logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 4

KABANATA 4
MISAKI AKELDAMA
Pagkatapos ng training ay pumunta lang ako sa gubat. Dito ko kasi tinago yung kotse ko na nabili ko sa mortal world noong minsan na pinayagan kami ng school na gumala. Ako lang naman ang nakakaalam sa parte ng gubat na ito at walang kaalam alam si Yuki na bumili ako ng kotse, bahay, lupa at iba pang mga kagamitan sa mundo ng mga mortal. Sumakay naman ako sa kotse ko at mabilis itong pinaandar papuntang portal kung saan sa labas ng portal gubat rin na daan patungong mundo ng mga tao.
Ilang minuto rin akong nagdra-drive hanggang sa makarating ako sa park na madalas kong pagtambayan kapag wala akong magawa. Bumaba naman ako at pinagmasdan ko lang ang mga batang naglalaro roon. Hapon na kasi kaya maraming bata ang naglalaro.
Naglakad lakad lang ako hanggang sa may sumigaw na ice cream di kalayuan sa pwesto ko. Pinagmasdan ko lang ang mga batang nagsisitakbuhan kasama ang mga yaya nila o hindi kaya ay ang mga magulang nila. Napalingon naman ako sa likod ko nang may humatak sa damit ko. Isang cute na cute na bata na katulad ni Baozi ang pisngi. Hindi naman sya madungis dahil kung titignan ito ay malinis at parang alagang alaga. Pinantayan ko naman ang taas nya.
“What do you want kid?” malamig kong tanong sakanya. May kung ano syang nilabas sa bag nya at may isinulat sya roon. Madalas kong nakikita ang bagay na yon sa mga mall. Tablet ata ang tawag. Ipinakita naman nya sakin ang tablet nya na naglalaman ng gusto nyang sabihin sakin.
““Gusto ko po ng ice cream… pwede nyo po ba akong samahan?”” napatagilid nama ang ulo ko at tinignan ko ang ice cream vendor na papaalis na.
“Look kid… wala na yung ice cream vendor,” paturo kong sabi sa kanya sa gawi ng ice cream vendor.
Tumayo na ako at maglalakad na sana nang maramdaman kong may humila ulit sa damit ko. tinignan ko naman sya at kita ko na malapit na itong umiyak. Walang sabi sabing binuhat ko sya papunta sa sasakyan ko.
Niyakap din nya ang leeg ko at hinilig sa balikat ko ang ulo nya. Napailing nalang ako. May paslit pa akong bitbit. Saan ko naman iiwan to kapag babalik na ako sa LA? %$#@! Sino ba ang nagaalaga dito at pinababayaan lang.
“Where do you want to eat ice cream?” wala naman kasi akong ibang alam na pagkainan ng ice cream bukod sa nagtitinda dito sa parke at sa pinakamalapit na mall dito. wala naman akong nakuhang sagot sakanya. Sa huli ay sa mall ko nalang sya dadalhin para makakain ng ice cream.
Isinakay ko sya sa backseat at si-nealtbetan habang ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig nya sakin. Pinabayaan ko nalang sya at sumakay na sa driver seat tsaka ako nagdrive patungong pinakamalapit na mall.
Pagkababa ko palang sa kotse ko ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Psh… ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong nilalang? Psh… umikot naman ako papunta sa backseat na nakita ko syang natutulog. Napapikit nalang ako.
“Hey… wake up… were here…” nagising naman sya at ngumiti ng malapad. Tumango nalang ako at pinat ang ulo nya.
“Let’s go…” nauna na akong naglakad sakanya pero nang wala akong naramdaman na sumusunod ay tumingin ako sa kotse ko at nakatingin lang sya sakin sabay taas ng dalawang kamay. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sakanya tsaka ko sya binuhat.
Pagpasok palang namin sa loob ng mall ay pinagtitinginan na kami. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad habang itong kasama ko ay kuntodo kapit sakin na para syang mawawala. May narinig din akong iilang komento sa mga tao dito sa paligid na hindi na bago sakin.
“Ang ganda nya…”
“Dyosa pre,”
“Hmmm… shit…” ungol na mura nya. Napiling nalang ako.
“May anak na sya?”
“Oo nga eh… pero ang ganda nya parin…”
“San kahit may anak na ko ganyan rin sana ako kaganda,”
“Tama ka jan girl… hinding hindi ka na hihiwalayan pa ng asawa mo,” wika ng huling babaeng nadaanan namin tsaka sila tumawag ng sabay sabay at nagusap na naman sila na ako ulit ang topic. Tch! Mga walang magawa sa buhay. Pumunta lang sa mall para magchizmisan. Wala rin silang pinagkaiba sa mga estupidyante sa LA pumasok lang para makipagchizmisan.
“What a bitch…”
“Hindi naman maganda…”
“Psh… retokada…” hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na ako sa loob ng ice cream parlor na nakita ko. Pagpasok ko sa loob ay mabilis akong nagtungo sa counter para umorder. Pinaupo ko rin yung batang nakuha ko sa parke na bigla bigla nalang sumusulpot. Wala namang nagawa ang cashier girl.
“Can I take your order, Ma’am?” nakangiting tanong ng babae.
“What do you want to eat?” tanong ko habang nakatingin sa board kung saan nandon lahat ng flavor ng ice cream. Napatingin naman ako sakanya nang hawakan nya ang kamay kong nakapatong sa counter.
““Chocolate with white chocolate syrup,”” basa ko sa sulat nya sa tablet.
“One chocolate flavor with white chocolate syrup and one chocolate sundae with many stick-O,” wika ko. inulit naman nya yun at tumango naman ako.
“Large po ba, Ma’am?” tumango nalang ako bilang sagot.
“2,545 pesos and 75 centavos po,” pagkatapos ko syang bayaran ay binuhat ko na ang bata tsaka kami Naghanap ng mauupuan. Pinili ko nalang na umupo sa malapit sa glass wall. Umubob nalang ako sa lamesa habang hinihintay ang inorder kong ice cream. After this… kakain ako sa restaurant na sinasabi ni Mocha na nagbebenta ng fresh na karne.
Inangat ko naman ang ulo ko nang maramdaman kong hinawakan nya ang kamay kong nakastretch sabay pakita sakin ng tablet na hawak nya.
““Okay ka lang po ba?”” tumango lang ako at pinagkatitigan sya.
“So, what’s your name? and how old are you?” sulat na naman sya sabay pakita sakin pagkatapos nya.
““I’m Gray… 4 na po ako…”” tumango lang ako bilang sagot.
“Where’s your parent? At bakit magisa ka sa park? Wala bang nagbabantay sayo roon?” kunot noong tanong ko sakanya pero nakayuko nalang sya hanggang sa dumating na ang inorder namin.
“It’s fine if you don’t want to talk about… I’m just a stranger who happened to bring you here. Eat… I don’t want to waste my 3000,” seryosong wika ko sakanya. Tumango naman sya at sinimulan na nyang kainin ang ice cream na gusto nya.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng ice cream ng mapansin kong nagtatakbuhan ang mga tao sa labas nitong ice cream parlor hanggang sa may isang pumasok na lalaki na nagsisisgaw na may bomba raw an buong mall. Nagsilabasan na silang lahat, habang ako ay pinagmamasdan silang tumatakbo sa iisang dereksyon.
Napatingin naman ako sa kaliwa ko nang makita ko ang batang nanginginig at naluluha narin. Bakit ako naging babysitter ng isang mortal? Ang gusto ko lang naman ngayong araw ay makapagisip isip! Napahilot nalang ako sa sentido ko. Walang pasabing binuhat ko ang bata at walang kahirap hirap na lumabas sa mall. Nakarating kami agad sa kotse ko. Mabilisan ko syang inilipat sa passenger seat habang nasa driver seat tsaka ko pinaandar patungong parke.
Pagkarating namin roon sa parke ay wala nang masyadong bata dahil magdidilim narin naman na. And I need to go back baka may makapansing wala ako roon. Bumaba nalang ako sa kotse saka naglakad lakad hanggang sa napagdesisyonan kong umupo nalang malapit sa fountain. Napabaling naman ang tingin ko nang may yumakap sakin mula sa harap.
Hinayaan ko nalang syang yumakap sakin hanggang sa narinig ko nalang ang mumunting paghikbi nya hanggang sa naging hagulgol na. Binuhat ko naman sya paupo sa lap ko at otomatikong yumakap sya sa leeg ko habang umiiyak. Napagdesisyonan ko nalang na pagmasdan ang mga bituin sa langit na nagpapakinang dito. Pagkatapos kong pagmasdan ang mga bituin sa langit, napagdesisyonan ko nalang na maglibot libot. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang bata sa tagal ng pagliliot libot ko sa parke habang buhat buhat sya.
“GRAY!!!”
“GRAY!!! WHERE ARE YOU?!”
“GRAY!!! GRAY!!! PLEASE!!!” nakatingin lang ako sa isang gawi nang makarinig ako ng sigaw. Hanggang sa may nakita akong isang nasa mid-20’s and edad at dalawang matanda na isang lalaki at babae. Hindi ko nalang sila pinansin tsaka ako naglakad papuntang kotse ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay marami na akong narinig na pagkasa ng baril sa likoran ko.
“STOP IT RIGHT THERE!!!” sigaw ng isang baritong boses sa aking likoran. Humarap naman ako sakanila at tama nga ang hinala ko na sakin nakatutok ang mga baril na narinig kong ikinasa nila.
Pinagmasdan ko lang ang lalaki nagmamadaling lumapit sa pwesto ko pati narin ang dalawang matanda. Naiiyak naman ang matandang babae habang ang lalaking binata ay masamang nakatingin sakin.
“You! You really want my money huh?! Gagamitin mo pa ang anak ko!” nakatingin lang ako sakanya. Ramdam ko yung iba’t ibang emosyon sa paligid pero ang galit nya ang pinaka nangingibabaw sa lahat.
“What are you talking about? Me? Want your money? Oh come on!” malamig kong wika sakanya. Isinang hakbang ko ang pagitan namin at binigay ang anak nya sakanya.
“Masyado kang pabaya… yun dapat ang sabihin mo.” iritadong wika ko sakanya. Tatalikod na sana ako ng yakapin ako ng bata sa leeg na kamuntikan ko pa syang maibalibag, buti nalang at napigilan ko ang sarili ko. Pilit syang inaalis ng tatay nya sakin pati narin ng dalawang matanda pero bigla nalang itong umiyak. Napailing nalang akong binuhat sya.
“Where do you live?” ngunit wala akong nakihang sagot. Humarap naman ako sakanya at tinignan sya ng malamig.
“WHERE DO YOU FUCKING LIVE?!” sigaw ko sakanya. Mabilis naman nyang sinabi pero hindi ko alam kung saan yun kaya hinatak ko nalang sya papuntang kotse ko. sinenyasan ko nalang sya na sya nalang magdrive at mabilis akong pumasok sa loob ng passenger seat.
Pagpasok ko sa loob ng mall ay katulad kahapon ay pinaguusapan, pinagtitignan at pinagbubulungan ako ng mga walang kwerntang tao dito. Hindi ko nalang sila pinansin at nilibot ko nalang ang buong mall at naghahanap nang pwedeng makain at mainom. Nagugutom narin naman ako. Buti nalang talaga at nakaalis na ako sa pagkakayakap ng bubit na yun. inabot na ako ng umaga sakanya. Napailing naman ako nang maalala ko ang mukha nya.
Napadaan naman ako sa department store at nahagip ng mata ko ang isang dress na kulay pula na may halong itim. Maganda naman sya at simple lang ang design kaso hindi ako nagsusuot ng ganoon. Pants, shirts and rubber shoes okay na ako. Mas comfortable akong isuot ang ganoon. Paalis na sana ako ng may bumungo sakin at naghihiyaw sya na kalamo may ginagawang kahalayan sakanya.
“AAAAAAHHH!!!~ LOOK WHAT YOU DID TO MY DRESS!!!” sigaw noong babae. Tinignan ko lang sya ng malamig.
‘Tanga na nga bobo pa… syempre may mata ako kay nakikita ko, bobo.’ Irtadong wika ko sa isipan ko.
“I can see…” sabi ko. Namula naman sya sa galit at ready na nya akong sabunutan ng may lalaking hindi ko kilala ang humarang sa harapan ko kaya sya ang nasabunutan. Mabilis naman nyang Tinangal ang pagkakasabunot sakanya ng babae tsaka niyakap.
“Ah… miss Pasensya ka na sa kaibigan ko huh? Pasensya na talaga,” hinging tawad nito at yumuko pa.
“ANO BA JAMES!!! CAN’T YOU SEE?!! I’M WET BECAUSE OF THAT BLIND GIRL!!!” galit na sigaw nito.
‘Misaki… tiisin mo lang ang tinis ng boses nya…’ sabi ko sa sarili ko at kapag hindi ako nakapagtimpi sa kanya tatangalin ko ang vocal cords nya
“Ano ka ba naman Karen… huminahon ka nga lang jan, pwede? Nakakahiya na kasi eh…” tumingin naman sya sakin at tipid na ngumiti.
“HUH?! IKINAHIHIYA MO AKO HUH?! BECAUSE OF THAT BLIND GIRL?! BWISIT?!” magwa-walkout na sana sya ng banggain ko sya sa balikat.—“Next time try to calm your fucking nerves… If I can't control myself… nasa morgue ka na kanina pa…” malamig na sabi ko sakanya at pinili ko nalang pumunta sa national book store para magtingin tingin ng libro pero bigla namang kumulo ang tiyan ko. Naglakad nalang ako papunta sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Babalik nalang ako sa gubat para makapaghunting ng pagkain.
Mabilis ang naging pagkilos ko upang mahabol ang usa na nakita ko. Malaki ito at malaman kaya naglalaway na talaga akong makain sya. At ilang segundo palang ay wala nang buhay ang usa sa harapan ko ngayon. Nilantakan ko naman yun ng walang manners dahil ilang buwan narin akong hindi nakakatikim ng sariwang laman at dugo. Puro luto nalang at nakakasawa na.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pagkain ay napasandal naman ako sa punong malapit sakin. Busog na busog ako ngayon. Naubos ko lang naman ang usa. Solve na ko. Wala narin ang pagkauhaw ko sa dugo.
“Ngayon lang ako nakakita ng isang katulad mo na kayang ubusin ang isang malaking usa…” tinignan ko lang ang matanda na nakangiti sakin. Kita ko sa mata nya ang pagkamangha. Nagtransform naman ako sa pagiging tao ko pero natatakpan ng black fur ang mga dapat takpan.—“Psh…” tumayo naman ako at naginat. Naglakad na ako papalayo sa matanda pero natigil naman ako sa paglalakad ng magsalita ito.
“Ngayon lang ako nakakita ng isang katulad mo sa buong buhay ko.” Humarap naman ako sakanya at tinignan lang sya ng malamig.
“Oo… wala ka namang makikitang katulad ko dahil nagiisa lang ako… ako lang…” sabi ko sakanya. Natawa naman sya. Anong nakakatuwa sa sinabi ko? May nakakatawa ba?
“Wala kasing nabubuhay na katulad mo dahil mabilis lang bawian ng buhay ang isang nilalang na nagtataglay ng magkaibang dugo,”
“Alam ko yun tanda,”
“Ikaw pa lamang ang hybrid na bubuhay sa mundo natin. Ikaw palang ang nilalang na nakita kong napakalakas.”
“Psh… ano bang kailangan mo tanda?”
“Magingat ka lang binibini… ikaw ay kalahating bampira at kalahating lobo. Kapag nalaman nang lahat ng ito na isa kang hybrid sapilitan ka nilang papatayin dahil mas malakas ka pa sa isang normal na bampira at lobo.” Naiiling nalang ako sa sinasabi ng matanda.
“Alam ko…” sabi ko at mabilis na naglakad papuntang kwarto ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    19d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด