agad ito dahil alam ko naman ang password ng pinto. Pagpasok ko nagtataka ako dahil malapit ng mag tanghalian pero tulog pa ang boyfriend ko. Dumiretso na lang muna ako sa kitchen niya para ilapag ang dala kung mga cookies at pagkatapos nun pinuntahan ko na siya sa kwarto niya.
Habang papalapit ako sa kwarto niya napatigil ako ng parang may narinig akong boses ng babae. Agad akong nakaramdam ng kaba, napatigil ako sa harap ng pinto ng ilang segundong huminga ako ng malalim bago magpasya ng buksan ang pinto ng kwarto niya.
Pinikit ko ang mga mata ko sa pag asang sana ay mali ako, sana mali ang hinala ko, sana guni guni ko lang ‘yon. Kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata ang ay nagsilaglagan ang mga luha ko.
Ang sakit!
Gusto kung sumigaw, gusto kong sabihin na mga hayop sila. Pero walang ni katiting na boses ang lumalabas sa bibig ko.
Napahikbi ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
I saw them! My boyfriend with another girl in bed.
Napatigil sila sa ginagawa nila ng mapansin na may ibang tao sa silid.
Bakas sa mukha ng boyfriend ko ang gulat ng makita kung sino ang nasa pinto.
"B-babe?" kinakabahang saad niya at agad tumayo mabilis sabay lapit sakin.
Ang babae naman na kasama niya at agad nag bihis at nagmadaling tumakbo paalis.
Hindi ko alam ang gagawin ko, gulong gulo ako at nanghihina. Pakiramdam ko anumang oras ay magpapass out ako.
Agad dumapo ang mga palad ko sa mukha niya "B-bakit?" nanginginig na sambit ko habang nakatingin sa kanya.
"L-let me explain, please.. babe" pagsusumamo nito.
"Explain what? Ano pa bang sasabihin mo ha? Anong kasinungalingan pa ang sasabihin mo? Wala na!Kitang kita na ng dalawang mata ko. Tangina lang! Ilang taon na tayo pero bakit? Bakit nagawa mo akong lokohin? Anong naging kasalanan ko? Anong pagkukulang ko? Answer me!" sigaw ko dito, habang napaupo.
Hindi siya makasagot, nakayuko lang ito at umiiyak na din.
"B-babe I-I'm sorry! Hindi ko sinasadya lasing lang ako. P-please forgive me, pag usapan natin ‘to, ayusin natin. Mahal na mahal kita" pagmamakaawang anas niya sabay yakap sa akin.
Ngunit tinanggal ko lang ang pagkakayakap niya sakin at agad siyang itinulak.
Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon! Para akong dinudurog ng pinong pino.
How could he do this to me?
Mapakla lang akong ngumiti sabay baling sa kanya. "Sorry? Forgive you? Ayusin natin? Nagpapatawa ka ba? Paano mo gagawin ‘yon sige nga! Hindi mo sinasadya? That's bullshit! Sa tingin mo mapapatawad kita sa ginawa mo? Hindi ako tanga!"nanggigigil na duro ko sa kanya.
Tumayo ako sabay ayos ng sarili ko at naglakad paalis pero bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko pa itong makayuko pa rin. "Kung mahal mo ako sana hindi mo ‘to nagawa. Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan at kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin at gagaguhin!" puno ng hinanakit na wika ko. "Kung ganito ang pagmamahal para sayo sana hindi na lang ikaw ang minahal ko. Ang sakit sakit mong mahalin! Huwag ka nang umasa pang magpapakatanga ako para tanggapin ‘yang sorry mo. Hindi ako sumira sa ilang taong relasyon na mayroon tayo kung hindi ikaw. You choose this so face the consequences. From now on forget everything that we had. Lahat ng ‘yon ay mananatiling isang alaala na lang." dagdag ko pa at patakbo ng nilisan ang lugar na 'yon.
Pagkatapos ng pangyayari na ‘yon ay hindi pa rin siya tumitigil na suyuin ako at humingi ng tawad, palagi pa rin siyang gumagawa ng paraan para makausap ako, minsan pumupunta siya sa bahay pero hindi ko siya hinaharap.
Ilang araw kung iniyak ang nangyari. Halos mawalan ako ng ulirat. Masyadong masakit para sa akin ang ginawa niya. Hanggang sa nagkaroon ako ng depresyon to the point na nagawa kung mag commit ng suicide pero hindi niya iyon alam.
I love him so much that's why I'm hurting.
Hanggang sa isang araw nagdesisyon na akong ayusin ang buhay ko at umalis papuntang ibang bansa ng hindi niya alam. Pinili kong pumunta ng Korea at dito ipinagpatuloy ang pag aaral ko at the same time para na rin makalimot.
End of Flashback
Pagkatapos kung alalahin ang nakaraan agad ko itong iwinaksi sa aking isipin ang bagay na ‘yon dahil ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na masaktan pa ako ulit.
Napatingin ako sa phone ko habang nakikita ang pangalan ng pinsan ko. I smile. Swerte niya, nakita niya ‘yong lalaking para sa kanya, ‘yong lalaking mahal siya at mahal niya.
Agad akong tumayo para maligo at makatulog na. Maaga pa ako bukas gigising para ayusin ang mga kailangan ko pang ayusin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    mendozamark lawrence

    it's saw beautiful story

    16/06

      0
  • avatar
    Inzaiplay S Yagnul

    ganda nang kwenti

    30/05

      0
  • avatar
    Gabing Solasco Jhacel

    good job po and god bless

    16/04

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด