logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 5

Kabanata 5:
PATULOY SIYA SA PAGKALADKAD sa akin kahit na ilang beses ko na siyang sinigawan.
“S-sandali lang! M-masakit na!” reklamo ko.
Huminto siya sa paglalakad at binitiwan ang braso ko. Lumingon siya sa akin at nasalubong ko ang makakapal niyang kilay. Ang mga mata niya’y mapupungay tulad ng nakita ko kaninang umaga.
“Hindi pa nga tayo nagsisimula, nasasaktan ka na?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang ibig sabihin ng lalaki na 'to?!
“Ang sabi ko, masakit na ang pagkakahawak mo sa braso ko!” reklamo ko.
Nanliit ang mga mata niya, “Ganyan ka ba sumagot sa amo mo?”
Nabigla ako roon. Nakalimutan kong isa pala siya sa may-ari ng bahay na ito at ngayon ay pagsisilbihan ko na.
“P-pasensya na po. . .”
Napayuko ako, doon ko napansin ang braso ko na hinawakan niya. Kaagad kong tinakpan ang parte na 'yon dahil nakita kong dumugo ang bahaging 'yon. Masyado bang mahaba ng kuko niya para masugatan ako?
“Ano ba kasing ginagawa mo ro’n?” tanong niya.
“N-nagdidilig po ako ng halaman,” sagot ko.
Napakamot siya sa ulo niya saka bumulong-bulong ng mga salitang hindi ko naman marinig. Nakakainis naman 'yong bulong nang bulong.
“Sa susunod huwag ka nang magdilig ng halaman, hindi na pwede,” aniya. “Huwag na nga 'yan ang gawin mo at may iuutos ako sa 'yo.”
Hindi ako sumagot. Gusto ko sana munang hingiin ang opinyon ni Auntie pero kasi amo ko rin naman ito at may karapatan siyang mag-utos sa akin kaya sumunod ako sa kaniya.
Pinaakyat niya ako sa kwarto namin ni Auntie at pinagbihis. Aniya, kailangan daw magbihis ako nang matino dahil papupuntahin niya ako sa palengke. Gusto ko sanang umangal, kasi hindi ko pa nga alam ang pasikot-sikot dito’y inutusan niya na akong mamalengke. Sa isip ko, magtatanong-tanong na lang siguro ako.
Pagkatapos kong magbihis, pantalon at simpleng t-shirt na kulay pink. Parehong luma na ang mga ito pero ito ang madalas kong panglakad. Itinali ko rin ang buhok ko ng ponytail para kahit papaano'y presentable naman.
Nang makababa ako, naabutan kong naghihintay si Sir Trebor. Pinaglalaruan niya ang susi na hawak niya habang may kausap sa cellphone.
“Oo, kahit papaano pwede nang pagtyagaan,” aniya. “Pero hindi pwedeng kainin, mapapatay ako ni Ama.” Pagkatapos ay tumawa siya.
Ano kayang sinasabi nito? Sino kayang kausap niya? Hinayaan ko na lang at pinagsawalang-bahala iyon. Tumuloy ako sa paglalakad pababa hanggang sa nasa tapat ko na siya. Gumilid ako para hintayin siyang matapos sa pakikipag-usap.
“Sige na at aalis na kami, balitaan kita kapag nakuha ko na.”
Kunwaring hindi ako nakikinig sa kausap niya, nanatili ako sa tabi niya habang palinga-linga sa paligid.
“Tara na.”
Doon lang ako lumingon. “Kasama ka po?”
Tumango siya at saka tumalikod. Sumunod na lang ako sa kaniya habang nakayuko. Ayokong mag-angat ng tingin dahil nahihiya ako. Lalo na kanina, sa nangyari. . . Doon ko lang naalala iyong nakita kong kamay. Kamay ba talaga 'yon? O baka naman namamalikmata lang ako?
“Nakita mo siguro 'yong panty ng girlfriend ko doon sa hardin kanina,” aniya sabay tawa. “Pasensya ka na, 'yon siguro ang ikinagulat mo.”
Tahimik lang ko. Hindi ako sumagot. Wala akong pakialam sa panty ng girlfriend niya. Ang inaalala ko ay 'yong kamay na nakita ko kanina. . .
Teka lang. . .
Siya ba 'yong lalaking nakita ko kagabi? Iyong lalaking hinampas 'yong kaharap niya? Napalunok ako at nag-angat ng tingin kay Sir Trebor. Napakagat labi ako. Baka hindi naman niya talaga hinampas iyon? Baka pinahiga niya lang? Pero. . .
Pilit kong iwinaksi sa isip ko ang lahat ng mga 'yon. Kung magpapatuloy ako sa pag-iisip ng masama, malamang na masama rin ang kahahantungan nito. Iisipin ko na lang na lahat ng 'yon ay haka-haka ko lang.
Pinasakay niya ako sa isang kotseng pang-mayaman. Hindi ko alam ang tatak, basta kulay pula iyon, malinis at mukhang pang-mayaman. Noong una’y sa likod sana ako uupo pero hindi niya ako pinayagan dahil hindi ko raw siya driver. Nakakahiya kasing tumabi sa kaniya.
Pagkalabas ng gate, tila nanibago ako sa daan. Paano ba naman kasi, hindi ko naman nakita ang dinaanan namin kagabi. Masyadong madilim.
Namangha ako dahil nasa syudad lang ako noong nakaraan, ngayon naman ay nasa probinsya na ang itsura dito. Kaunting byahe lang pala ang distansya mula sa syudad, probinsya na. Nagtataasan ang mga damo, naglalakihang puno. Ang mga bahay ay hindi dikit-dikit. Ang sumunod na bahay pa nga, mga ilang minuto ang layo ng ibinyahe ng sasakyan bago narating.
Habang tumatagal ay unti-unting nawawala ang mga matataas na damo. Nagkaroon ng mga magkakalapit na bahay hanggang sa marating namin ang palengke.
Huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at saka lumingon sa akin si Sir Trebor.
“Ito ang lahat ng bibilhin mo,” inabot niya sa akin ang listahan na kaagad ko namang kinuha. Inabot niya na rin ang pera. “Kung may sukli man, sa iyo na. Tandaan mo kung saan itong kotse ko, ha? May pupuntahan ako saglit.”
Dahan-dahan akong tumango, kahit hindi ako sigurado kung matatandaan ko ba gayong unang punta ko pa lang.
Pagkababa ko ng kotse, luminga-linga ako sa paligid para tandaan. Una kong napansin ang poste na nasa tapat ng kotse. Iyon na lang siguro ang tatandaan ko. . .
Bawat dinadaanan ko ay sinisiguro kong natandaan ko ang itsura. Nang makapasok sa mismong palengke, naamoy ko ang nakasusulasok na amoy ng nabubulok. Ganito ba talaga dito? Grabe naman, parang hindi nilinisan ng matagal na panahon.
Kaunti lang ang namimili, ang mga tindahan, kadalasang gulay ang naroon. Inangat ko ang listahan, binasa ko ang mga naroon at isa-isang bumili ng lahat ng paninda. Ngunit ang nasa huling listahan, hindi ko alam at hindi ko makita.
Especiarias–Iyan ang nakasulat sa papel. Hindi ko alam kung ano 'yon. Ni hindi ko nga halos mabasa. Kaya ang ginawa ko, nagtanong ako sa isang tindera.
“Ale, meron po kayo nito?” tanong ko sa Aleng nagtitinda roon.
Kumunot ang noo niya, tila ba nagtaka. Nag-angat siya ng tingin sa akin at sumulyap sa dibdib ko.
“Bago ka ba rito?” aniya.
Tumango ako na ikinabigla niya pero kaagad ring ngumisi. “Doon sa dulo ng palengke, makakakita ka ng maliit na tindahan. Naroon ang bilihan niyan.”
Ngumiti din ako. “Salamat po.”
Pagkatapos kong magpasalamat, dumiretso na ako papunta sa itinuro niyang daan. . .
Kaya lang tila ba naging kakaiba ang awra ng paligid. Naging mabigat hanggang sa may marinig akong bulong-bulungan.
“Bago, hindi niya ba alam ang lugar na ito?”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (16)

  • avatar
    Jealyn Baroy

    good stort

    2d

      0
  • avatar
    Benaning Clark

    it's really good work's

    14d

      0
  • avatar
    Gina Lelina

    Ang ganda...sana magkaron ng sariling story ang kambal

    26/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด