logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

3

- Makiling's POV -
"Sorry Nurse Maki, late ako." sambit nu'ng Nurse na kapalitan ko
Isang oras din siyang late.
"I'm going now." pagpapaalam ko sa kanila
Wala naman sanang problema sa'kin na mag-overtime dahil danas na danas namin 'yun as a nurse.
Pero kasi, baka umalis na si Zero. (><)
Dali-dali na akong lumabas ng hospital bitbit ang bag ko habang chine-check ang phone ko. Chine-check ko kung may message ba siya.
Natanawan ko naman agad si Zero kaya lumapit ako sa kanya.
"Zero." tawag ko sa kanya
Nakasimangot siyang lumingon sa'kin.
"Ano na? Pinapak na ako ng lamok dito!" reklamo niya agad
(-_____-)
Totoo ba talagang gusto niya ako? Bakit balasubas pa rin siya sa'kin?!
Inirapan ko siya at hindi pinansin. Nilampasan ko rin siya.
Kakainis! Excited pa naman akong lumabas tapos sisinghalan agad ako!
"Oy Maki."
Sinabayan niya ako sa paglalakad ko.
"Bakit late ka na? Kanina pa ako naghihintay." sambit niya pa
"Wala kang pakialam." badtrip kong bulong
Napasobra yata expectation ko dahil umamin siya sa'kin.
Hmp! What to expect pa ba!
Hinawakan niya ang bag ko kaya hinila ko agad 'yun.
"Huwag ka nga'ng humawak." kontra ko sa kanya
"Aish! Naghintay na nga ako, ikaw pa 'tong inis!" reklamo niya rin
Tiningnan ko siya.
"Sino bang may sabing maghintay ka? Sinabi ko ba ha? Ha?"
"Sinabi ko na pupuntahan kita di ba! Nagbabasa ka ba ng message ko sa'yo ha!"
Inirapan ko lang siya.
"Hmp!"
"Akin na nga 'yang cellphone mo." tapos bigla niyang inagaw sa'kin ang phone ko
"Zero!"
Pilit kong inagaw 'yun sa kanya kaso syempre mataas siya tapos maliit lang ako. (-_-) unfair sa height ha!
"Baka kung sinu-sino ang ka-chat mo kaya hindi mo nababasa ang message ko!" sambit niya pa habang pilit binubuksan ang messenger ko
Buti na lang talaga may password 'yun.
"Aba't! Ano'ng password mo!"
"Ba't ko sasabihin sa'yo. Boyfriend ba kita ha!"
"May gusto ka sa'kin kaya sabihin mo sa'kin!"
Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ang kapal ng mukha mo! May gusto ka rin sa'kin di ba!" ganti ko sa kanya
"E'di boyfriend mo ako! Pareho naman pala tayo e! Ano'ng password mo?!"
Lihim akong napasinghap dahil sa sinabi niya. Bakit ang easy lang sa kanya na sabihin 'yun?! (>////<)
"Bakit gan'yan ang reaksyon mo ha?" sambit niya pa
"A-Akala mo ay itatanggi mo." bulong ko
"Haaa? Bakit ka bumubulong? Pabebe ka na talaga ngayon Maki----"
Sinukmuraan ko na siya bago niya pa matapos ang sasabihin niya.
"Shut up, idiot!"
Tss! Hindi ako pabebe!
"Geez! Ano na ang password mo?"
Inagaw ko na sa kanya ang cellphone ko.
"Hindi ko sasabihi sa'yo, baliw!"
"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagtataksil sa'kin Makitililing ha!"
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay ko, pero wala akong sinabi.
Nakakapanibago lang na gan'yan siya magsalita. I mean, balasubas pa rin siya makipag-usap sa'kin pero iba na 'yung mga sinasabi niya.
Nagulat ako nang hawakan ni Zero ang kamay ko.
(o______o) omo! Holding hands kami!
"Z-Zero!" mahina kong sambit
"Ha? Tawag mo ako?" react niya sabay tingin sa'kin
Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya. Hinila ko rin ang kamay ko mula sa kanya dahil sa sobrang kaba ko.
"B-Bakit ka nanghahawak ng kamay ha!" kunwa'y reklamo ko sa kanya
"Ano'ng pinagsasabi mo! Ano'ng bakit!" sambit niya tapos hinawakan niya ulit ang kamay ko, hinila niya ako para ituloy ang paglalakad namin
"But... But... Why?" sambit ko, "I mean, why? Why are you holding my hand?"
"Stupid Maki. Sinabi ko ng gusto kita di ba?! Paulit-ulit na lang!"
Lalong bumilis ang heartbeat ko.
(>/////////<) Kinakabahan pa rin ako! Hindi pa rin ako makapaniwala!
"Huwag mong sabihin na hindi ka naniniwala?"
Tiningnan ko siya. Pinilit ko siyang tingnan dahil nararamdaman ko na nakatingin siya sa'kin.
"Yes, hindi ako naniniwala." diretso kong sagot
"Aba't! Tanga ka ba!"
(-____-)
"See? Paano ako maniniwala kung gan'yan ka magsalita sa'kin!"
"Ganito naman talaga ako makipag-usap sa'yo ah! Dapat ba baguhin ko, ha?!"
Napaisip ako sa sinabi niya.
Oo nga no? Importante ba na baguhin niya?
"Ah, baka naman mali lang ako." bigla ay sambit niya, "Hindi mo 'ko tanggap ng buo no, Makiling? Kaya gusto mong baguhin ko."
Napakurap-kurap ako. Tila ay parang ako na ang may kasalanan.
Umiling ako.
"No, tanggap kita."
"Siguro niloloko mo lang ako, Maki!"
Aba't!
"Hindi nga!" malakas kong sambit
Napalakas na pati! (><)
Bigla ay ngumisi siya sa'kin.
"Good, maigi na malinaw."
Nakaramdam ako ng hiya dahil parang sinasabi ko na rin na gustong-gusto ko siya at hindi ko siya lolokohin.
Inirapan ko siya para hindi niya mahalata na nahiya ako.
"Hmm, ano'ng kakainin natin?" tanong niya
"Noddles!" mabilis kong sagot
"Geez, alam kong 'yan ang isasagot mo pero sorry ka, close sila ngayon."
Prrffff!
"Mag 7/11 na lang tayo."
Tapos hinila niya ako patawid sa kabilang kanto kung nasaan ang 7/11.
Hawak niya pa rin ako kamay ko. Hindi ako makapaniwala.
Oh my gosh! I will never let his hand go!
"Wait mo na lang ako dito?" bigla ay tanong niya tapos bigla niyang binitawan ang kamay ko
"Eh?" react ko
Huuuuy! Kasasabi ko lang na hindi ko siya bibitawan e!
"Maupo ka d'yan, baka may umagaw sa pwesto. Ako na lang ang bibili ng noodles sa loob." sambit niya
"Ah, okay."
Pumasok na siya sa loob ng 7/11. Naiwan ako sa pwesto sa labas.
Sabagay, wala nga naman kaming pepwestuhan kung sakaling ma-occupied 'to.
Hinintay ko na lang si Zero, tiningnan ko na lang 'yung mga sasakyan na nagpapa-gas. May gas station kasi sa malapit.
"Miss, nurse ka?"
Nag-angat ako ng tingin sa lalaking lumapit sa'kin.
"Hmm? Yes po."
Tingin ko ay mas matanda siya sa'kin.
Naupo siya sa bakanteng silya sa may harapan ko.
"Nahihirapan ako sa puso ko, pwede mo ba akong i-check up?"
Bilang nurse ay pumayag agad ako. Kinuha ko ang stethoscope ko at ni-ready 'yun.
Habang niche-check ko ang heartbeat niya, hawak ko rin ang wrist niya.
Mabilis lang naman ang ganito, 15 seconds to 1 minute, depende.
"Normal naman po ang pulse at heartbeat niyo, walang dapat ipag-alala."
"Gan'un ba." sambit niya
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Pwede ka bang sumama sa'kin? May ipapa-check pa ako sa'yo."
Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya.
"Hindi ako sasama sa'yo." kontra ko
Medyo nakaramdam ako ng pagkabahala sa lalaki.
"Bilis na, saglit lang tayo." pagpipilit niya pa rin
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Agad hinanap ng mga mata ko si Zero sa loob ng store. Di ko siya makita.
"May kasama ka ba Miss? Sama ka muna sa'kin."
Hinawakan na naman niya ako kaya kumuha na ako ng syringe sa bag ko.
"Bibitawin mo siya o puputulin ko bawat daliri mo sa kamay?"
Sabay kaming napatingin sa nagsalita.
"Zero."
May hawak siyang dalawang cup noodles na umuusok pa.
"Aish! Abala naman o!" sambit nu'ng lalaki
Pabalibag niyang binitawan ang kamay ko kaya tumama 'yun sa table.
"Ouch! Ano ba'ng proble-----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at nandilat na lang ang mga mata ko nang tadyakan ni Zero sa mukha 'yung lalaki.
"Loko ka ah! Bastos ka na, nanakit ka pa! Lumayas ka sa harapan ko, gag*!" singhal ni Zero du'n sa lalaki
Agad naman siyang nagtatakbo palayo sa'min.
"H-Hey! Dumudugo 'yung ilong mo." pahabol kong sambit
"Hoy! Ba't hahabulin mo pa!" inis na sambit sa'kin ni Zero
Nasundan ko na lang ng tingin 'yung lalaki.
"Loko 'yun ah! Hatiin ko siya sa apat e!" sambit niya pa tapos padabog siyang naupo
Buti na nga lang at hindi natapon 'yung laman nu'ng cup noodles.
Naupo na rin ako.
"Thanks." sambit ko
"Ano'ng thanks?! Dapat tinusok mo agad ng karayom mo."
Itinago ko na sa bag ko 'yung syringe.
"Dumating ka na e."
"Tss!"
Inilapit niya sa'kin 'yung cup noodles at disposable spoon and fork.
"Mainit ha." paalala niya pa
Kumuha ako ng bandaid sa bag ko. Nagka-scratch kasi ang likod ng palad ko.
"May sugat? Patingin nga!"
Hinawakan ni Zero ang kamay ko at ni-check 'yun.
"May sugat ah! Aba't! Loko talaga! Nasaan na 'yun!"
Tangkang tatayo siya at hahanapin pa 'yung lalaki.
"Hayaan mo na, napadugo mo na nga ang ilong." saway ko sa kanya
Dinikitan ko na ng bandaid ang likod ng palad ko.
"Tss! Mabuti pang isinama na kita sa loob."
Hayst! Ayaw pa rin tumigil sa pagmamaktol.
Kumain na ako ng noodles.
"Oy, Maki."
"Hmm?"
"Kapag may mga gan'un, tawagin mo ako."
"Eh? Bakit? Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko."
Kaya ko naman talaga. Kung di siya dumating, tinusok ko na lang ng syringe 'yung lalaki.
"Aish! Gusto ko rin maging superhero!"
Muntik na akong mabulunan sa noodles na nasa bibig ko.
"Pambihira! Hindi ka na bata." sambit ko sa kanya
"Tss, KJ." bulong niya
Lihim akong natawa.
Pa-fall masyado, gusto magpaka-superhero.
"Tapusin mo na 'yang pagkain mo para maiuwi na kita sa inyo. Mag-request ka kaya ng day shift para kapag gabi nakakulong ka na lang.",
Tumango ako.
"Okay."
"Pwede 'yun? Bwisit! Ba't ngayon lang."
Ngumiti ako.
"Thanks, Zero."
Na-focus ang mga mata niya sa'kin.
"Saan? Ano'ng ginawa ko?"
Tinanggal ko ang salamin ko. Medyo nagiging emotional ako, naluluha ako.
"Agh! Hindi ko ine-expect na magugustuhan mo ako." sambit ko
"Hindi ko rin naman ine-expect."
Sinamaan ko siya ng tingin kahit blur siya sa paningin ko.
"Sama mo!"
Pupunasan ko sana ang mga mata ko kaso naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko. Pinupunasan niya ang mata ko.
"Hindi ako sweet Maki. Hindi ako magaling sa emosyon kaya matagal bago ko nalaman na gusto kita. Huwag kang umiiyak dahil hindi ka maganda."
Inis kong pinalis ang kamay niya sa mukha ko dahil sa huli niyang sinabi.
Nakakainis e! Ang hilig mang-asar!
Narinig ko siyang tumawa.
Isusuot ko na sana ang salamin ko nang bahagya kong maaninag ang mukha niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Malapit sa'kin.
"Zero?" tawag ko sa kanya para makasiguro kung malapit nga ba talaga siya
"Don't move." bigla ay sambit niya
Sa pagkakasabi niya nu'n, alam ko na malapit lang talaga siya.
Then naramdaman ko ang mga labi niya sa labi ko.
(o____o)
For real?!
Kumpara kagabi, mas matagal ngayon!
Hindi nga talaga ako nakakilos. Para akong na-stuck lang at hindi gumagalaw.
Tapos medyo lumayo siya. Ang bilis ng pagkurap ng mga mata ko dahil sa ginawa niya.
"Geez, ba't ba may table dito! Kakainis!" narinig kong reklamo niya
Napasinghap ako nang tuluyan na siyang lumayo sa'kin at ma-realized kung anong nangyari.
Natutop ko ang bibig ko.
"S-Seriously!" react ko
Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala pa rin akong salamin. Ang bilis ng heartbeat ko!
"Isuot mo na ang salamin mo at kumain ka na." utos niya sa'kin
Ilang segundo pa akong nakagan'un lang bago ko sundin ang sinabi niya.
Pagkasuot ko ng salamin ko nakita ko na nakatingin siya sa'kin.
(>/////////////<)
Zeroooooooo! Boseeeet kaaaa! Ba't gan'yan kaaaaaa!!!!! Huhuhu I like you so much!!!!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (50)

  • avatar
    Anthony Frencillo

    Ako Po c Anthony frencillo

    16d

      0
  • avatar
    Allison Mharie Tan Cruz

    good 👍

    20/08

      0
  • avatar
    Louie Ramirez

    nice

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด