logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Nᴀɴᴅɪᴛᴏ lang ako sa loob ng k'warto ko. Iniisip ko kung ano bang magandang gawin. Umuulan kase kaya hindi ako makalabas ng bahay pero bigla akong napaisip na maligo na lang sa ulan tutal wala naman akong magawa rito at hindi pa naman ako naliligo kaya napagdesisyonan kong lumabas ng k'warto 'tsaka ako lumabas ng bahay.
Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya ma-e-enjoy ko ang pagpapaulan. Napangiti ako sa isiping matagal na rin magmula noong naligo ako sa ulan kasama ko pa noon 'yong kaibigan ko na si Eliz, naawa nga ako sa kaniya no'n dahil pinalo siya ng Mama niya dahil nagpaulan daw siya sa ulan. Buti na lang si Mama ay hindi mas'yadong namamalo pero mabunganga lang siya kapag nagagalit.
Tsinelas pa ang ipinalo kay Eliz no'n na pumalahaw ng iyak. Gusto ko sanang tumawa dahil sa hitsura niya. Lumalaki kase ang butas ng ilong niya kapag binabanggit niya 'yong 'Mama.' Naparang nagmamakaawang kambeng.
Kaso naisip ko na baka pati ako ay mapalo kaya kahit gusto kong tumawa ay pumikit na lang ako at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang tawa ko.
'Tsaka lang ako tumawa ng tumawa nang umuwi na sila sa bahay nila. Naglumpasay pa nga si Eliz habang umuuwi sila. Sobrang sakit talaga ng t'yan ko no'n dahil sa mukha ni Eliz. Kamusta na kaya siya? Naliligo pa rin kaya siya sa ulan kagaya ko tapos makikita siya ng Mama niya at papaluin ulit?
Sayang naman, wala na ako do'n para panoorin ulit siya kung paano lumaki ang ng butas ilong niya habang pinapalo ng Mama.
Natigilan ako sa pag-iisip nang hindi ko na maramdaman ang ulan. Ang akala ko ay tumigil na ang ulan kaya nalungkot ako bigla pero umuulan pa rin sa ibang parte kaya napatingin ako sa taas at nakita ko ang isang payong na nakasulong sa ulo ko. Bumaling ako sa nag mamay-ari ng payong at nakita ko si Sperm na walang emosyon ang mukha kaya napanguso na lang ako. Galit pa rin ba siya sa akin? Nag-away kase kami kanina dahil may kinausap akong batang lalaki sa labas bago umulan.
"Bakit ka nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" sarcastic niyang tanong.
"Ayaw," nakangusong sabi ko.
"Oh, bakit ka nagpapaulan?"
"Masarap kayang maligo sa ulan," sabi ko 'tsaka ako umalis sa pagkakasilong sa payong pero ibinalik ulit ni Rem ang pag payong sa ulo ko. "Ano ba! Gusto ko ngang maligo sa ulan," inis kong sabi.
Lumayo ako sa kaniya ng ilang hakbang 'tsaka ako dumila sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo na parang naiinis. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko na lang ang pagliligo sa ulan.
Sabi kase ng mga matatanda kapag may bungang araw ka sa katawan, maligo ka lang daw sa ulan ay mawawala na 'yong bungang araw mo. E, wala naman akong bungang araw gusto ko lang talagang maligo sa ulan kase na miss ko lang. At isa pa, madalang na lang umulan ngayon kaya sinusulit ko na.
Umalis na si Rem na hindi ko na pansin. Amp! Bahala nga siya sa buhay niya. Kapag nagpapapansin ako ay hindi niya ako pinapansin. Ngayon naman siya 'yong nagpapapansin sa akin! Magtiis siya!
Hanggang sa tumigil na ang ulan ay napanguso ako dahil saglit lang 'yong ulan. Pumasok na ulit ako sa bahay para magbanlaw 'tsaka ako nagbihis ng damit na si Bubbles ang nakaprint. Hanggang sa sumapit ang gabi at parang pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Habang kumakain kami sa hapagkainan kasama sila Tita Grace ay parang nawawalan ako ng ganang kumain at pakiramdam ko sa sarili ko ay nag-aapoy sa init. Ang init ng pakiramdam ko pati 'yong mga mata ko ay nagluluha na.
"Hija, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tita Grace sa akin.
Tumango ako kahit hindi naman talaga. Ayoko ko lang silang pag-alalahanin lalo pa't wala dito sila Mama.
"Namumula 'yang mukha mo anak," nag-aalalang tugon ni Tito.
"A-ayos lang po ako," malamlam kong sagot.
Inabala ko na lang sa pagkain ang sarili. Pinilit kong kumain kahit ayaw ng sikmura ko parang umiikot 'yong paningin ko. Naramdaman kong may humawak sa noo ko at nakita ko si Rem na seryosong chine-check ang lagay ng temperatura ko.
"She has a fever," sabi ni Rem kay Tita Grace.
Nag-aalalang lumapit naman sa akin si Tita para tingnan kung mataas nga ang lagnat ko at nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang init ko raw.
"Oh my God honey si Cell! Ang taas ng lagnat niya," mabilis namang tumayo sa pagkakaupo si Tito at balak na ata akong dalhin sa hospital.
"Tita, okay lang po ako... M-magpapahinga na lang po ako," nanghihina kong sabi.
"I told you! Ang kulit mo kase e, nagpaulan ka pa!" iritang sabi ni Rem sa akin.
Yumuko naman ako.
"S-sorry... Sorry po Tita, Tito pinag-alala ko pa kayo... Ahm. I-iinom na lang po ako ng gamot," mahinahon kong sabi.
Inutusan naman ni Tita ang isang katulong sa bahay na painomin ako ng gamot. Inalagaan ako ni Tita at minu-minuto niya akong chine-check sa k'warto kung ayos lang ba ako. Pinahinaan ni Tita 'yong aircon para hindi ako lamigin 'tsaka niya ako kinumutan.
Ipinikit ko na 'yong ang mga mata ko para makapagpahinga na at sigurado ako bukas ay bubuti na ang kalagayan ko. Sinabi ko na rin kay Tita na 'wag nang sabihin kila Mama na may lagnat ako dahil mas lalo lang silang mag-aalala. Nasa ibang bansa sila para sa meeting at ayokong pag-alalahanin pa sila. Kung sasabihin ni Tita kay Mama na may lagnat ako ay baka umuwi agad sila dito sa Pilipinas para lang i-check ako. Okay lang naman ako, lagnat lang 'to. Bukas ay aayos din ang lagay ko.
Habang nakapikit ako ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng k'warto ko. Akala ko si Tita Grace lang 'yon para i-check ulit ako. Handa na akong dumilat nang maramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko at hinawakan ang noo ko. Hindi kamay ni Tita 'yon dahil maliit lang ang kamay at sigurado akong si Sperm 'to. Minabuti ko na lang na magtulog-tulugan para marinig ko kung ano man ang sasabihin niya.
"Sorry," paunang niyang sabi. "Sorry kung na sigawan kita kanina, nag-alala lang naman ako sa'yo... Hindi ka naman lalagnatin kung sinamahan na lang kita. S-sorry Whinny," mababang wika niya.
Handa na siyang umalis sa kama ko nang pigilan ko ang pulsuhan niya 'tsaka ako dumilat. Nagtama ang paningin namin.
Para sa isang tulad naming bata hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Rem. Hindi naman imposibleng magka-crush lang ako sa kaniya dahil normal lang naman 'yon. Ngumiti ako sa kaniya kahit alam kong malamlam ang mga mata ko.
"Don't be sorry Rem. Ka-gustuhan ko naman kung bakit ako nilalagnat ngayon at 'tsaka na miss ko lang talaga maligo sa ulan. Sorry kung nag-alala kayo sa akin," mahinang sabi ko.
Seryoso lang ang mukha ni Rem 'tsaka ulit siya umupo sa gilid ng kama ko.
"Ano na ang nararamdaman mo ngayon?" tanong niya.
"Maayos naman pero med'yo nahihilo na lang. Bukas wala na 'to."
"May pasok na bukas, sabi ni Mom hindi ka raw muna p'wedeng pumasok para makapagpahinga ka pa baka kase mabinat ka 'pag nagkataon."
"Sabihin mo kay Tita, okay lang ako at p'wede na akong pumasok bukas. Gusto kong pumasok dahil alam kong sobrang mabo-bored lang ako dito sa bahay," malungkot kong sabi.
"Edi hindi na rin ako papasok para samahan ka dito sa bahay. Tutal may parteng kasalanan ko kung bakit ka nilagnat at para na rin makapagpahinga ka ng maayos."
"Pero 'di ba ayaw mong uma-absent?" nag-aalala kong tanong. "''Tsaka baka may quiz tayo bukas."
"Hindi ko naman ikakabagsak kung hindi ako magqu-quiz, mas gugustuhin kong pang umabsent para lang masamahan ka dito sa bahay. Hindi rin ako mapapakali sa school kapag malayo ka sa akin," seryosong sabi niya.
Nakatitig lang ako sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung bakit sobrang matured mag-isip ni Sperm kase ako, minsan lang. Dahil madalas nagiging isip bata talaga ako dahil bata pa naman talaga ako. Kailangan kong i-enjoy ang pagiging bata ko para wala akong pagsisihan kapag tumanda na ako. Hindi tulad ni Rem na baka kapag tumanda siya ay pagsisihan niyang hindi niya na enjoy ang pagiging bata niya.
"Salamat Sperm."
"Rem," mariin niyang sabi at parang natauhan siya sa mga sinabi niya sa akin. "B-baka kung ano ang isipin mo a-ah... Na kokonsensya lang ako." Naiilang niyang sabi at nag-iwas pa siya ng tingin sa akin.
Napangiti na lang ako. Hinawakan ko siya sa kamay 'tsaka ko ipinikit ang mga mata ko para makatulog na. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin pero hindi na ako nag-abalang dumilat pa dahil bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (113)

  • avatar
    Glenndenden Boyles

    good

    15/08

      0
  • avatar
    Mylene Mente Mallari

    ang ganda😍😍😍😍

    07/07

      0
  • avatar
    Emjay Banguilan

    cooll guys 😁😁😁

    18/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด