logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

Kabanata 4
Alyhanna's P.O.V
"Briella, anong gagawin ko?" tanong ko sa bestfriend ko habang naguguluhan.
Bumaling ako sa lalaking natutulog sa sofa dito sa sala. Mahimbing na ang tulog niya, payapa at komportable. Napaka amo ng mukha at hindi mo aakalain na sobra na ang pagiging inosente niya sa mga bagay.
"Ano bang balak mo?" tanong niya sa akin.
"Balak ko siyang dalhin sa mental institution dahil parang hindi na maganda 'yong kondisyon niya," paliwanag ko.
"May background ba 'yan? O pina-doktor mo man lang ba siya?" tanong ulit niya sa akin.
Tumango naman ako na parang nasa harapan ko ang aking kausap.
"Oo, dinala ko na siya sa hospital pero wala namang nakita 'yong doktor sa kaniya about mental illness."
"Ha? E, kung gano'n bakit mo naman siya dadalhin sa mental institution kung wala naman siyang background sa mental illness," nagtatakang tanong ni Brie sa kabilang linya.
Napatitig naman ako sa natutulog na lalaki. Napaisip din ako kung bakit, pero iba 'yong pagiging normal niya. Kakaiba, sapat na ba ang nakikita ko para i-judge siya? O sad'yang judgemental lang ako sa kaniya. Alam kong mali ang manghusga ng kapwa tao pero masisisi niyo ba ako sa pagiging weirdo ng lalaking 'to. Ilang minuto akong natahimik bago ako nagtanong sa kaibigan ko.
"A-anong gagawin ko? Masama na ba ako dahil jinudge ko siya agad na hindi nalalaman ang side niya? Sapat na ba ang nakikita ko para isipin na wala siya sa tamang pag-iisip?" nakokonsensya kong tanong.
Bumuntong hininga si Brie sa kabilang linya bago nagsalita.
"Subukan mong kausapin ng mahinahon 'yan. Kahit imposible ang sinasabi niya sa'yo o med'yo may pagka-weird ang mga bagay-bagay. Subukan mo pa ring intindihin kahit mahirap paniwalaan. Ikaw na nga mismo ang nagsabi, hindi natin alam kung saan siya nanggaling dahil nakita mo na lang siya sa daan na walang malay. Tanungin mo kung ano'ng nangyari sa kaniya baka sabihin niya sa'yo. Basta, magtanong ka lang hanggang sa maintindihan mo na siya pero sa ngayon, panatilihin mo lang siya sa bahay mo," mahabang salaysay ni Brie.
Bumuntong hininga ako at kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag. Tama si Brie, 'tsaka wala naman ako sa posisyon para husgahan ang tulad niya na kahit nakakainis ang ugali dahil may pagka-bossy siya, hindi pa rin sapat ang panghuhusga ko sa kaniya. Paano kung may malalim pala siyang dahilan kung bakit siya ganiyan? Edi mas lalo akong makokonsensya.
At dahil tulog pa siya at may trabaho pang nag-aantay sa akin. Pumunta na ako sa clinic ko. Kung nagtataka kayo kung bakit may clinic ako pero walang sariling bahay ay nagkakamali kayo dahil patapos na ang aking pinapagawang bahay malapit lang din sa clinic ko at dahil sa tulong ni Migzh na boyfriend ni Briella na isang engineer na boy bestfriend ko naman ay malaking tulong sa akin si Miggy.
Parang ako ang naging tulay nila para maging mag jowa sila. Napanguso tuloy ako, Sana all kase 'di ba? Sana all may engineer na boyfriend pero ayos lang kase may bestfriend naman ako. Anyways, iniwan ko na muna ang lalaking natutulog sa sofa at sa tingin ko naman ay hindi siya aalis sa apartment na 'to dahil wala naman siyang mapupuntahan kung aalis siya. Pero sana ay 'wag siyang umalis sa pagbalik ko dahil hindi ko alam kung saan siya hahagilapin kung aalis siya at baka makonsensya na talaga ako nang tuluyan.
Mamaya ko na siya kakausapin pag-uwi ko at isa pa hindi ko naman siya p'wedeng isama sa clinic dahil baka may magtanong na kakilala ko at baka kung ano-ano pa ang isipin nila. Mga ilang lakad lang naman ang pagitan ng clinic ko sa apartment. Sinad'ya ko talaga para walking distance na lang ako kapag may mga nagpapa-check-up at para na rin malapit.
Napatingin ako sa tabi ng clinic ko kung saan ang aking pinapatayong bahay ay malapit na ring matapos. Nakita ko si Miggy, Miggy tawag ko kay Mighz dahil na sanay na rin akong tawagin siyang gano'n. Lumapit siya sa akin at may iniabot na paper bag.
"Ito na 'yong pinabibili mo sa akin," pero biglang kumunot ang noo niya. "Teka nga Cadyara, bakit ka nagpabili sa akin ng damit na panglalaki?" takang tanong niya.
"'Tsaka ko na isasalaysay sa'yo kapag tapos na ako sa trabaho. Sa ngayon, tapusin na muna natin 'yong mga ginagawa natin para tuloy-tuloy."
Tumango naman siya at saka siya umalis para ituloy ang kaniyang trabaho samantalang ako naman ay tumuloy na sa clinic ko dahil kanina pa naghihintay ang pasiyente kong si Chawlo ang alagang aso ni Martina.
Binigyan ko ng reseta si Martina nang ma-checkup ko na si Chawlo. Napaka-bait ng alagang aso ni Martina at sobrang lambing sa kaniyang amo. Minsan nga ay na iisip kong mag-alaga na rin ng aso para naman may kasama ako sa apartment, 'tsaka ko ipa-pangalan na Cholo ang aking mahal na aso. Nag-usap muna kami ni Martina saglit bago may dumating ulit na pasiyente hanggang sa sumapit ang alas dyis ng umaga napatingin ako sa labas ng clinic ko.
Nakita ko si Ashton na parang may hinahanap. Sobrang inosente ng kaniyang mukha at hindi mo aakalain na may pinagdadaanan siya pero bakit nga ba siya lumabas ng apartment? May na aalala na ba siya at handa na siyang umuwi?
Napailing na lang ako at lumabas ng clinic. Naka white coat ako dahil ito ang uniform ko. Nakapamulsa akong lumapit sa kaniya, hinawakan ko siya sa balikat kaya napagawi ang tingin niya sa akin at biglang nagbago ang kaniyang emosyon na kanina ay parang nag-aalala. Ngayon naman ay parang nakahinga na siya ng malalim.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"May nakita akong pangitain," bigkas niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Kumunot naman ang noo ko.
"You mean... Panaginip?" tanong ko. Tumango naman siya. "Ano naman ang napanaginipan mo?"
"Pagsapit ng nakatakdang panahon... M-magiging isang ganap kang--"
"Cadyara."
Napalingon kaming pareho ni Ashton kay Miggy na tumatakbo papunta sa amin. Kumunot ang noo ni Miggy nang makitang kausap ko si Ashton na mukhang hindi pa niya nakikilala.
"S-sino siya Cadyara?" tanong ni Miggy.
"Ah si Ash--"
"Hindi Cadyara ang pangalan niya kundi Alyhanna," bigkas ni Ashton habang nakatingin kay Miggy na nagkakamot na sa ulo.
"Miggy si Ashton nga pala, Ashton so Migzh bestfriend ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Boyfriend mo?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Miggy.
"Hindi 'no! Nakita ko siya sa daan na dapat mag gro-grocery ako no'n. Wala siyang malay kaya tinulungan ko at mukhang wala siyang naaalala sa ngayon... Kaya naman, nagpabili ako ng damit sa'yo dahil para sa kaniya 'yon," paliwanag ko kay Miggy.
"Edi nasa apartment mo siya? Kasama mo?" gulat na tanong ni Miggy.
"Oo," nagkibit ako ng balikat.
"Pero hindi mo siya kilala Cadyara, Paano kung may masama siyang balak sa'yo at talagang sa apartment mo pa siya pinatulog?" nag-aalalang tanong ni Miggy.
"Eh, anong gusto mong gawin ko? Pabayaan itong lalaking 'to? Naging responsibilidad ko na siya noong kusa ko siyang tinulungan at kargo dekonsensiya ko naman kung hahawayaan ko lang siya," paliwanag ko.
"Nag-aalala lang naman ako sa'yo Cadyara. Hindi natin siya kilala, hindi natin alam kung anong binabalak niya lalo na kung nasa apartment mo siya. Babae ka at lalaki siya, wala kang kasama sa apartment mo. Paano kung may gawin ang lalaking 'yan sa'yo? Sino ang tutulong sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Miggy.
"Mighz, tatlong araw na siya sa akin at kung mayroon man siyang gagawing masama edi dapat no'ng una pa lang ginawa na niya. Salamat sa concern mo Miggy pero kahit pilitin mo akong paalisin si Ashton sa apartment ko hindi ko gagawin 'yon hangga't wala pa siyang naaalala. Iba ang kondis'yon niya Miggy, kung inaalala mo ako p'wes inaalala ko rin siya," mahabang salaysay ko.
May kung anong dumaan na emosyon sa mga mata ni Miggy na parang natutuwa siya sa narinig ko at napailing-iling pa. Ginulo niya ang buhok ko 'tsaka ngumiti sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit ako natutuwa," tumingin siya sa inosenteng mukha ni Ashton. "Pero mukhang wala naman siyang gagawing masama sa'yo. Bigla kong na miss ang baby ko," nakangising aniya.
Napangwi naman ako sa huling sinabi niya.
"Respeto naman sa single," napairap ako.
"Malapit ka ng maging taken, tiwala lang," nakangising aniya habang may mapaglarong tingin na tumingin sa aming dalawa ni Ashton bago nagpaalam na babalik na sa trabaho.
Bumaling ako kay Ashton na tahimik lang na nakamasid sa amin ni Miggy kanina. Hindi siya makatingin sa akin ng maayos kaya hinawakan ko siya sa balikat na ikinatigin naman niya.
"Ano nga ulit 'yong napanaginipan mo?" tanong ko.
Umiling lang siya at bahagyang ngumiti. Nakakapanibago talaga siya ngayon, hindi na siya ang mapagmataas at palasigaw na Ashton na parang laging may kaaway.
"M-maaari ba akong sumama na lamang sa'yo kung saan ka paparoon?" inosenteng tanong niya.
Kahit nagdadalawang isip ako ay pumayag na lang din ako para sa gano'n ay mabantayan ko rin siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan ko siyang tulungan sa panahong 'to. Bumalik na ako sa clinic kasama si Ashton at halatang nagulat si Lannie nang makitang may kasama akong lalaki.
Isa siya sa mga laging nagpapa-checkup sa akin dahil masakitin ang alaga niyang aso na hindi niya pinababayaan. Hanga rin ako kay Lannie dahil imbis na pabayaan na lamang ang alaga niyang aso dahil may sakit ito ay talagang alagang-alaga siya dito marahil napamahal na talaga si Lannie sa alaga niya.
Biglang ngumiti si Lannie sa akin na may kakaibang tingin para sa amin ni Ashton. Ito na nga ba sinasabi ko dahil hindi ako titigilan ni Lannie hangga't hindi ko sinasabi ang gusto niyang marinig. Ang mga tingin niyang mapanukso ay ikina-iling ko na lang.
"Bakit siya gano'n tumingin?" bulong ni Ashton sa tainga ko.
"'Wag mo na lang pansinin," sabi ko at tumango naman siya.
Umupo si Ashton sa sofa habang nakamasid lang sa paligid ng clinic ko. Minsan pa nga ay napapamangha siya kahit wala namang kahanga-hanga. Nag-usap kami ni Lannie habang chine-checkup ko si Bruno ang alaga niyang aso.
"Hindi mo talaga siya boyfriend, dok?" pangungulit ni Lannie. "Sayang naman. Ang g'wapo niya," panghihinayang niya.
"Alam mo Lannie, kung ako sa'yo tumigil ka na sa kakasalita dahil kapag narinig ka niyan... Baka tumakbo ka palabas ng clinic ko dahil sa takot," pagbabanta ko.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Lannie at mukhang natakot sa sinabi ko kaya mahina akong natawa.
"Biro lang, ikaw kase e. Anyways, ito ang kailangang ipakain at ipainom kay Bruno para mas mapadali ang paggaling niya," bumaling ako kay Bruno na nakahiga pa rin sa kama. Hinimas ko ang napakalambot niyang balahibo. "Pagaling ka kaagad Bruno ah? 'Wag mong pag-alalahanin ang mommy mo," pagka-usap ko kay Bruno na tumahol naman 'tsaka bumaba sa kama.
Binuhat na siya ni Lannie at sabay na lumabas ng clinic ko matapos magpasalamat. Tumingin naman ako kay Ashton na nakamasid lang kay Bruno na kahit nakalabas na ay sinundan pa rin niya ng tingin bago siya ulit tumingin sa gawi ko.
"Ang hayop na 'yon ay talagang napaka-ingay," may pagka-iritang ani Ashton.
Tumingin ako sa relong pambising ko at mag a-alas dose na ng tanghali at kailangan na naming umuwi para makakain ng pananghalian. Lumabas na kami ng clinic at sinara ko muna 'yon 'tsaka kami umuwi sa apartment habang dala-dala ko 'yong paper bag na pinabili ko kay Miggy.
"Maligo ka muna," sabi ko at iniabot ko sa kaniya ang paper bag.
Nakauwi na kami kaya naman kahit pagod na ako ay nagawa ko pa ring magluto. Naligo na naman si Ashton habang nagdadalawang isip kung maliligo ba o hindi. Aba'y tatlong araw na siyang hindi na liligo, hindi ba niya na aamoy ang sarili niya at parang ayaw pa niyang maligo.
Natapos na ako sa pagluluto at lumabas na rin sa banyo si Ashton habang hirap na hirap sa pagpupunas ng buhok. Napailing na lang ako at pinaupo siya sa upuan at ako na ang nagtuyo ng buhok niya gamit ang tuwalya.
"Nakaka-panibago ang kalakaran dito sa mundo ng mga tao," bulong ni Ashton pero sapat na 'yon para marinig ko ang kaniyang sinabi.
Natigilan ako sa sinabi niya 'tsaka ako nagtanong ng mahinahon.
"Saan ka ba nanggaling? Bakit nakita na lang kita sa daan na walang malay no'n?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin naman siya sa akin at nag-iwas ng tingin.
"Ibig kong sabihin sa iyo ang nangyari, ngunit noong nakita kita sa aking pangitain ay mas mabuting 'wag mo na lamang alamin para sa iyong kaligtasan," 'tsaka siya ulit tumingin sa akin. "Ngunit maaari bang dito muna ako mamalagi sa iyong tahanan? Hangga't wala pa akong sapat na kapangyarihan upang makabalik sa aking kaharian at sisikapin kong maging ordinaryo na lamang," napaka-among sabi niya.
"Kahit na guguluhan ako sa mga sinasabi mo pero sige, dito ka muna manirahan sa apartment ko pero sana kung aalis ka na ay sabihin mo agad sa akin, ha?" mahinahon ko ring sabi.
"Maraming salamat sa iyong tulong at kung nais mo rin ng aking tulong ay nandito lamang ako na handang tumulong sa iyo. Ito'y gantimpala sa iyong pagtulong."
Ngumiti na lamang ako ng tipid at sinimulan na naming kumain. Natatawa ako sa nagiging reaksyon niya sa pagkain dahil talagang ngayon lang niya natikman ang mga pagkain na niluto ko. Alam kong mahirap paniwalaan pero unti-unti na akong naniniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung nahahawa na ba ako sa kaniya o talagang kailangan kong maniwala para matulungan si Ashton.
Hindi ko alam. Pero, ang alam ko lang ay tulungan siya hanggang kaya ko.
Matapos naming kumain nagpahinga lang kami saglit bago ulit ako bumalik sa clinic pero sa pagkakataong 'yon hindi ko na isinama si Ashton.
"Dito ka lang muna sa apartment at kung bored ka na ay manood ka na lang ng tv," sabay turo sa tv.
Kumunot naman agad ang noo niya.
"Saan ka pupunta? Ano 'yong bored at tv?" inosenteng tanong niya kaya napa- facepalm na lang ako.
"Kung na iinip ka na," kinuha ko 'yong remote sa lamesa at binuksan 'yong tv. "Manood ka na lang," ani ko.
Ang ang Ashton ay parang namangha na naman sa nakikita. Lumapit pa talaga siya sa tv at sinusubukang hawakan 'yong tao.
"Paano sila nakapasok diyan sa bagay na 'to?" tanong ni Ashton habang nakatingin pa rin sa tv.
Napailing na lang ako.
"Hindi sila nakapasok diyan... Mahirap i-explain este i-paliwanag. Basta, manood ka na lang muna dito babalik muna ako sa clinic baka nando'n na ang pasiyente ko," sabi ko sa kaniya. "Alis na ako."
Hindi niya ako pinansin at nakatutok lang ang tingin niya sa tv. Hindi ko alam kung bakit sobrang napaka inosente niya sa mga bagay-bagay. Saan ba talaga siya galing? Alien ba siya? Mukhang mahihirapan akong pakisamahan siya dahil ako lagi ang mag-a-adjust sa aming dalawa pero may parte rin sa akin na naawa sa kaniya dahil wala siyang kaalam-alam sa mga bagay-bagay siguro ay may past siya. Pero kung ano man 'yon, kailangan ko na lang siyang tulungan at turuan kung paano mamuhay ng normal.
Lumabas na ako sa apartment at bumalik na sa clinic at naabutan ko na nga si Honey pati na rin ang alaga niyang pusa. Ang sabi ni Honey ay na tinik daw si Hashire 'yong alaga niyang pusa at ang Honey naman ay natawa sa naging reaksyon ko.
Sinabi na sa akin ni Honey kung ano talaga ang karamdaman ni Hashire. Suka raw ito ng suka kaya niresetahan ko agad siya ng gamot. Bigla tuloy akong naawa kay Hashire kaya hinaplos ko ang mabalahibo niyang buhok.
"Pagaling ka Hashire," wika ko sa pusa.
Nang makapagpaalam na si Honey sa akin, siya namang pagpasok ni Briella.
"Kamusta? Nakausap mo na?" bungad niyang tanong sa akin.
Nagkibit lang ako ng balikat 'tsaka ako naupo sa swivel chair. Umupo rin siya sa sofa, mukhang pinuntahan na naman niya ang boyfriend na si Mighz.
"Hindi ko pa siya na tatanong pero ang sabi niya sa akin mas mabuting wala raw akong alam kaysa mapahamak ako. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya pero hindi na ako nagtanong pa," k'wento ko kay Briella.
"Kung gano'n, hahayaan mo ba siya na wala kang nalalaman tungkol sa kaniya dahil iyon ang sinabi niya o hahanap ka ng paraan para malaman mo kung sino ba talaga 'yang Ashton na sinasabi mo?" tanong ni Briella.
"Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Basta go with the flow muna ako sa ngayon. Siguro paglumipas ang mga araw na nasa puder ko pa rin siya, baka ako na ang gumawa ng paraan para malaman kung sino o ano ba talaga siya," paliwanag ko.
Tumango-tango naman sa akin si Briella.
"So, kailan mo ipapakilala sa akin 'yang Ashton mo?" tudyo ni Brie.
"Brie!" masama ang tingin ang ibinato ko sa kaniya.
"Biro lang sis," nakataas pa ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Kalma lang. So, kailan?" natatawang tanong niya.
"Kanina nakilala at nakita na ni Miggy si Ashton," wika ko sa kaniya. "Nasa apartment ko lang naman siya e,"
"So, ano pa ang hinihintay natin? Tara na sa apartment mo! Si Mighz pa ang na unang nakakilala sa Ashton mo," tudyo na naman ni Briella.
"Para kang t*nga Brie, kita mong hindi ko pa nga siya kilala ng lubusan pero makaasta ka akala mo kilala ko na siya," nakasimangot kong sabi.
"'Wag ka ng malungkot Aly, basta support pa rin ako kung sino pang lalaki ang magustuhan mo pero sana, kung pipili ka lang ng lalaki ay dapat kasing g'wapo ni Ashton. In short, si Ashton 'yon," tawang-tawa na saad.
Inirapan ko na lang siya 'tsaka sabay kaming pumuntang apartment. Naabutan naman namin si Ashton na natutulog sa sofa habang nakasindi pa rin 'yong tv at mukhang inantok sa kakapanood. Kinuha ko 'yong remote at pinatay ang tv.
"Omg sis! Ang g'wapo nga!" pabulong niyang tili para hindi magising si Ashton. "Grabe! Ang kinis ng mukha niya. Siguro kung hindi naging kami ni Miggy, magkakagusto ako diyan sa Ashton mo pero s'yempre sa'yo na si Ashton at akin naman si Mighz, tamang harot na lang ako."
"Ang landi mo talaga, isumbong kaya kita kay Miggy?" panghahamon ko bago pumasok sa kusina para kumuha ng softdrink at cookies. "Miryenda ka muna."
"Hay nako sis! Mahirap manuyo ng lalaki lalo na kung toyoin! Ikaw kaya manuyo tingnan natin kung 'di ka mahirapan," napairap pa siya bago kumuha ng cookies at naupo sa tapat ng sofa ni Ashton.
"Ang sabihin mo, kapag nagtatampo si Miggy ikaw ang tinotoyo," pambabara ko.
Umismid lang siya sa akin bago tumingin kay Ashton na mahimbing pa rin ang tulog. Napatingin din ako sa kaniya at talaga namang napaka g'wapo nga ni Ashton kahit itanggi ko man 'yon. Sigurado ako na kung sino man ang makakakita sa kaniya ay baka maihi sa kilig. Sino ba naman ang hindi maga-g'wapuhan sa isang Ashton. Napaka-amo rin ng kaniyang mukha.
"May tanong ako bes," sabi ni Brie.
"Ano 'yon?"
"What if, tumagal sa puder mo si Ashton tapos mahulog ang loob mo sa kaniya. Ano'ng gagawin mo?" tanong niya.
Napa-isip din ako sa tanong niya. Ano nga ba kung mahulog ako sa isang Ashton na hindi naman imposibleng mangyari pero hindi ko rin naman alam kung mangyayari ba 'yon dahil wala naman akong nararamdaman para sa kaniya bukod sa na ga-g'wapuhan ako.
"Ewan ko. Ayokong magsalita ng tapos baka makain ko lang," sabi ko sa kaniya.
"Pero, hindi ba imposibleng mahulog ka sa kaniya lalo na kung sa iisang apartment lang kayo?" tanong niya ulit.
Nagkibit lang ako ng balikat dahil hindi ko rin naman alam kung mahuhulog ba talaga ako sa kaniya o hindi.
"So, isasama mo ba siya sa bago mong bahay? Malapit nang matapos ah," tanong muli ni Briella.
"Oo, nakiusap siya sa akin na patirahin ko muna siya dito at mukhang lilipat na rin ako sa bago kong bahay at isasama ko na rin siya. May sinabi siya sa akin na kailangan niya munang kumuha ng lakas bago siya bumalik sa kaharian niya," sabi ko kay Brie.
"Kaharian?" takang tanong ni Briella.
"Oo."
"Baka bahay nila? Baka kase lumayas siya sa kanila," naguguluhan na ring sabi ni Briella.
"'Di ko alam."
"Ang hirap naman ma-gets nitong Ashton na 'to. Dinaig niya pa 'yong math," she tsked.
"Alam kong mahirap siyang intindihin pero may parte sa akin na naaawa sa kaniya pero madalas ang inis ko dahil dinaig niya pa ang isang boss," I breath out.
"Sa bagay, malay ba natin na hindi pala siya tagarito o baka kung saan siya nakatira basta gawin mo na lang Aly kung ano ang tama," seryosong sabi ni Briella.
Magsasalita pa sana ako nang magising si Ashton 'tsaka siya bumangon sa pagkakahiga at nagkusot pa ng mga mata. Naging magulo ang buhok niya pero dumagdag 'yon sa ka-g'wapuhan niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay tumingin siya kay Briella 'tsaka ulit sa akin, tapos kay Briella. Anong trip niya? Ipapakilala ko na sana si Brie nang magsalita siya.
"Coline?"
Nagkatinginan kami ni Brie habang may gumuhit na pagtataka sa aming mukha.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    16d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด