“Kita mo ’yan? Balang araw, makakasakay din ako sa ganyan,” pagmamalaki ni Mia habang nakatingin sa eroplanong dumadaan sa kalangitan. Kausap niya ang kanyang bestfriend na si Joshua ang number one supporter niya sa lahat ng bagay. “Walang imposible. Pangarap mo ’yan, kaya kakayanin mo,” sagot ni Josh, na nanatiling nakahiga sa makapal na damuhan. Doon, tanaw nila ang malawak na langit at ang buong paligid paborito nilang puntahan kapag gusto nilang lumanghap ng sariwang hangin. “Balang araw, makakasungkit din ako ng gintong medalya,” dagdag ni Mia, hindi maalis-alis ang tingin sa eroplanong unti-unting natatakpan ng mga ulap. Bumangon si Josh, may maliit pang damo na nakasabit sa kanyang likod. “Susuportahan kita. Palagi akong nandito para sa pangarap mo,” pangako niya. Napatingin si Mia sa kanya at bahagyang ngumiti. “Salamat, ha. Dahil palagi kang nandito para sa akin.” “Syempre, what are friends for?” biro ni Josh na may kasamang ngiti. “Kaya pagbubutihin ko pa ang mga training ko. Para sa pangarap ko, para sa pamilya ko… at higit sa lahat, para sa’yo na palaging nandiyan para sa akin.” Lumikha ng malaking ngiti sa kanyang labi ang mga salitang iyon. “Good luck sa pangarap mo. Sana makasungkit ka na ng ginto sa susunod.” Ngunit nang marinig niya ang salitang gintong medalya, biglang nanlumo ang mukha ni Mia at napabuntong-hininga. “Sana nga… pero palagi na lang akong silver ang nakukuha,” mahina niyang tugon. “Hoy, ano ka ba? Malaking bagay na ’yon! Hindi basta-basta nakakakuha ng silver medal. Magpasalamat ka pa rin,” sagot ni Josh, halatang gusto siyang palakasin ng loob. “Pero mas maganda pa rin kung gold na,” pabulong niyang sagot. “Kaya nga pagbubutihin mo pa. Sa susunod, siguradong gold na ’yan.” Tahimik lang si Mia. Sa kabila ng tiwala niya sa sarili, hindi niya maiwasang umasa na kapag natupad na niya ang kanyang pangarap, sana magkabati rin ang kanyang mama at papa. Naghiwalay kasi ang mga ito simula nang siya ay pumasok sa kolehiyo. Mahirap para sa kanyang ina na tustusan ang lahat, kaya mabuti na lang scholar siya dahil sa kanyang sports. “At sana… magkabalikan na rin sina mama at papa,” bulong niya, habang nakayakap sa kanyang mga tuhod, nakasubsob ang baba sa kanyang mga braso. “Ano ka ba, huwag mo na munang isipin ’yon. Masasaktan ka lang,” sagot ni Josh, pinapakalma siya. Lagi siyang naging comfort zone ni Mia—ang sandalan tuwing nadadala ng lungkot. “Pangarap ko rin kasi na magkabalikan sila,” mahina niyang dagdag. Nagpakawala ng malalim na hinga si Josh. “Naghiwalay sila dahil may ibang babae na ang papa mo…” “Weeeh, di nga? Hindi totoo ’yan!” mabilis na depensa ni Mia. Tumayo siya saka ginulo ang buhok ni Josh. “Paunahan umuwi sa bahay! Ang mahuli, manlilibre!” biro niya bago tumakbo nang mabilis. “Ang daya! Nauna ka na!” reklamo ni Josh, dali-daling inayos ang tsinelas bago sumunod. “Habol!” sigaw ni Mia habang lumilingon sa kanya. “Kapag naabutan kita, ikaw manlilibre sa akin!” ganti ni Josh. Pero alam niyang mahirap talunin ang runner na tulad ni Mia. Pagdating nila sa bahay, napakunot ang noo ni Mia nang makita ang isang kotseng nakaparada sa harapan. “Sino kaya ’to?” bulong niya. “Mi, mukhang may bisita kayo,” dagdag ni Josh. Pumasok siya sa loob ng bahay, at bumungad sa kanya ang isang mayamang lalaki na kausap ang kanyang ina. Nang makita siya nito, agad siyang tinawag. “Mia, nandiyan ka na pala. Halika, may ipapakilala ako sa ’yo,” masayang wika ng kanyang ina, bakas sa mukha nito ang ngiti. Dahan-dahan siyang lumapit, nagtataka. “Ma… sino siya?” Dahan-dahan siyang lumapit, nagtataka. “Ma… sino siya?” tanong ni Mia habang pinagmamasdan ang estranghero. Bumaling ang kanyang ina, masaya pa rin ang ngiti. “Mia, siya si—” Hindi na niya narinig ang kasunod na salita. Biglang bumigat ang paligid, parang bumagal ang oras. Tumama ang malamlam na mga mata ng lalaki kay Mia at doon siya kinilabutan. May kung anong hindi maipaliwanag na pamilyaridad sa titig nito, parang matagal na siyang minamasdan kahit ngayon lang sila nagkita. “Mia…” basag ang katahimikan sa mababa at malamig na tinig ng lalaki. "ikaw pala si Mia?.”ani ng lalaki habang sumilay ang ngiti sa labi nito. Hindi sumagot si Mia nakatango lang siya bilang pagtugon nito. "Nice to meet you Mia," anang lalaki habang nakangiti parin sa kanya "Sino ho sila?" Tanong niya rito "Me.." sagot nito Pagkatapos ng klase, dumiretso agad si Mia sa track and field para magsimula ng training. Habang inaabot niya ang kanyang mga paa at unti-unting iniinat ang mga joints, nakarinig siya ng boses. “Mia…” Isang babae ang lumapit sa kanya maganda, seksi, at halatang may gustong sabihin. “Yes?” tugon ni Mia, bahagyang nagtataka. “Pwede ba kitang makausap sandali?” tanong ng babae, may halong kaba ang boses nito. “Ano ’yon?” sagot ni Mia habang nagpatuloy sa pag-uunat. “Gusto ko sanang itanong sa’yo kung…” Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang may boses na umalingawngaw sa field. “Mia!” sigaw ni Josh, kumakaway papalapit. Sabay silang lumingon ng babae. Kita sa mukha ng babae ang pagkailang, at agad siyang ngumiti ng pilit. “Ah… saka na lang. Mukhang busy ka yata ngayon, Mia. Sige, bye.” Mabilis itong umalis na parang may tinatakasang emosyon. “Miss, wait!” tawag ni Mia, ngunit tila hindi na siya nito narinig. Naiwan siyang nagtataka, ngunit agad niyang ibinaling ang atensyon kay Josh na humahangos papalapit. “Mi…” hingal na hingal pa ito. “Ano’ng ginagawa mo rito? Diba may klase ka pa?” tanong ni Mia, medyo nag-aalala. “Oo, pero nakita kita rito kaya dinaanan na kita,” sagot ni Josh, nakangiti kahit pawis na pawis. “Umalis ka na, male-late ka niyan,” saway ni Mia. Ngumisi lang ang binata at iniabot ang hawak nito. “Binilhan lang kita ng energy drink. Heto, inumin mo pagkatapos ng training.” “Salamat,” tugon niya, bahagyang lumambot ang kanyang boses. “Sige, alis na ako. Good luck sa pangarap mo, ha.” At bago pa siya makasagot, tumalikod na si Josh at tuluyang umalis. Naiwan si Mia na nakatitig sa hawak niyang energy drink—pakiramdam niya, sa simpleng bagay na iyon, ramdam na ramdam ang suporta ng kaibigan. Maya-maya, dumating ang kanyang coach kasama ang iba pang kasamahan. Si Coach Chuck, dating track and field athlete at minsang nanalo ng gintong medalya sa SEA Games noong kabataan nito. “Humanay!” sigaw ng coach, at agad nagsitayo ng tuwid ang lahat. “Makinig kayong lahat,” panimula nito, seryoso ang tinig. “Kung sino man ang mananalo sa National Regionals… siya ang ipapadala sa SEA Games competition.” Nanlaki ang mga mata ni Mia. SEA Games… ito na ang pagkakataon ko. Ito ang matagal ko nang pinapangarap—ang magdala ng karangalan, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa bansa ko. “For boys, 100-meter dash: Joven, Elver. For girls: Shiela, Bea, and Mia. Good luck. Kailangan n’yong pag-igihan ang training. Kailangan nating manalo.” “Yes, Coach!” sabay-sabay na sagot ng lahat, kasabay ng tibok ng puso ni Mia na tila lalong bumibilis. Para kay Mia, ito na. Wala nang atrasan.
great
08/12
0hi bro
04/12
0go higher mia
01/11
1ดูทั้งหมด