logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

"D-Dad?" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ito ang unang pagkakataon na lumapit sya sa akin na ganito ka-wasak ang itsura.
Muling namuo ang galit sa dibdib ko nang maisip na si Mommy na naman ang may kagagawan nito. Wala nang ibang pwedeng wumasak kay Daddy kung hindi sya lang.
Pinapasok ko si Dad sa kwarto ko at pinaupo sa kama ko. Isa pa itong dahilan kaya hindi ko nirerespeto ang sarili kong Ina.
"She did it again." Hindi iyon tanong kundi isang tiyak na pahayag.
Tulala lang si Dad at hindi sinagot ang sinabi ko. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang mata nya, alam kong pinipigilan nya ng sobra ang hindi pagluha dahil ayaw nyang mag-alala ako sa kanya at ayaw nyang mas lalo kong kamuhian si Mommy.
"Ano Dad? Nagkikita pa rin ba sila ng lalaki nya? You saw them again right?" frustrated na tanong ko.
Hindi nya pa rin ako sinagot. Imbes na magalit muli ay nakaramdam ako ng sobrang pagka-awa sa Dad ko. Wala akong sali-salitang sinabi nang yakapin ko sya ng mahigpit. Ako ang sobrang nasasaktan sa sitwasyon at nararamdaman nya.
Imbes na umiyak si Dad sa balikat ko ay niyakap nya ako pabalik. Marahan nyang hinaplos ang likod ko para kumalma ako. Dad taught me to be brave at all times pero pagdating talaga sa sitwasyon nyang ganito ay nanghihina rin ako. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ang Daddy ko.
"Gem, I'll be going. Dad's fine now don't worry, and please don't be mad to your Mother." Hinalikan nya ang noo ko bago sya tumayo at umalis sa kwarto ko.
What the hell?! Gusto kong magalit,      dahil sa kabila ng maling ginagawa ng Mommy ko ay nakukuha nya pa ring magpatawad at hindi magalit. Maging ako ay pinapayuhan nyang huwag kamuhian ang Mommy ko.
Anong klaseng pagmamahal 'yan? Minsan talaga iniisip ko na sana makatagpo rin ako ng ganoong lalaki kay Daddy, 'yung tipong ipaparamdam sa akin na araw-araw mahal ako.
Ni minsan ay hindi ko nakita na sinumbatan ni Dad si Mommy sa lahat ng maling ginagawa nito. Sa sobrang pagmamahal ni Dad ay naging bulag na lang sya, halata naman kasing hindi mahal ni Mommy si Dad. Yes, I can feel it.
Posible pala talaga iyon? E’ di sana nung una pa lang ay hindi na pinakasalan ni Mommy si Daddy kung ganon lang pala talaga ang mangyayari. Simula pagkabata ay ganon na talaga kung tratuhin ni Mom si Dad pati ako. Hindi ko maintindihan kung bakit galit at hinanakit ang palagi kong nakikita sa mga mata nya.
Hanggang sa pagtulog ay dala dala ko ang mga problema. Kaya paggising ko nang maaga ay masakit ang ulo ko pati katawan dahil sa puyat. Muka tuloy akong sabog nang tumingin sa salamin.
Iniligo ko na lang ulit pagkatapos ay bumaba para kumain ng umagahan. Saktong pag-upo ko sa hapag ay ang pagtunog ng cellphone ko. Tumatawag si James.
Naagaw ko ang atensyon ni Mommy na tahimik na kumakain. Itinigil nya ang pagkain at kalmanteng pinunasan ng table napkin cloth ang bibig saka tumingin sa akin.
Walang reaksyon ang kanyang muka maging ang mata nya ay malamig kung tumingin. Pinantayan ko ang titig nya nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi.
"Nakakalimutan mo yata ang table manner na itinuro ko?" Kahit kalmante ang pananalita nya ay may napupuna pa rin akong pagka-sarcastic doon.
Pinatay ko ang tawag at bahagya akong tumawa ng sarkastiko. Tumalim ang tingin sa akin ni Mommy, hindi nya nagustuhan ang pagtawa ko.
"Oo nga 'no? Ang lakas ng loob mong magsabi sa akin ng ganyan eh ikaw nga 'tong hindi marunong dyan."
"Watch your mouth," mariin nyang sabi.
"Psh! Hindi ka man lang nahiya kay Daddy o kahit sa akin man lang." Gusto ko syang sigawan pero dahil nagpipigil ako ay hindi ko ginawa.
"What're you saying?" Maang nyang tanong.
"You know what I am saying. Nakikipagkita ka na naman sa lalaki mo!" This time ay hindi ko na talaga napigil ang bunganga ko. Suminghap ang mga katulong na nakarinig sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.
Tinakasan sya ng dugo dahil sa sinabi ko. May hiya nyang tinignan ang mga katulong na nakatayo sa gilid namin saka sya muling tumingin sa akin. Nagpanggap pa ang mga katulong na parang walang narinig dahil lumikot ang kanilang paningin maliban kay Ana na nanatili ang tingin sa amin.
"Gemimah!" Dad's voice roared like a thunder.
Kinilabutan ako dahil doon. Tinatawag nya lang ako sa buo kong pangalan kapag galit sya sa akin. I swallowed hard, maging ako ay tinakasan ng dugo.
Mabilis na lumapit si Daddy sa amin. Imbes na ako ang lapitan nya ay nagpunta sya kay Mommy at tinignan ito ng may halong pag-aalala. Fvck it!
Nakita ko ang pagdadalawang isip ni Daddy kung hahaplusin nya ba ang balikat ni Mommy para mapakalma ito. Sa huli ay ginawa nya ngunit marahas lang itong tinabig ni Mommy.
Padabog na tumayo si Mommy mula sa pagkaka-upo at galit na galit akong dinuro. Nangingilid ang luha sa mga mata nya, kitang kita ko ang panginginig ng daliri nya.
Kinabahan ako dahil ito ang unang beses na makita ko ang ganyang side nya.
"You don't have any rights to throw those stupid words at me! Wala kang alam," mariin at makahulugan nyang wika saka padabog na umalis.
"I told you, 'wag mong babastusin ang Mommy mo. Ano ba ang pumasok dyan sa kukote mo at nagawa mong pagsalitaan sya ng ganoon?" Galit na ibinaling ni Dad ang tingin sa akin.
"After what she did? Dad pinagtatanggol mo pa rin sya?" hindi makapaniwala kong sabi. "I can't believe you, nagmamahal ka sa isang tao na kahit kailan ay hindi naman sinuklian 'yang pagmamahal na ibinibigay mo! Dad, 22 years na akong nabubuhay sa mundo pero hindi ko sya nakitaan ng ganon."
"Please Gem, you know I love your Mother so much. Ayaw ko syang mawala sa atin," pagod nyang sabi.
Kahit gustong gusto ko syang intindihin at maintindihan ang lintik na pagmamahal nya na 'yan ay hindi kinakaya ng puso at utak ko. Masyado nang martyr si Dad at tanga.
Umiling ako nang hindi makapaniwala at tinalikuran din sya. Gusto ko munang magpahangin, gusto ko malayo sa kanila at hindi ko sila iisipin.
Narinig ko ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Dad pero hindi ko piniling lumingon at dire-diretsong lumabas ng bahay. Hindi ko kinuha ang kotse at pinatay rin ang phone ko. Sumakay ako ng taxi, hindi ko alam kung saan ako pupunta para magpalamig muna kaya tinuro ko ang lugar na unang pumasok sa isip ko.
"Kuya, sa SM po."
Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Nagbayad ako bago lumabas at tuloy tuloy na pumasok sa entrance ng Mall. Dumiretso ako sa 4th floor kung nasaan ang sinehan. Pumili ako ng nakakatawang palabas saka ako bumili ng ticket at snacks.
Na-enjoy ko ang panonood dahil saglit kong nakalimutan ang problema sa bahay. Pagkatapos non ay lumibot ako at nagtingin sa jewelry shop.
"Babe, can you buy this for me? I like this one eh."
Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nagsalita ng pagka arte-arte. Kunot ang noo ko nang tignan iyon. Laking gulat ko nang makita ang lalaking kinakausap nya.
Mukang inip na inip sya at halatang pinagbibigyan lang ang kapritso ng babaeng kasama nya. May jowa sya? Oo nga pala, baka sya 'yung babaeng bumulong sa kanya 'yung kinukwento sa akin ni Elsa. Baka sila na pagkatapos nung ano... Ah nevermind.
Peste! Sa laki ba naman ng Mall na ito dito ko pa talaga sila makikita? Galing ng timing mo tadhana ah? Sa sobrang galing, gusto kitang kaltukan ng isang daang beses!
Imbes na marefresh ang utak ko kahit wala ako non ay parang nadagdagan na naman ang iisipin ko. Parang nagkaroon agad ako ng bagong problema. Potangena. 'Yung tipong mapapamura na lang talaga ako.
Balak ko nang iiwas ang paningin ko at hindi na lang sana sila pansinin kaso dumako naman ang tingin ni Koeld sa akin. Ine-expect ko talaga na magugulat din sya pero wala akong nakitang ekspresyon sa muka nya.
Bato ba itong tao na 'to?
Akala ko ay makikipag titigan pa sya sa akin pero nagkamali ako. Saglit lang syang tumingin sa akin at ibinilik nang muli ang tingin sa girlfriend nya o kung sino man ang babae na 'yan sa buhay nya. Parang hindi nya ako kilala, para bang isa lang akong normal na tao na dumaan sa harap nya at paglagpas ay mawawala na sa isip nya.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kaya bahagya pa akong napahawak dito. Idinaan ko na lang sa pag-iling at pagtingin sa mga kwintas. Kahit yata tignan ko lahat ng jewelries dito ay hindi ko matitipuhan at hindi ko maa-appreciate ang ganda dahil wala nang ibang espasyo ang utak ko para isipin pa ang mga ito. Nawalan din ako ng ganang magtingin tingin. Huminga ako ng malalim at sandaling ipinikit ang mga mata. Iminulat ko ang mga mata ko at muling tumingin sa gawi kung nasaan sila Koeld kanina pero wala na sila.
Aalis na rin sana ako kaso nahagip ng mata ko ang nag-iisang kwintas na ang pendant ay music note. Rose gold ang kulay nito at natatanging maganda sa lahat ng kwintas na nakita ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (39)

  • avatar
    Prin Cess

    let her go Is really hard to do when you love someone

    15/08/2022

      0
  • avatar
    Disah Mei Suarez

    nakaka kilig

    14/08

      0
  • avatar
    MarCj

    ssss

    25/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด