หน้าแรก/Pregnant With My Professor's Child (Book 1)/
Pregnant With My Professor's Child (Book 1)
Sil3ntcry
Chapter 1:
Bleu's POV: Nanginginig kong hawak-hawak ang isang pregnancy test sa loob ng CR. I've been feeling weird and unwell, I just don't feel good at all for almost a month now. I'm not stupid to not notice that the symptoms I've been experiencing points out to one serious thing, pregnancy. Bumili ako ng dalawang pregnancy tests just in case and took it sa loob ng CR ng kwarto ko and guess what? It has the same results. "I'm dead, I'm fcking dead 'pag nalaman nila Mama 'to.", my primary reaction nang makita 'yong resulta ng ikalawang pregnancy test. Sht. I'm really dead. Ni hindi ko maalala ang nangyari no'ng gabing 'yon! Lumabas ako sa CR na dala-dala 'yong dalawang pregnancy tests at tinago 'yon sa drawer ko na may lock. Napaupo ako sa kama. It's the third day of the second semester of me as a 4th year University student tapos ito ang mangyayari kung kailan pa graduate na ako, wala akong masisisi, it's my fault. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko habang nag-iisip kung anong gagawin nang sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Dad noon. "Sa oras na mabuntis ka sa mga kalokohan mo? You're going to stop taking classes at iuuwi kita sa probinsya doon sa Lola mo to learn your lesson!" Ayoko doon sa probinsiya ! Wala na ngang signal, ginagawa pa akong utusan. Ano bang gagawin ko? I need to keep this as a secret hanggang sa makaisip ako ng tamang gagawin sa sitwasyon ko ngayon, like who can help me other than myself? It's hopeless to ask for help sa ama ng pinag bubuntis ko when he was a total stranger, hindi ko alam saan siya ngayon, kung anong pangalan niya, number niya or whatsoever! Nang magising ako no'n sa tabi niya naked sa iisang kama, I just knew na may nangyari sa amin, umalis ako agad while he was still sleeping. "Bleu?" Biglang bumukas 'yong pintuan ng kwarto ko at napalukso ako sa gulat, si Mama. "Ba't gulat na gulat ka?", nagtataka niyang tanong at pumasok sa kwarto ko. "Mama naman, kumatok ka kasi muna.", muntik na akong himatayin sa kaba bigla nalang pumapasok eh. "Eh kasi naman anong oras na? Wala ka bang planong pumasok ha?" "Ma, malaki na ako, alam ko na ginagawa ko. Maliligo na nga ako oh.", sabi ko sabay tayo, wala talaga akong ganang pumasok ngayon kaya lang dalawang araw na ako hindi pumapasok ever since nag simula ang klase, kasi naman diba? Wala naman sigurong papasok agad na mga professors kung kakasimula pa lang ng semester, wala rin naman sinasabi sa akin mga kaibigan ko. "Bilisan mo kasi diyan! Ang bagal-bagal mo kumilos!" "Oo na, labas na." Hindi na ako nakipagtalo pa kay Mama at lumabas na rin naman siya sa kwarto ko, bagal-bagal ko raw, pwes mas magiging mabagal pa ako lalo na't kailangan ko mag-ingat ngayong may dinadala na ako. Pinaka problema ko talaga ngayon ay pa'no ko sasabihin kay Mama at Papa 'to. I'll be graduating in a few months, hindi naman siguro mapapansin nila mama tiyan ko no'n diba? I can just wear oversize shirts. Tama. Kailangan ko muna e-secure graduation ko, sasabihin ko lang sa kanila 'pag naka graduate na ako, until then ay kailangan ko maging maingat. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos ako ng sarili, I mean, ayoko namang mag mukhang gurang at stressed baka pumangit 'yong magiging anak ko. Kahit hindi ako usually nag bre-breakfast bago pumasok ay kumain ako kasi I'm not just feeding myself, I'm also feeding the child inside me. Pagkarating ko sa University ko, ang La Sobremesa University or LSU for short, ay late na ako sa first subject pero taking my time lang akong naglalakad habang hinahanap 'yong classroom ng first subject ko. Nang mahanap ko 'yong classroom ay nagtaka ako, this is weird... Usually 'pag 1st week ng bagong semester wala pa masyadong estudyante na pumapasok but am I seeing this right? Napatingin ako sa ibang mga classroom at ibang-iba 'yon sa classroom ng 1st subject ko, 'yung laman na mga estudyante ng ibang classroom is what I expected pero 'yong classroom ng 1st subject ko ay punong-puno ng estudyante na parang present lahat at ako nalang kulang. Nagtataka akong pumasok sa loob tapos napatingin sa akin ang lahat, ba't ganyan sila makatingin? Nadakip ng mga mata ko 'yong mga kaibigan ko at parang nag-papanic nila akong pinapalapit sa kanila, kahit wala akong maintindihan sa mga ginagalaw nila ay lumapit ako sa mga kaibigan ko at biglang nag bulungan ang lahat. Gaya nga; "Ngayon lang ba siya pumasok?" "Isa siya sa mga hindi pumasok nung 1st day tapos nag-iisang hindi pumasok nung 2nd day." "Iba talaga 'tong si Bleu hahaha angas." "Wala sigurong nag-inform sa kanya." "She's in trouble, dude." Anong pinagsasabi nila? May upuan na sinave 'yong mga kaibigan ko sa akin at naupo ako doon. "Di pa ba nagsisimula ang klase? Akala ko late na ako eh", sabi ko nang makaupo ako. "Baliw ka, Bleu! Ba't hindi mo chenecheck messages mo sa messenger?", sabi ni Tricia, isa sa mga kaibigan ko. "Alam mo naman minsan lang ako mag open ng messenger, bakit ba?", ano bang nangyayari? Nalilito na ako. "Kanina pa nagsimula 'yong klase gaga, late ka talaga, lumabas lang saglit 'yong Professor natin." I sighed in relief. "Buti nalang hahaha" "Anong buti nalang? Hindi mo ba alam na buntis si Mrs. Rodriguez at may pumalit sa kanyang bagong Professor sa subject niya?", sabi naman ni Samantha. "Oh tapos?", ano namang big deal doon? "That's why we've been trying to reach you. 'Yong pumalit kay Mrs. Rodriguez is hella strict kaya 'yong mga hindi pumasok nung 1st day ay pumasok agad no'ng 2nd day and guess what? Ikaw lang 'y9ng nag-iisang hindi pumasok sa 2nd day! You're dead, katulad no'ng mga hindi pumasok sa 1st day as in tinarget talaga sila with oral recitations and difficult exams kahit kakasimula palang ng semester." Napakunot ako ng noo. Ano 'yon? Anong trip ng professor na 'to? Why is he being so hard sa mga estudyante? "Sino ba pumalit kay Mrs. Rodriguez? ", tanong ko. "He's a new professor sa University natin. He's known for being really cold and strict sa previous school niya, hindi siya naaawa sa mga students under niya, 'pag bagsak ka, bagsak ka talaga.", Tricia. Napaulunok ako agad ng laway. The heck? Eh pa'no ako nito? Dalawang araw akong hindi pumasok, langya! "Asan siya ngayon?", tanong ko. Biglang natahimik ang lahat at sabay na napatingin sa labas sina Samantha at Tricia kaya napatingin rin ako doon. I can see a silhouette of a man sa labas ng bintana na papasok sa classroom namin, sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob... "That's him. Professor Zane Tobias Arden." Pag-pasok niya ay agad niyang nilibot ang tingin sa loob ng classroom at huminto ito sa gawi ko, napatitig ako sa mukha niya... Wait... Why does he look so familiar? Nagkatitigan kami, ilang mga segundo lang ay biglang may nag flashback sa memorya ko... — "Hey are you alone?" "And what if I am?" "I've been staring at you for a a while now and you're just exactly my type, can I get your number?" "You look young, how old are you?" "A-ako? Hahah baby face lang ako, i'm 24 years old" "Really? You look like around 19-20 to me", sagot niya in a sarcastic way. — I gasped. I gasped too loud na napatingin sa akin ang lahat, napatakip ako sa bibig ko. No way. No fcking way... It's him! "Are you perhaps the student who is absent for 2 consecutive days in my class? Ms. Williamson?", he asked me with a very serious tone. Hindi ako nagkakamali, it's really him. The father of my child. — "Bakla, kulang nalang mahimatay ka kanina sa putla ah?", natatawang sabi sa akin ni Eric a.k.a Ericka, bakla kong kaibigan. "Gagi ka, ikaw ba naman batuhin ng maraming tanong sa mga natutunan ko raw last semester eh kinakalawang na 'yong utak ko." Bwesit na Professor 'yon, sumakit paa ko pati mga hita ko kanina kasi hindi niya talaga ako pinaupo hanggang sa matapos niya lahat ng tinanong niya sa akin tungkol sa subject ni Ms. Rodriguez last semester. Base sa kilos niya parang hindi niya ako kilala o naalala. Well, it's not impossible since dim lights lang sa club noon, at no'ng gabing 'yon inayos ko talaga sarili ko to look like a 24 year old woman when in fact I just turned 20 years old, we were also so drunk nang may mangyari sa amin. Of course, maaalala ko siya kasi ako 'yong naunang nagising sa amin kinaumagahan kaya nga nakatakas ako agad while he was still sleeping. Nalilito ako ngayon sa nangyayari, 'di ko alam kung anong gagawin ko now that biglang sumulpot ang ama nitong dinadala ko. Should I tell him? Pa'no kung ayaw niya tanggapin? Pa'no kung sa sasabihan niya lang ako na nagsisinungaling? Lalo na't he can't even recognized me, ni hindi niya ako maalala? Itatago ko ba ipinagbubuntis ko sa kanya? No, ano naman pake ko sa magiging reaksyon niya? Anak niya 'tong dinadala ko kaya he has the right to know! Tatanggapin niya man o hindi 'tong dinadala ko, wala akong pake, kaya kong palakihin ang batang dinadala ko. "Ui? Saan ka pupunta?", tanong sa akin ni Tricia nang tumayo ako bigla sabay kuha no'ng shoulder bag ko. "Hindi ko matanggap na pinahiya ako ng lalaking 'yon sa harap ng maraming estudyante dahil lang sa hindi ako nakapasok sa klase niya ng dalawang araw!", pag rarason ko para may alibi ako sa pag punta ko sa lalaking 'yon "Oh tapos anong gagawin mo?", tanong naman ni Samantha. "Basta. Mauna na ako sa inyo." "Hoy bakla! Umayos ka ah? Baka 'di ka tantanan niyan bukas sa subject niya! Alam kong pogi 'yon pero 'wag mo landiin hahahahha", sigaw ni Ericka. Hindi na ako sumagot at naglakad na palabas ng classroom. I asked some students kung alam nila saan siya ngayon and they told me nasa office siya ngayon sa loob ng library na si Mrs. Rodriguez 'yong nagbabantay noon. Malaki 'ykng library namin, sa bandang sulok ay may pintoan papasok sa kung saan 'yong opisina ni Mrs. Rodriguez, ba't di ko naiaip na ando'n siya since siya 'yong pumalit kay Mrs. Rodriguez? Nang makarating ako sa library ay hindi gano'n karami ang mga estudyante na andoon, dumeretso ako sa opisina kung saan siya ngayon, kumatok ako. "Come in.", rinig kong sabi niya mula sa loob. Nagdadalawang isip kong hinawakan ang doorknob, teka, ba't kasi bigla ako kakabahan kung kailan andito na ako? Lakas-lakas ng loob ko kanina, ano 'to? Aatras ka girl? Bahala na. Binuksan ko 'yong pintoan at pumasok sa loob, nakatalikod siya Sa Akin at may hawak-hawak siyang mga papel at nakatayong tinitignan 'yon. Isinara ko 'yong pinto at ni-lock 'yon. Ayokong may maka disturbo. Napahinto siya sa ginagawa niya nang marinig niya 'yong pag-lock ko ng pinto, binaba niya 'yong mga papel na hawak-hawak niya saka ako nilingon. Now that nakikita ko siya sa malapitan, ngayon ko lang na realize na nakakalaglag panty pala ang kagwapohan ng professor na 'to. He actually looks young, ilang taon ba siya? "What do you need na kailangan mo pang e-lock ang pintoan?" Naupo siya ng bahagya sa mesa niya sabay napa dekwatro ng mga braso. Hindi niya talaga ako maalala? Ano ba sasabihin ko? "You're Ms.Williamson, right? The girl earlier in my class with 2 consecutive absents, pumasok nga pero late naman." Umayos ako ng tindig, nakakatrigger 'tong lalaking 'to, big deal na big deal 'yong nangyari sabi ko na nga hindi na mauulit! "So bakit ka nga andito? At least say something." Ba't ba atat na atat 'to? "I-i'm here dahil sa nangyari kanina sa klase. Alam kong mali 'yong ginawa ko pero may kasalanan ka rin. You saw me as someone na hindi pumasok sa klase mo ng dalawang araw lang without even asking me the reason why. Pinahiya mo ako sa lahat ng mga kaklase ko." Hindi ito 'yong pinunta ko dito pero 'yon ang lumabas sa bibig ko, l*ngya huhuhu "You do have a point, what reason could there be, then? If you give me a truthful answer, I can consider and apologize." Napalunok ako ng laway. Truthful answer? Napatitig ako sa kanya, and he's smirking na para bang inaantay niya ang pagsisinungaling ko. He's actually helping you out, Bleu! Sabihin mo na sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ka nasa office niya! He asked for your truthful answer and we all know na kaya ka lang naman hindi pumasok ng dalawang araw dahil you've been feeling stressed dahil sa nangyayari ngayon sa buhay mo, you're pregnant with this guy's child! "Ba't hindi ka makasagot? Wala ka bang maisip na excuse? Or... ", he stopped talking... Napa ayos siya ng tayo at naglakad papalapit sa akin, hindi gano'n kalakihan 'tong opisina kaya mabilis siyang nakalapit sa akin, napasandal ako sa pintoan. Nakapamulsa siyang huminto sa harapan ko, "...o baka iba ang dahilan kung bakit ka andito?", and he continued. Nanlaki ang mga mata ko, what does he mean? "You're too close, are you not worried sa iisipin ng iba 'pag nakikita nila 'to? You're a professor after all." "Ano ba dapat kong ipag-alala? You locked the door by yourself, remember?" I flinched nang ilabas niya 'yong isang kanang kamay niya sa bulsa niya saka itinapat 'yon sa pintoan, cornering me. "Nasa loob tayo ng library, and everyone could hear me very clearly 'pag sumigaw ako so isa pang galaw mula sayo, I'll scream." Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, but I'm feeling so much tension right now lalo na't ang lapit niya sa akin, ang lakas ng tibok ng puso ko... Bigla siyang tumawa saka ibinaba 'yong kanang kamay niya at ibinalik 'yon sa bulsa niya, "Scream? Scream what? Scream how?", tumatawa niyang sabi.... Sinamaan ko siya ng tingin at bigla siyang huminto sa pag tawa, he smirked; "... Scream just like what you did on that night in the bed with me?", patuloy niya. Parang huminto ata 'yong tibok ng puso ko, parang naging bingi ako ng mga ilang segundo pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.... Sht. He didn't forget, naaalala niya!? Zane's POV: *earlier while on his way to his first class* This is so sick, I've been spacing out a lot lately, kita mo kailangan ko pa balikan sa opisina 'yong cellphone ko since may inaantay akong importanteng tawag. Napatingin ako ng saglit sa relo ko, I'm wasting time na dapat nilaan ko sa pagtuturo. Why am I even teaching? Kung hindi ko lang talaga nalaman na that woman might be studying here ay I wouldn't have accepted the offer to teach in replace of Mrs. Rodriguez. That woman... I've been looking for her for almost a month now, kailangan ko pa bumalik sa club no'ng araw na 'yon to check their CCTV's para mamukhaan ko ang babaeng 'yon... How can she just leave after what happened between us? Sino nag utos sa kanya, anong plano niya? No'ng araw na natanggap ko ang offer na may papalitan akong guro sa University na 'to ay doon ko rin nalaman na there's a big possibility na dito nag-aaral ang babaeng 'yon... Inaantay ko nalang ay ang impormasyon tungkol sa babaeng 'yon katulad ng pangalan niya. That night, a month ago in the club... Supposedly ay may eme-meet akong kaibigan but then suddenly he told me na hindi siya makakarating because of some personal matters, since ando'n na rin naman ako, I decided to take some few shots tapos uuwi rin but there was something's off sa ibinigay sa akin ng bartender... Parang nalasing ako agad, I was so dizzy at uminit ng sobra ang buong katawan ko at habang mas dumadaan 'yong bawat segundo at minuto ay I found myself wanting something... nang biglang lumapit sa akin ang babaeng 'yon. Pinipigilan ko 'yong sarili ko habang kinakausap siya hanggang sa 'di ko na makayanan and it just happened between us tapos pag gising ko pa kinaumagahan ay wala na tumakas na ang babaeng 'yon. I was getting married... I had a fiancee... Pero biglang may kumalat na pictures saka ibinigay sa fiancee ko... It was a picture of me and that woman, naked under the blanket at dahil sa nangyari na 'yon... I lost her. Ibinalik niya sa akin ang engagement ring and cancelled everything, hiniwalayan niya ako. Kaya I swore na kahit ano man ang mangyari ay hahanapin ko saan man lupalop ng mundo 'yong babaeng 'yon. It wasn't an easy search not until the news na gaya nga ng sabi ko she might be studying in this University. I don't know what's the motive o binalak niya lang talaga na sirain kami ng fiancee ko pero anong makukuha niya? She just left after what happened at 'di na nagparamdam pagkatapos, could there be someone na nag utos sa kanya na gawin 'yun? The drink that time... May naglagay ng arousal pill... Someone planned it beforehand, ayokong maniwala na it was my friend ang nag plano nun kasi no'ng araw na 'yon sa club kaya hindi siya nakarating it was because manganganak na ang asawa niya no'n. Biglang tumunog ang cellphone ko, tumatawag 'yong kanina ko pa inaantay, sinagot ko 'yon agad; "Hello? What's up?", tanong ko. "The girl that you've been looking is indeed from that school, I found out her name para mas mabilis mong mahanap.", sagot niya sa akin. "What's her name?" "Bleu Williamson" I thought her name was familiar and I never expected I'd meet her this way... She's a student under my class. Akala ko mahihirapan akong e-approach siya but it looks like naaalala niya ako at siya na 'yong mismong lumapit sa akin. "Scream? Scream what? Scream how?" "... Scream just like what you did on that night in the bed with me?" She looks surprised na para bang akala niyang hindi ko siya nakilala. "You remember? You knew?", tanong niya. "I kinda have a good memory you see.", sagot ko. "Then why were you acting like na hindi mo ako kilala kanina?" Stupid. "Do you think I'm stupid or something? Gusto mo bang ipaalam ko sa lahat ng estudyante na nasa loob ng classroom na 'yon ang nangyari sa atin? Nag-iisip ka ba?" Sumama 'yong timpla ng mukha niya. "Oh ba't galit na galit ka? Nagtatanong lang naman ako.", sabi niya. "Talaga? Now it's my time to ask you something, sino nag-utos sayo?" Kumunot 'yong noo niya. "Nag-utos? Ng ano?" Hindi niya alam? Or is she just acting na hindi niya alam? "Nilapitan mo ako sa club na 'yon kasi may nag utos sa'yong landiin ako diba?" Mas lalo lang kumunot ang noo niya at parang wala siyang naiintindihan sa sinasabi ko; "Pinagsasabi mo? That night, we were playing truth or dare with my friends, na-dare akong hingin ang number mo... Ikaw 'yong humila sa akin palabas sa club na 'yon at dinala ako sa kung saan man natin ginawa 'yong dapat hindi nangyari... I'm not saying it was your fault, lasing tayo pareho no'n, pero anong pinagsasabi mong may nag-utos? Ano ka? Nasa isang telenobela?" Tinignan ko siya ng mabuti sa mukha, mas lalo lang ako naguguluhan, she looks like she's telling the truth na wala talaga siyang alam or is she just really good at acting? "So you're saying nagkataon lang na nilapitan mo ako sa mga oras na 'yon? Are you kidding me right now? There were pictures of us na kumalat between my families na nag dulot ng malaking problema sa akin and you're telling na nagkataon lang na lumapit ka sa akin nung gabing 'yon?" Galit siyang napatingin sa akin pagkatapos kong magsalita, "Hindi lang ikaw 'yong nagkaproblema ng dahil sa nangyari, stress na stress na ako tapos you're accusing me of such things na hindi ko ginawa? Akala mo ba walang naging epekto sa akin 'yon!?", galit na galit niyang sabi. "Anong ibig mo sabihin?", nalilito kong tanong. Malakas niya akong tinulak kaya napaatras ako ng konti palayo sa kanya; "You don't deserve to know. Make sure na walang makakaalam sa nangyari sa ating dalawa. L*tse ka." Nanlalaking mata akong napatingin sa kanya, l*tse ka!? Tinawag niya akong l*tse!? "Hoy, Ms. Williamson... Guro mo pa rin ako, you can't call me things and cu—" "Tumahimik ka, you a**hole!", galit niyang sabi saka binuksan 'yong pinto at lumabas. A**hole!? I can't believe that I'm being disrespected sa mismong opisina ko. Masama akong napatingin sa pintoan. Ano ba talaga ang nangyari no'ng gabing 'yon? Who took the pictures? Base sa reaksyon ng babaeng 'yon ay wala talaga siyang alam. Sht. I need to solve this quickly, I lost my fiancee, Claire... I need to get her back. ——
nakakiyak yung kay kevin bonga magpaiyak ni ante,hope na makagawa ka na ng book 2 nakakabitin at the same time maganda den yung flow ng kwento bwisit lng talga si claire😑
06/08/2022
2
EnteriaElla
Shet author ito yung pinaka magada at masakit nabasa ko dito plss drop the book 2 na po😭😭btw po di po ako makapaniwala na wala kang passion dito ang ganda mo po ng pagkasulat nyo parang pang professional datingan!!:)
01/08/2022
3
gomezmaicy
😍😍😍grabe super ganda nito wala akong nilaktaw kahit konti lahat binasa k..lalhat ng emosyon talagang madadama m sa story n ito kikiligin matatawa at maiiyak k..galing ng pagkaka sulat m author..excited n ako para sa book 2 aabangan k tlga yun..thank u sa napaka gandang story 😊
nakakiyak yung kay kevin bonga magpaiyak ni ante,hope na makagawa ka na ng book 2 nakakabitin at the same time maganda den yung flow ng kwento bwisit lng talga si claire😑
06/08/2022
2Shet author ito yung pinaka magada at masakit nabasa ko dito plss drop the book 2 na po😭😭btw po di po ako makapaniwala na wala kang passion dito ang ganda mo po ng pagkasulat nyo parang pang professional datingan!!:)
01/08/2022
3😍😍😍grabe super ganda nito wala akong nilaktaw kahit konti lahat binasa k..lalhat ng emosyon talagang madadama m sa story n ito kikiligin matatawa at maiiyak k..galing ng pagkaka sulat m author..excited n ako para sa book 2 aabangan k tlga yun..thank u sa napaka gandang story 😊
29/07/2022
3ดูทั้งหมด