logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Pakiramdam ni Maxine ay nakalimutan niyang huminga dahil sa tinuran nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito sa nangyari sa kanila kaya naman hindi niya alam ang dapat gawin, ngunit isa lang ang sigurado niya, pagdating sa lalaking itinatangi ay mahina siya. Mahina siya sa tukso at pakiwari niya'y anuman ang sabihin nito ay paniniwalaan niya.
Napapikit siya nang bulungan siya nito. "I am attracted to you. The moment I saw you, the moment you said those things to me. The moment you nailed those things in my head, you've caught my attention." napalunok si Maxine nang dumaloy ang kuryente sa kaniyang buong katawan. "Physically and emotionally and I... want you to be mine." Walang pag-aatubili nitong pag-amin.
Malakas siyang napasinghap nang hapitin siya nito sa katawan at muli ay naramdaman niya ang init ng katawan nito. Napakapit siya sa matitipuno nitong balikat upang hindi matumba dahil nag-umpisa na ring manlambot ang mga tuhod niya.
Ang isip niya ay sumisigaw ng hindi ngunit ang kaniyang nagmamahal na puso ay sumisigaw ng oo. Hindi naman tanga si Maxine, sigurado siyang may minamahal na iba si Jamil kaya alam niyang magiging isa lamang siyang panakip butas, isang panandaliang aliw hangga't mawala ang interes nito sa kaniya.
Hindi ba nga't may nakita siyang kaheta? Hindi ba nga't nagpakalango ito sa alak dahil marahil sa kabiguan?
"Be mine, baby. Be mine and I swear I'll put the world in your hands."
Hindi niya namalayang napaluha na pala siya dahil sa sinabi nito. Napakasarap sa pandinig ng inaalok ng binata. Napakasarap isipin ng mga maaari niyang maranasan kalakip ng pangako nito, ngunit alam niyang sa huli ay siya ang talo. Siya ang maiiwang luhaan kapag tinanggap niya ang alok nito. Mahal mo siya pero panandaliang aliw lang ang gusto niya mula sa iyo.
Handa ba siyang magpakatanga? Handa ba siyang hamakin ang lahat? Handa ba siyang tiiisin ang lahat ng sakit makapiling lamang ito? Handa ba siyang... ialay ang katawang sigurado siyang tanging nais na makuha nito?
Jamil, hindi mo lang alam, ngunit ang puso ko ay matagal mo na ring nakuha. Ngayon ay ang katawan ko naman ang nais mo. Oo, hindi ako magpapaka-ipokrita at oo, inaamin ko naman sa sarili ko na... na ilang beses ko ring napaginipan noon na inaanngkin mo ako. Kung paanong paraanan ng mga daliri mo ang katawan ko, kung paano mong halikan ang kabuuan ko. Kung paanong tuluyan kong isinuko ang sarili ko sa iyo nang paulit-ulit at tuluyang nagpagapi sa apoy. Pero ito ang reyalidad at sa reyalidad ay maaari na akong masaktan. Labis na pagkagulo ng isipang sabi ni Maxine sa sarili habang nakatingin lamang sa lalaking kaharap.
"Alam mo man lang ba ang pangalan ko?" hindi naiwasang isatinig ni Maxine pagkuwan.
Humiwalay ito sa kanilang yakapan at nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito nang makitang lumuluha siya. Masuyo nitong pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang mukha. Luha ng pag-aalangan, takot at pagnanais.
"Of course. Bakit hindi kita makikilala, Maxine Alcoriza?"
Sa narinig ay tuluyan na siyang napaiyak at hindi naman ito nagdalawang-isip na yakapin siya. Ang malamang alam nito ang buong pangalan niya gayung hindi naman siya importante at sa dami ng empleyado nito ay isang malaking bagay na para sa kaniya. Ang malamang alam ng lalaking mahal mo ang pangalan mo ay importante na para kay Maxine, ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa kaniya.
"Ssh, I'm sorry. Anuman ang nagawa ko at nasabi ko, sorry. Just.. please don't cry." masuyo nitong pag-alo habang hinihimas ang buhok niya at ang likod niya.
Buong-diin siyang pumikit. Alam niya ang pangako niya sa kaniyang sarili. Alam niya ang responsibilidad niya, ngunit sa huli ay isa lamang siyang babae, isang babaeng nagmamahal at handang gawin ang lahat makamit lamang ang pag-ibig. Kahit pa ang kalakip niyon ay pighati. Kahit ngayon lang, ika ni Maxine sa isip. Kahit ngayon lang ay magiging makasarili muna ako. Pipiliin niya ang mali sa tama. Kahit sandali lang ay hihiramin niya muna si Jamil sa babaeng mahal nito. Kahit saglit ay hahayaan niya ang sariling madarang sa piling ni Jamil.
"Pumapayag na ako." pikit-mata niyang pagpayag.
Agad siya nitong inilayo at nakita niya ang ngiti nito sa mga labi na naging dahilan rin upang mapangiti siya. Siguro nga'y naging mabilis ang pangyayari. Siguro nga'y nagpapadalos-dalos siya ngunit para sa kaniyang matagal nang itinatangi ang lalaking kaharap, isa iyong pangarap na natupad.
"Thank you." pagkawika nito niyon ay hindi na ito nag-aksaya pa ng oras at agad na inangkin ang kaniyang labi sa ikalawang pagkakataon. Isang halik na nagsisilbing tatak sa kanilang kasunduan.
SA MGA sumunod na araw ay kapansin-pansin na ang pag-iiba sa ugali at gawain ni Maxine. Palangiti na siya at laging maaliwalas ang mukha. Minsan ay pakanta-kanta pa siya habang nagt-trabaho. Alam niyang napapansin iyon ng pamilya niya at ng ilang kaibigan sa trabaho, ngunit sa tuwing magtatanong ang mga ito ay gumagawa lang siya ng dahilan.
Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jamil ay imbes na umiwas ay palihim niya itong nginingitian at ito naman ay kinikindatan siya na nagbibigay kilig sa kaniya.
Tunay ngang napakasarap magmahal.
Birhen mang maituturing, may mga naging nobyo naman si Maxine. Kaya lamang, dahil ayaw pa niyang isuko ang sarili sa dalawang naging nobyo noon ay niloko siya ng mga ito at ipinagpalit sa ibang babae. Kaya naman halos nakalimutan na niya kung paano kiligin.
Hindi rin nawawala ang panakaw-nakaw na sandali nila ni Jamil na para bang may asawa ito at isa siyang kerida. Nariyang bigla na lamang siya nitong hihilahin sa isang bakanteng kwarto para doon siya'y hagkan ng mapusok, ngunit hanggang doon lamang iyon dahil pinahahalagahan pa rin niya ang kaniyang pagkababae kahit pa minsan ay madalas itong mawala sa sarili katulad na lamang ng gabing iyon nang matoka ulit siyang maglinis sa penthouse.
"F*ck." mura ni Jamil at natigilan si Maxine. "Let's stop here."
Iyon rin ang nagugustuhan niya kay Jamil dahil iginagalang nito ang kagustuhan niya. Kahit pa alam niyang gusto na siya nitong angkinin ay tumitigil ito para sa kaniya at lalong nadadagdagan ang pagmamahal niya para sa binata.
Nang gabing iyon habang nakaupo siya sa kama niya ay tahimik siyang nakatingin sa bagay na hawak sa kaniyang kamay. Ang itim na kahetang nakita niya sa elavator noong gabing lasing si Jamil.
Hindi siya siguradong sa binata nga ito ngunit malakas ang pakiramdam niya. Gusto niyang tanungin ang binata ukol sa singsing ngunit hindi niya ito natutuloy at nawawalan siya ng lakas ng loob. Siguro dahil takot siya, takot siyang baka kapag ibinalik niya ito ay magbago ang isip nito at iwanan siya. Ngunit sa isiping gustong alukin ng kasal ni Jamil ang babaeng minamahal ay nagdudulot na ito ng labis na sakit sa kaniyang puso.
Kakayanin ba niyang manatili sa tabi ni Jamil kahit pa bumalik ang babaeng mahal nito? Kakayanin ba niya kapag dumating ang panahong pipiliin nito ang babaeng iyon kaysa sa kaniya?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (474)

  • avatar
    CoboyKrizza

    gagokin11

    3d

      0
  • avatar
    Abel A Flores

    thank you

    3d

      0
  • avatar
    Winna Fe Maravillas

    hehe

    5d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด