logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Hapon nang magchat sa gc ng Timeless Band si Jackie. Magkita-kita raw kami sa Freedom Park dahil may mahalaga syang sasabihin. Kabado ako habang nagbibihis sa hindi ko malaman na dahilan, halata kasing may problema sya ayaw nya lang magsabi. Siguro ngayon na nya sasabihin kasi hindi na nya makaya o mabigat na sa loob nya.
Nagsoot ako ng simpleng itim na sando na dinoblehan ko ng long-sleeved, faded ripped jeans at sneakers. Tumulak na ako palabas, ginamit ko ang iniregalo sa aking kotse ni Daddy.
Tumuloy ako sa Freedom Park. Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako, pano ba naman kasi sa sobrang kaba ko ay kulang na lang isagad ko ang patakbo. Pagbaba ko ay agad akong pumasok sa Park, hinanap ng mata ko kung nasaan si Jackie maaring naka-upo. Nakita ko kaagad sya dahil konti lang ang tao ngayon dito.
Wala pa si James at Yuan pero sigurado akong malapit na rin ang mga 'yon. Agad kong pinuntahan si Jackie, tulala sya at mukang malalim ang iniisip dahil hindi pa nya nararamdaman ang presensya ko. Kung hindi ko pa sya kinalabit ay malamang hindi nya pa ako mapapansin.
Umupo ako sa tabi nya pagkatapos syang ngitian. Mula rito ay kitang kita ang mga sasakyan at mga taong dumaraan. Marami ring street vendor ang nagtitinda ng street food sa bawat gilid nitong park. Tahimik lang si Jackie kaya hinayaan ko na lang muna syang makapag-isip habang naghihintay sa dalawang unggoy.
Ilang minuto bago nakarating ang dalawa ay roon na kami seryosong tinignan isa-isa ni Jackie. Pare-parehas kaming tahimik at naghihintay lang ng sasabihin nito, sobra kaming curious sa kung ano ang ikukwento o sasabihin nya.
"Jackie-" Hindi pa man din natatapos ni Yuan ang sasabihin nya ay pinutol na sya ni Jackie.
"I quit, aalis na ako sa pagiging miyembro ng band," deretsong sabi nya.
Hindi pa agad nagproseso sa utak ko ang sinabi nya kaya medyo natulala pa ako.
"What?" hindi makapaniwalang sabi ni Yuan.
Lahat kami ay nagulat sa biglaan nyang sinabi.
"Jackie naman, umaangat na tayo ngayon ka pa aalis sa band?" reklamo ni James.
"Guys you know my parents, ayaw nila sa pagbabanda ko. Aalis na ako bukas papuntang US, may trabaho nang naghihintay sa akin don. I'm sorry," hingi agad ni Jackie ng pasensya.
Ilang beses akong kumurap.
"Ba't ang bilis? Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana nakahanap kami agad ng kapalit mo," inis na litanya ni James.
"Ngayon lang ako nakaipon ng lakas ng loob," sagot ni Jackie.
"Putspang pag-iipon ng lakas ng loob na 'yan, badtrip naman Jackie. Tingin mo ba makakahanap kaagad kami ng ipapalit sa 'yo?" reklamo pa ni James saka iritableng kumamot sa ulo.
"Sino gagawin naming lead guitarist? Si Elsa?" Gusto kong matawa sa sinabi ni Yuan pero hindi ko magawa. Nasa stage pa rin ako ng pagka-gulat.
"Hindi na ba talaga magbabago isip mo? Sabagay wala ka namang isip," asar ni Yuan.
Ngumiti si Jackie ng malungkot.
"Hindi na," sagot nya.
"Gagoo 'pag ako hindi mo pinasalubungan ng chocolate, itutuloy ko 'tong pagtatampo ko sa 'yo," banta ni James. Unti unti ay naging light na ang kaninang nagbabagang away.
"Bigyan mo nga ng jowa Yuan baka sakaling magbago pa isip neto." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako at sumabay sa asaran nila.
"Psh! 'Di na nya kailangan, makakahanap sya roon." Ngumisi si Yuan.
"Tumigil nga kayo, bwisit! Kala ko naman ipagtatabuyan nyo ako," sabi ni Jackie.
"Aba, nage-expect yata 'to na ipagtabuyan natin, pano kung gawin namin ngayon 'yan?" hamon ni James.
"I will really miss you," maluha-luhang sabi ni Jackie.
"Hindi ka namin mamimiss," biro ni James saka humalukipkip.
"Demonyo talaga 'tong gagong 'to eh," natatawang sabi ni Jackie.
"Manlibre ka naman bago umalis," si Yuan.
"Oo nga! Daya neto," reklamo ni James.
"Osige na."
"Yown!" Agad tumayo ang dalawa at nagsipuntahan sa mga tindahan ng street foods.
"Hindi na ba magbabago isip mo?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kinaroroonan nila Yuan.
Tanging iling lang ang isinagot nya at bumuntong hininga.
"You know, my Mom never supported me too. Pero dahil dito ako masaya sinusuway ko sya."
"Alam mo rin na hindi kami ganon kayaman sa inyo, ako lang ang inaasahan sa amin Mim."
I totally understand her and her situation. Matagal na syang pinagbabawalan ng magulang nya na umalis sa pagbabanda dahil kulang ang kinikita nya... namin.
Ginabi kami ng uwi dahil sa kwentuhan namin. Sinulit na namin si Jackie dahil huling araw na namin syang makakasama. Hindi na rin natuloy ang practice at hindi na kami tumuloy sa Beer Garden para magperform. Tinawagan na namin si Elsa kanina para kausapin nya ang Manager sa Bar.
Mabuti na lang at mabait ito. Hindi man namin nakakajamming pero alam kong naiintindihan nya ang sitwasyon namin ngayon.
Nasa kwarto na ako nang saktong tumawag sa Elsa sa phone ko.
"Hello?"
[Ay punyeta, Mim!] Narinig ko ang pagtili nya sa kabilang linya.
"Bakit?" Ni-loud speaker ko ito.
[Gagoo hindi kayo nagperform! Nagpunta rito si pogi!]
"Sinong pogi?" Kahit may kutob na ako kung sino ay tinanong ko pa rin para mas sigurado.
[Si Koeld! Oh my God! Hinahanap kayo, magrerequest yata sana sya ng kanta eh. Sayang! Ayon umuwi ng wala sa oras, hindi ko man lang nakajamming dahil may babaeng malandi na bumulong, putaragis umalis silang dalawa!]
Ramdam ko ang panghihinayang at galit sa boses nya. Imbes na matawa ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Posible kaya na may ginawang kababalaghan 'yung dalawang 'yon? Pinilig ko ang ulo upang makalimutan ang mga ideyang pumapasok sa utak ko.
[Mim, natahimik ka yata?] tanong ni Elsa.
"Sige ibababa ko na." Hindi ko na sya hinintay pang magsalita dahil pinatay ko na kaagad.
Mabilis ang kabog ng dibdib ko at kumikirot ito sa hindi malamang kadahilanan. Ayaw kong paniwalaan ang sarili ko na nainlove kaagad ako sa estrangherong iyon, impossible right? Napakaimposibleng mangyari iyon, sa mga palabas lang o sa mga libro nangyayari ang ganoon.
Pesteng 'yan! Iniligo ko na lamang ang lahat ng iniisip, nagbabakasakaling mawala at hindi na pumasok muli sa utak ko. Matapos kong maligo ay natulala ako sa kama ko at sya kaagad ang pumasok sa utak ko.
Halata namang babaero sya, pero kung ganoon ay dapat kagabi pa lang kinuha na nya ang number ko at social media accounts ko o di kaya ay kay Jackie, pero hindi nya ginawa.
Ibig bang sabihin nyan ay hindi kami pumasa sa standards nya? Gusto nya matangkad at sexy na mga babae? Makinis at maputi? Magaling sa ano... eh gago pala ang loko!
Gusto nya ba ang mga babaeng malalandi kaya ganon? Gem! Ano ba naman 'tong mga iniisip mo jusko! Kalimutan mo na 'yung tao, hindi nakakabuti sa kalusugan 'yan. Kulang na lang ay maiyak ako sa pangungumbinsi sa sarili ko dahil gustong gusto ko na syang mawala sa utak ko.
"Pst!" May sumitsit mula sa pinto ko, kaya gulat ko itong tinignan.
Si Ana, isa sa katulong namin na madalas kong kaasaran.
"Bakit mo kinakausap mag-isa sarili mo Mam? Para kang tanga, kung sinali mo ako e' di happy happy tayo? Siguro magkaaway kayo ngayon ng sarili mo ano?" Ngumiti sya ng nakakaloko. Boba talaga neto kahit kailan.
"Sinasabi mo dyan." Umirap ako.
"Hay nako Mam, kabisado ko na 'yung ganyan. Madalas nga ay kasabunutan ko sarili ko dahil kadalasan magkaaway kami, hindi kami magkasundo sa iisang bagay."
"Damay mo pa 'ko bruha ka, ikaw ang sanay dyan dahil takas ka talaga sa mental," natatawang sabi ko.
"Si Mam kung magsalita parang hindi rin takas sa mental." Pumasok sya sa kwarto ko at lumapit sa akin.
Naglabas sya ng kutsilyong matalim at tinitigan ako.
"Hoy potangena! Anong gagawin mo?" Kabadong tanong ko saka umatras. Gagoo gusto ko pang mabuhay ng matagal.
"Si Mam masyadong nerbyosa, kaya hindi ka nagkakaroon ng jowa."
"Anong connect non?" natatawang sabi ko.
"Hindi ko rin alam eh." Napatampal na lang ako sa noo.
Nilabas nya ang isang mansanas at binalatan. Langya, ibang klaseng pag-iisip talaga meron ang babaeng ito.
"Dapat sa baba mo na lang iyan binalatan, para 'pag inakyat mo rito ay tuloy-tuloy ko nang makain," reklamo ko.
"Luh si Mam assuming, ano ka gold?" Tumawa sya. "Para sa akin 'to, ninakaw ko lang nga sa baba habang wala si Madam kaya ko binabalatan dito."
Napapikit ako ng mariin.
"Kapag 'yang kutsilyong ginagamit mo ay nahawakan ko, isasaksak ko sa apdo mo 'yan," banta ko.
"Ang sungit mo Mam, hindi ka sana magka jowa." Binelatan nya ako bago tumakbo palabas sa pinto ko.
"Huwag kang magpapakita sa 'kin bukas punyetaa!" Sigaw ko pa.
Hindi ka na rin sana magkajowa yawa ka haha. Damay damay na 'to! Hindi na ako bumaba para kumain dahil busog pa naman ako saka wala talaga akong gana. Tumayo na ako para ilock sana ang pinto ng kwarto ko nang may biglang kumatok, akala ko nung una ay si Ana lang pero nagulat ako nang pagbukas ako ay si Daddy.
His eyes are bloodshot. Parang isang kalabit na lang ay bibigay na sya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (39)

  • avatar
    Prin Cess

    let her go Is really hard to do when you love someone

    15/08/2022

      0
  • avatar
    Disah Mei Suarez

    nakaka kilig

    14/08

      0
  • avatar
    MarCj

    ssss

    25/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด